LOGIN[THIS BOOK IS RATED SPG. READ AT YOUR OWN RISK.] Ano nga kaya ang possibling mangyari kung matipuhan ka ng isang Mafia? Kung aalukin ka ba nitong magpa ampon o magpakasal, alin ang pipiliin mo? She is an heiress. A girl who was born with a golden spoon, but because of betrayal, her life changed. Ang isang fashionista ay biglang naging babaeng makaluma ang porma. Her name is Tamarra, ang babaeng magpapatibok sa puso ni Davielle. Davielle is a Mafia. His life purpose is to kill, and falling inlove is not on his vocabulary, but his world turn upside down when he meets Ara. Ano ang maaaring kahantungan ng pag-iibigan ng dalawang taong magkaiba ang prinsipyo? Makaya kaya nilang lampasan lahat ng pagsubok sa ngalan ng pag-ibig? O ang pag-ibig ang siyang magpapabagsak sa kanilang mga layunin?
View More“Hoy teka lang! Saan niyo dadalhin ang katawan ni Jake! Dalhin niyo siya sa Hospital!” nagsisisigaw ako nang may pumasok sa loob na tauhan ni Davielle.“Halika na Ara. Kailangan ka ng lumipat sa itaas,” ani ni Nigel habang hatak-hatak ako.“Ano ba talaga ang plano niyo sa’kin? Pinatay pa talaga ninyo si Jake!”“Kung hindi namin siya binaril, marahil si Davielle ang namatay,” katwiran pa niya.“Ano naman ngayon kung mamatay siya? Eh dapat nga siya ang nasa kalagayan ni Jake ngayon,” sagot ko at inirapan ito.“At kakayanin mo ba talaga na makitang wala ng buhay ang minsan mo ng minahal?”Natigilan ako saglit dahil sa naging tanong niya. Sa tuwing naiisip ko ang ideya na ginamit lang ako ni Davielle, hindi ko maiwasan na masaktan. I really never see it coming. Masyado akong naging panatag at nasanay sa mga pinakita niyang kabaitan. Nasabi ko pa nga na complete package siya eh. Pero siya pala ang literal na bangungot sa buhay ko.“Sorry Ara, sumusunod lang din kami sa utos ni Davielle. Ka
[Tamarra’s POV]Nagising ako na hindi ko halos maigalaw ang mga kamay ko. Madilim at tahimik ang paligid. Napasinghap ako nang maalala ko ang lahat ng nangyari bago ako mawalan ng malay.Si Davielle.“Boss, mukhang gising na si Ara.” Boses iyon ni Miguel at kasunod na narinig ko ay mga yabag papalapit.Kahit papaano ay may liwanag na akong naaninag. Pumasok si Davielle kasama ang tatlo niyang kaibigan.“Boss Davielle, ano ang ibig sabihin nito?”Napalingon ako sa isang sulok nang marinig ko ang boses ni Jake. Nakagapos ang mga kamay at paa niya. Napatingin ako sa sarili kong katawan, pareho lang pala ang kalagayan namin.“Paano mo naatim na itali ang sarili mong asawa?” sumigaw si Jake nang makita niya ako. Nagtatangis ang kaniyang bagang at tila gusto niyang manlaban, pero bago pa man siya makakilos ay may itinurok si Nigel sa kaniya.“Ano’ng ibig sabihin nito?” nauutal kong tanong sa kanila.Nakatayo si Davielle pero hindi siya humaharap sa’kin.“I have to keep you here. Hindi ka p’w
[Davielle’s Point of View]“Gumawa kayo ng peke na kopya ng file na ito. Kailangan na maiba ang silyo, pero dapat hindi nila mahalata,” utos ko kina Nigel na ngayon ay naghahanda na ng mga armas.“Noted boss.”“Sa tingin mo boss, ano ang totoong pakay dito ni tanda? May balak ba siyang ibenta ito sa mga pulis?”Napa-isip ako dahil sa tanong ni Miguel. May punto naman siya. Maaaring pagkakitaan ni master Lou ang files na ito, o baka naman may iba pa siyang plano dito. “Bakit hindi na lang natin sunugin iyan at ng wala ng ibang makakuha pa?” mungkahi ni Bruce.“Hindi natin ito pweding basta na lang na sirain. Kailangan itong mapunta sa mga tapat na alagad ng batas,” sagot ko.“Ibibigay mo sa mga pulis? Madadamay ka niyan!”“Saka ko na ito ibibigay sa kanila kapag natapos na akong gumanti para sulit naman kung makulong ako,” sagot ko at ngumisi sa kanila.“Grabe ka talaga boss.”Lumabas ako saglit at napagdesisyunan kong dalawin si lola Lorna. Pagkarating ko sa bahay niya, hindi na ako
[Davielle’s Point of View]“Ano’ng klasing mukha yan? Para kang natalo sa lotto.”“Nag-away ba kayo ng honey mo?”“Baka hiniwalayan ni miss ganda.”Isa-isa ko silang tinapunan ng masamang tingin. Itinaas ko ang kamay ko at lahat sila gulat ang ekspresyon sa mga mukha.“Paano niyo nakuha iyan? Bumalik na ba ang alaala niya?” tanong ni Miguel habang hindi pa inaalis ang titig sa kamay ko.“I don’t know if she’s telling the truth.” Diretso akong pumasok at naupo sa swivel chair. Inilapag ko sa mesa ang red envelope kasabay ang isang hiwalay na folder.“Ano ba ang sabi niya?”“Hulaan ko. Hindi niya inaamin na may naalala na siya, tama?”I simply nod as an answer. “So, what now? Bakit hindi mo siya isinama dito? Hindi ba naninilikado ang buhay niyo doon?” pakamot-kamot sa ulo si Nigel habang hindi napirme sa kaniyang kinatatayuan.“The fudge Nigel. Maupo ka nga, nahihilo na ako sayo!” sita dito ni Miguel at hinila ito paupo.“I don’t care anymore!”“WHAT!” Lahat sila nanlaki ang mga mat






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews