“Who do you think you are? Kahit sino ka pa wala kang karapatan para basahin ang isip ko.” inis kong saad sa kaniya, private ko na iyun pero binabasa pa rin niya. Nawala naman ang liwanag ng mukha niya at yumuko.
“Ipagpaumanhin niyo po ang aking kapangahasan Kamahalan.” Naguilty naman ako sa sinabi ko, bumuntong hininga na lamang ako. Simula noong mangyari ang lahat nagiging mababa na ang pasensya ko at madalas ng magalit.“Pasensya na po kayo sa naging asal ko, hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako. Nagiging mainitin ang ulo.“Normal lamang iyan dahil epekto ng kapangyarihan mo, naoobserbahan mo naman siguro na walang kinikilala ang kapangyarihan mo kapag nagigising siya sa katawan mo.”“Hindi po ba maaaring makapasok ang mga magulang ko? Baka kasi nag-aalala na sila sa akin eh. Kanina pa sila diyan.” Binaling ko ang paningin ko sa mga magulang kong patuloy pa rin ang paNapayuko na lamang ako habang habol ko ang hininga ko. Halos mabasa na rin ang damit ko dahil sa pawis kahit na hindi naman mainit dito.“Hindi ba pwedeng magpahinga na muna ako!” sigaw ko kay Venus na hindi ko nanaman makita kung nasaan siya.“Paano mo makokontrol ang kapangyarihan mo kung puro pahinga ang nasa isip mo!” galit niyang sigaw sa akin, damn it! Muli akong humugot ng malalim na hininga saka inilinga ang paningin ko sa paligid at hinanap siya. Hindi ko siya makita at mabilis ang kilos niya.“AHH!” daing ko ng muli niya akong ihagis sa isang puno, ramdam ko ang sakit sa katawan ko pero muli akong tumayo.“Gamitin mo ang kapangyarihan mo at pakiramdaman mo kung nasaan ako?!” malakas niyang sigaw, sinubukan kong gawin ang sinasabi niya subalit masyado ng pagod ang katawan ko at hindi ko na maituon ang atensyon ko sa kaniya. Pinakiramdaman ko siya subalit wala pa ring
“Pwede bang maligo dito?”“Oo naman po, lahat ng makita mo dito ay pagmamay-ari mo ayun sa dyosa.”“Nakita mo na ba ang dyosa?” kuryoso kong tanong sa kaniya.“Hindi po, wala pang nakakakita sa kaniya dahil sa buwan siya nakatira at hindi maaaring makababa sa lupa.”“Bakit naman hindi siya makakababa sa lupa?”“Dahil iba po ang hangin dun sa hangin dito, maaari po kasing manghina ang puso nila kapag bumaba sila sa lupa. Siguro po makakababa sila pero hindi pwedeng magtagal.” Napatango tango na lamang ako, para akong nakikinig ng fairytale sa kaniya. Marami na akong nabasa tungkol sa iba ibang nilalang ganun na rin sa mga dyosa ang iba ay tama samantalang ang iba naman ay hindi. May nabasa akong maaaring makababa ang dyosa sa lupa at magkaroon ng kapareha pero sa mundong ito ay hindi pwedeng bumaba ang dyosa. Kung ganun kontento na silang magbantay
Halos mabingi ako sa sinabi ni Venus sa akin, n-nagtataksil ang kapareha ko? Pero paanong nangyaring nakilala ko na siya? Ano ba ang basehan kung nakilala ko na ang kapareha ko? halos mabaliw ako sa kakaisip kung sino nga ba ang kapareha ko at kung bakit nagagawa niyang magtaksil sa akin, alam niya na kaya na ako ang kapareha niya? pero bakit nagagawa niya sa akin ito? kung alam na ng buong nilalang ang pwedeng mangyari sa mga kapareha nila kapag nagtataksil sila bakit ginagawa pa rin nila? Hindi ko alam na uso rin pala ang pagtataksil sa mundong ito, hindi ba sila makapaghintay para sa mga nakalaan sa kanila? hindi ko maiwasang hindi umiyak sa tuwing naaalala kong matagal na siyang nagtataksil sa akin. Akala ko kung ano lang ang pananakit ng dibdib ko kaya pala nagiging emosyonal din ako. Hinayaan na muna ako ni Venus na mapag-isa at makapag-isip, hindi pa lang kita nakikilala o nakikita pero alam ko ng kaya mo akong pagtaksilan.Napabuntong hininga na lamang ako at na
***Nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang pagsakit ng katawan ko, hindi ko alam kung saan, hindi ko maintindihan.“AHHH!” malakas kong daing, napabangon na lang ako sa higaan ko. Narinig ko ang paglipad ng mga ibon na nakadapo sa mga puno. Halos gumapang ako sa lupa sa tindi ng sakit ng katawan ko, pakiramdam ko humahapdi ang mga balat ko pero hindi ako sigurado dahil kapag hinahawakan ko iyun ay wala naman akong maramdaman. Napakalmot na lang ako sa damuhan dahil mas lalo iyung tumitindi, napahiga ako at napatingala sa buwan na bilog na bilog sa kalangitan at tila kalalabas lang nun sa mga ulap. Napatingin ako sa mga kuko ko ng unti unti iyung humaba at tumulis. Anong nangyayari? Lumabas na ang pangil at mahahaba kong kuko bilang bampira pero yung nakikita ko ngayon ay hindi kuko ng isang bampira, para itong kuko ng isang hayop.“AHHH!” muli kong daing, napaluhod na ako sa damuhan, pakiramdam ko kapag tumatama sa akin ang
Halos manlabo na rin ang mga mata ko dahil sa pagbuhos ng mga luha ko. Tanging naririnig ko na lang ay paglipad ng mga ibon sa himpapawid dahil sa malakas kong sigaw. Muli kong tinapik ang pisngi ni Clayton at nagbabakasakaling imulat niya ang mga mata niya. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko ng unti unti ng naglaho sa tabi ko si Clayton. Napatingala na lamang ako ng makita ko si Venus, nanlilisik ang mga mata ko sa kaniya. Nasaan siya noong kailangan ko siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.“You failed.” Usal niya. Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin, ang alam ko lang galit ako pero hindi ko siya kayang saktan. Wala siyang kasalanan at ayaw kong ilipat sa kaniya ang galit ko. “You failed, Amara.” Muli niyang saad. Nakatingala lang ako sa kaniya habang seryoso siyang nakatingin sa akin. “Sinabi ko sayong sasanayin natin ang isip at nararamdaman mo, ngayon alam mo na kung anong mangyayari sayo.” unti unting nan
“Amara!” rinig kong sigaw ni Lucas kaya mabilis akong lumingon sa likod ko at inunahang paslangin ang nagtangkang papatay sa akin. Inilibot ko ang paningin ko at kahit saang sulok ay tanging iyakan na lamang ang naririnig ko. Minsan ko pang nilingon ang katawan ni Ina at si Ama na patuloy pa ring nakikipaglaban. Patawarin mo ako Ina. Tumalikod na ako at tinulungan ang mga nilalang na walang alam sa pakikipaglaban subalit sinusubukan pa rin para sa kanilang kaligtasan. Walang awa kong pinihit ang mga ulo nila at hinayaang tangayin ng hangin ang kanilang mga abo, ang paglubog ng mga kuko ko sa mga leeg nila. Nag-anyo akong lobo at para silang mga hayop na kinagat at inihagis ko sa kung saan. Mabilis kong tinakbo ang isang batang puntirya ngayon ng dalawang kadilimang ito, bago pa man sila makarating sa bata ay humarang na ako at hinarap sila. Hindi naman na ako nagsayang ng oras at kinalmot ang mga mukha nila at kinagat ang ulo at pilit kong inihiwalay sa katawan nila saka
“Ina!” sigaw ko mula sa baba. Inalis ko naman ang hoodie’ng nakasuot sa akin at bakas ang gulat at tuwa sa kaniyang mukha. Napatigil naman si Ama sa ginagawa niya at napatingin sa akin. Malapad akong ngumiti sa kanila. Hindi ko alam kung gulat pa ba silang nakita ako dahil napatigil sila, napatingin naman ako kay Lucas na tumakbo pa para makalabas. “Amara, anak.” Mahinang usal ni Ina pero rinig ko iyun dahil kaya kong pakinggan ang mga ingay kahit na nasa malayo ako. “Ina.” Anas ko, binitawan niya naman ang hawak hawak niya at dali daling bumaba, ganun na rin si Ama na tumalon na lang para mabilis na makapunta sa akin. Sabay nila akong niyakap kaya natawa na lamang ako. “Anak” usal pa ni Ina, ramdam ko naman ang paghaplos sa akin ni Ama sa ulo ko. Nginitian ko na lang si Lucas na nakatayo sa harap ng pintuan. “Kamusta ka na? Maayos ka lang ba? Kamusta ang pagsasanay mo?” sunod sunod na tanong sa akin ni Ina ng kumalas na siya sa pagkakayakap sa ak
“Alam kong gusto niyo lang namang mamuhay ng tahimik pero hindi na ho ako ang magiging dahilan ng pagkawasak ng mundo natin, ako na ang proprotekta sa inyong lahat dahil kaya ko ng kontrolin ang kapangyarihan ko.” itinaas ko ang kanan kong kamay at nagpalabas ng apoy ganun na rin sa kaliwa kong kamay pero tubig naman dun.“Makontrol mo man o hindi ang kapangyarihan mo, oras na nakuhanan ka kahit na isang patak lang ng dugo ng mga nasa kadiliman ay wakas na ng lahat.” hindi naman ako nakapagsalita, kita ko sa gilid ko ang paglapit sa akin ni Lucas.“Bakit natin siya kailangang pagdudahan? Mangyayari lamang ang sinabi niyo kung mayroon sa mga katulad natin ang traydor sa kaniya. Siguro naman ay lahat tayo ayaw ng kaguluhan kaya oras na trinaydor niyo siya lahat ng nilalang dinamay niyo. Kesa ang punuin natin siya ng katanungan bakit hindi na lang natin siya protektahan at suportahan?” usal ni Lucas. Nilingon ko siya at ngin