Napangiti si Brigitte nang marinig ang mga staff na nagbubulungan tungkol sa ginagawa niyang pagdikit kay Alexander. Lagi na lang siya ang topic sa tuwing madadaanan niya ang mga ito. “Ang mga tao talaga... inggit na inggit sa kagandahan ko,” mahina niyang bulong habang nakangiti sa salamin ng comfort room. Inayos niya ang buhok saka tiningnan ang sarili mula ulo hanggang paa. Maiksi ang suot niyang palda na bahagyang galaw lang ay makikita na ang pangloob niya; hapit na hapit rin ang suot niyang blouse na bahagyang nakabukas sa dibdib. “Perfect,” mahina niyang sabi bago lumabas ng restroom. Pagpasok niya sa opisina, agad siyang napatingin kay Alexander na abala sa laptop. Tahimik itong nagta-type, walang pakialam sa paligid. Ngumiti si Brigitte saka marahang lumapit. “Sir,” malambing niyang bati. “Pwede bang mag-usap tayo sandali?” Hindi agad nag-angat ng tingin si Alexander. “Make it quick, Brigitte. As you can see, hectic ang schedule ko.” “Sir,” sabi niya ulit, sabay tiklo
Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ni Iris habang nakatayo siya sa harap ng bintana ng silid. Tahimik ang paligid, tanging mga kuliglig lang ang maririnig. Sa labas, kumikislap ang mga bituin sa madilim na langit—tila mga matang nagmamasid sa kanya. “Mom, Dad…” mahina niyang tawag, halos pabulong. “Ang saya-saya ko po ngayon.” Unti-unting nag-init ang mga mata niya. “Sana, kung nasaan man kayo ngayon, nasa maayos kayong kalagayan… Mahal na mahal ko po kayo.” Napahawak siya sa tiyan niya, mariing nakapikit. “Alam niyo po ba, Mom, Dad…” basag ang boses niya habang nanginginig ang labi. “Magkakaapo na po kayo. Sayang nga lang, hindi niyo man lang siya makikita.” Napaluhod siya sa tabi ng bintana, pinipigilan ang hikbi. “Pero huwag po kayong mag-alala. Palalakihin ko po siya tulad ng pagpapalaki niyo sa akin. Ituturo ko sa kanya ang lahat ng itinuro niyo—ang magmahal ng totoo, maging matapang, at maging mabuting tao.” Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng damit habang
Tahimik sa loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang pamilyar na daan papunta sa mansyon. Nakahawak si Iris sa tiyan niya, habang si Alexander ay nakatutok sa daan.“Sigurado ka ba rito?” mahina pero puno ng pag-aalalang tanong ni Iris.Huminga nang malalim si Alexander bago tumango. “Oo, Sweetheart. Mas mabuti nang marinig natin ang katotohanan ngayon kaysa mabuhay tayo sa mga what if’s na ‘yan. Hindi puwedeng habang buhay na lang nating iiwasan si Daddy nang hindi natin nalalaman ang totoo.”“Pero sana... ano man ang sabihin ni Daddy, walang magbago sa kung ano man tayo ngayon, Alex... dahil hindi ko kayang—mawala ka sa amin ng baby natin.”Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Alexander at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Iris.“Sweetheart, mahal kita. At hindi ako mawawala sa inyo ni baby, kahit kailan... kahit anong mangyari.”Agad na niyakap ni Iris si Alexander.“Thank you, baby!” nangingilid-luhang sabi niya.Pagpasok ng sasakyan sa malaking gate ng mansyon, agad si
“Pero bakit naman kita tutulungan?” malamig at matalim na tanong ni Cris habang tinitigan si Brigitte mula ulo hanggang paa. Nakatukod ang mga kamay niya sa bulsa, at ramdam sa tinig ang awtoridad. “Simple lang,” dagdag niya, bahagyang tumikhim bago tumingin sa mga pulis sa paligid. “Bukod sa trabaho niyo ‘to… ikaw ang dahilan kung bakit nawalan ako ng ama.” Bahagyang natigilan si Cris sa sinabi nito. Namutla siya, sabay singhal, “Kasalanan ko?!” Nanggalaiti ang boses niya, halos marinig ng lahat sa presinto. “Kasalanan ko kung bakit namatay ang tatay mo?!” “Oo, hindi ba’t ikaw ang umaresto sa kanya?” mariing sagot ni Brigitte. “Nakalog ba ’yang utak mo? Ang bilis mo namang makalimot! Nagka-amnesia ka?” Sarkastikong humalakhak si Brigitte. “Hindi mo ba alam kung paano naging miserable ang buhay ko dahil sa pagyayabang mo?” Halos hindi makahinga si Brigitte sa galit. “Hindi naman ako lalapit sa inyo kung kaya kong solusyunan ang problema ko, ‘no!” Napailing si Cris, halatang pinip
Napaatras si Iris, hawak ang sariling bibig, nang makita ang hubad na likod ng isang lalaking abala sa kusina. “Alexander?!” halos pasigaw niyang tawag, sabay takip ng kamay sa dibdib. Napalingon si Alexander, gulat din, habang hawak ang sandok. “Sweetheart! Ako ’to!” “Akala ko may ibang tao!” napahawak si Iris sa mesa, nanginginig pa ang boses. Tawang-tawa si Alexander habang pinupunasan ang kamay sa tuwalya. “Oh sige, horror movies pa! Kita mo, pati ikaw tuloy natatakot kahit umaga.” “Hmmft! Nagulat lang!” naka-pout na tanggi ni Iris. “Saka bakit ka naman nagluluto nang ganyan ang ayos mo?” kunot-noong tanong niya. “Ano ba dapat ang ayos kapag nagluluto, Sweetheart?” nakangising balik-tanong ni Alexander. Napakamot ng ulo si Iris, naiinis na natatawa sa mga tanungan ni Alexander. Nakasimangot na lumapit siya rito at mahinang hinampas ang braso. “Ang kulit mo talaga! Kailan ka pa umuwi?” “Kanina lang, mga alas-tres,” sagot niya habang nag-aayos ng plato. “Bakit hi
Tahimik ang sala matapos ang halos isang oras ng sigawan at tawanan. Natapos na ang horror movie, pero si Alexander, mukhang hindi pa rin nakakabawi. “Baby,” natatawang sabi ni Iris habang pinupulot ang mga nakakalat na popcorn, “relax ka na. Tapos na ‘yung multo.” “Hindi ako takot, ha,” depensa ni Alexander, pero mahigpit pa rin ang yakap sa unan. “Ang lakas lang kasi ng sounds!” “Sure,” sagot ni Iris sabay kindat. “Next time, cartoon na lang panoorin natin. Para ‘di ka na sumigaw.” “Sweetheart naman, nang-aasar ka pa,” reklamo ni Alexander, pero nakangiti rin habang hinahaplos ang tiyan ni Iris. “Narinig mo ‘yon, baby? Tinatawanan ako ng mommy mo.” “Eh kasi naman, Daddy,” natatawang sagot ni Iris, ginagaya ang boses ng bata. “Ang tapang-tapang mo raw sabi mo kanina, pero ikaw ‘yung unang sumigaw.” “Hindi ako sumigaw! Nagulat lang ako!” sagot ni Alexander, halatang nahihiya pero aliw si Iris sa ekspresyon niya. Natawa si Iris at marahang sumandal sa dibdib nito. “Okay,