Ilang minuto ng naibaba ni Analyn ang tawag ni Edward, pero nasa malalim pa rin siyang pag-iisip. Hindi siya mapaniwalaan na paaalisin ni Anthony si Vivian. Maraming taon silang nagkasama nito. Ika nga, through thic and thin ang naging samahan nilang dalawa. Tapos sa isang iglap, basta na lang pakakawalan ni Anthony ang assistant niya? Ano ang dahilan? Hindi lang dahilan, kung hindi mabigat na dahilan. Hindi siya basta-basta paaalisin ni Anthony ng ganun-ganun lang. Hindi naman maikakaila na alam na alam ni Vivian ang mga sikreto ng kumpanya, ang mga sikreto ni Anthony. Naisip ni Analyn na baka nalaman ni Anthony na may pagtingin sa kanya ang assistant kaya pinaalis niya ito. Pero sa tingin niya, hindi naman ganung tao ang lalaki. Sa tingin ni Analyn, may nalaman si Anthony na nagawang pagkakamali ni Vivian na inilihim sa kanya ng babae kaya pinaalis ito. Kung ano man iyon ay paniguradong mabigat ang nagawa ni Vivian, dahilan para mawalan siya ng halaga sa amo nito.DALAWANG araw pa
Nilalaro ni Anthony ang buhok ni Analyn habang nakahiga sila sa kama. Bisperas iyon ng alis ni Anthony. Iyon iyong sinabi niya kay Analyn nung nakaraang linggo na aalis siya uli, at bukas na nga iyon.“Sumali pala ako sa design contest ng Philippine Designers Association. Nag-submit na ako ng entry ko,” sabi ni Analyn. “Oh… nice move. Kailangan mo ‘yan. Para magkaroon ka ng award at makilala ka. Para magkaroon ka ng credentials.”“Kailangan ko ba ‘yun? Department head na ako.”“Of course, kailangan mo pa rin ng achievement na ikakabit mo sa pangalan mo. By the way, may kailangan ba akong gawin para sa contest?”Nilingon siya ni Analyn at saka tinaasan ng kilay. “Hello? Lalaban ako ng patas, ano? Wala akong balak gamitin ang powers mo.”“Okay. Sabi mo, eh! Kapag may kailangan ka regarding sa medical concerns ng Papa mo, sabihan mo lang kahit sino sa mga sekretarya ko. Nagbilin na ako sa kanila.”“Okay.”“For your daily routine, si Karl na ang bahala sa ‘yo.”Hindi sumagot si Analyn,
Napagdesisyunan ni Analyn na pumunta sa anniversary celebration ng kumpanya ni Edward. Nagdesisyon siya bilang isang propesyonal, at isinantabi muna ang personal na dahilan. Bilang department head ng Design Department ng kumpanya ni Anthony kaya siya pupunta, at hindi bilang si Analyn na asawa ni Anthony. “Mam, sigurado ka ba?” tanong ng sekretarya ni Anthony ng malaman ang desisyon niya. “Oo.” “Parang biglang sumakit ang ulo ko,” komento ng sekretarya, sabay hawak sa noo niya. “Ano’ng problema mo ba?” tanong ni Analyn sa kanya.“Mam, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ‘yan kay boss Anthony.” “Sabihin mo iyong paliwanag ko sa ‘yo kanina. Iyon lang.”“Mam naman, parang hindi mo kabisado ang ugali ni boss.”Naisip na rin ni Analyn iyon, pero ano’ng magagawa niya? Masyado naman siyang pa-importante. Hindi na nga magsisipuntahan ang mga tauhan niya, dahil bigla silang nahiya kay Edward. Tapos hindi rin siya pupunta? Kung sana lang ay may makakasama siya para siguro hindi masyadong
Napahawak si Analyn sa kanyang dibdib sa pagkagulat. Mabilis siyang lumingon at nakita roon si Edward. Nanlaki ang mga mata niya. Nagtaka siya kung paano’ng nangyari na nasa likuran niya si Edward, samantalang nakita niya ito na pumasok sa loob ng kuwarto kasama ng Mama ni Anthony, “Ano’ng ginagawa mo rito?” paasik na tanong ni Analyn kay Edward.Tumaas ang isang kilay ni Edward. “Ikaw ‘tong nagi-invade sa private life ko, tapos ikaw pa ang may ganang magtanong sa akin ng ganyan? Ikaw ang dapat kong tanungin kung ano ang ginagawa mo rito?”“Private life? Paano naging private life ‘yun?”Nagsalubong ang mga kilay ni Edward. “Ano’ng nakita mo sa loob?”“Sino nga ba 'yung babae sa loob?” balik-tanong ni Analyn. Ngumisi si Edward. “Nagseselos ka na ba, Mrs. De la Merced?”“Hah! Bakit naman ako magseselos? Excuse me? Sino ‘yung babae sa loob, Sir Edward? At bakit nandun ang Mama ni Sir Anthony?”Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Edward. “Analyn, some things are better not to be told
Nadagdagan na naman ng isa pa ang isipin ni Analyn. Paano nangyari na nakopya ni Fatima ang disenyo niya? Mula ng pinaalis ito sa DLM ay hindi na niya nakita uli ang babae. Hindi rin naman siya pwedeng makapasok sa building ng DLM. Naisipang tawagan ni Analyn si Anthony. Pero nagbago rin agad ang isip niya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang problema nito. Naisip niya si Raymond, ang kaibigan ni Anthony na gumawa noon ng laptop niya ng magkaroon ito ng virus. Agad niyang hinanap ang calling card nito sa mga gamit niya. [“Pupunta na lang ako sa iyo, Analyn. Para tuloy ma-check ko rin ang laptop mo.”]Hindi nagtagal at nakarating na si Raymond sa DLM building. “Saan naka-save dito ‘yung design na sinasabi mo?” tanong ni Raymond habang may hinahanap sa laptop ni Analyn.“Iyang folder sa kanan ng cursor. Nakakapagtaka naman kasi, Raymond. Hindi naman kami nagkikitang dalawa. Iniisip ko kung na-hack ang laptop ko.” Tahimik lang na gumawa si Raymond. “Pasensiya ka na, Raymond. Ikaw lang k
Napahinto si Analyn. Ramdam niya na may mahapdi sa ibabang bahagi ng binti niya. Pero nilingon pa rin niya si Fatima. Nagulat na lang siya na nasa harapan na niya si Fatima. Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng babae. Napahawak si Analyn sa pingi niya na sinampal ni Fatima. Pakiramdam niya ay namanhid iyon. “Hayop ka! Ano’ng ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?” pasigaw na tanong ni Fatima.Hindi nakasagot si Analyn kay Fatima. May narinig siyang mga yabag ng sapatos sa suot niyang earpiece, pati an ang boses ni Raymond na pilit pa rin siyang pinapaalis sa lugar niya ngayon.Aalis ako rito? Sinampal ako ni Fatima, tapos aalis na lang ako ng ganun-ganun lang? Nakalabas na rin ang kausap na lalaki ni Fatima sa loob ng kuwarto. Lumapit ito sa kanila at saka hinila paalis si Fatima. Nakakita si Analyn ng pagkakataon at saka ubod-lakas na sinampal din si Fatima.“Binugbog na dapat kita noong huli tayong nagkita. Hanggang sa namatay ka na sana!” galit na sabi ni Analyn. “
Naningkit ang mga mata ni Analyn sa lalaki. “Alam mo? Alam mo na ginawa ni Elle ang bagay na iyon noon pa? Alam mo, pero hindi mo man lang sinabi sa akin? Alam mo, pero wala kang ginawa? Alam mo, pero wala ka man lang sinagot sa mga mensahe ko sa iyo regarding sa bagay na ‘yun?”Hindi sumagot si Anthony. Hindi maipinta ang mukha niya, na tila hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Analyn at kung paano sasagutin lahat ng mga katanungan niya. “Ganun ba kaimportante sa iyo si Elle? O merong malapit kay Elle na importante sa iyo kaya ginagawa mo ito para sa kanya?”Naisip kasi ni Analyn si Brittany. “Ganun kaimportante sa iyo kung sino man sa kanila para magpakababa ka at mawala ka sa tamang pagpapasya? Ganun sila kaimportante sa iyo para ipaglaban mo ang dignidad ni Elle? Sir Anthony, may dignidad din ako. At iyon lang ang kaya kong ipagmalaki kaya gusto ko iyong ingatan. Hindi ako mayaman na tulad n’yo, kaya gusto kong bawiin iyon sa dignidad. Ang baba naman yata ng tingin mo sa a
Naglalakad na si Analyn papunta sa taxi bay ng biglang may humaharurot na kotse ang papunta sa direksyon niya. Huminto sa paglakad si Analyn at saka pinanood ang kotseng patungo sa kanya. Nakahinto lang siya habang nakatitig sa parating na sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang balak ng driver na nasa loob nito. Nakatingin na sa kanya ang lahat ng tao sa paligid. Ang ilang babae ay napatili na. Ang ilang kalalakihan ay sinisigawan na siya. Pero hindi pa rin kumilos si Analyn. Hinintay niya na lang kung ano ang mangyayari. Habang palapit ng palapit ang sasakyan kay Analyn, natahimik na rin ang paligid. Tila napipi ang lahat at hinihintay na lang kung ano ang mangyayari. May ilang napatakip na lang ng mata. Ilang sandali pa, narinig na lang sa paligid ang malakas na iyak ng mga gulong ng naturang sasakyan. Sa wakas ay huminto ito, at ga-daliri lang ang layo sa nakatayong si Analyn. Saglit na naglabanan ng tingin si Anthony at Analyn. Walang gustong makialam sa mga tao sa paligid. M
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.
Kahit na nakaawang na ng kaunti ang pintuan, hindi pa rin naiintindihan ni Analyn ang pinag-uusapan ng mga nasa loob. Naririnig lang niya ang mga boses ng mga ito, pero hindi niya nauunawaan ang mga sinasabi nila. Minabuti ni Analyn na umalis na sa kinatatayuan niya, tutal naman, wala naman siyang naririnig sa usapan sa loob ng kuwarto. Bumalik siya sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Jean. Naupo siya roon at saka muling nag-isip. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan niya pero hindi niya kayang bigyan ng kasagutan. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa kakaisip. Kaya naman napagpasyahan niyang umalis na lang at iwanan na ang lugar na iyon. Tumayo na si Analyn at saka tinungo ang pintuan. Sakto naman na pagbukas niya ng pintuan ay sakto rin na bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nila Anthony. Biglang naisara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya sa takot na makita siya ni Anthony o ni Greg. Nakiramdam si Analyn habang nakasara ang pinto. Nang sa ting
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na si Anthony. Kasama niya si Damian. Agad na sinalubong sila ni Analyn. “Napaka-thoughtful nitong si Antony,” sabi ni Damian kay Analyn.“Nahihiya nga po ako sa inyo. Although nagdya-jive naman kayo ni Lolo, pero siyempre, iba pa rin ‘yung nasa sarili kang bahay. Pasensiya na po at hindi namin kayo agad nabalikan, naging busy kami ni Analyn,” paliwanag ni Anthony.Tinapik ni Damian ang balikat ni Anthony habang nakangiti.“So, bakit ang tagal nakabalik?” sabat naman ni Analyn.Binuksan ni Anthony ang pintuan sa likurang bahagi ng sasakyan at saka may kinuha mula roon. Isang katamtamang laki ng kahon ang kinuha niya mula roon na may tatak ng ipinapabiling pagkain ni Analyn.“Mahaba ang pila nitong tiramisu crepe mo kaya ako natagalan.” Agad namang kinuha ni Analyn ang kahon mula kay Anthony at saka nagmamadaling binuksan ito. May kasama ng tinidor sa loob ng kahon kaya kinuha iyon ni Analyn at saka tinikman ang crepe.Sumimangot ang mukha ni
Nang nagising si Analyn, wala na si Anthony sa tabi niya. Bumangon siya at tiningnan kung nasa banyo ang asawa, pero wala ito roon. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at sumilip sa barandilya. Sakto na nakita niya ang papalabas na si Anthony. Narinig naman ni Anthony ang ingay sa itaas kaya tumingin ito sa itaas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Analyn.“Susunduin ko ang Papa mo. Nakalimutan mo na ba na nandoon pa siya sa bahay ni Lolo?” Sa totoo lang, nawala na talaga iyon sa isip ni Analyn sa dami ng iniisip niya. “Ah, okay. Bilhan mo na rin ako ng crepe dun sa paborito kong cake house. Gusto ko ‘yung tiramisu flavor.” “Okay. Aalis na ako.”Tuluyan ng lumabas ng bahay si Anthony. Narinig na lang ni Analyn ang tunog ng papaalis na sasakyan sa labas. Tumalikod na si Analyn para pumasok na uli sa kuwarto nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Bigla niyang naalala na may driver naman si Anthony dito at may driver din si Lolo Greg sa bahay niya. Mas gugustuhin pa talaga ni Anthon