MasukNanghihina nang sumandal si Sarina sa pader, pinalibutan ng sariling mga bisig ang mga tuhod at dahan-dahang napaupo sa sahig. Kinakabahan siya para kina Luke at Luna. Gustong-gusto niyang malaman ang lagay ng mga ito. At habang tumatagal siya sa silid na iyon ay mas tumitindi ang nararamdaman niyang kaba para sa mga anak. Bawat oras, bawat minuto at bawat segundo ay mahalaga para sa kanya. Kailangan niyang makatakas at makabalik sa mga anak niya.
Lumipas ang tatlong mahabang oras. Ang relo sa dingding ay tumutok na sa alas-dose. Oras na ng tanghalian pero walang sinumang nagdala sa kanya ng pagkain. Napasinghap si Sarina. Mukhang hindi talaga nagbibiros si Damon nang sabihin nito na hindi siya makakakain hangga’t hindi niya sinasabi kung nasaan ang mga anak nila!
Napahawak si Sarina sa tiyan niya. Dahil sa pagmamadali niya kaninang umaga para ipaghanda ang kanyang mga anak sa pag-alis ay dalawang subo lang ang kinain niya. Ngayon ay nagrereklamo na ang tiyan niya sa matinding gutom.
Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng marahang mga yabag na naglalakad sa tahimik na hallway. Mabilis na tumayo si Sarina at pinakiramdamang mabuti ang paligid. Mula pagkabata ay matalas na ang pakiramdam niya kaya alam niya na may taong palapit sa kwarto kung saan naroon siya!
Napakislot si Sarina nang nakarinig ng mahinang katok sa p***o kung nasaan siya. Kasunod ng marahang katok ay isang malambing ngunit maarteng boses ng isang babae.
Kumunot ang noo ni Sarina. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang boses ng kung sino man ang nasa labas ng kwarto.
“Damon? Are you in there?”
Parang tumalon ang puso ni Sarina nang napagtanto at nakilala ang boses ng babae sa labas ng kwarto. Boses iyon ni Avionna! Hindi siya maaring magkamali!
Huminga ng malalim si Sarina at agad na nag isip ng paraan para makatakas. Kung si Avionna lang ay kayang-kaya niya itong takasan. Kailangan niya lang na iparamdam dito na may tao sa loob ng kwarto.
Sinadya ni Sarina na gumalaw para isipin ni Avionna na may tao sa loob ng kwarto. Napasinghap siya at nahigit ang hininga nang muling narinig ang boses nito.
“Are you really in there, Damon?” Muling tanong ni Avionna. Tamang-tama ang nasa isip niya. Kung hinahanap nito si Damon ay ibig lang sabihin non ay wala ito sa ibaba. Wala ito doon kaya siguradong makakatakas siya!
“I’m coming in, Damon…” Muling anunsyo ni Avionna kaya huminga ng malalim si Sarina at naghintay sa gagawin nitong pagbukas ng p***o.
Samantala, ibayong saya ang nararamdaman ni Avionna habang nakatayo sa harap ng kwarto ni Damon. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman dahil hinayaan siya ni Damon na pumasok sa silid nito. Kahit kailan ay hindi siya nito hinayaan na pumasok sa loob ng silid na iyon. Kahit ang mga kasambahay ay hindi pwedeng pumasok doon para maglinis dahil hindi pumapayag si Damon na may ibang papasok at gagalaw sa mga gamit sa silid nito.
Hindi pa rin siya makapaniwala na makakapasok na siya sa pangarap niyang silid. Tuwang-tuwa siya at bumibilis ang kabog ng dibdib dahil sa saya. Hindi man lang siya pinigilan ni Damon nang sabihin niya na papasok na siya sa loob. Mukhang gusto rin nito na papasukin siya kaya sa sobrang tuwa ay inayos niya pa ang sarili bago tuluyang pumasok sa silid.
Sinadya niyang buksan ang ilang butones ng suot niyang polo para ipakita ang maganda at kaakit akit niyang collarbone. Siguradong magmumukha siyang kaakit akit sa paningin ng kahit na sinong lalaki kapag nagkataon.
Ang akala ni Avionna ay si Damon ang mabubungaran niya sa loob ng kwarto ngunit hindi niya inaasahan na may tatama na kung ano sa leeg niya.
At dahil hindi iyon inaasahan ni Avionna ay basta na lamang itong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay!
Alam ni Sarina na hindi niya napuruhan si Avionna. Sigurado siyang magigising din ito at magkakaroon ng malay makalipas ang isang halos isang oras. Gusto lamang niya na magkaroon ng sapat na oras para makatakas kaya niya iyon nagawa.
Nang makita ang walang malay na si Avionna ay hindi na siya nagdalawang isip na iwanan ito doon. Kumakabog ang dibdib niya sa gagawing pagtakas. Wala si Damon sa ibaba kaya nga ito hinahanap ni Aviona.
Madaling madali siya sa pagbaba sa bawat pasilyo ng villa. Habang naglalakad palabas sa p***o ng bahay ay hindi maipaliwanag ang kabang nararamdaman ni Sarina. Ang tanging laman lamang ng isip niya ay ang makatakas doon para masiguro kung nakasakay nga sa eroplano ang kambal. Hinding hindi talaga siya matatahimik kung hindi niya malalaman ang kalagayan ng mga ito.
Habang palapit nang palapit sa p***o sa pinaka ibaba ng villa ay mas lalong nilulukob ng kaba ang dibdib niya. Ilang hakbang na lang ay abot kamay na niya ang p***o. Makakalabas na siya doon at sa wakas ay makakalaya!
Nang isang hakbang na lang ang natitira ay hindi na nagdalawang isip si Sarina at agad na inabot ang doorknob. She was about to grab the doorknob when a cold voice interrupted her!
“Where the hell are you going?”
Napadta si Sarina nang marinig ang pamilyar na boses na iyon!
Nang marinig ni Harold ang pag-ubo ni Sarina at mapansin ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya ay bahagyang kumunot ang noo nito.“You okay, Sarina?” Halata ang pag aalala at concern sa boses at mukha nito nang magtanong. Napakurap kurap si Sarina.Naalala niya ang sinabi noon ni Harold na mayroon na itong gusto sa isang tao. Kaya naman muli niyang kinumbinsi ang sarili na ang nararamdaman nito para sa kanya ay simpleng pag-aalala lang ng isang senior sa junior apprentice nito.Bukod pa roon ay likas naman na mabait, magalang, at maalalahanin si Harold. Hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa ibang tao. She’s definitely overthinking things!Mabilis niyang itinaboy ang kung anu-anong naiisip niya at kaswal na tumango."Yes, Harold. I'm fine! Thank you for this ointment.”Nang makitang maayos naman ang pakiramdam ni Sarina ay saka lang nakahinga ng maluwag si Harold.Samantala, sa hindi kalayuan ay hindi napigilan ni Jasmine na tumikhim ng dalawang beses habang nakatayo malapit sa dal
"Sarina, nabalitaan mo na ba? Avionna has been admitted to the hospital!"Agad na lumuwag ang ekspresyon ng mukha ni Sarina. Akala naman niya ay may nangyaring masama sa isa sa mga pasyente nila pero iyon lang naman pala ang ibabalita ni Jasmine. Ano naman ang pakialam niya kung maospital si Avionna?Walang interes na kumuha siya ng isang bote ng tubig at uminom. Pagkatapos ay kaswal lang siyang umungol bilang tugon sa sinabi ni Jasmine."Alam mo bang wala raw tigil sa pag iyak si Avionna simula noong nagising siya? Lahat ng nurse ay pinag-uusapan na siya at nagtataka kung ano talagang nangyari sa kanya!” Hindi pa ri tumitigil na sambit ni Jasmine."Whatever happens to her is none of my business." Wala pa ring pakialam na komento niya. Sanay na siya sa kung ano-anong kadramahan at pagkukunwari na ginagawa ni Avionna kaya ano pa bang bago doon? Malamang ay isa lamang iyon sa mga pakulo ng babaeng yun!"Alam mo? Mukhang kinakarma na yung bruhang Avionna na yun dahil sa mga ginagawa niya
Kabadong kabado na napahawak si Avionna sa dibdib. Para bang may mabigat na bagay na dumagan sa kanya na halos hindi na siya makahinga. Isang matinding takot na hindi pa niya nararanasan kailanman ang biglang bumalot sa buong katawan niya.“Avionna, what's wrong?”Balak na sanang bumalik ni Mrs. Zamora sa kwarto nito pero nang dumaan ito sa tapat ng study room ay nakita nitong nakasandal si Avionna sa dingding.Agad niyang nilapitan ang dalaga. Pero nang makita niya nang malapitan ang mukha nito ay napasinghap siya. Maputlang-maputla si Avionna. Halos wala nang kulay ang mukha at nanginginig ang buong katawan na para bang takot na takot sa kung ano mang dahilan.“Avionna, are you okay? You look so unwell. What happened to you?” Nag aalalang usisa ni Mrs. Zamora. Lalong nag-panic si Avionna.Sa loob ng study room ay narinig na rin nina Damon at Dylan ang ingay sa labas kaya sabay silang lumabas.Pagkakita kay Avionna sa ganoong kalagayan ay bahagyang kumunot ang noo ni Damon.Samantala
Sandaling natahimik si Mrs. Zamora. Nanliit ang mga mata nito na tila nagbabadyang sumabog sa galit bago biglang napataas ang boses dahil sa matinding pagkadismaya.“That's only because Sarina keeps wandering shamelessly around our family! For sure she’s purposely trying to seduce Damon!”Galit na galit ito na lalong ikinatuwa ni Avionna. “Alam mo bang akala ko noon ay napakalinis ng intensyon ni Sarina sa pamilya namin? But look at her now! Ang kapal ng mukha niya na bumalik at magpakita dito na hindi man lang nakukunsensya sa ginawa niya noon! I will definitely never allow her near Damon again!”Napangiti nang palihim si Avionna nang makitang nagtagumpay ang plano niya. May kasiyahang bumalot sa puso niya nang marinig ang sinabi ni Mrs. Zamora. Agad siyang tumayo at lumapit kay Mrs. Zamora at saka malambing na niyakap ang braso nito.“Tita, please don't be upset. Hindi po makakabuti sa kalusugan ninyo na naistress kayo dahil kay Sarina.” Malumanay at puno ng concern na sambit ni Avi
Abala ang mga kasambahay sa pagliligpit ng mga kalat at sa pag-aayos sa main house ng Zamora mansion na kanina lang ay ginulo ng isang hindi nila matukoy kung saan galing na robotic dog.“What on earth is going on here? Are you all telling me that the whole house is a mess because of a robotic dog?!”Nakaupo si Mrs. Zamora sa sofa at mariing nakakunot ang noo. Halatang-halata sa mukha nito ang matinding pagkadismaya dahil sa nangyari sa buong mansyon. Mahigpit ang security sa buong mansyon kaya hindi niya alam kung paanong naipasok sa loob ang isang robot!“I want you to investigate this immediately! Find out exactly who dared to pull such a malicious prank and dared mess with our family! Akala ba nila ay palalampasin ko ito? No way!” Bahagyang humigpit ang pagkakahawak ng mahahabang daliri ni Damon sa maliit na robotic dog. Lalong dumilim ang dati ng madilim na ekspresyon sa mukha nito.“I'll handle it.” Tumayo na si Damon at naglakad papunta sa itaas.“Kuya, I'm coming with you!”
Sa sobrang galit at panic ni Avionna ay naging matinis at matalim ang boses niya. Halos nakalimutan na niya kung nasaan siya kaya hindi niya namalayan ang mga lumabas sa bibig niya!Hindi makapaniwala na napatingin si Mrs. Zamora kay Avionna. Hindi niya akalain ang mga salita na narinig niya mula sa isang mahinhin, pino at kagalang galang na babaeng si Avionna.Hindi lang si Mrs. Zamora ang natulala dahil sa kagaspangan ng ugali na ipinakita ni Avionna. Pati ang lahat ng kasambahay na naroon ay napatingin sa kanya nang may pagtataka.Paano nangyari na ang Miss Avionna na palaging mahinhin magsalita, gentle, at napakagandang kumilos ay biglang naging isang babaeng nagwawala at nagsisisigaw na para bang isang palengkera?Ang mas nakapagtataka pa ay bago bumaba si Avionna ay ang robotic dog ay abalang-abala lamang sa pagwasak ng mga muwebles. Wala naman itong ipinakitang intensiyong manakit ng tao.Pero nang lumitaw si Avionna ay sa kanya nito itinuon ang lahat ng atensyon at nagsimula i







