Beranda / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 372 - NAKITA NA SA WAKAS

Share

372 - NAKITA NA SA WAKAS

Penulis: Cristine Jade
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-17 13:01:44

Hindi alam ni Analyn kung nananadya ba si Eric, dahil tumabi ito sa kanya. Minabuti ni Analyn na huwag na lang pansinin ang lalaki, at mag-concentrate na lang sa pagkain.

Habang tahimik na kumakain ang lahat, nagsalita naman si Mr. Santos na nakaupo sa harapan nila Analyn at Eric.

“Miss Analyn, ikaw lang yata ang babaeng nakabihag sa mailap na puso ni Sir Eric. Iba yata talaga kapag first love,” sabi nito at saka bahagyang tumawa.

Napahinto si Analyn sa pagkutsara ng pagkain sa plato niya. Tiningnan niya si Mr. Santos.

“Mr. Santos, hindi ko inaasahan na ganyan ka pala. Daig mo pa ang mga babaeng nagpupunta sa palengke para sumagap ng tsismis.”

Napahinto sa pagtawa si Mr. Santos. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.

“Miss Analyn, para ka palang sili… nananakit kapag nakagat.”

Bahagya namang tumawa si Eric at saka binalingan si Mr. Santos.

“Pasensiya ka na sa kanya, Mr. Santos. Natural na kay Analyn ang magsalita ng ganyan. Mahinahon, pero may talas.”

Bigla tuloy naalala ni
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (14)
goodnovel comment avatar
Liza Mamaril
Pinagawa nya ung balat nya si Eric ata nag pagawa...
goodnovel comment avatar
Loisa Lirio
ano ba pinahaba lng pero walang magandang pangyayare
goodnovel comment avatar
Denia Paclibar
Bakit hindi ba makikilala ang pagkakaiba ng tunay na balat sa tinato lng? Hay author, kailan mo kaya gawing mamulat aa katotohanan ang mga character mo sa iyong story.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • I SECRETLY WED the BOSS   372 - NAKITA NA SA WAKAS

    Hindi alam ni Analyn kung nananadya ba si Eric, dahil tumabi ito sa kanya. Minabuti ni Analyn na huwag na lang pansinin ang lalaki, at mag-concentrate na lang sa pagkain. Habang tahimik na kumakain ang lahat, nagsalita naman si Mr. Santos na nakaupo sa harapan nila Analyn at Eric. “Miss Analyn, ikaw lang yata ang babaeng nakabihag sa mailap na puso ni Sir Eric. Iba yata talaga kapag first love,” sabi nito at saka bahagyang tumawa.Napahinto si Analyn sa pagkutsara ng pagkain sa plato niya. Tiningnan niya si Mr. Santos. “Mr. Santos, hindi ko inaasahan na ganyan ka pala. Daig mo pa ang mga babaeng nagpupunta sa palengke para sumagap ng tsismis.”Napahinto sa pagtawa si Mr. Santos. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.“Miss Analyn, para ka palang sili… nananakit kapag nakagat.”Bahagya namang tumawa si Eric at saka binalingan si Mr. Santos.“Pasensiya ka na sa kanya, Mr. Santos. Natural na kay Analyn ang magsalita ng ganyan. Mahinahon, pero may talas.”Bigla tuloy naalala ni

  • I SECRETLY WED the BOSS   371 - SALING-PUSA

    Nagpatuloy ang summit ng sumunod na araw. “Si Sir Eric. Nandiyan si Sir Eric.”Napalingon si Analyn ng narinig ang pangalan ni Eric. Sakto naman na pumapasok ito sa pintuan ng venue. Buong tikas itong naglalakad, kasunod ang ilang reporter mula sa press. Nakangiti lang si Eric habang tinatanong siya mga reporter at habang nagkikislapan ang mga camera.“Hello, everyone! I am Eric. Eric Hidalgo. From ArGo Industries, the host of this Design & Architecture Summit. I am very glad to meet all of you in such occasion,” panimula ni Eric sa speech niya ng nakarating na siya sa entablado.Sinadya ni Eric na tumingin sa gawi ng kinauupuan ni Analyn at saka tinitigan ang babae habang nagbibigay ng speech niya. Agad na nag-panic si Analyn sa ginawa ni Eric. Natatakot siyang baka kapag nakita ni Anthony na nakikipagtitigan siya sa lalaki ay mag-react na naman ito, kahit pa hiwalay na sila. Agad na nag-iwas ng tingin si Analyn sa lalaki. Sa pag-iwas niya ng tingin kay Eric, sakto naman na sa gawi

  • I SECRETLY WED the BOSS   370 - MAKIPAGBALIKAN

    Papunta ng San Clemente si Analyn. Kailangan niyang um-aatend sa isang summit bilang representante ng isang proyekto ng DLM.Mabilis na-proseso ang annulment nila Analyn at Anthony. Pero katulad ng sabi ni Anthony, ang mga proyekto na naibigay na ng DLM sa kanya noong nagsasama pa sila ay mananatiling nasa superbisyon pa rin ni Analyn. Pero hindi niya inaasahan na pupunta rin si Anthony at magkikita sila roon. Pero kahit hiwalay na, naroroon pa rin ang respeto at paggalang nila sa isa’t isa. Magkalayo ang mga upuan nilang dalawa. Pero lingid sa kaalaman ni Analyn, hindi siya nilulubayan ng mga mata ni Anthony mula umpisa hanggang sa matapos ang summit.Nagpasalamat si Analyn na maaga natapos ang summit nung araw na iyon. Isa sa ipinunta niya roon ay para sundan si Mercy Esguerra. Nalaman niya na nandito rin si Mercy at ang itinerary ng matandang babae ngayong araw ay ang dumalaw sa pinakamatandang simbahan dito sa San Clemente. Base sa sabi ni Elle, magpupunta ang babae sa araw at

  • I SECRETLY WED the BOSS   369 - IBIGAY MO NA

    Pagkalipas ng isang linggo nang huling nakita ni Analyn si Anthony, natanggap na niya ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan para sa annulment nila. Ang bilis, ah! Nagmamadali ba si Anthony? “Mam, sabi ni boss, walang magbabago sa mga napag-usapan na ninyo noon. Lahat ng properties na ipinangako niya sa iyo ay ita-transfer na lang ng sabay-sabay. Pinapa-ayos na niya ang mga titles nun. Ang mga project ng DLM na nai-award sa Blank bago ang annulment ay mananatili sa pangangasiwa mo,” sabi ng sekretarya ni Anthony.Napansin ng sekretarya na parang walang naririnig si Analyn sa mga sinasabi niya, kaya kinuha niya ang atensyon nito.“Mam Analyn?”Bilang sagot, bumuntong-hininga si Analyn at saka nagsalita. “Salamat sa impormasyon.”Hindi na nagtaka si Analyn na mabilis ding kumalat sa internet at sa mga balita ang paghihiwalay nila ni Anthony. Ilang araw din iyon na iyon ang laging paksa ng mga balita at tsismis. NAGULAT si Brittany ng nakita si Anthony sa labas ng pintuan ng con

  • I SECRETLY WED the BOSS   368 - BIRTHMARK

    Pakiramdam ni Anthony ay bumalik uli siya nung bata pa siya. Nung araw na umuulan at hinahabol niya ang ina nung iwan siya. Tumakbo siya ng tumakbo noon habang umiiyak. Iyong pakiramdam niya noon nung araw na iyon ay muli niyang nararamdaman niya ngayon.Ang kaibahan lang, noon, sinagip siya sa desperasyon ni Ailyn. Hindi katulad ngayon na wala ng sasagip sa kanya.Mariing pumikit si Analyn. Ayaw niyang makita si Anthony na ganito, mahina at tila walang tiwala sa sarili. Ngunit kailangan niyang panindigan ang kanyang desisyon. May kinuha siyang nilamukos na papel mula sa bulsa ng damit niya, at saka sapilitang inilagay sa kamay ni Anthony.“I hope I can live up to your expectation. Quits na tayo.” Pagkasabi nun ay naglakad na si Analyn paalis, habang pigil-pigil ang pagbagsak ng mga luha niya.Matagal ng nakaalis si Analyn, pero hindi pa rin kumikilos si Anthony. Kung paano siya iniwan ng asawa ay ganun pa rin at nandun pa rin siya sa puwesto niya. Ilang minuto rin ang nakalipas bago

  • I SECRETLY WED the BOSS   367 - DON'T LEAVE ME

    Ang bilis namang nagawa!“Saan ako pupunta?” tanong ni Analyn.“Sumakay ka na rito.” “May dala akong sasakyan.”“Ipapa-drive ko na lang sa isa sa mga bodyguard ko.” Hindi alam ni Analyn, pero tila wala siyang gana na makipag-kontrahan kay Anthony. Kaya sumakay na lang siya sa sasakyan nito. Sa likurang bahagi siya umupo, kung saan din nakaupo si Anthony. Nasa unahang upuan ang sekretarya nito.Pagka-upo ni Analyn, napansin niya agad ang tambak na mga papel at mga folder sa tabi ni Anthony.“Ang busy-busy mo siguro dahil sa nangyari, sorry,” sabi ni Analyn dito.Matalim siyang sinulyapan ni Anthony. “Huwag mong isipin na dahil sa iyo ‘yan. Huwag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili,” sagot ni Anthony.Nakagat na lang ni Analyn ang ibabang labi niya sa sagot ng asawa.“Iyong… iyong mga property na ibinigay mo sa akin, ibabalik ko rin sa ‘yo. Aasikasuhin ko kapag may oras na ko.”“Hindi ako nambabawi ng naibigay ko na,” sagot ni Anthony, pero sa labas ng bintana nakatingin.Sa wak

  • I SECRETLY WED the BOSS   366 - ANNULMENT PAPER

    Pabalik na si Analyn sa opisina niya. Huminto siya sa stoplight at saka kinuha ang recording machine niya. Mahigpit niya iyong hinawakan na para bang doon nakasalalay ang buhay niya. Muli niyang pinakinggan ang usapan nila ni Brittany kani-kanina lang. Lagi na siyang may dala nito. Mula ng sunod-sunod ang kinasangkutan niyang aberya, naging maingat na siya at nire-record na niya ang pakikipag-usap niya sa kahit sinong nakakausap niya. Pero hindi niya inaasahan na ibubuko ni Brittany mismo ang sarili niya at nai-record niya iyon. Pero kulang pa rin iyon. Hindi kayang patunayan ng sinabi ni Brittany na siya ang utak ng eskandalo niya. Ang isa pang gustong mangyari ni Analyn ay mapatunayan niya na wala siyang relasyon kay Edward at walang nangyari sa kanila.Ang sabi ni Brittany, hindi niya iyon kayang gawin mag-isa. Pero sino ang kasabwat niya? O ang mas tamang tanong ay sino-sino? Isang miyembro ng pamilya Esguerra? Pero hindi papayag ang pamilyang iyon na dudumi ang imahe nila. Kun

  • I SECRETLY WED the BOSS   365 - RECORDED

    Nang humarap nga si Brittany sa pinanggalingan ng boses, hindi na siya nagulat na si Brittany ang nakita niya roon. Nakangiting lumapit sa kanya si Brittany. “Sa loob ng isang taon, naging successful ako, Analyn.”“Oh? Eh di, congrats.”Hindi inalintana ni Brittany ang sarkastikong reaksyon ni Analyn sa sinabi niya. “Pero ikaw… ano’ng nangyari sa ‘yo? Hindi ko inaasahan na magiging ganun ka…”Tumuwid ng upo si Analyn. “Wala akong alam sa sinasabi mo. Wala akong ginagawang masama.”“Wala?” Pagkatapos ay mahinang tumawa si Brittany. “Nagkalat na ang mga pictures mo sa internet, tapos sasabihin mo wala kang ginagawang masama? Kung ako si Anthony, hihiwalayan kita, ora mismo.”Matamang tinitigan ni Analyn si Brittany, pagkatapos ay saka niya sinabing, “hiwalay na kami ni Anthony. Huwag kang mag-alala.”Kitang-kita ni Analyn ang pagkagulat sa mukha ni Brittany. Ang itsura ng mukha nito ay iyon para bang litong-lito, at nag-iisip kung niloloko lang ba siya ni Analyn. “Ano? Pumayag kang m

  • I SECRETLY WED the BOSS   364 - CHARITY DINNER

    “Boss, meron tayong invitation sa isang project bidding,” anunsyo ni Anji pagkapasok sa opisina ni Analyn.“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Analyn. Hindi siya makapaniwalang may nagtiwala pa sa kanya pagkatapos ng kinasangkutan niyang eskandalo. “Yup! Isang museum dito sa Tierra Nueva, at ang local government ang mag-sponsor ng project.” “Sige, makikipag-bid tayo. Ipa-ready mo na sa kanilang lahat ang mga requirements na kailangangan natin.” Malapad na nguimiti si Anji, sabay sabi ng, “Yes!” SA araw ng bidding, isinama ni Analyn si Anji. Kapwa sila tahimik sa loob ng sasakyan na mina-maneho ni Analyn. “Kinakabahan ka ba, Mam?” tanong ni Anji. Hindi na nagsinungaling pa si Analyn. Tumango siya, “medyo.”“Kaya natin ‘to, Mam! Ikaw pa ba? Sisiw lang sa ‘yo ‘to.” Ngumiti lang si Analyn. Noon… nung alam niyang sinusuportahan pa siya ni Anthony. Nang papasok na sila Analyn at Anji sa loob ng venue ng bidding, nagulat si Analyn nang sa pagbukas niya ng pintuan ay si Ailyn an

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status