Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Palihim siyang nag-panic. Hindi ba naisip ni Anthony na may kasama sila rito sa sasakyan? Itutulak sana ni Analyn ang binata, pero mas pinalalim nito ang paghalik at pakiramdam niya ay nalulunod na siya sa mga halik ng binata. Napapikit na lang si Analyn, nagpatangay na lang siya sa paghalik ng binata sa kanya. Hindi na alam ni Analyn kung gaano sila katagal naghahalikan. Ang alam lang niya ay nage-enjoy siya, at kung pwede lang ay huwag ng matapos ang halik ng binata.Nang bitiwan ni Anthony ang mga labi ni Analyn, tinitigan niya ang mukha nito. Gusto niyang mapangiti sa nakitang itsura nito. Tila ito wala sa wisyo, kaya isinandal niya ang ulo nito sa balikat niya. “Sleep,” utos ni Anthony, “malayo pa tayo sa bahay.”Naging sunud-sunuran na lang si Analyn sa binata. Ipinikit niya ang mga mata niya. Niyakap siya ni Anthony ng isa nitong braso. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang nakalutang sa hangin, lalo na nang ikulong ni Anthony ang kamay niya sa
Malapit na ang uwian ng makatanggap ng mensahe si Analyn galing kay Anthony. Mabigat na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Lumabas siya ng opisina niya habang mahigpit na hawak ang kanyang telepono. Hindi na niya kailangang itanong kay Anthony ang dahilan kung bakit siya nito pinapaakhyat sa opisina niya.Ginamit niya ang private elevator ni Anthony. Binigyan siya nito ng access. Kailangan lang niyang itapat ang fingerprint niya sa scanner. Walang ibang nakakaalam nito kung hindi ang mga staff lang ni Anthony.Pagkalabas niya ng elevator, napansin niyang walang tao roon. Sumilip siya sa Meeting Room doon. Nakita niyang naroroon si Anthony at Vivian, habang may kasamang iba pang mga hindi niya kilalang mga tao.Napansin niya na pasimpleng sumenyas si Anthony kay Vivian. Agad na tumayo si Vivian at l
Sumimangot si Elle. “Pero, Kuya… bigla ka na lang nagpakasal sa kanya ng hindi namin nalalaman. Hindi kami nakahanda sa balitang ‘yun.”May tumulo pang luha kay Elle. Pasimpeng napa–ismid si Analyn. Magaling aarte itong isang ito.“My marriage is my own business. Hindi ko kailangang ipaalam o ipagpaalam iyon sa ibang tao,” sagot ni Anthony, at saka kinuha ang kahon ng tissue sa mesa niya.Kumuha siya mula roon ng tissue at saka pinunasan ang nabasang pisngi ni Elle. “At least ngayon, alam mo na ang kasal ko.”“Ano ba ang saysay kung alam ko na ngayon? Ano ba’ng nakita mo sa kanya? Mahirap lang siya. Ulila. Walang presentableng pamilya. Nagmamaganda lang naman. Ni hindi nga namin alam kung may pinag-aralan ang babaeng ‘yan. Ano? Gusto mo bang gumawa ng bagong version ng Cinderella story, Kuya Anthony?”“Dahil hindi ako gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya,” sabat ni Analyn.“F**k you!” galit na sagot ni Elle kay Analyn. “Elle! Sa tingin mo ba, sino ang walang pinag-aralan sa inyong
“Saan tayo kakain? Uuwi na ba tayo?” naisipang itanong ni Analyn bago sila makarating ng private elevator ni Anthony.“No. Diyan lang sa restaurant sa ibaba.”Nanlaki ang mga mata ni Analyn.“Dun na lang tayo kumain sa office mo. Magpa take ka na lang sa staff mo.”Nagkibit-balikat si Anthony, “as you wish.”Naglakad na pabalik ang dalawa. Si Analyn ay dumiretso sa loob ng opisina ni Anthony, habang ang lalaki ay nagpunta muna sa cubicle ng mga secretary.Hindi nagtagal, dumating na ang pagkain nila Anthony at Analyn.“Boss Anthony, nandito na po ang pagkain n&rsqu
Katulad ng nakasanayan, pinapaalis muna ni Analyn ang lahat ng tao niya at saka siya aakyat sa palapag ng opisina ni Anthony. Kapag ganung oras, wala na rin ang mga staff ni Anthony doon.Pumasok siya sa opisina ni Anthony, pero wala roon ang lalaki. Inisip ni Analyn na baka nasa meeting na naman ito. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na ikutin ang kuwarto nito para mawala ang inip niya.Pero naikot na niya ang buong kuwarto ay hindi pa rin ito dumarating. Naisipan niyang magpunta na sa parking slot nito para makaidlip muna siya habang naghihintay. Pero wala roon ang sasakyan ng lalaki.Umikot siya sa buong floor ng parking, nagbabaka-sakaling naiba lang ng puwesto ang sasakyan ng binata. Pero hindi niya talaga nakita ang sasakyan nito.Saka nam
“Ah, itse-check ko pala ‘yung kalan. Baka hindi ko nai-off.”Pero bago pa makagalaw si Analyn sa kinatatayuan niya ay nasiil na siya ng halik ng binata.Wala ng nagawa si Analyn kung hindi hayaan ang binata. Ang kamay nito na nakahawak sa beywang niya ay lumipat sa pigi niya at mahigpit na pumipisil-pisil doon habang idinidiin ang ibabang katawan niya sa ibabang katawan ng dalaga.Hindi alam ni Analyn kung paano magre-react. Nasa kusina sila, at anumang oras ay maaaring may pumasok doon at makita sila.Pero ayaw din naman niyang matigil sila sa kanilang ginagawa. Ramdam na niya ang init na unti-unti ng lumulukob sa katawan niya at gusto niyang mapawi iyon.Kaya ng palalimin pa ni Anthony ang halik niya ay buong puso na tinugon iyon ni Analyn ng kaparehong intensidad. Hinayaan niyang galugarin ng lalaki ang loob ng bibig niya. Sinalubong ng dila niya ang dila nito.Pansin ni Analyn ang pabilis na pabi
Nang narinig ni Brittany ang boses ng isang babae, agad niyang ibinaba ang tawag. Nang napansin ni Anthony na nawala na ang kausap sa kabilang linya, kinuha na niya mula sa kamay ni Analyn ang telepono niya at saka itinabi iyon. “Hindi ka ba naaawa sa kanya?” tanong ni Analyn sa lalaki. “Mas naaawa ako sa ‘yo,” sagot ni Anthony. “Sa akin?”“Kasi lagot ka na naman sa akin. For sure, hindi ka na makakatayo.”Habang sinasabi niya iyon ay namasyal ang mga kamay ni Anthony sa ilalim ng comforter na nakatabing sa kanila ni Analyn. Nakagat na lang ni Analyn ang ibabang labi habang masuyong nilaro ng lalaki ang parte ng katawan niya na nasa pagitan ng dalawang hita niya. “Ang aga naman niyan,” tinig pagrereklamo ni Analyn. “Nasubukan na natin sa gabi, try naman natin sa umaga. Let’s see, baka may pinagka-iba,” nakakalokong sagot ni Anthony.Nang muling umibabaw sa kanya si Anthony, hinanda na ni Analyn ang sarili sa muli nilang pag-iisa ng lalaki. Ganunpaman, hindi pa rin napigilan ni
Dalawang linggo bago matapos ang taon, tapos na lahat ng naka-pending na trabaho sa Design Department. Kaya naman mas madalas na nadadalaw ni Analyn ang Papa niya sa ospital.Tulad ngayong araw, nag-half day uli siya sa trabaho at ginugol ang oras niya sa tabi ng ama-amahan. Hindi pa rin ito nagigising. Nag-aalala na si Analyn.Kasalukuyan niyang minamasahe ang katawan nito habang malungkot na nakatingin sa sa hapis na mukha nito. Malungkot ding nakatingin si Jan sa mukha ng dalaga.“Analyn, cheer up. Huwag kang masyadong mag-alala. Okay naman ang vital signs ng Papa mo.”“Hindi mo maalis sa akin ang magkaganito, Doc Jan,” sagot ni Analyn habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ng ama, “pagkatapos ng Bagong Taon, ika-apat na taon na ni Papa na natutulo
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.
Kahit na nakaawang na ng kaunti ang pintuan, hindi pa rin naiintindihan ni Analyn ang pinag-uusapan ng mga nasa loob. Naririnig lang niya ang mga boses ng mga ito, pero hindi niya nauunawaan ang mga sinasabi nila. Minabuti ni Analyn na umalis na sa kinatatayuan niya, tutal naman, wala naman siyang naririnig sa usapan sa loob ng kuwarto. Bumalik siya sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Jean. Naupo siya roon at saka muling nag-isip. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan niya pero hindi niya kayang bigyan ng kasagutan. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa kakaisip. Kaya naman napagpasyahan niyang umalis na lang at iwanan na ang lugar na iyon. Tumayo na si Analyn at saka tinungo ang pintuan. Sakto naman na pagbukas niya ng pintuan ay sakto rin na bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nila Anthony. Biglang naisara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya sa takot na makita siya ni Anthony o ni Greg. Nakiramdam si Analyn habang nakasara ang pinto. Nang sa ting
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na si Anthony. Kasama niya si Damian. Agad na sinalubong sila ni Analyn. “Napaka-thoughtful nitong si Antony,” sabi ni Damian kay Analyn.“Nahihiya nga po ako sa inyo. Although nagdya-jive naman kayo ni Lolo, pero siyempre, iba pa rin ‘yung nasa sarili kang bahay. Pasensiya na po at hindi namin kayo agad nabalikan, naging busy kami ni Analyn,” paliwanag ni Anthony.Tinapik ni Damian ang balikat ni Anthony habang nakangiti.“So, bakit ang tagal nakabalik?” sabat naman ni Analyn.Binuksan ni Anthony ang pintuan sa likurang bahagi ng sasakyan at saka may kinuha mula roon. Isang katamtamang laki ng kahon ang kinuha niya mula roon na may tatak ng ipinapabiling pagkain ni Analyn.“Mahaba ang pila nitong tiramisu crepe mo kaya ako natagalan.” Agad namang kinuha ni Analyn ang kahon mula kay Anthony at saka nagmamadaling binuksan ito. May kasama ng tinidor sa loob ng kahon kaya kinuha iyon ni Analyn at saka tinikman ang crepe.Sumimangot ang mukha ni
Nang nagising si Analyn, wala na si Anthony sa tabi niya. Bumangon siya at tiningnan kung nasa banyo ang asawa, pero wala ito roon. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at sumilip sa barandilya. Sakto na nakita niya ang papalabas na si Anthony. Narinig naman ni Anthony ang ingay sa itaas kaya tumingin ito sa itaas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Analyn.“Susunduin ko ang Papa mo. Nakalimutan mo na ba na nandoon pa siya sa bahay ni Lolo?” Sa totoo lang, nawala na talaga iyon sa isip ni Analyn sa dami ng iniisip niya. “Ah, okay. Bilhan mo na rin ako ng crepe dun sa paborito kong cake house. Gusto ko ‘yung tiramisu flavor.” “Okay. Aalis na ako.”Tuluyan ng lumabas ng bahay si Anthony. Narinig na lang ni Analyn ang tunog ng papaalis na sasakyan sa labas. Tumalikod na si Analyn para pumasok na uli sa kuwarto nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Bigla niyang naalala na may driver naman si Anthony dito at may driver din si Lolo Greg sa bahay niya. Mas gugustuhin pa talaga ni Anthon
Ibinuka ni Analyn ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin pero walang lumabas mula sa lalamunan niya. Iyong tawag ba kanina na natanggap ni Anthony ay para sabihan siya na nakita na nga si Ailyn? At iniwan siya nito para makita niya si Ailyn?Hindi mapaniwalaan ni Analyn na nakabalik na nga si Ailyn. Parang ang hirap paniwalaan. Sa totoo lang, umasa rin naman siya na sana ay buhay pa si Ailyn at makabalik ito sa pamilya niya. Hiniling niya ito dahil naniniwala siyang siya na ang mahal ni Anthony. Naniniwala siyang sa dami at bigat ng mga pinagdaanan nilang dalawa ni Anthony, wala ng makakagiba sa relasyon nila. Pero nagbalik na nga siya…At iba ang nararamdaman ngayon ni Analyn. Pakiramdam niya ay may delubyo na namang darating sa buhay mag-asawa nila ni Anthony. “Na-surprise ka ba?” nang-iinis na tanong ni Edward.Pakiramdam ni Analyn ay biglang nawala ang lahat ng kumpiyansa sa katawan niya. “Biro mo, nagpunta siya sa bahay ng mga Esguerra ng hindi mo alam? Ni hindi man lan
Nanlaki ang mga mata ni Analyn. “Ano’ng nangyari? Paano nangyari ‘yun?”Lumipad ang tingin ng dalawang matanda kay Analyn dahil sa timbre ng boses nito.[“Hindi ko pa alam ang buong nangyari. Basta, narinig ko. Pero wala pang nakarating na balita sa press at sa mga pulis as of now. At hindi ko rin alam kung may tao bang na-injured dun o ano.”]Kung nasaan man si Elle ngayon ay halatang patago lang ang ginawang pagtawag nito kay Analyn base sa pabulong na pagsasalita nito. Nahalata iyon ni Analyn. [“Pero bukas ng umaga, hindi natin alam kung maitatago pa iyon sa mga press at sa mga pulis.”]“Iyon nga rin ang iniisip ko.”Pagkababa ni Elle sa tawag, hindi pa rin mapakali si Analyn. Hindi niya maisip kung paano nangyari ang aksidente, pinatutukan niya ang project na iyon at todo bantay ang mga tao niya roon. Biglang tumayo si Analyn at saka hinarap ang dalawang matanda. “‘Lo, Papa, aalis na muna ako. May importante lang akong kailangang asikasuhin sa trabaho. Huwag n’yo na akong hint