“Grabe! Ang hirap naman palang dumalaw sa ‘yo!” pagrereklamo ni Michelle kay Analyn pagkasalubong ng huli rito. Mahina lang ang pagkakasabi ni Michelle nun. Natatakot siyang may makarinig at makarating kay Anthony ng sinabi niya.“Ang OA naman ng reaksyon nito…”Namilog ang mga mata ni Michelle. “Ano’ng OA dun? Sige nga, hiningan ako ng dalawang government ID, kinuha ang fingerprints ko, pwera pa sa pagtawag nung mga bodyguards na ‘yun sa ‘yo para itanong kung kilala mo talaga ako.”Bahagyang natawa si Analyn sa kadaldalan ni Michelle. “Aba, kulang na lang yata eh hilahin nila ‘yung balat ko sa mukha.”Kumunot ang noo ni Analyn. “Hilahin ang balat?”“Oo, di ba sa mga pelikula nagdi-disguise ‘yung mga bida o kontrabida? Nagsusuot sila ng maskara sa mukha para magaya nila ang mukha ng kalaban nila?” Muling natawa si Analyn. “Ang taba ng utak mo, ano? Naisip mo pa ‘yun?” “Huwag kang tumawa diyan. Totoo naman ang sinasabi ko. Saan ba tayo mag-uusap?” Luminga-linga pa si Michelle para
Kung kanina ay buo sa loob ni Brittany na maghintay kay Anthony, ngayon ay tila nawalan na siya ng tapang. Mangiyak-ngiyak na niligpit niya ang mga gamit at saka tumayo na mula sa sofa sa opisina ni Anthony kung saan siya naghihintay. Tumayo na siya at nakahanda ng lumabas mula roon ng bumukas ang pintuan at pumasok doon ang bulto ni Anthony. Kakaiba talaga ang aura ng lalaki kaya siguro hindi magawa ni Brittany na pakawalan ito. Sa kabila ng seryosong mukha ng lalaki, biglang napangiti si Brittany. Dumating ito, ibig sabihin ay importante siya rito. Matikas na naglakad si Anthony palapit kay Brittany. Lalong lumapad ang ngiti ni Brittany sa binata.“Anthony, kanina pa ako naghihintay sa ‘yo. Akala ko hindi mo na ako babalikan dito. By the way, dahil sa paghihintay ko sa ‘yo rito nagutom na ako. Let’s have dinner? May alam akong bagong bukas na resto sa isang bagong bukas na hotel sa–”“Hindi ako bumalik dito para makipag-dinner sa ‘yo.”Alanganing ngumiti si Brittany. Something is
Kinabukasan, maagang umalis si Analyn. Sinamahan niya sa check up ang Papa niya. “Magaling na ang Papa mo. Konting therapy na lang at ituloy lang ang mga gamot niya, ilang buwan pa at magiging one hundred percent na siyang makakabalik sa dati,” nakangiting sabi ni Jan. Tipid na ngumiti si Analyn. “Mabuti naman.” “By the way, binuwag na ang medical team na binuo ni Sir Anthony,” pahabol ni Jan. Tumango lang si Analyn. Inaasahan naman niya iyon. Nagtataka lang siya na hindi man lang binanggit ni Anthony sa kanya. “Tutuloy na kami, Doc Jan,” paalam ni Analyn sa doktor at saka tumayo na.Sumunod na ring tumayo si Damian. “See you sa next check up po,” nakangiting paalam ni Jan kay Damian.Nang lumabas si Analyn at ang Papa niya mula sa clinic ni Jan, may narinig siyang boses. “Mrs. De la Merced!” Nagtuloy-tuloy lang sa paglakad si Analyn, hindi pinansin ang narinig niya. Unang-una, naisip niya na hindi naman siguro siya ang tinatawag dahil wala namang nakakaalam na asawa siya ni
Kahit na nakaupo lang, kapansin-pansin pa rin ang taglay na matapang na aura ni Anthony. Hindi pwedeng hindi mapapalingon ang dadaan sa puwesto niya. May babaeng naupo sa tabi niya. May inabot iyon na papel at ballpen kay Anthony. Binasa iyon ng lalaki at saka pinirmahan. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa siya pinagmamasdan ni Analyn mula sa di-kalayuan.Napansin ni Mrs. Chan si Analyn. Bumulong ito sa tapat ng tenga niya. “Gusto mo bang lapitan siya at mag-hello?”Agad na binawi ni Analyn ang tingin niya kay Anthony. “Hindi.”Naiinip na si Analyn. Hindi pa nagsisimula ang bidding. Parang gusto na nga niyang magpaalam kay Mrs. Chan at umuwi na. Pero nasa lugar na siya. Hahayaan na lang niya na maranasan niya ang mga ganitong event sa buhay ng mga mayayaman. Anong malay niya, baka bukas-makalawa, wala na siya sa sirkulasyon na ito.Dahil katabi siya ni Mrs. Chan, maraming nag-aatend sa bidding ang lumalapit sa ginang at nakikipag-usap dito. Isinasabay na ni Mrs. Chan na ipakilal
Wala na sa mood si Analyn kaya nagpaalam na siya kay Mrs. Chan. Lumabas na siya sa venue at saka naglakad papunta sa direksyon ng elevator. Kasama sa binayaran ng auctioners ang isang kuwarto sa hotel. Napagdesisyunan ni Analyn na doon na lang magpalipas ng oras. Wala rin naman siya sa mood umuwi, at sayang ang ibinayad ni Mrs. Chan kung hindi niya gagamitin ang kuwarto. Sinalubong si Analyn ng tahimik at may kadiliman na corridor pagkalabas niya ng elevator. Mag-isa lang siyang naglalakad. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang ingay ng mga takong ng sapatos niya. Pagliko ni Analyn papunta sa hanay ng kuwarto niya ay may bigla na lang humila sa kanya. Mabilis siya nitong isinandal nito sa pader at saka siniil ng halik. Sinubukang magpumiglas ni Analyn pero sadyang malakas ang lalaki. Pero ng makilala niya ang amoy nito ay saka lang niya nakilala ang lalaki. “Anthony!” sambit ni Analyn ng makawala ang mga labi niya mula sa halik ni Anthony. Bahagyang tumawa si Anthony at sak
“Saan ka galing?” tanong ni Anthony na may dalang dalawang plastic bottle ng mineral water. Galing siya sa labas, sa kusina ng kuwartong okupado lang dapat ni Analyn. Natigilan si Analyn sa tanong ni Anthony. Itinuro niya ang direksyon ng CR sa kuwarto sa hotel. “Nag-CR. Bawal ba?” “Bakit mo pa sinuot ang damit mo kung sa CR ka lang pupunta?” Napatingin si Analyn sa suot na damit pangtulog. Pagkatapos ay nagtatakang nag-angat ng tingin kay Anthony. “Bakit? Ano’ng masama?” naguguluhan niyang tanong. Ibinaba ni Anthony ang dalawang plastic bottle sa ibabaw ng bedside table.“Dapat hindi ka na nagdadamit kasi huhubarin ko lang uli ‘yan.” Pagkasabi nun ay binuhat ni Anthony si Analyn at saka bahagyang initsa sa ibabaw ng kama. “Anthony!” Malokong nakangiti si Anthony na tumabi kay Analyn. “Hindi pa tayo tapos. Kaya huwag ka munang nagsusuot ng damit,” sabi nito habang hinuhubad ang damit pantulog ng babae. Wala namang nagawa si Analyn kung hindi ang sumunod. After all, tatlong
Sumimangot si Analyn. Wala naman kasing kakaiba sa call log at sa contacts ng telepono ni Anthony. Sa totoo lang, iilan nga lang ang naka-save na numero roon. Palibhasa, magaling tumanda ng numero si Anthony. Kaya niyang maitambal ang numero at ang taong nagma-may ari nun sa isip lang niya.Ang social media account niya naman, ni walang notification at ang chatbox niya ay dalawang tao lang ang lagi niyang kausap. Siya at si Lolo Greg.Marami namang chat request pero hindi sinasagot ni Anthony ang mga iyon. Pinindot ni Analyn ang chat ni Greg, nakita niya ang huling mensahe nito na lagi siyang uuwi ng maaga para raw nagkikita silang dalawa lagi. Hindi napigilan ni Analyn ang matuwa. Bigla niya tuloy na-miss ang matanda. Pinuntahan niya ang chatbox na para sa kanya, at saka pinalitan ang pangalan niya roon ng ‘Babe’. Hindi napigilan ni Analyn ang mahinang mapahagikgik sa ginawa niya, sabay iniisip niya kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Anthony kapag nakita iyon. Saka lang naalal
alawang araw ng nanatili sila Anthony at Analyn doon sa hotel. Hindi umalis si Anthony at lahat ng mga business transactions at mga meeting niya ay pina-kansel niya munang lahat. Wala silang ginawa ni Analyn maghapon kung hindi ang manood ng mga pelikula at mga kung ano-anong palabas sa cable habang yakap-yakap ni Anthony sa Analyn sa kama. Ang pagkain nila, puro room service. Isang action movie ang pinapanood nila ngayon. Feel na feel ni Analyn ang kasalukuyang eksena ng biglang mag-ring ang telepono niya. Hindi agad tumalima si Analyn. Masyado itong naka-concentrate sa pinapanood. Hindi rin tumitigil ang pag-ring ng telepono. Hanggang sa mainis na siya sa walang tigil na pagtunog ng telepono. Naisipan niyang utusan si Anthony. “Abutin mo ang phone ko, please. Ang ingay, eh!” Agad namang sumunod si Anthony. Mas malapit kasi siya sa kinalalagyan ng telepono ni Analyn. Pero pagkadampot ni Anthony sa telepono, naputol na ang tawag. Sa halip, isang text message ang big
Nang itulak ni Analyn ang pintuan ng opisina ni Anthony, nakita niyang nakaupo si Anthony sa mesa nito habang may pinipirmahang mga dokumento habang nakayukong nakaalalay dito si Ailyn, para ilipat ng pahina ang mga pinipirmahan ng aawa. Magkalapit na magkalapit ang mukha ng dalawa. Konting galaw pa siguro at mahahalikan na nila ang isa’t isa. “Kailan ka pa nagpalit ng sekretarya? Hindi ako na-inform na wala na pala rito ang dati mong sekretarya,” tanong ni Analyn pagkakita sa dalawa. Bahagyang nagulat si Anthony, pero hindi siya nagpahalata. “Analyn, ano’ng ginagawa mo rito? Ipinagbilin ko sa bahay na huwag kang paalisin.”Agad na tumayo si Anthony para salubungin si Analyn. “Bakit? Para hindi ko malaman itong sikreto n’yo?” Tumuwid ng tayo si Ailyn. Kalmado lang itong ngumti kay Analyn. “Miss Analyn, nandito ako as assistant ni Tonton. Ito kasi ang gusto ni Papa.” Matalim na tinitigan ni Analyn si Ailyn. Nakaramdam naman ng takot si Ailyn kaya lumipad ang tingin niya kay Anth
Nanginginig ang buong katawan ni Analyn habang ikinukuwento kay Anthony ang nangyari. Takot na takot pa rin siya, at tanging si Anthony lang ang makakapagtanggal ng takot niya. Hinagod ni Anthony ang likuran ni Analyn. “Itinawag mo na kamo sa pulisya, di ba? Dapat may resulta na ang imbestigasyon nila ngayon.” Umiling-iling si Analyn. “Hindi, Anthony. Masama ang kutob ko. Malakas ang paniniwala ko na hindi basta-bastang pagkawala ito. Malakas ang kutob ko na may kumuha sa Papa ko.”“Shh… huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Malapit na tayo sa dating bahay niya. Baka nandun lang siya.” “Sana nga, Anthony. Sana nga…”NANG dumating sila Anthony at Analyn sa dating bahay ni Damian, walang senyales na galing doon si Damian. Saradong-sarado ito, at naka-lock ng padlock ang pintuan sa labas. Imposibleng makapasok si Damian doon.“Wala siya rito, Anthony. Ano’ng gagawin natin?”Dinukot ni Anthony ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon at saka tumawag sa bahay. Pero wala pa rin d
“Kapag dumating siya riyan, pakitawagan agad ako.”[“Opo.”]Gustong-gusto ng magpunta ni Analyn sa istasyon ng pulis, pero nag-aalala siya na baka biglang dumating naman doon si Damian at hindi siya makita. Naisipang niyang tumawag na lang muna sa hotline ng pulisya. Mabilis namang may sumagot kay Analyn. Ipinaliwanag niya ang sitwasyon niya. “Sir, tulungan n’yo naman akong ma-view ang mga CCTV footages sa malapit sa area.”Mga ilang minuto lang ay may dumating ng apat na pulis. Pagkatapos magpakilala kay Analyn, nagkanya-kanyang lakad ang mga ito para puntahan ang mga bahay, establishimyento at barangay na malapit sa lugar. Pero halos sabay-sabay din silang bumalik na may malungkot na balita.Lahat ng CCTV sa paligid ay sira kaya wala silang nakuhang recording.“Imposible!” namamanghang sabi ni Analyn. “Totoo po, Mam. Nasira siya magda-dalawang oras na ang nakaraan,” sabat ng isang may-ari ng isang establishimyento na sumama roon sa pulis. “Itinawag namin siya agad sa provider, p
[“Ah, sa Secretary’s Office po ito. Nasa meeting po si Sir Anthony.”]Saka lang nakahinga ng maluwag si Analyn. “Pagkatapos ng meeting niya, pakisabing tawagan ako.”[“Okay.”]Pagkababa niya sa tawag ay may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Dumungaw doon si Damian.“Ano ba, Analyn? Tanghali na. Ang sabi mo, dadalhin mo ako sa tabing-dagat?” iritableng sabi nito.“Si Papa, parang bata… eto na nga, oh. Gising na ko.”Sumimangot si Damian. “Nangako ka kaya!”Tinawanan siya ni Analyn. “Oo na. Magbibihis lang ako.”SA isang malapit na resort dinala ni Analyn ang ama. Maaga pa lang, pero marami ng tao roon. Biglang naalala ni Analyn na weekend nga pala ng araw na iyon, at maaaring iyon ang dahilan. Tila naman masayang-masaya si Damian sa lugar. Pansin ni Analyn na tuwang-tuwa ang ama sa maraming tao na lugar. Naupo si Damian sa tabing-dagat at hinayaan na mabasa ng tubig-dagat ang mga paa niya. Nakatanaw siya sa malayong bahagi ng dagat habang tipid na nakangiti. “Analyn, naaalala mo ba n
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na
Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni