Sold to a Billionaire Mafia Boss

Sold to a Billionaire Mafia Boss

last updateLast Updated : 2026-04-11
By:  JanijestoriesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
10Chapters
17views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Xilla Villa Bilgera ay isang doktor mula sa isang pamilya na dati’y may mataas na estado, pero nalugmok nang bumagsak ang kanilang ospital. Sa desperasyon, ipinagbili siya ng ama niya kay Zolvio Dante Varono, isang ruthless na billionaire mafia boss na obsessed sa kapangyarihan—at sa kanya. Gusto ni Zolvio si Villa hindi lang bilang asawa, kundi bilang ina ng anak niya, na pinupuno ang buhay niya ng madilim at matinding obsesyon. Ngayon, kailangan ni Villa na harapin ang isang mundo ng kontrol, panganib, at pagnanasa—kung saan nagtatagpo ang pag-ibig at kapangyarihan.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

"Daddy huwag mo 'kong ipamimigay please!!" Naiiyak na pagmamakaawa ko kay daddy na ngayon ay nakaupo lang sa sofa, nakayuko at hindi ako matignan sa mga mata.

Nagpupumiglas ako sa mga taong nakahawak sa akin, nilalayo ako kay daddy.

How could he? Anak niya ako!! Anak niya ako sa dugo, magkadugo kami tapos ito ang gagawin niya sa akin? Ibinenta para sa utang?

"Bitawan niyo ako! Daddy please!!!" Patuloy pa rin ako sa pagmamakaawa. Nabasag ang puso ko nang tumayo si daddy at umalis. Hindi man lang ako tinignan.

Tuluyan na akong nahila ng dalawang lalaki, nagpupumiglas pa rin ako na makawala sa kanilang mga hawak pero wala iyung saysay dahil ang lalaki nila at ako naman ay 'di hamak na hindi nakakalahati ang katawan kung ikukumpara sa katawan nila.

Kinaladkad nila ako papasok sa kotse, nabangga pa ang braso ko sa pinto kaya napangiwi ako sa sakit.

Itinali ang mga kamay ko sa'king likuran at nilagyan ng tape ang bibig ko. Hindi tuloy ako makapagsalita, wala akong ibang magawa kundi ang tignan sila ng masama.

Nag-ring ang cellphone ng isa sa mga lalaking kumuha sa akin. Sinagot niya ito habang ang isa naman niyang kasama ay nagmamaneho.

"Opo boss na kuha na po namin si Miss Villa Bilgera." Saad ng lalaki.

Hindi ko marinig ang sinasabi sa kung sino man ang nasa kabilang linya.

"Paparating na po kami, boss."

Pinatay niya na ang tawag. Puno nang pagtataka ang mukha ko. Katawagan niya ba ang bumili sa akin?

Iniisip ko pa lang sa mukha ng bumili sa akin nandidiri na ako. Sa tingin ko ay matanda ito, ugod ugod at ubod ng kalib*gan kaya binili ako, wala na sigurong pumapatol sa kanya kaya napabili na ng tao.

"Patulugin mo raw si Ma'am Villa," saad ng lalaki sa kanya kasama.

Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Patulugin? Papatayin na ba ako?

May kinuha na panyo ang isang lalaki na hindi nagmamaneho at nilagyan ito ng kung anong powered, tumingin ito sa likuran kung nasaan ako.

Hindi pa man ako naka-react nang bigla niyang tinakpan ang ilong ko ng panyo. Nalanghap ko ang kakaibang amoy doon at sa isang iglap ay hindi ko namalayan na unti unti na palang nandidilim ang paningin ko at nawalan na ng malay.

Nagising na lamang ako sa isang silid, isang silid na hindi naman ako pamilyar. Tinignan ko ang sarili ko, hindi na ako nakagapos, wala na ring takip ang bibig ko pero ang tanong....

Nasaan ako?

Bumaling ang tingin ko sa paligid, amoy na amoy ko ang pabango ng isang lalaki sa loob ng kwarto, color red na may halong black naman ang mga desinyo sa paligid. It's screaming dangerous.

Mabilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan nang biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwal nito ang isang lalaki na nakamaskara. Matikas ang pangangatawan, putok na putok ang biceps niya sa fited na black t-shirt.

"S-Sino ka?" Nanginginig ang boses na tanong ko sa lalaki.

Napaatras ako nang humakbang siya, tumama ang likod ko sa side bed. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko. Tanging mga mata at bibig niya lamang ang nakikita ko sa kanya, natatabunan na ng maskara ang ibang bahagi ng kanyang mukha.

"Zolvio Dante Varono." Aniya, malalim ang pagkasabi niya rito. Malamig ang kanyang boses.

Pamilyar ang kanyang pangalan pero hindi ko maalala kung saan ko ito narinig.

Malalim ang paghinga ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya at ganoon din siya.

"Paalisin mo 'ko rito bago pa man dumating ang bumili sa akin," tunong pagmamakaawa at naiiyak na sabi ko.

Hindi ko na pigilan ang sarili na mapaluha dahil sa sobrang kaba, hindi ko alam kung ano ang mangayayari sa akin ngayon. Either mamamatay ako o mandidiri sa lalaking bumili sa akin.

"Why would I do that?"

Humakbang ang mga paa niya, inilagay niya ang kanyang isang tuhod sa kama.

Niyakap ko ang mga tuhod ko, pilit na lumalayo sa kanya. Tinignan ko siya gamit ang naluluha kong mata at nagmamakaawang mukha.

"P-please, ayaw ko rito, tulungan mo 'kong makaalis." Naiiyak na wika ko sa kanya. Pero mukhang wala itong epekto sa kanya dahil nakatayo pa rin siya sa harapan ko, tinitignan lamang ako.

Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko at ang paghinga ko nang gumapang siya sa papalapit sa akin. Gusto kong tumayo at tumakbo pero nanginginig ang mga paa ko, nanghihina ito. Hindi ako makagalaw.

"Bakit ko nga iyun gagawin?" Bulong niya, ang lapit niya na sa akin. Ilang dangkal na lamang ang layo nang kanyang katawan sa katawan ko.

Ginawa ko ang lahat para igalaw ang mga paa ko para sipain siya pero nahuli niya ito. Ngayon ay hawak hawak niya ang mga paa ko, hinila niya ito na siyang dahilan para tumama ang katawan ko sa kanya. Nasa ibabaw ko na siya ngayon habang ako naman ay nakahiga sa kanyang baba.

"Why would I let you out? I bought you..." Bulong niya sa aking tenga na siyang nagpataas sa mga balahibo ko.

Wait... siya ang bumili sa akin? Nanlalaki ang nga matang tinignan ni siya. Hindi makapaniwala. Akala ko matanda at gurang ang bumili sa akin, hindi ko naman akalain na ang lalaking ito pala.

Hindi ako nakapagsalita, gulat na gulat pa rin, umurong ang luha ko.

"A-ano bang g-gagawin mo sa akin?" Nanginginig na tanong ko sa kanya.

Papatayin niya ba ako? I ra-rape? Ano ba? Kinakabahan ako aa puwede niyang gawin sa akin, base kasi sa kanyang appearance mukha siyang mamamatay tao.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan ng pinasadahan niya ang kanyang daliri sa aking mukha.

"I wan't you." Tangi niyang sinabi. "I wan't you beside me, near me. Binili kita, pagmamay-ari na kita ngayon. At wala kang magagawa kundi ang..."

Dumako siya sa leeg ko at dinilaan ito na ikinagulat ko. Hindi pa man ako naka-get over sa kanyang halik, dumako naman siya sa tenga ko at bumulong.

"....sundin ako."

"A-ang sama mo." Tanging lumabas sa bibig ko. Nangingitngit ang mga bagang at matalim na mga mata ang ibinigay ko sa kanya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status