Noon hinahayaan niya lang ang sarili niya na magpatangay sa nararamdaman. Ngayon, nasanay na siya. Manhid na siya at halos wala na siyang nararamdaman. Masaktan man siya ay hindi niya na iyon masyadong iniinda. Nasanay na lang siya sa paulit-ulit na senaryong iyon sa pagitan nilang dalawa ni Benedict. Nasanay na lang din siya sa klase ng pagtrato nito sa kaniya at gayunding kung paano nito ipakita ang pag-iwas sa kaniya.
Excited pa naman siyang umuwi upang makasama ang kaniyang mag-ama dahil ilang buwan niya rin itong hindi nakasama, pero hindi niya sukat akalaing babalewalain lang siya ng kaniyang asawa at ang pinakamasakit pa roon maging ang kaniyang anak ay hindi man lang natuwa sa kaniyang presensya. Bago pa man niya mapansin ay nakatayo na siya sa harap ng restaurant na madalas nilang kinakainan ni Benedict. Mapakla pa siyang napangiti habang tumatakbo ang larawan ng isa sanang masayang pamilya kasama ang kaniyang asawa at anak. Akmang papasok na sana siya sa loob nang makita niya si Benedict doon kasama ang kanilang anak at si Aireen. Narinig niya pa ang pagtawag ni Lilia kay Aireen upang tumabi ito sa kaniya. “Tita Aireen, I want you here beside me,” nakangusong pakiusap nito. “Daddy, is that okay with you?” “Sure, baby,” tugon ni Benedict sa anak habang hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi. Napangiti naman ito at sinunod ang bata. Kaagad na naupo si Aireen sa tabi ni Lilia. Masaya pa itong nakikipag-usap kay Benedict habang nakikipagkulitan naman sa bata. Kitang-kita niya kung gaano kasaya ang kaniyang anak na idinuduyan ang mga binti habang nakaupo at kumakain ng paborito nitong strawberry cheesecake na kinagatan pa ni Aireen. Masayang-masaya rin si Benedict habang inaabot ang pagkaing inihatid ng waiter habang nananatiling nakatingin kay Aireen na para bang wala itong ibang nakikita kung hindi ito lamang. Kitang-kita ang pagkinang sa mga mata nito gayundin ang kakaibang ngiti sa mga labi nito habang patuloy sa pagbibigay atensyon sa babaeng nasa harap nito. Doon lang napagtanto ni Mikaela na ito ang importanteng gagawin ni Benedict. Hindi niya rin sukat akalain na makikita niya ang anak na masayang-masaya magkaroon ng panibagong ina. Ang anak niyang siyam na buwan niyang dinala sa kaniyang sinapupunan at halos pinaglaanan niya ng kalahati ng kaniyang buhay maipanganak niya lamang ng maayos at matiwasay. Walang paglagyan ang sakit na nararamdaman ni Mikaela nang mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay unti-unti nang namamatay ang kaniyang puso gayundin ang pag-asang magiging isa pa silang buo at masayang pamilya. Napangiti na lang si Mikaela habang nananatili roon at pinanunuod ang kaniyang mag-ama sa piling ng iba. Sa bawat ngiti na ipinupukol ng anak kay Aireen ay hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit at selos. Kung hindi lang sana siya pumunta ng Pilipinas para sa trabaho, sana ay maayos pa ang Samahan nila ng kaniyang anak. Hindi nagtagal ay nagsawa na rin siya sa nakikita. Hindi naman siya masokista para patuloy na saktan ang kaniyang sarili. Tumalikod na rin siya at saka umalis. Pagbalik ni Mikaela sa villa ay kaagad niyang inihanda ang divorce agreement. Hindi niya sukat akalain na kahit siya pa ang pinapangarap na babae ni Benedict, kailanman ay hindi naman siya nito nakita bilang isang babae at bilang isang asawa. Kung hindi lang dahil sa isang aksidente nang gabing ‘yon at dahil na rin sa pagpupumilit ng ama nito, sigurado siyang hinding-hindi siya pakakasalan ni Benedict. Noon, masyado pa siyang musmos at akala niya sa oras na gawin niya ang lahat at pinagsilbihan niya si Benedict, darating din ang araw na mapapansin siya nito. Pero nagkamali siya. Para siyang sinampal ng katotohanan. Pitong taon na ang ibinuhos niya para dito. Panahon na para gumising na siya sa isang panaginip na kahit na kailan ay hinding-hindi siya nito mamahalin. Pagod na siyang mahalin ang asawa at alam niyang oras na para sarili niya naman ang mahalin niya at pagtuunan ng pansin. Matapos niyang ilagay ang divorce agreement sa loob ng isang brown envelope ay kaagad niyang pinakiusapan ang mayordomang si Cora na ibigay ito kay Benedict sa oras na makauwi ito. “Sige po, Madam,” tugon nito. Kaagad niyang hinila ang kaniyang maleta palabas ng mansion at sumakay ng sasakyan. “Sa airport po tayo,” sabi niya sa driver ng kotse. “Sige po, Madam,” tugon ng driver at kaagad na pinaandar ang sasakyan patungo sa airport. Maaga pa sa oras nang makarating sa airport si Mikaela. Nagpasya siyang maupo na muna roon at nananatili sandali habang hinihintay ang kaniyang flight. Nakatitig lang siya sa kawalan habang iniisip ang mga nangyari sa kaniya nang bumalik siya ng Amerika. Sobrang bigat ng loob niya na kinakailangan niyang iwan ang kaniyang anak para sa kaligayahan nito. Hindi naman niya nananaising kuhanin itong pilit at isama sa kaniya lalo pa at hindi rin naman siya ang kailangan nito. Tulala lang si Mikaela habang pinagmamasdan ang screen ng monitor kung saan naroon nakalista ang flights ng araw na ‘yon. Mabuti na lang din at nakapagbook siya kaagad online kung kaya hindi niya na kinakailangan pang mangarag sa paghahanap ng flights ng araw na iyon. [Good afternoon, passengers. This is the boarding call for flight PAL 216 to Manila. Please have your boarding pass and identification ready for boarding.] Kaagad na tumayo si Mikaela at nagsimulang hatakin ang kaniyang maleta patungo sa boarding gate. Sandali pa siyang tumigil sa paglalakad upang lingunin ang kaniyang likuran para tuluyang kalimutan ang mapait at masakit na pinagdaanan mula sa kaniyang nakaraan.Kinabukasan, pagdating pa lang ni Benedict sa kumpanya ay hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Mikaela.Wala namang kaalam-alam si Mikaela na nakabalik na ng Pilipinas ang kaniyang asawa na si Benedict kasama ang kanilang anak na si Lilia. Hindi akalain ni Mikaela na sa dinami-dami ng maaari niyang makabangga ay ang kaniyang asawa pa kaya naman napahinto siya sa paglalakad.Bakas naman sa mukha ni Benedict ang pagkabigla nang mapagsino ang nakabangga niya ngunit kahit ganoon ay inisip niya na lang na marahil ay nakabalik na ito mula sa business trip nito kaya hindi na siya nag-isip pa ng kung ano. Katulad ng dati ay parang wala lang sa kaniya ang makita ito. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad nang walang lingong-likod.Noon, kapag nalalaman ni Mikaela ang pagbalik ni Benedict ng Pilipinas ay natutuwa talaga siya at hindi niya maiwasang masorpresa. Kahit pa gaano ito ka-cold sa kaniya at patuloy ang pambabalewala nito ay masaya pa rin siyang makita ito. Ngingitian niya pa rin
Dahil alam ni Bea na gustung-gusto ng anak niya ang luto ni Mikaela, nakasanayan niya nang pinasasamahan si Luigi sa kanilang mga katiwala para pumunta sa bahay ni Mikaela upang matikman ang luto nito sa dalawang taong nakalilipas. Bagaman gusto ni Luigi ang luto nito, hindi pa rin patas at maganda ang tingin niya rito. Hindi niya man lang tinatrato na asawa ni Benedict si Mikaela, bagkus ay tila utusan at yaya lang ang tingin niya rito na kahit kailan ay maaari niyang utus-utusan kailan niya man naisin.Noon, dahil kay Benedict, inalagaan ni Mikaela nang mabuti ang anak ni Bea na si Luigi. Hindi niya masyadong dinidibdib ang pagtrato nito sa kaniya. Ngunit iba na ngayon, naghahanda na siya para sa divorce nilang dalawa ni Benedict, at ayaw niya nang maugnay pa sa asawa kahit na kailan.Kaya naman, kaagad na ring dineretsa ni Mikaela si Bea at tinanggihan, "sorry, Ate Bea, medyo abala kasi ako kaya hindi ako pwede bukas."Ngayon babalik na siya sa pangarap na tinatahak niya noon, ang
Masasabing bihira lang magkita sina Lucas at Mikaela sa nakaraang mga taon. Ngunit sa ilang pagtatagpo lamang na iyon ng kanilang landas, masasabi ni Lucas na napakalaki na ng ipinagbago ni Mikaela kumpara sa pagkakakilala niya rito noon. Dati ay puno ng pag-asa lagi si Mikaela. Masayahin, masigla at walang pagsubok na hindi inaatrasan, ngunit iba na ito mula nang nagpakasal ito. Maisip niya pa lang kung ano si Mikaela noon, hindi niya lubos maisip na darating ang araw na magiging malulungkutin ito at parang walang buhay sa mga bagay bagay. Wala siyang kaalam-alam sa kung anong naging buhay nito at ng asawang si Benedict. Kung meron man ay kakaunti lang. May ilan siyang kutob na mas minabuti niya na lang sarilinin. Sinabi niya na lang kay Mikaela, "ayos lang naman na bumagsak paminsan-minsan. 'Yong talent at abilidad mo ay sapat na. Hindi ka basta-basta maikukumpara sa ilang mga matatalinong tao r'yan. Mikaela, hindi pa huli ang lahat as long as ito ang pangarap mong gusto mong makamit
Dahil sa tawag ni Lilia ay hindi na nagawa pa ni Mikaela na makabalik pa sa pagtulog nang araw na 'yon. Kinabukasan, pumasok siya sa trabaho na para bang wala siya sa kundisyon. Hindi rin maganda ang mood niya at parang wala siyang ganang magtrabaho.Sa kabilang banda, hindi naman na naalala ni Benedict ang tungkol sa envelope na naglalaman ng divorce agreement after ng tawag sa kaniya ni Aireen.Nang makauwi, sinigurado ni Benedict na lahat ng importanteng dokumento ay nailagay niya sa kaniyang briefcase. Sinigurado niyang walang kulang iyon at kumpleto bago siya bumaba."Okay, let's go."Kaagad na pinaandar ng driver ang sinasakyan nila paalis ng mansyon at nagtungo sa airport.***Walang kaalam-alam si Mikaela na bumalik na si Benedict at Lilia sa Pilipinas. Walang nagsabi sa kaniya. Halos kalahating buwan na rin ang nakalilipas nang magdesisyon si Mikaela na umalis na ng Amerika at iwan ang kaniyang mag-ama. Sa mga nagdaang araw na iyon, kahit paano ay nasasanay na rin siya paunti
Napatalon naman sa kama si Lilia nang marinig iyon mula sa kaniyang ama na si Benedict, "really?""Yes," diretsong tugon ni Benedict sa anak."Pero bakit hindi sinabi ni Tita Aireen?" nagtatakang tanong ni Lilia."Ngayon lang kasi naging maayos ang lahat at hindi ko pa nasasabi sa kaniya."Natuwa naman si Lilia sa nalaman, "Dad, huwag mo munang sabihin kay Tita Aireen about this for now. Kapag nakabalik na tayo sa Pilipinas, isurprise natin siya, okay?""Sure. I won't tell her.""Thank you, Dad. You're the best. I love you so much!"Matapos ibaba ang tawag, hindi mapagsadlakan ang tuwa ni Lilia. Napakanta pa siya habang sumasayaw sa ibabaw ng kaniyang kama. Bigla naman niyang naalala ang kaniyang ina na si Mikaela. Ilang araw na rin itong hindi tumatawag sa kaniya dahilan para mas gumanda lalo ang mood niya. Sa katunayan, sinasadya niya talagang umalis ng maaga ilang araw na ang nakalilipas nang sa ganun maiwasan niyang makausap ang ina sa telepono. Inilalayo niya rin ang kaniyang cel
Matapos ang trabaho sa gabi, nagpasya si Mikaela na magtungo sa palengke upang bumili ng gulay at ilang paso ng green plants bago inuwi sa bahay. After dinner naman ay nag-check si Mikaela online about sa balita tungkol sa technology exhibition. Matapos na mabasa iyon, kaagad niyang dinampot ang cellphone at may tinawagan. "Please, save me a ticket for next month's technology exhibition.""Are you sure about it? You already have done this before. After reserving a tickets for two times, you never once showed up. Ang daming gustong bumili ng tickets pero sinasayang mo lang," panenermon ng lalake sa kabilang linya. Narinig pa ni Mikaela ang pagbuntong-hininga nito.Ang annual domestic science and technology exhibition ay isa sa mga major event sa larangan ng teknolohiya at hindi lahat ay pinapalad na makakuha ng ticket.Nakakatanggap naman ang kanilang kompanya ng ilang exhibition spots at karamihan sa kanilang mga elites ay nagnanais na mapabilang sa naturang event. Para sa kanila, baw