Pagkatapos makausap ni Analyn si Frances, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib niya. Naniniwala rin siya na makakapag-desisyon ang babae ng tama. Para kay Analyn, kapag hindi natuloy ang kasal ng dalawa, wala na ring dahilan si Karla para hingan siya ng pera at hindi na rin pag-iinitan ng babae ang advance payment ng Papa niya sa ospital.
Pero halos magi-isang linggo na. Nagtataka si Analyn kung bakit walang paramdam sa kanya ang dalaga. Kinakabahan siya na baka biglang nagbago ang isip nito at tutuloy pa ring pakasalan si Jiro. Sabi nga nila, love is blind that lovers can not see. Baka sa sobrang pagmamahal ni Frances kay Jiro ay pikit-mata na lang itong tatanggapin ang lalaki. O baka naman hindi pumayag si Jiro na makipag-hiwalay sa kanya si Frances at kung ano ang nagawa ng lalaki sa kanya.
Naisipan ni Analyn na i-message na lang si Frances at kumustahin ito, pero biglang may komosyon na nangyari sa unahan ng opisina nila.
Nakita n
Kahit na naging okay na si Analyn at Anthony nung umaga bago sila pumasok, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon maghapon na magkita. sa DLM Building.Isa pa, walang oras na makalabas ng opisina nila si Analyn. Masyado siyang tutok sa paghahanap ng kliyente at pagbibigay ng mga design proposal.Hanggang sa halos ang buong isang linggo ay naging ganito ang routine ni Analyn. Mula ng maupo si Fatima bilang manager ng Design Department, nagsimula ng dumami ang trabaho ni Analyn. Hindi na rin para magreklamo si Analyn. Hindi naman siya nakakaranas ng pambu-bully rito at tahimik ang mundo niya, hindi katulad nung si Sir Richie at Vi pa ang mga nakaupo.Kamakailan, may nakuhang collaboration project si Anthony sa isang nangungunang softdrinks na produkto. Hindi pa alam ni Fatima kung kanino ibibigay ang responsibilidada ng design. Pero gustong-gustong makuha ni Analyn iyon para sa kita.Kasabay nun, umalis si Anthony, kasama si Vivian, at iba pang top
“Sandali lang, Frances. Huwag mong ibababa.”Umabante si Analyn palapit sa kotse. Pagtapat niya roon ay agad na bumaba ang salaming bintana.“Sino ba ang kausap mo sa telepono mo at wala kang pakialam sa naghihintay sa ‘yo?”Namilog ang mga mata ni Analyn pagkakita sa sakay nito.“Sir Anthony!”Hindi sinagot ni Analyn ang tanong ni Anthony. Sa halip ay agad niyang binuksan ang pintuan at sumakay roon. Halatang pagod si Anthony base sa mukha niya pero binalewala muna iyon ni Analyn.“Sir Anthony, pwede bang ihatid mo ako ngayon? Emergency lang.”Wala ng nagawa si Anthony at napilitang ibuwelta ang sasakyan. Binalikan naman ni Analyn si Frances sa telepono.“Frances, huwag kang matakot. Ganito. Umalis ka ngayon diyan sa apartment mo. Hindi ka safe diyan. Mas mabuti siguro kung magpunta ka muna sa murang hotel o apartelle. Pupuntahan kita run. I-text mo na lang sa akin ang pangalan at address. Papunta
“Tama! Umalis ka na muna dito sa Tierra Punta.” Pumalakpak pa si Analyn. “Good idea.”Nang narinig ito ni Frances, nag-alanganin siya."Pero nandito ang trabaho ko. Baka hindi ako makahanap agad ng trabahgo sa pupuntahan ko. At saka, paano kung mahanap niya ang mga magulang ko?”"Alin ba ang mas importante? Ang trabaho mo o ang buhay mo?” may pagkayamot na tanong ni Anthony. Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng hindi agad makapag-desisyon.“Ikaw na nga ang may sabi na hindi mo akalain na kayang gawin ni Jiro ang saktan ka.”Hindi sumagot si Frances, at sa halip ay yumuko na lang.“As for your parents, kaya nga importante na makapagpa-blotter ka,” dagdag pa ni Anthony, “para hindi lang ikaw ang may proteksyon, pati na ang mga magulang mo.”Mahinang tumango si Frances.“Okay. Sige. Payag na ko. Kung ganon, maagang-maaga bukas, aalis na ako. Pero hindi ko muna sasabihin ngayon sa mga magulang ko. Ayaw kong mag-alala sila s
Nilingon ni Analyn si Anthony para sana gisingin ito, pero nakita niyang dumilat na rin ito at nakatitig na ngayon sa kanya.“Ah, Sir–”Walang sali-salita na pinaandar na ni Anthony ang sasakyan niya at saka sinundan ang taxi. Iyon nga sana ang sasabihin ni Analyn kanina pero hindi niya iyon naituloy sabihin sa takot na magalit ang bagong gising lang na si Anthony.Pagkatapos nilang tahimik na ihatid si Frances sa bus station ay umalis na sila roon. Tahimik lang sila pareho sa biyahe at parang walang gustong magsalita. Nagulat na lang si Analyn ng mahalata niya na binabaybay ni Anthony ang daan papunta sa DLM Building.Hindi na nakatiis si Analyn at nagsalita.
Pagkasabi ay binuksan ni Anthony ang brown packaging na nasa tabi ng note para tingnan ang laman nito. Pagkabukas niya rito ay agad na sinalubong ang ilong ni Anthony ng matapang na amoy kaya napalayo siya ng kaunti.“What’s this?” tanong niya kay Analyn na may maasim na mukha.Bago pa masagot ni Analyn ang tanong ng lalaki ay nakarinig sila ng mga boses mula sa labas ng pintuan.Napasulyap si Analyn sa relo niya. Marahil ay nagdadatingan na ang mga empleyado ng President’s Office. Agad na lumipad ang tingin ni Analyn sa binata, kitang-kita ang pagpa-panic sa mukha nito.Agad na dinampot ni Anthony ang brown bag at ang note ni Analyn, sabay tingin kay Analyn. “Come with me.”
Wala sa loob na pinagmasdan ni Anthony ang dalaga. Siya ang kauna-unahang babae na nakapasok dito sa kuwarto niya sa opisina. At ang unang tao na nagmulat sa kanya sa totoong estado niya ngayon na pilit niyang itinatago sa loob ng maraming taon. Pero noon, may isang tao rin na ganito ang epekto sa kanya.Hindi! Hindi maaaring siya rin iyon.“Ano naman ang alam mo sa pagiging malungkot sa itaas? May naiisip ka bang paraan para mawala ang kalungkutan na ‘yon?”Nang tila biglang may naalala si Analyn.“Ay, Sir Anthony! Male-late na ko! Baka mapag-initan ako ni Fatima, I mean, boss Fatima. Unang araw niya bilang boss at siyempre, magpapa-impress ‘yun sa departamento namin.”“May
Sa pagkainip ni Analyn na makalabas sa kuwarto ni Anthony ay hindi sinasadyang nakaidlip ito. Lalo na at halos wala siyang tulog kagabi sa kakabantay sa mga taong dumarating at umaalis sa labas ng hotel na tinutuluyan ni Frances.Nagmamadaling bumalik si Anthony sa kuwarto sa loob ng opisina niya. Gusto niyang mainis kay Analyn nang mabungaran niya ito na natutulog sa sofa. Nag-effort siya na paalisin ang mga tauhan niya para makalabas dito si Analyn tapos ay tutulugan lang pala siya.Pero nawala ang inis ni Anthony nang maalala na halos wala pa palang matinong tulog ang dalaga. Kaya siguro hindi nito napigilan ang makatulog habang naghihintay sa lanya.Gigisingin na sana ni Anthony ang dalaga pero tila may mahikang nag-uutos sa kanya na huwag muna. Kaaya-ayang pagmasdan ang natutulog na mukha nito. Ngayon lan
As usual, pagpatak ng alas-singko ay eksaktong nag-time out na si Analyn at dumiretso na sa sakayan ng bus. Habang naghihintay ng parating na bus, nag-vibrate ang telepono niya sa bulsa.From: FrancesAte Analyn, nandito na ako sa bahay ngparents ko.Napabuga ng hangin si Analyn, at saka sinagot ang mensahe ni Frances ng maikling mensahe lang din. Ingat.Ilang minuto na ang nakakaraan, pero wala pa ring dumarating na bus. Sa tingin ni Analyn ay lampas na sa treinta minto siyang nakatayo roon. Inuwi pa naman niya ang laptop niya ngayon at bigat na bigat siya habang nakasukbit ito sa balikat niya. Isa pa, wala pa siyang matinong tulog mula kagabi kaya antok na antok na rin siya at halos hinihila na ng
Kasabay ng gulo ng isip ay ang takot na nararamdaman ni Analyn. Litong-lito na ang isip niya. Muli siyang napatingin sa mukha ni Edward at saka napatanong sa sarili. Ano’ng ginagawa nila ni Edward sa kuwarto na iyon? Nagpalipas silang dalawa roon ng buong gabi ng hubo’t hubad?Pinilit niyang alisin sa isip niya ang ideya na ayaw niyang tanggapin. Hindi pwedeng mangyari ang naisip niyang iyon. Ipinilig ni Analyn ang ulo niya at saka inabot ang kumot sa may paanan niya. Itinakip niya iyon sa katawan, pagkatapos ay hinawakan niya ang mukha ni Edward para gisingin ito. “Edward! Edward!” Bahagya niyang tinapik-tapik ang pisngi nito. Niyugyog na rin niya ng bahagya ang lalaki para mas sigurado siyang magigising ito. Pero nakakapagtakang ni hindi man lang gumalaw ni ang talukap ng mga mata nito. Talagang nakakapagtaka, dahil sa pagkakakilala ni Analyn sa lalaki ay magaan lang itong matulog. Pero bakit ngayon ay parang sobrang lalim ng tulog nito? At paano’ng nandito ang lalaki? Sa pagka
Hindi na mapakali si Anthony. Kanina pa siya hindi matapos-tapos sa pag-iisip kung nasaan na si Analyn. Iniisip din niya kung sino ang posibleng mga kaaway niya, pero si Analyn ang tinarget dahil alam nilang siya ang kahinaan niya. “I-check n’yo si Edward!” galit na utos niya sa mga tauhan niya. Alas-otso na ng umaga nun ng sumunod na araw pagkatapos ng araw ng kanyang kapanganakan. Halos lahat ng tauhan niya ay nakakaramdam na ng takot, dahil alam nilang maaari silang pagbuntunan ng frustration at galit ng amo dahil sa hindi nila makita ang asawa nito.Pero bago makaalis ang mga tauhan niya, may dumating na rider sa gate. “Delivery po para kay Mr. Anthony De la Merced.” Agad na kinuha iyon ng isang tauhan ni Anthony. Binusising mabuti para i-check kung ligtas bang hawakan ng Presidente ng DLM. Nang napasakamay na ni Anthony ang envelope, agad siyang nakaramdam ng kaba pero pilit niyang binabale-wala ang tumatakbong ideya sa isip niya. Agad na nakilala ni Anthony ang sulat-kamay
Pagkaraan ng ilang minuto pagkatapos lumabas ng opisina ni Anthony si Ailyn, muling pumasok si Anthony sa loob ng opisina niya. Dumiretso siya sa upuan niya kung saan nakaupo si Analyn, at saka niyakap ang asawa. “Satisfied?” tanong ni Anthony sa asawa. Tinampal ni Analyn ang kamay ni Anthony na nakapatong sa dibdib niya. “Ikaw dapat ang tanungin ko niyan. Ano? Satisfied ka na ba na nalinis ko na ang kalat na ibinigay sa iyo ni Sixto Esguerra?” inis na sagot ni Analyn.Nakangiting hinalikan ni Anthony si Analyn sa pisngi nito. “Ako na naman ang kontrabida nito,” dagdag pa ni Analyn.Hindi naman kasi talaga gusto ni Anthony na maging assistant niya si Ailyn, pero hindi siya maka-hindi kay Sixto. Nang biglang may naalala si Analyn. “Wala ka pa bang balita kay Papa? Ano ng nangyari? Gustong-gusto ko na siyang makita.”“Wala pa, pero hindi naman tumitigil ang mga tao ko na maghanap at humanap ng leads. Aalis muna ako bukas. May importante lang akong investor na kailangang i-meet. Ok
Naunang bumaba ng sasakyan si Analyn, kasunod niya sa likuran si Anthony. Lahat ng madaanan nilang mga empleyado ay sabay silang binabati. Pagdating sa palapag ng President’s Office, wala pa ni isang staff ang nandoon pero naroroon na si Ailyn. Nasa loob na siya ng opisina ni Athony at ginagawa na ang trabaho niya. Nang narinig niya ang pagbukas ng pintuan, nag-angat agad siya ng tingin. Malapad ang ngiti niya dahil alam niyang dumating na si Anthony. “Tonton!” Pero agad na napawi ang ngiti niya ng nakita niya ang pagmumukha ni Analyn. “A- Miss Analyn…”Ngumiti si Analyn kay Ailyn. “You’re so early. Mukhang swak na swak ka talaga sa posisyon mo rito sa opisina ni Anthony.”Sinulyapan ni Ailyn si Anthony, tila ba humihingi ito ng tulong sa lalaki. Eksakto naman na may dumating na isang opisyal ng DLM Group na may dala-dala g dokumento. “Boss Anthony, mabuti nandito ka na. May nakalimutan kang pirmahan dun sa bagong project natin, kailangan na itong dalhin ngayon sa munisipyo.”T
20th floor. Sa condo unit ni Elle. Doon tumuloy si Analyn mula sa bahay ni Anthony. “Kanina, ipinatawag ni Papa Sixto ‘yung tatlong anak para hatiin na sa kanila ‘yung shares niya.”Nagulat si Analyn sa sinabi ni Elle. Nabasa naman ni Elle sa mukha ni Analyn na gusto nitong malaman ang dagdag na impormasyon pa kaya sinabi na niya. “20% kay Alfie, 15% kay Ate Brittany at 10% kay Ate Ailyn.” Lalong nagulat si Analyn. “Bakit pinakamalaki kay Alfie?” “Ang isa pang nakakagulat, kanina, may nagpuntang pulis sa bahay ng mga Esguerra. Kinuwestiyon sila isa-isa. Galit na galit ang matanda. Ikaw ba ang may pakana nun?”Napangiti si Analyn sa narinig. “Magaling si mamang pulis, ha… pagagawan ko nga siya ng tarpaulin, tapos ibabalandra ko roon sa police station nila.”“Sira!”Tumawa lang si Analyn. “Napapansin ko, lagi ka ng masaya ngayon.”“Hindi na kasi ako pinagbubuhatan ng kamay ni Alfie.”“Talaga ba? Himala yata? Nag-therapy ba siya?”“Natulungan ko siya sa isang project, tuwang-tuwa a
Samantala, tila naman napako na si Analyn sa pagkakaupo sa loob ng sasakyan at hindi na niya nakuhang makababa. Nakatingin lan siya sa dalawang taong na nasa harapan ng bahay ni Anthony. Gusto na niyang bawiin ang tingin niya, pero hindi niya magawa kahit nasasaktan na siya. Mahal na niya kasi, kaya ramdam na niya ang sakit. Ngayon lang niya na-realize na ganun na pala kalapit sa isa’t isa sila Anthony at Ailyn. Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang magtiwala kay Anthony, lalo na kung wala siya sa paligid nito.Habang papalapit si Anthony sa sasakyan na kinalululanan ni Analyn, mataman lang siyang nakatingin sa asawa. Nang huminto ito sa tapat ng bintana kung saan siya nakaupo at kinatok ang salamin, hindi pa rin siya natinag. Kahit na hindi nakikita ni Anthony ang sakay ng sasakyan dahil sa madilim na tint, alam niya sa puso niya na si Analyn ang nasa loob nito. “Analyn.” Ngayon ay may kasama ng pagtawag ang ginawa niyang pagkatok sa bintana. Huminga muna ng malalim si Analyn at
Malakas na itinulak ni Analyn si Anthony.“Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagtatrabaho na si Ailyn sa kumpanya mo?!”“Alam mo na ngayon.”“Huwag kang pilosopo!”“This is the reason why I didn’t tell you. Kapag sinabi ko, magagalit ka rin naman.”“Mahal mo na ba siya?!”Pumikit si Anthony, at saka hinilot-hilot ang pagitan ng mga kilay niya.“Na-inlove ka na talaga sa kanya?” hindi makapaniwalang tanong uli ni Analyn. Nilapitan niya si Anthony at saka hinila ang kamay nito para mapilitan siyang magdilat ng mga mata at tingnan siya.“Analyn…”“Sagutin mo ko, Anthony!”Hinila ni Anthony si Analyn palapit sa kanya. “Isa lang ang Mrs. De la Merced sa buhay ko.”Niyakap ni Anthony si Analyn at saka hinalikan ang buhok nito. Pilit namang humihiwalay sa kanya ni Analyn. “Pero maraming babae.”Pilit namang ibinalik ni Anthony ang asawa sa pagkakayakap. “No. Wala. Kahit isa.”Hinuli ni Anthony ang mukha ni Analyn at saka ito pilit hinalikan sa mga labi. Kahit anong piglas ni Analyn ay hind
Nang itulak ni Analyn ang pintuan ng opisina ni Anthony, nakita niyang nakaupo si Anthony sa mesa nito habang may pinipirmahang mga dokumento habang nakayukong nakaalalay dito si Ailyn, para ilipat ng pahina ang mga pinipirmahan ng aawa. Magkalapit na magkalapit ang mukha ng dalawa. Konting galaw pa siguro at mahahalikan na nila ang isa’t isa. “Kailan ka pa nagpalit ng sekretarya? Hindi ako na-inform na wala na pala rito ang dati mong sekretarya,” tanong ni Analyn pagkakita sa dalawa. Bahagyang nagulat si Anthony, pero hindi siya nagpahalata. “Analyn, ano’ng ginagawa mo rito? Ipinagbilin ko sa bahay na huwag kang paalisin.”Agad na tumayo si Anthony para salubungin si Analyn. “Bakit? Para hindi ko malaman itong sikreto n’yo?” Tumuwid ng tayo si Ailyn. Kalmado lang itong ngumti kay Analyn. “Miss Analyn, nandito ako as assistant ni Tonton. Ito kasi ang gusto ni Papa.” Matalim na tinitigan ni Analyn si Ailyn. Nakaramdam naman ng takot si Ailyn kaya lumipad ang tingin niya kay Anth
Nanginginig ang buong katawan ni Analyn habang ikinukuwento kay Anthony ang nangyari. Takot na takot pa rin siya, at tanging si Anthony lang ang makakapagtanggal ng takot niya. Hinagod ni Anthony ang likuran ni Analyn. “Itinawag mo na kamo sa pulisya, di ba? Dapat may resulta na ang imbestigasyon nila ngayon.” Umiling-iling si Analyn. “Hindi, Anthony. Masama ang kutob ko. Malakas ang paniniwala ko na hindi basta-bastang pagkawala ito. Malakas ang kutob ko na may kumuha sa Papa ko.”“Shh… huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Malapit na tayo sa dating bahay niya. Baka nandun lang siya.” “Sana nga, Anthony. Sana nga…”NANG dumating sila Anthony at Analyn sa dating bahay ni Damian, walang senyales na galing doon si Damian. Saradong-sarado ito, at naka-lock ng padlock ang pintuan sa labas. Imposibleng makapasok si Damian doon.“Wala siya rito, Anthony. Ano’ng gagawin natin?”Dinukot ni Anthony ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon at saka tumawag sa bahay. Pero wala pa rin d