Share

ANG MGA SUSPEK

Scorpion - Grupo ng mga sindikato na namumuhay sa loob ng kaharian, subalit gumagawa ng mga karumaldumal na krimen. Ayun sa ibang saksi, ang grupong ito ang dahilan ng unti-unting pagkawala ng mga kabataan sa kabayanan. Wala pang makuhang sapat na ebedensya ang kasundaluhan ng palasyo kaya't hindi pa matunton ang pugad ng nasabing grupo.

"Hindi yan totoo my Lord! Hindi yan magagawa ng binibini. Ang totoo nyan, si Lucy ang kumausap sa grupo at nakita siya ni Binibining Estacie. Kaya nilapitan namin siya at pinagsabihan siya ni Binibining Estacie." Si Aloha ang muling nagsalita.

Hawak na siya ng mga kawal ng mansyon at gusto nang kaladkarin palabas.

"Oh Father. Nag-sisinungaling siya. Paano ko kakausapin ang grupo ng Scorpion, hindi ko nga alam ang ibang lugar dito sa palasyo dahil ikaw mismo ang nag-dala sa amin dito ni Mama." Umiiyak na sabi ni Lucy bago humarap sa iba. "Sinabi ko naman sa'yo Ma, hindi dapat tayo sumama dito sa Prekonville kingdom, wala tayong kakampi dito." Yumakap din ito ng mahigpit sa ina na masama ang tingin na ibinato sa Asawa.

Nagkakakilala sila ng Baron nang minsang dumaong ang barko nitong pang-kalakal sa isang isla na kung saan ay doon sila naka-tira. At dahil nabighani ang lalaki sa kanyang simpleng ganda, inalok sila nitong sumama sa Prekonville.

"Lucy.. It's.." Ani ng lalaki bago galit na hinarap ang katulong na naka-asign sa kanyang unang anak. "Take her outside and punish her to death!"

Gulat at takot ang lumarawan sa mukha ng lahat.

"My Lord! Pakiusap, maawa ka sa akin. At maniwala ka, walang kasalanan ang inyong anak na si Estacie, parang awa nyo na.. My Lord!" Nagpupumiglas at sumisigaw ni Aloha habang hinihila siya palabas ng mansyon. "Ahh! Mamatay man ako ngayon para sa aking binibini, alam ko, babalik siya sa mansyon! At pag-nangyari yun, pag-sisisishan ninyo ang ginawa nyo!"

At tuluyan na nga itong nailabas ng mga kawal. Samantalang ang mag-ina ay nanatiling Magkayakap. Si Lucy naman ay naningkit ng palihim ang mga mata bago humagulgol ng iyak.

"Ma! Umalis na tayo dito! Nakakatakot dito sa Prekonville!"

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Elvidio bago nasapo ang noo. Saka niya nilapitan ang dalagang umiiyak pa rin. "Take her to her room, Juvilina, at pasensya na rin sa gulong ito. Hayaan mo, ipapahanap ko si Estacie para alamin ang totoo." Anito sa asawa na hindi naman sumagot. Bagkus ay tinalikuran lang siya at inaya na ang anak.

Si Elvidio naman ay pina-balik na ang mga katulong sa trabaho bago tinunton ang kanyang opisina sa loob ng mansyon. Tatlong araw ng nawawala ang anak niyang si Estacie. At wala pa ring may-alam kung nasaan ang dalaga.

Kasalanan niya ang lahat, kung hindi lang niya iniwan ang anak ng dalawang taon, marahil ay hindi ito nagbago ng pag-uugali. Pero paano naman siya? Habambuhay siyang mangungulila sa pagka-wala ng kanyang dating asawa.

"My Lord, Narito po ang kamahalan."

Kauupo pa lang niya sa kanyang upuan ay sumulpot na ang kanyang kanang-kamay. "Papasukain mo." Sagot niya.

Ilang sandali pa ay pumasok ang lalakeng may kulay brown na buhok, asul ang mga mata ng lalake. Natatanging kulay na sa isang pamilya lang nakikita. The Royal Family, Synilve Recyven, the crowned prince.

"Your Highness." Pag-bati ni Elvidio sa gwapong binata.

"Drop the formalities, Baron Somyls. Or should I call you, future father-in-law?" Sagot ng binata na mabilis na naupo kahit hindi pa iniimbitahan ng may-ari ng bahay. "Alam mo naman siguro kung bakit ako narito?" Tanong pa nito.

"Yes, however, I still can't find her." Malungkot na sagot ni Elvidio. "Walang Makapag-sabi kung nasaan ba si Estacie." Hindi pwedeng sabihin ni Elvidio sa prinsipe na may clue na siya sa maaring pagkawala ni Estacie.

Dahil ang Scorpion ay mortal na kaaway ng Royal Family. Kapag nasabit ang pangalan ng Somyls sa Scorpion, walang ibang parusa kundi ang pagkawala ng kanilang titulo kasama ng kanilang ari-arian. Magiging traydor sila sa kaharian base sa kaalamang iyon.

"The marriage will be in a month, pero hanggang ngayon wala pa rin kayong lead? As a fiance, I think I should also do the searching!" Medyo tumaas na ang boses ng binata.

"Kamahalan, alam kong nag-aalala ka sa anak ko, pero kapag kumalat ang balita ng pagkawala ni Estacie, pati ang reputasyon mo ay masisira sa kaharian. People will think that she runs away from you because..."

"Gusto mo bang sabihin na manahimik na lang ako at maghintay sa pagbabalik niya kesa sirain ang imahe ng Royal family?! Are you kidding me? Baka nakakalimutan mo, ako ang kinoronahang prinsipe, ibig sabihin nun, may kakayahan akong pumili kung sino man ang babaeng pwede kong pakasalan."

"But.. The King's order is to only marry the Somyls blood, Your Highness. Kapag nasira ang pangalan ng Somyls, hindi ba't pati ang pangalan ng hari ay madudungisan? Sasabihin ng mga tao na pinili ng hari ang babaeng..."

"Hah! Baron, as far as everyone knows, hindi lang nag-iisa ang anak mo?" Naka-ngising turuan ng Prinsipe.

"Ha? But.." Gulat na nasabi na lang ni Elvidio.

"No buts.. Ang bilin ng aking ama, pakasalan ko ang anak ng Somyls. I don't care who she is, as long as she's Somyls. And about your Estacie, I don't need a woman who doesn't know how to stay at her own home. From now on, Lucy Somyls will be my fiance." Ani ng binata bago tumayo. "Any objection?" Nilingon pa nito ang Baron.

Alanganing yumuko ang Baron bago sumagot. "No.. Your Highness. I don't have any objections."

Nang makalabas ang prinsipe, pasalampak na naupo ang Baron at marahas na napa-buga ng hangin. "Estacie, where the hell are you?! You're making everything difficult for me!" Galit na namutawi ng ama ni Estacie.

Sa hallway, dalawang imahe ang magkayakap.

"You said that to him?" Ani ng babae na walang iba kundi si Lucy.

"Of course.. Hindi na rin naman niya makikita pa ang kanyang anak na si Estacie. We killed her, right?" At ang lalakeng may-ari ng boses, walang iba kundi si Synilve Recyven, the crowned prince and the former fiance of Estacie.

Ang dalawang taong responsable sa pagkamatay ng totoong Estacie Somyls.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status