Share

Kabanata 12.2

Malalaki sila, may mga sungay pa ang iba. May mga nilalang pala talaga ang nag-eexist sa mundo, may parang kalabaw pa na malaki pero maraming mga mata at may sungay. Anong klaseng mga nilalang ang inaalagaan nila?

Maayos naman kaming nakarating sa dulo at halos matunaw ang puso ko sa nakita kong kalagayan nila. Hindi ko na malaman kung anong kulay na ng mga damit nila dahil puro putik na ang mga iyun. Mga tulog sila at hindi na nila namalayan ang pagdating namin. Nakita ko pa ang tira nilang pagkain na nasa isang planggana.

Anong klaseng mga nilalang sila? Wala silang awa sa aming mga tao. Para silang mga hayop sa ginawa sa kanila, amoy ko na rin ang mabahong kulungan nila. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko, hindi ko kinaya ang mga nakikita ko sa kanila.

Pinahid ko ang mga iyun at lumapit sa kulungan nila para gisingin.

“Grace, pssst.” Mahinang gising ni Ate Layla sa kasamahan niya. “Hoy Grace.”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status