Jean May masayang ngiti sa labi paggising ko ngunit pagtingin ko sa tabi ko nabawasan ang aking kasiyahan dahil hindi ko na naman naabutan si Kaizer. Pumasok na naman ng office tulog pa ako. Bukas gigising na talaga ako ng maaga para naman masabayan kahit almusal si Kaizer. Dahil alas-nueve na bumangon na ako para maligo. Pupunta ako sa mommy magpapasama sa check-up ko ngayon. Tiyak magugulat iyon kapag sinabi kong buntis na ako. Pumayag naman si Kaizer na kasama ko si mommy. Doon din niya ako susunduin sa shop ni mommy. Sabi ko roon na siya pumunta hindi na ako uuwi rito hassle rin naman kung babalik pa ako mabuti na lang walang reklamo. Nag-pants pa rin ako kahit na preggy na. Tsaka na lang ako magsuot ng dress kung two months na si baby sa sinapupunan ko. Ngayon susulitin ko muna maong pants suot dahil matagal din ulit makapagsuot nito kaya ngayon gamitin ko na. May dalawang maid nagpapalit ng kurtina pagdating ko sa baba. “Hi,” binati ko sila. “Si manang Rosa po nasaan?
Jean Pareho kaming tahimik ni Kaizer kahit nakapasok na kami sa k'warto. Inaantay ko siya ang unang magbukas ng pag-uusapan namin subalit wala yata ganang kausapin ako. Nakaisip akong sabihin ang pagbubuntis ko kahit wala akong hawak na PT. Sure naman ako hindi na iyong kailangan dahil confirm na talaga dahil sa nararanasan na morning sickness ko. Umupo ako sa gilid ng kama. Nakatayo si Kaizer sa harapan ko matiim akong tinitigan. Napanguso ako bakit diyan pa siya pumuwesto hindi na lang umupo talaga namang Ezcalante ito. “Maupo ka nga!” sita ko sa kaniya. Ngumiti lang hindi pinansin ang sinabi ko. “Gusto mong sumama sa bahay ni lola Dhebora sa linggo?” “Wala kang lakad?” “I guess wala kaya niyaya kita,” “Nagtatanong lang pilosopo!” “Sinagot ko lang ang tanong mo pilosopo na?” sagot niya naninitig pa rin. “Magbibihis muna ako,” iyon na lang ang sinabi ko para makaiwas sa wala n'yang katapusan na paninitig. Kahit hindi sumagot. Umalis ako sa kinauupuan ko at nagtungo
Jean "Ginugulo mo lang ang isip ko dahil gusto mong iligaw ang nangyari sa daddy ni Kaizer. Pero malakas ang paniniwala ko na ikaw ang totoong salarin sa pagkawala ni sir Damian," pabahol kong sabi. When I noticed Ms. Julia was stunned, I continued. "Baka nga ikaw rin ang nasa likod sa mga nangyari kay Noel! Totoo diba dahil gusto mong si Kaizer ang sisihin ko para magkahiwalay kami." Muling humarap sa akin si Ms. Julia. Humakbang, so I felt scared because I was alone in the living room. Nanlilisik din ang mata nito. I thought she was going to hit me. Ngunit hindi na nasundan ang paghakbang nito at nanatili na lang siya sa kinatatayuan niya. "Oh, sa ex boyfriend mo na ayaw mong sahibin kay Kaizer na matagal mo na iyon hiniwalayan? Oo nga pala para may reserba ka kung sakaling maghiwalay kayo ni Kaizer." "H'wag mo akong igaya sa iyo na pinagpipilitan ang sarili sa isang lalaki para lang mapansin," "Bitch!" mabalasik niyang tugon. Nagkalakas loob akong tapatan ang pagkapikon
Jean “Manang tulungan ko na po kayo,” alok ko sa kaniya pagdating ko ng kitchen. Inilingan lang niya ako at saglit na lumingon sa 'kin. Nginitian ko rin ang dalawa n'yang kasama ang isa patapos na maghugas ng pinaggamitan sa pagluluto at ang isa naman sa dining table nag-aayos. May mga naluto na silang ulam nakahain na sa lamesa na. "Samahan mo na lang sa living room ang bisita hija," anang manang Rosa. Ngumiti lang ako hindi ako sumagot. Hindi kasi ako komportable kaharap ang lola ni Kaizer lalo na kasama nito si Ms. Julia. Kung naroon naman si Kaizer. Okay lang hindi ako iiwas sa dalawa dahil alam ko may kakampi ako kung nasa tabi ko si Kaizer. “Kaya na namin ito hija. Nagkita na ba kayo ng asawa mo? Dumating na kanina pa pumunta rito hinanap ka. Sabi ko umakyat nagbihis ka,” saad ni manang talaga ayaw akong patulungin. “Opo. Umakyat pa po eh nagbibihis pinauna akong bumaba. Galing ako kina lola Dhebora. Nagpalam lang ako check ang ulam natin at inalok ko rin rila rito na kum
Jean Inuna ko magpalit ng damit bago ko i-text si mommy dumating na ako. Cotton short at pink t-shirt ang isinuot ko. Ito rin ang napansin ko gusto ko na ang kulay pink dati hindi ko hilig kaya nga mga binili damit ni Kaizer na pink ang kulay hindi ko ginalaw. Nitong huling linggo ko lang nagustuhan. Kinilig ako. Baka baby girl ang anak namin ni Kaizer. Pero kahit ano naman babae o lalaki ngayon pa lang mahal ko na sila. Ako: mommy nakarating na po ako. Pagka-send ko iniwan ko na sa kama ang phone ko upang bumalik sa baba. Parating na kaya si Kaizer? Baka alam naman na narito ang lola niya siguro baka malapit na. Pababa pa ako sa hagdan. Paakyat naman si Kaizer. Pareho kaming napangiti nilakihan ni Kaizer ang paghakbang nauna pa makarating sa akin bago ako makababa sa una pa lang na baytang. “Kumusta?” niyakap niya ako hinalikan sa noo ko. “Woi malaglag tayo!" mahigpit akong yumakap sa braso niya. Paano dito kami talaga sa bungad ng hagdan nakatayo. Paano kung dumulas ang paa i
Jean Nang makapasok ako ng CR. Doon naman ako pinagpawisan ng malamig at tila ako'y nasusuka. Mabuti hindi pa ako nakapagbuhos. Naramdaman ko na ito kahapon. Iba nga lang ngayon kasi ngayon ay malala. Ang sikmura ko para bang hinahalukay. Shit! Uhm..nasusuka ako. Dumighay ako. Shit! Nasusuka nga talaga ako hindi ko kayang pigilan kaya mabilis akong lumapit sa bathroom sink doon ko binuhos lahat. Nanghihina ako pagkatapos sumuka kaya naman kumapit ako sa counter ng bathroom sink bilang suporta. Napatingin ako sa harapan ng salamin inayos ko ang magulo kong buhok. Maayos na ang pakiramdam ko. Kumalma na ang tiyan ko. Mariin akong napapikit ng meron idea pumasok sa isip ko. Iisa lang ang ibig sabihin nito. I'm pregnant? Binilang ko pa sa daliri ko ang huli kong period. My last period was two weeks ago. Hindi na kailangan bumili ng PT para ma-confirm dahil hindi naman sira ang menstrual cycle ko. Kaya pala itong huling nararamdaman ko pagkaantok. Walang ganang kumain at gusto ko