Share

Kabanata 26.2

Paulit ulit siyang umiling at umaasang hindi totoo ang sinabi ni Clayton. Ayaw niya ng makitang mahirapan pa ang Apo niya, ayaw niya ng iparanas pa ang naranasan ng mga magulang nito. Bakit kailangang maulit ang nakaraan? Bakit kailangang maulit ang lahat? at sa anak at apo pa niya?

“No, this is not happening.” Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman. Hindi siya hadlang sa kung sino man ang makakapareha ng kaniyang apo subalit bakit kailangang sa isang lobo nanaman? Bakit kailangan niyang maranasan ang nangyari sa kaniyang mga magulang? Hindi pa siya tapos sa kinakaharap niyang problema na wala pang kasiguraduhan kung maayos pa ba o malulutasan pa niya, subalit ano nanaman itong problemang dumating sa kaniya?

Napahilot na lamang sa noo si Amelia dahil sumasakit ang ulo niya sa kaiisip, tila ba isinumpa ang kababaihan sa kaniyang pamilya. Hindi pa ba sapat ang minsang nangyari kay Amaia at Dawn? Hindi pa rin ba nakokontento ang Dyosa ng buwan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status