LOGIN"Ano naman ito?” wala sa mood na tanong ni Westley sa kanyang secretary nang mag-abot na naman ito ng panibagong sobre sa kanya kinabukasan.
“Sir, may nagpadala po ulit wala na naman pong address kung saan galing.” sagot ni Therese. Kinuha niya ang love letter at pumasok na siya sa kanyang opisina. Inilapag niya ang sulat sa ibabaw ng mesa at naghubad siya ng coat dahil nainitan siya. Wala siya sa mood dahil natakasan na naman sila ni Eliazar ang buong akala nila ay matatapos na rin ang problema nila ni Drake sa lalaking yun. Naupo siya swivel chair at sumandal. Napatingin siya sa love letter at binuksan niya ito para basahin. ~~~ My Dearest Sunlight, Itong sulat kong pangit, ingatan mong pilit. Kapag ito ay napunit. Puwede bang Ikaw ang kapalit?” Nagmamahal, your Moonlight ~~~ Sumilay ang ngiti sa labi ni Westley habang paulit-ulit na binabasa ang nakasulat sa love letter. Pero nabura ang ngiti sa kanyang labi nang maisip niyang hindi tama yung reaction niya sa sulat na pinadala sa kanya. Kinuha niya sa kabinet ang unang sulat ang pinagtabi niya ito. Nangalong baba siya na para bang may malalim na iniisip. “Aalamin ko kung sino ka, kapag tapos na kami kay Eliazar.” seryosong sabi ni Westley at itinago ulit ang mga love letter. Sa sumunod na araw ay inabutan na naman siya ng love letter ng kanyang secretarya. Sa pintuan pa lamang ay binuksan na niya ito at binasa. ~~~ To my Dearest Sunlight Kung ako ang ‘yong pipiliin, mundo mo’y hindi didilim. Puso mo’y hindi lalamigin. Basta't ako’y sayong ilalim, Ika’y aking paliligayahin, at mata mo’y patitirikin. Nagmamahal, your Moonlight ~~~ “Interesting.” Nakangiting ani ni Westley at niluwagan ang kanyang kurbata pagkatapos ay binasa niya ulit ang sulat bago itabi pa sa mga kasama nito. “Therese, alamin mo sa dilivery kung saan galing ang mga sulat.” Bilin niya sa kanyang secretarya bago siya umalis. Samantala, halos hindi na makatulog si Xanthe kakaisip ng panibago niyang isusulat dahil hindi naman niya alam kung ano ang kanyang dapat isulat kaya dinadaan na lamang niya sa patula-tula. Tumunog ang phone niya at sinagot niya ito. “Miss Xan, kumusta? Pasensya ka na at busy ako. Nagpa-lippo kasi ako. Kaya Ikaw na muna ang bahala ituloy mo lang ang pagpapadala sa kanya ng sulat habang nagpapaganda ako. Kapag gusto na niyang magmeet kaming dalawa sasabihin ko sayo para mailagay mo sa last letter, Okay?” “Yes, Madam.” sagot ni Xanthe at binagsak ang sarili sa malambot na kama. “Hmmm…ano kaya ang reaksyon ng lalaking yun sa mga sulat ko? Walang lalaking tatangi kapag inalok mo na ang sarili, gawa kaya ako ng something sexy? Baka sakaling mas manabik siyang makilala si Madam Fushia?” bulong ni Xanthe sa sarili. Naglalarong ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Pagkatapos ay bumangon siya at dumampot ng ballpen at papel. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inimagine niya ang lalaking nakita niya sa room. Ang lalaking muntik nang makahuli sa kanya sa madilim na kuwarto. Pagkatapos ay dumilat siya at nagsimulang magsulat sa papel. ~~~ My Sunlight Alam mo bang nasasabik na akong magkita tayo? Palagi na lamang akong nakatingin mula sa malayo. Palaging umaasa na sana kapag dumating na ang oras na magkakilala tayong dalawa. Ay bigyan mo ng pagkakataon na buksan ang puso mo sa isang kagaya ko. Hindi man perpekto gaya ng ibang babaeng humahabol sayo. May malaki naman akong puso na para lamang sayo. At sisiguraduhin kong hindi ka magsisisi. Ibibigay ko ang sarili ko ng buong-buo. Bubusugin kita ng mga yakap at halik ko. At pangakong sa’yo ko lang ilalaan ang buhay ko. Ang sarap mo. Nagmamahal Moonlight ~~~ Pagkatapos niyang tupiin ang sulat at ipasok sa sobre ay pinadala niya ulit ito. Kinabukasan ay inaantok pa siyang nag-unat. Bumaba siya sa kama dahil pupunta siya ngayon sa opisina. May kakatagpuin kasi silang client. Napahikab siya at napasilip sa ibabang salamin mula sa kanyang condo unit. At nanlaki ang mata niya nang makita niyang nakatingala sa kanya ang lalaking pinagnakawan niya ang brief may mga kasama pa itong goons. “Hindi naman siguro ako ang pakay nito.” Kinalma ni Xanthe ang sarili ngunit naisip niyang paano kung inalam ng lalaking yun kung saan galing ang sulat? “YARE!!!” Kaagad siyang kumuha ng pamalit na damit sa pantulog na suot niya at mabilis na lumabas mula sa kanyang kuwarto. Kaagad siyang umakyat sa rooftop dahil napapaligiran na ng mga tauhan nito ang baba kaya paniguradong kapag bumaba siya ay mahuhuli siya ngunit sa rooftop may puwedeng pagtaguan doon! “Naloko na!!!” nagmamadaling pinindot ni Xanthe ang elevator at pagkatapos ay sumakay siya papunta sa rooftop ng building at naghanap siya ng matataguan. Mabuti na lamang at bitbit niya ang wallet at phone niya. Malalaman niya ang sitwasyon sa loob ng condo niya dahil meron siyang access sa cctv ng condo niya. Pinanuod niya ito at nakita niyang kumakatok na ang mga goons sa pintuan niya. At nang walang nagbukas ng pinto ay nagulat si Xanthe nang sipain ng isang lalaki ang pinto at bumukas ito. Pumasok si Westley at ang mga tauhan nito. Inilipat niya ang CCTV at pinanuod naman ang sa sala. Nakita niya kung paano halug-hugin ang buong condo niya. Si Westley ay kalmado lang din na nagmasid. Nakita niya ang bukas na pinto ng banyo at lumapit siya doon dahil baka doon ito nagtatago. Ngunit pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang mga itim na t-back na nakahanger pati na rin ang itim na bra. Napansin niyang may kalakihan ang size nito kaya paniguradong biniyayaan din ito ng malusog na dibdib. “Boss! Walang tao dito!” Ani ng tauhan niya. Wala man lang kahit picture frame siyang nakita or puwedeng pagkakilalanlan ng babaeng sumusulat sa kanya. Hanggang sa makita niya sa mga basurahan ang mga scratch paper ng mga sulat ni Xanthe. Nanlaki ang mata ni Xanthe nang kalkalin ng lalaki ang basurahan at pinagbabasa ang mga sinulat niya. “Jusko lord, malalagot ako kay Madam!” Bulalas ni Xanthe. Habang si Westley naman ay hindi na mabura ang ngiti sa labi sa kanyang mga nababasa. “Dalhin niyo lahat yan, aalis na tayo.” Ani ni Westley at binitbit ng isang tauhan niya ang trashbin. Pagkatapos ay lumabas na sila sa condo. Nakahinga si Xanthe ng maluwag nang lumabas na ang mga ito. Samantala, lumapit si Westley sa front desk ng building. “Hi Miss, puwede ko bang malaman ang pangalan ng nakatira sa unit 143?” “Sir pasensya na pero bawal po eh–” Nanlaki ang mata ng babae nang ilapag nito ang isang kapal na lilibuhin sa harapan niya. “Sayo na yan kung ibibigay mo sa akin ang pangalan niya. Huwag kang mag-alala wala akong balak na saktan siya. Gusto ko lang malaman ang pangalan ng babaeng nagpapadala sa akin ng love letter.” Ani ni Westley. “Talaga po? Sige po, sandali lang.” wika ng babae at kaagad na sinulat ang pangalan ng nakatira sa nasabing unit. Pagkatapos ay binigay kay Westley ang papel. “Axanthe Velasquez?” Sambit ni Westley habang binabasa ang pangalan nito. Pagkatapos ay inabot niya sa tauhan niya ang papel. “Alamin mo ang lahat sa kanya.” seryosong sabi ni Westley. “Yes Boss!” sagot nito. Pagkatapos ay lumabas na sila sa building. “Boss!” Napalingon siya sa tawag ng isa niyang tauhan. “Anong gagawin ko po dito?” Turo nito sa basurahan na hawak niya. Nilapitan siya ni Westley at kinuha mula sa kanya ang basurahan. Pagkatapos ay sumakay na ito sa kanyang kotse.WARNING: THIS SCENES MAY TRIGGERED YOUR SENSITIVITY. READING WITH RESTRICTION IS ADVICE. Gamit ang Kawasaki Ninja H2 Carbon big bike motorcycle ay sabay na sumakay si Westley at Xanthe upang puntahan ang lokasyon ng anak ni Marites. Ang babaeng nagtangka sa buhay ni Ms. Fushia. Sa isang lumang gusali sila dinala ng informer nila. Ternong all black with hodie jacket ang parehong suot ng dalawa at nagsuot din sila ng facemask upang hindi sila makilala.Sa abandonadong eskinita kung saan may mga bahay at nakahanda nang i-demolish ang itinuro ng kanyang mga tauhan ang lokasyon ng batang kailangan nilang iligtas. Nakatunog daw ata ang mga ito kaya binihag nang tuluyan ang mga bata. “Lord Spade kailangan niyo ba ng back up?” tanong ni Mason habang kausap niya ito sa bluetooth na connected sa phone niya.“No need kaya na namin ito.” Ani ni Westley at pagkatapos ay ini-off ang tawag. Itinigil nila ang motorcycle sa gitna ng kalsada. Nakakabinging katahimikan ang naririnig nila.“Xan—”“Ssh
Papalubog na ang araw nang makauwi si Xanthe. Nadatnan niya ang sasakyan ni Westley sa labas ng mansion kaya alam niyang nakabalik na ito.“Hon, diba sinabi ko na sayong huwag ka nang magpapakita sa babaeng yun?” giit niya na ikinaseryoso ng mukha ni Xanthe.“Umamin ka sa akin, may inutusan ka bang ipapatay si Ms. Fushia?” seryosong tanong niya.“What? At bakit ko naman gagawin yun?” may pagtatakang tanong nito.“Ipasok niyo siya!”Napunta sa mga tauhan niyang pumasok sa pinto at may dalang nakataling babae at panay ang piglas nito.“Who’s she?” ani ni Westley.“Sabi niya ikaw daw ang nag-utos sa kanyang tapusin si Ms. Fushia.”“What? At bakit ko naman gagawin yun?”Bumaling si Xanthe sa babaeng matalim ang tingin sa kanila.“Si Westley ba ang nag-utos sayo?” kalmadong tanong ni Xanthe. Ngunit hindi ito sumagot at nanatiling nakaluhod sa sahig habang nakatali ang dalawang kamay sa likod.“Mason!” tawag ni Westley sa kanyang tauhan.“Torture her para umamin,” utos ni Westley.Kinaladka
Kakatapos lang maligo ni Xanthe nang tumunog ang phone niya. Inisip niyang baka si Westley na yun at nakarating na sa Hongkong kaya ito tumawag ngunit nang makita niya ang number ay nagdalawang isip na siyang sagutin ito. Binilinan kasi siya ni Westley na huwag na makikipagkita kay Ms. Fushia. Ngunit kung hindi niya gagawin yun ay lalo lamang itong magdududa at gagawa ng paraan para mahanap siya. Kaya dinampot niya ang phone at sinagot ang tawag nito.“Hi! Ms. Xhan!” bungad agad na bati nito sa kanya.“Ms. Fusha, napatawag ka?”“Gusto ko sanang magpasama sa’yo eh. Birthday ko na kasi sa isang araw. Kaya lang gusto kong Samahan mo akong bumili ng sapatos at dress. Magpapasalon din ako, kapag sumama ka ipagsa-shoping din kita at ipagpapasalon promise!” alok nito sa kanya.“Ah…kasi busy ako eh—”“Ah ganun ba? Nakakalungkot naman…pasensya ka na ha? Wala kasi akong ibang matatawagan bukod sayo. Alam mo naman wala akong ibang friends. Pero sige, kaya ko naman mag-isa. Sanay na ako…salamat
Napa-angat ng tingin sa hagdan si Westley pagkababa ni Xanthe. Napangiti siya nang makitang napakaganda nito at simple sa suot na dress na hangang tuhod ang haba.“Hon, saan ka pupunta?” usisa ni Westley nang makababa si Xanthe“Makikipagkita lang ako sa kaibigan ko, at mamimili din ako ng mga gamit ng mga bata para sa pasukan.” Hinapit nito ang kanyang manipis na beywang at kinintalan ng halik sa noo.“Sasama ako.”“Ano? Bakit ka naman sasama?” kunot noo na tanong nito sa kanya. Hindi niya ito puwedeng isama dahil baka masabunutan siya ni Ms. Fushia kapag nalaman nito ang totoo.“Huwag ka nang sumama, sandali lang naman ako.”“Hmmmm…okay, basta magdala ka ng bodyguard.”Tinulak niya si Westley sa dibdib.“Bodyguard? Hon, hindi ko kailangan ng bodyguard.” Inis na sabi niya sa asawa.“Hon, I’m just prioritizing your safety, kapag hindi ka pumayag ako na lang ang sasama.”“Huwag na! Sige na, bodyguard na lang!” giit niya dahil baka lalo lamang silang magtalo kapag hindi siya pumayag s
Nang magising si Xanthe ay tirik na ang araw, nahuli niyang nakatitig sa kanya si Westley. Kaya kumunot ang noo niya. “Kanina ka pa gising?” inaantok pa niyang tanong sabay balik ng kumot sa kanyang mukha. “Twenty minutes ago.” Nakangiting sagot nito sa kanya. Ibinaba niya ang kumot at sinalubong ang guwapong mukha ni Westley. “So, twenty minutes ka nang nakatitig sa akin? Bakit? Binibilang mo ba kung ilang chikinini ang nilagay mo sa katawan ko?”Hinapit nito ang kanyang beywang at ipinaunan siya sa braso nito.“Hindi lang yun, hindi lang ako makapaniwala na yakap-yakap kita ngayon at kasama sa iisang kama.” May ngiti sa labi na sabi ni westley sabay halik sa kanyang noo. Kahit paano ay napangiti siya sa sinabi nito.“Ako din, feeling ko hindi rin totoo. Hindi ako makapaniwalang malaya na ako sa Wang clan.” Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang guwapong mukha ni Westley.“Oh, bakit ikaw naman ang nakatitig sa akin?” tanong niya at hinawi ang buhok papunta sa likod ng tenga ni
Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang sagupaan ng Wang Clan, Zion at ng kanyang mga tauhan at ni Lord Spade. Pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ni Westley ang nangyari sa kanyang asawa. Hindi pa rin niya magawang makatulog dahil palagi niyang napapanagipan ang sandaling yun. At masakit pa rin para sa kanya na Wala man lang siyang nagawa para iligtas ito. Ngunit kailangan niyang magpakatatag kahit ang totoo sa tuwing nakikita niya itong nakaratay sa kama na wala pa ring malay. Kung wala ang kanyang mga kaibigan at kapatid baka hindi na niya kinaya pa. Ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa. Alam niyang hindi siya basta na lamang iiwan ni Xanthe. Alam niyang tumitibok pa rin ang puso nito para sa kanya at naghihintay lang na maghilom ang lahat ng sugat na dulot ng nangyaring laban.Binigyan ng maayos na libing ng mga natirang Wang Clan ang kanilang pinuno at ang Ilan pang napaslang na kamag-anak nila. Habang dinala naman ni Mr. Tang ang abo ni Deo pabalik ng China upang d







