Nagpatulong si Analyn na makakuha ng imbitasyon kay Jean para makapasok sa fashion show. Legal naman iyon dahil wala namang magtataka sa presensiya niya roon dahil may-ari naman siya ng isang kumpanya. Sinadya ni Analyn na dumating sa fashion show na nagsisimula na ang palabas. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa harapan at doon naupo, bitbit ang kanyang bag at isang magasin. Nagulat ang mga naroroon at ang lahat ng mga mata ay nasa kanya ang atensyon, lalo na ang mga VIP na nakaupo sa harapan. Hindi pa nagtatagal na lumalapat ang pang-upo ni Analyn sa upuan ay nakarinig na siya ng mga bulong-bulungan. “Tama ba ang nakikita ko? Si Analyn ‘yan, di ba? Ang dating asawa ni Anthony De la Merced?” “Oo nga! Siya nga! Bakit siya nagpunta rito?”“Ang lakas naman ng loob niyan na magpunta rito.”May mahinang tawanan pang narinig si Analyn mula sa likuran niya, pero binalewala na lang niya ang mga naririnig. Sa halip, binuksan niya ang dalang magasin at saka binuklat-buklat iyon na til
Pagkalipas ng dalawang araw, nagawa ni Analyn na makipagkita kay Jiro. Sa isang luma at tagong coffee shop sila nagkita. Pagkapasok ni Analyn doon ay agad inilibot ang mga mata at nakita sa isang tagong sulok doon si Jiro. Nakasuot ito ng baseball cap at face mask. Agad niyang nilapitan ang lalaki.“Bakit ganyan ang itsura mo?” sabi ni Analyn na nasa tapat na siya ni Jiro. “Bakit? Ano’ng itsura ko?” “‘Yan,” sabi ni Analyn habang matamang tinitingnan ang mukha ni Jiro, “spy ka ba?”Agad na nilibot ng tingin ni Jiro ang paligid.“Shhh! Ang ingay mo naman! Umupo ka na.” Naupo nga si Analyn. “Nag-iingat lang ako. Mahirap na. Baka mamaya may nakasunod pala sa ‘yo,” sabi ni Jiro.Umirap sa hangin si Analyn. “Magkapatid naman tayo. Normal lang na nagkikita tayo.”Hindi nagkomento si Jiro sa sinabi ni Analyn, pagkatapos ay may inilabas siyang maliit na brown envelope at saka inilatag sa ibabaw ng mesa nila.“Nagawa ko na iyong inutos n’yo ni Miss Jean. Nakipagkita si Ailyn sa isang sik
Nang nakatulog si Greg, sinamantala iyon ni Analyn na magpaalam na kay Rhia. Hinatid siya ng tapat na mayordoma sa labas ng kuwarto. “Pasensya ka na kay Sir Greg kung napagkamalan ka niyang si Mam Ailyn.”Umiling si Analyn, pero alam niyang alam ni Greg na siya talaga si Ailyn. “Wala iyon, Manang. Naiintindihan ko. Kailan ba talaga siya nagkasakit?”“Mahigit isang buwan na. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya hinimatay na lang. Ang huli lang niyang ginawa ay may binasa siyang text sa cellphone niya. Tapos bigla na lang dinakot niya ang dibdib niya at natumba na.”May nabubuong hinala sa isip ni Analyn, pero hindi na niya ito sinabi pa kay Rhia. Ang hula niya ay sinadyang hindi sabihin o ipasabi ni Anthony sa kanya ang nangyari sa lolo nito, dahil alam ni Anthony na sisisihin ni Analyn ang sarili niya kung sakaling nalaman niya. Napabuntong-hininga na lang si Analyn. Pagkatapos niyang magbilin kay Rhia ng mga dapat gawing pag-aalaga kay Greg ay umalis na ito roon. Pa
Nanghihinang napaupo uli si Analyn sa dati niyang puwesto. Nakaalalay naman sa kanya si Jean. Isinandal ni Analyn ang ulo niya sa pader at saka mariing pumikit. Saka naman isa-isang pumasok sa isip niya ang mga hindi sinasadyang pagkikita nila Sixto at Mercy. Ang tila komportableng pakiramdam tungo sa kanila na para bang matagal na niya silang kakilala. Ang nararamdaman niyang koneksyon nila ni Mercy na halintulad sa isang anak at ina. Lahat ng iyon ay hindi pala nagkataon lang. Mariing nakagat ni Analyn ang ibabang labi ng pumasok sa isip niya si Ailyn. Ang impostorang si Ailyn! Ang kapal ng mukha niya na ariin ang lahat ng para sa kanya! Ang tapang ng apog niya na kunin ang katauhan ko!Nasa ganoong kalagayan at pag-iisip si Analyn nang biglang bumukas mula sa loob ang pintuan ng kuwarto kung saan nakaratay si Greg. Ang una niyang nakita ay si Karl na nasa tapat ni Analyn. “Karl, nandiyan ka–” Saka lang niya nakita ang nakaupong si Analyn na biglang tumuwid ng pagkaka-upo nang
Nasa labas na si Analyn ng kuwarto ni Greg. Pero hindi siya makapasok. Natatakot siya. Natatakot siya sa posible niyang makita sa loob ng kuwarto. Natatakot siya na baka mawala na si Greg. Kung sakaling mawawala nga ang matanda, hindi niya alam kung paano niya tatanggapin iyon. Sa huli, napagpasyahan niyang hindi muna pumasok. Naupo muna siya sa upuan na nasa labas ng kuwarto nito. Sa pagkakaupo niya roon, marami siyang naiisip. Maraming pumapasok na mga senaryo sa isip niya. Nakatulala lang si Analyn. Hindi alam ni Karl kung ano ang mga tumatakbo sa isip nito. Nag-aalala rin siya para rito. “Bakit hindi ka pa pumasok?” tanong ni Karl.“Natatakot ako.”“Paano mo malalaman kung ano ang kundisyon niya kung hindi ka papasok?”“Magpapalakas muna ako ng loob.”“Ibibili muna kita ng kahit anong makakain mo. Dito ka muna. Sandali lang ako.”“Dito ka lang. Alam ko namang pinapabantayan ako sa iyo ni Anthony. Dito ka lang, huwag kang aalis.”Hindi alam ni Karl kung itatanggi o aaminin kay A
“Mama…”Pinilit ni Mercy na bawiin ang tingin kina Analyn at Chili, at saka tiningnan si Ailyn. “Okay lang, huwag mong pilitin. Hayaan mo na muna si Chili dito sa likod-bahay.” Napabuga ng hangin si Ailyn. “Salamat, Mama. Hayaan mo, pipilitin ko na araw-araw puntahan at makita si Chili dito.”Nakangiting tumango si Mercy, pero hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni Analyn na kung pet lover ka noong bata ka ay hindi iyon pwedeng magbago hanggang sa pagtanda, at mananatili kang pet lover. Pero ang nakita niya kanina kay Ailyn tungo sa alaga nitong aso ay punong-puno ng takot at disgusto sa aso. Ayaw man niya, pero nakaramdam ng lungkot si Mercy sa inasal ng anak.“Tara na,” yaya ni Mercy kay Ailyn at saka siya nagpatiuna ng naglakad palabas doon. Agad namang sumunod si Ailyn. Pero pagtapat niya sa puwesto ng aso ay galit na tinahulan na naman siya nito, kaiba sa trato niya kay Mercy at Analyn. Samantala, nagpalit na si Analyn ng damit niya. Muli niyang isinuot ang damit na suot n