Napasinghap si Iris nang biglang prumeno si Alexander. Muntik na silang bumangga sa sasakyan sa harap.“May problema ba?” tanong niya, kita sa mukha ang pag-aalala.Mula nang mag-usap sila ng ina ni Alexander habang nag-aalmusal ng nasa singapore sila, ramdam niyang nagbago ang mood nito. Tahimik, malalim ang iniisip.“Nothing, sweetheart. Don’t worry,” sagot ni Alexander, pilit na ngumiti pero hindi ito umabot sa mga mata. Binalik niya ang tingin sa daan.Hindi mapakali si Iris. Nahihiya man, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ng binata. Nagulat ito, pero agad ring ngumiti at pinisil ang kanyang kamay.“Thank you, Iris, for being here. At sana, kahit may matuklasan ka pa... walang magbago sa atin,” bulong ni Alexander.Napatingin si Iris sa kanya, halatang may laman ang sinabi nito. Gusto niyang sagutin, pero wala siyang maisip na tamang salita.Pagdating nila sa mansyon ng mga Corañez, agad silang sinalubong ng mga kasambahay. Tinawag ang mag-asawang amo.“Alexander, anak!” bung
Last Updated : 2025-08-01 Read more