Ang June 15 ay isang napaka-suwerteng araw. Para kay Ailyn. Maaga siyang gumising ng araw na iyon. Kinuha niya ang the best make up artist ng Tierra Nueva. Ngayon ay nakaupo na siya sa harap ng tokador niya at nagpapa-make up. Nagniningning ang mga mata niya sa hindi maitagong saya. “Ano’ng meron ngayon?” wala sa sarili na tanong ni Brittany. “Ngayong araw ang kasal nila Mam Ailyn at Sir Anthony, Mam,” sagot ng kasambahay na napagtanungan niya. “Kasal nila Ailyn at Anthony?” pag-uulit ni Brittany. Bigla niyang naalala ang sarili nung mga panahon na lagi niyang sinusundan si Anthony sa eskwelahan. Wala siyang ibang gusto kung hindi si Anthony, tapos ngayon ay ikakasal na ang lalaking gusto niya kay Ailyn? Hindi napigilan ni Brittany ang malungkot at sumama ang loob. Ang taong ilang taon na niyang pinagmamakaawaan ng pagmamahal ay ikakasal na naman sa pangalawang pagkakataon. At hindi pa rin sa kanya.Nagmartsa siya papunta sa kuwarto ni Ailyn at saka bigla na lang pumasok doon.
Walang emosyon na nakatingin lang si Analyn sa babae. “Excited ka na ba para bukas? Ako rin, excited na! Ay, tingnan mo ‘to…” Kinuha ni Ailyn ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon niya at saka binuksan iyon. Meron siyang tinitipa-tipa roon at saka ipinakita kay Analyn.“Ang ganda ng pagkakagawa ng decoration… grabe! Kuhang-kuha nila yung gusto kong design. Tingnan mo!” Ini-iwas ni Analyn ang mga mata niya sa screen ng telepono ni Ailyn. Pero hinawakan ni Ailyn ang mukha ni Analyn at saka pinilit na pinatingin sa telepono niya.“Ay! Pumunta nga pala si Anthony kanina. Tingnan mo, oh… nakahawak si Anthony sa beywang ko. Ang sweet niya, di ba?” nakangiti nitong sabi.Kahit ayaw niya, nakita tuloy ni Analyn ang picture ng dalawa. Totoo ngang nandoon si Anthony sa venue pero hindi niya napansin kung totoo ngang nakahawak ang lalaki sa beywang ni Ailyn. Biglang nalungkot si Analyn. Naisip niya kung alam kaya ni Anthony na nawawala siya? Sabagay, kahit naman nawawala siya, balewa
“Psst, kalbo!” pagtawag ni Analyn.Matalim na tiningnan ng lalaki si Analyn. “Ano’ng problema mo?” inis na tanong nito. “Nauuhaw ako. Pahingi naman ng tubig.” “Tiisin mo na lang,” sagot nito habang nakikipaglaro ng baraha sa mga kasamahan niya. “Sige ka… kapag namatay ako sa dehydration, hindi ko mapapanood ang kasal ng kaibigan mo..”Muling sinamaan ng tingin ng lalaki si Analyn at saka padabog na tumayo bago dumampot ng bote ng mineral water. Naglakad ito palapit kay Analyn.“Oh!” Tiningnan ni Analyn ang plastic bottle, tapos ay tiningnan ang lalaki. “Paano ko iinumin ‘yan? Nakatali ang mga kamay ko?”Sumimangot ang lalaki. Pagkatapos ay binuksan ang takip ng plastic bottle at saka itinapat sa bibig ni Analyn ang labi ng bote. Pagkatapos uminom ng tubig ni Analyn, hindi niya napigilan ang matawa. Nagdikit ang mga kilay ng lalaki, “bakit ka tumatawa?”“Alam mo, sa tingin ko naman… bata ka pa. Nagmumukha ka lang matanda dahil kalbo ka. Pero sa tingin ko hindi nagkakalayo ang ed
Hindi makasagot si Analyn. Ayaw niyang galitin lalo ang babae at baka maitusok ang hawak na patalim sa leeg niya. “Ano ba ang gusto mong mangyari?” mahinahong tanong ni Analyn. “Wala lang,” pagkatapos ay tumuwid ng pagkakatayo si Ailyn, “na-realize ko lang. Habang nabubuhay ka, hindi ako titingnan ni Anthony sa mga mata ko. Hindi niya ako kakausapin na may paglalambing. Kaya kailangan mo ng mawala.”Agad na nakaramdam ng takot si Analyn. Natakot siyang mawala hindi dahil kay Anthony, pero natakot siyang mamatay na hindi niya mabigyan ng hustisya ang pagnanakaw sa katauhan niya. “Kung papatayin mo ako, hindi ka mapapatawad ni Anthony.” Ngumiti si Ailyn. “Hindi niya malalaman… lahat ng meron ka ngayon ay magiging akin na. Lahat ng tinatamasa mo, matitikman ko na. Isang araw, bigla na lang siyang mai-in love sa akin. Magkaka-anak kami, at tatanda kami ng magkasama.” Pagkatapos ay biglang nawala ang ngiti sa labi nito at tila napa-isip. “Eh, ano naman kung malaman ni Anthony na ako
Samantala, nakarating na kay Anthony ang nangyari sa airport. Galit na galit ito sa nalaman. “Paano ‘yon nangyari?!”“May… May sumigaw ng ‘bomba’ sa loob ng eroplano bago pa iyon maka-take off. Pinababa raw silang lahat, at doon na nawala si Mam,” ninenerbyos na paliwanag ng sekretarya nito.Malakas na tinampal ni Anthony ang ibabaw ng mesa niya. “Tawagan n’yo ang pulis! Hanapin n’yo siya! Kung kinakailangang baligtarin ninyo ang Tierra Nueva, gawin n’yo! Makita n’yo lang agad si Analyn.”“Ito naman,” sabat ni Raymond na naroroon din ngayon, “baka naman tumakas lang talaga si Analyn. Kilala mo naman ‘yung ex mo.”“Okay lang kung tumakas siya. Basta ligtas siya. Ang inaalala ko, paano kung naunahan ako ng mga taong may masamang balak sa kanya?” UNTI-UNTI ng lumiliwanag ang kalangitan. Iyon lang ang tanging palatandaan ni Analyn na umaga na. Mula ng nagsimulang dumilim kagabi, hindi na niya namalayan kung anong oras na ba. Halos hindi rin siya nakatulog. Bukod sa malamok, pakiramdam
Nang nakarating na si Analyn sa CR, hindi siya pumasok doon. Sa halip, lumabas siya sa katabing labasan, kung saan maraming nakatambay na mga taxi at mga pribadong sasakyan. Nilampasan niya ang mga nakaparadang sasakyan, at nilakad hanggang sa dulo ng kalye habang tinatantiya kung gaano kabilis siyang masusundan ng mga tauhan ni Anthony. Habang naghihintay sa sasakyan na susundo sa kanya, nakahinga nang maluwag si Analyn. Nakawala siya nang walang kahirap-hirap mula sa mga tauhan ni Anthony. Mabuti na lang at maaasahan niya sa mga ganung bagay si Eric na nag-ayos ng taong magpapanggap na may bomba at ang nag-ayos ng sasakyan na susundo sa kanya. Pero may ilang minuto na siyang nakatayo sa lugar ay wala pa ring dumadating na sasakyan. Hindi daanin ang lugar na iyon at tago, kaya walang ibang sasakyan ang dumadaan doon. Nang biglang may humintong sasakyan sa tapat niya. Muling nakahinga si Analyn. Sa wakas ay makakaalis na siya roon. Pero nang lumabas ang mga lalaki mula sa loob n