Lahat ng bampira ay sa kaniya na nakatingin, kaniya kaniya na rin silang gilid at ng makita ni Clayton ang isang bampirang nakasuot ng kappa ay alam niya ng ito si Daryll na kanilang hari.
“Okay ka lang ba? Bakit ba naman kasi sinagot sagot mo pa eh. Kita mo tuloy nangyari sayo. Bakat ang kamay niya sa leeg mo.” Nag-aalalang wika ni Layla habang sinusubukang gamutin ang ilang kalmot sa leeg ni Amara. Tumayo naman si Amara at tiningnan ang sarili sa salamin, kita niya ang pagkakaroon ng pasa doon dahil sa pagkakasakal sa kaniya ni Daryll.“Mas pipiliin kong mamatay kesa ang magpakasal sa katulad niyang nilalang.” Bakas na bakas ang galit ni Amara kay Daryll dahil sa ginawa nitong pananakit sa kaniya.“Pero paano ka pa maliligtas ng mga kaibigan mong werewolf kung mamamatay ka? Ikaw na lang ang pag-asa namin dito Amara para makalabas kami at makasama pa namin ang mga pamilya namin.” napabuntong hininga naman siSinimulan na ng buong kaharian ng mga bampira ang paghahanda para sa gaganaping kasal ni Amara at ni Daryll. Inaayos na rin ang paggaganapan ng kasal at panay na rin ang sukat ng ilang mga mananahi ng katawan ni Amara para sa wedding gown. Hinayaan niya na ring magdesisyon para sa lahat si Daryll para sa tema ng kanilang kasal maging ang mga susuotin. Naging abala ang lahat, napalaya na rin ang tatlong babaeng nakakulong sa ilalim ng palasyo at tumulong sa paghahanda.Wala naman sa sariling sumunod si Amara sa mga mananahi, panay na lang din ang tango niya sa tuwing tinatanong siya sa mga bulaklak na idedecorate. Halos mabaliw naman sa kakasigaw si Clayton sa kaniyang kulungan.Nang matapos ang sukatan ni Amara ay dumiretso siya sa kusina para ipaghanda ng pagkain si Clayton.“What are you doing?” biglang sulpot ni Daryll sa gilid ni Amara pero hindi na nagulat si Amara dito.“I’m just preparing a food.&rdqu
“Anong nangyari sayo Amara? Are you okay?” salubong na tanong ni Layla ng makapasok si Amara sa kwarto, nandun din ang tatlong kasamahan pa ni Layla.“I don’t know, hindi ko na alam ang gagawin ko. Oras na dumating ang mga kasamahan ni Clayton sumama na kayo agad sa pagtakas kung meron man, hindi ako sigurado sa buhay ko dito.”“Anong ibig mong sabihin?” sabat na rin ni Grace.“Ang sabi sa akin ni Clayton ay mahirap ng makawala oras na napangasawa na ako ng bampira lalo na kung namarkahan na ako, hindi ko rin alam kung kakayanin ba ng katawan kong tao.”“Wala akong alam sa mga bampira pero base sa mga napapanuod at nababasa ko, kapag nagkaroon ng asawa ang bampira na tao, ginagawa niya muna itong bampira. At ang alam ko sa pagmamarka ng bampira ay sa pamamagitan ng pagkagat nito sa kahit anong parte ng yung katawan, dahil kapag nabuntis ka ng bampira bilang tao, hindi kaka
Dumating ang araw ng kasal nila. Aligaga ang lahat dahil ilang oras na lamang ay magsisimula na. Sinimulan na rin nilang ayusin si Amara, nakahanda na rin ang kaniyang wedding gown niyang puti. Ang kauna unahang taong ikakasal sa bampira at nagsuot ng puting gown. Sa mundo ng mga bampira ay madalas na gamitin ng mga kababaihan sa kasal ay isang itim o pulang gown subalit naiiba ang kay Amara.She is the first bride in history who is not happy in her wedding day. Wedding is a special event but for Amara this is a curse.“The saddest bride.” Wika ni Layla. Nanatili namang walang emosyon ang mukha ni Amara, malalim ang kaniyang iniisip. Ni hindi na rin siya nagpaayos pa ng mukha dahil bakit kailangan pang ayusin at magpaganda kung hindi niya kagustuhan ang kasal?Nakatitig lamang siya sa kaniyang isang mahabang gown at hindi niya namalayan ang paglandas ng kaniyang luha. Iniisip niya ang kaniyang Lola sapagkat ilang linggo niya na rin itong hi
Hinaplos at tiningnan niya sa salamin ang dalawang bakas ng pangil dun ni Daryll. Ni hindi niya rin naramdaman ang sakit.“Make it faster.” Hindi makapaghintay na anas ni Daryll sa labas ng pintuan ni Amara. Lumabas na siya at sumunod na lang kay Daryll patungong hapag kainan.Wala siyang gana sa bawat pagsubo niya, pakiramdam niya ay susuko na ang kaniyang katawan. Ramdam niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan, tila ba nauuhaw siya. Hindi niya matukoy kung anong nais niyang inumin. Sinubukan niyang uminom ng maraming tubig subalit kulang pa rin iyun, hindi pa rin napupunan ang kaniyang pagkauhaw. Nang-iinit na ang kaniyang katawan, nanghihina na rin sapagkat hindi niya alam kung ano ang kaniyang iinumin.Naituon na lamang niya ang kaniyang kamay sa kaniyang upuan ng maramdaman niya ang pagkahilo. Ilang kurap na rin ang ginawa niya dahil nanlalabo na ang kaniyang mga mata. Inayos niya ang kaniyang sarili at hindi pinahalata na hind
Lahat ng mga bampirang humaharang sa daraanan ni Clayton ay pinapatay niya ito sa isang iglap lamang. Nagiging apoy ang katawan pagkatapos ay tuluyan ng mamamaalam sa mundo. His eyes blazed like fire. He clenched his two fists and he was furiously staring at the King of the Vampire.Nakatulala lang naman si Daryll at pinanuod kung paanong pinatay ni Clayton ng walang kahirap hirap ang kaniyang mga tauhan. Sinubukang tumakas ni Daryll dahil alam niya sa sarili niyang hindi niya kakayanin si Clayton subalit sadyang mabilis ang kilos ni Clayton kaya nagulat na lamang si Daryll ng bigla niyang makita sa harapan niya si Clayton.Kita niya ang naghahalong pula at asul na kulay ng mata ni Clayton. Alam niyang wala sa control si Clayton dahil sa kulay ng kaniyang mga mata, wala siyang pakialam kung sino man ang mapatay niya ngayong araw. Umatras ng umatras si Daryll hanggang sa makorner na siya sa pader. Sinakal siya ni Clayton at walang kahirap hirap na iniangat i
“Mga wala kayong kwenta!” malakas niyang sigaw at muling umalis. Sunod sunod nanaman ang pagtulo ng kaniyang mga luha ng unti unting isarado ni Amara ang kaniyang mga mata. Pilit siyang ginigising ni Clayton subalit hindi man lang ito sumagot.Hinawakan ni Clayton ang kamay ni Amara at napahagulgol na lamang siya ng maramdaman ang panlalamig nun, huminto si Ivan sa kaniyang pagtakbo, ibinaba naman ni Clayton si Amara. Nagform into human na si Ivan at lumapit sa Kuya niya.“Kuya,” bakas ang awa sa kaniyang boses, hawak hawak ni Clayton ang kamay ni Amara habang nakayuko siya at tahimik na umiiyak. Itinapat ni Ivan ang hintuturo niya sa ilong ni Amara at nanlaki ang kaniyang mga mata ng wala siyang maramdaman na hangin dun. Hinawakan niya na rin ang katawan ni Amara at malamig na ito. Napatingin na lang siya kaniyang Kuya na tahimik na umiiyak, ngayon niya lang ito nasaksihan na umiyak. Naramdaman niya na ang pagbabalik ng ugali ng dat
Lumipas ang araw simula ng mangyari ang kaganapan sa ilalim ng lupa. Hindi na rin nagpakita pa si Daryll at nagtago na. Ang Alpha nilang malumanay pa nitong mga nakaraang araw dahil wala pang alaala, ngayon ay parang walang araw na hindi siya nagalit. Walang araw na walang nasirang kagamitan sa palasyo. Ang galit ng Alpha nilang ngayon lang nila nasaksihan.“Sinabi ko na sa inyo na hanapin niyo siya kahit saang lupalop ng mundo!! Pagpipirapirasuhin ko ang katawan niya.” gigil niyang aniya habang nakakuyom ang dalawang kamao. Nakaupo siya ngayon sa kaniyang trono habang ang mga tauhan niya ay nakayuko sa kaniya. Mga tauhan niyang inutusan niya para maghanap kay Daryll.“Masusunod po.” Mabilis nilang sagot at parang hanging nawala sa kaniyang harapan.“Kuya, magpahinga ka naman muna. Marami namang maghahanap kay Daryll eh, sa tingin mo ba matutuwa si Amara kapag nalaman niyang ganiyan ang ginagawa mo sa sarili mo?&rd
“Ano ba ang mahalaga sayo ngayon taong lobo? Ang apo ko ba ang katauhan ko?” blangkong tanong ng matanda sa kaniya. Napatayo naman ng maayos si Clayton.“Of course, it’s Amara.” Tanging sagot niya.“Kailangan mong mahanap ang pulang bulaklak sa bundok mahal, ang mundo niyo ay malayo mula sa mundo namin. Matatagpuan mo ang bulaklak na iyun sa isang bundok, pero mahirap. Wala pa ang sino man ang nagtagumpay na makalabas dun.” Wika ng matanda.“Wala akong pakialam kung mahirap, kung ang bulaklak na yun ang makakapagpagaling kay Amara gagawin ko. Saan matatagpuan ang bundok mahal? Teka, bakit bundok mahal?” nagtataka at naguguluhan niyang tanong.“Ang bundok na iyun ay puno ng pagmamahal. Marami ang nagtatangkang kunin ang bulaklak na yun, nag-iisang puno lang siya. Labing limang taon bago magpalit ng bulaklak kapag may nakakuha ng iba kaya maaaring makakuha ka maaring hindi r