Share

AKSIDENTE

Mabilis na lumipas ang tatlong araw.

"My lady, tapos ka na po bang mag-bihis? Nandito na ang kalesa na sasakyan natin papunta sa palasyo!" Sigaw ni Vista sa labas ng kwarto na pansamantala niyang tinuluyan habang nagpa-pagaling.

Sa loob ng tatlong araw na pamamalagi niya sa bahay ni Vista, walang araw na hindi niya sinikap niyang alalahanin ang mga detalye ng kanyang bagong katauhan. At ngayon nga, buo na ang plano niya kung paano papaikutin si Lucy Somyls.

Lumabas siya ng kwarto suot ang simpleng damit na ginawa ni Vista para sa kanya. Isa pa lang mananahi ang ginang. "I'm here Vista. I'm sorry, hindi ko kasi alam kung itatali ko ang buhok ko tulad ng nakasanayan." Naka-ngiting sabi niya pagka-labas ng silid.

"Wow! Bagay na bagay sa'yo ang kulay pulang bestida, aking binibini! Parang nais ko pang gumawa ng mga damit na pwede mong suotin!" Namamanghang bulalas ni Vista.

Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Estacie. "Mukhang nakalimutan mo na, sasama ka sa akin sa Somyls mansyon upang maging personal kong mananahi. Nagbago na ba ang isip mo?" Pina-lungkot pa ni Estacie ang ekspresyon upang mag-mukhang nasasaktan.

"No, no, no! Syempre sasama ako!" Agad namang nataranta si Vista at hinawakan pa ang kamay niya.

Isang hagikgik ang pinakawalan ni Estacie bago hinila ang ginang palabas ng bahay. "Tayo na. Baka gabihin tayo sa paglalakbay. Nadala mo ba ang mga napag-bentahan ng mga alahas ko?" Tanong niya nang makasakay sila sa kalesa na inarkelahan ni Vista.

Lahat ng alahas na suot niya noong pinatay siya ng demonyeta niyang kapatid ay ipinag-bili niya. Napag-alaman niya na walang perang papel dito sa bagong Mundo na binagsakan niya kundi panay pilak at ginto lamang. Bagay na talagang ikinamangha ni Jessa.

"Narito, kumpleto ito my lady." Ipinakita pa sa kanya ni Vista ang mga ginintuang barya na nakalagay sa maliit na pouch.

"En. Let's go." Tumatangong sagot niya.

Dalawang oras ang kanilang binyahe bago nakarating sa mismong kabayanan. Dito napagtanto ni Jessa na ang kanyang mga nababasa sa online comics ay totoo. From wooden structures, to fountain in the middle of the town circle. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang nobela na siya ang magiging kontrabida.

"My lady sandali! Wag kang lumayo sa akin at baka may dumukot sa iyo." Mabilis na hawak ni Vista sa kanyang braso ng mauna siyang makababa sa kalesa.

"Vista, nasa bayan tayo. May mga kawal ng palasyo ang rumuronda." Aniya habang nangingiti.

"Kahit pa! Ayun sa kapatid ko, kadalasan ay sa kabayanan nangyayari ang pandurukot sa mga kabataan." Pagmamatigas ni Vista.

"Bata pa ba ako?" Naka-taas ang dalawa niyang kilay habang naka-titig kay Vista.

"Well, medyo, parang. Ah basta! Ang ganda mo ay kakaiba sa lahat ng mga babaeng kaedad mo na nakita ko. Mula sa light brown eyes mo na binagayan ng brown at tuwid na mahabang buhok. Sa ilong mo na parang hinulma ng isang sikat na eskultor, mga labing mapupula na hindi manipis at hindi rin makapal. My lady, sinasabi ko sa iyo, ang iyong ganda ay agaw pansin sa lahat ng mga matang- aray!"

Isang marahas na paghila sa braso ni Vista ang kanyang ginawa upang tumigil na ito sa pagsasalita. Sa loob ng apat na araw na pamamalagi niya sa bahay neto, hindi naiwasan na talagang magkasundo silang dalawa. Bagamat sa araw-araw ay hindi nito nakakalimutan ang purihin ang kanyang itsura.

"Manahimik kana. Nagsasawa na ako sa linyahan mo, wala na bang bago?" Naiiling na turan niya dito.

Well, noong unang nakita niya ang sariling repleksiyon sa salamin ay totoong hindi rin siya makapaniwala. Talagang napakaganda si Estacie. Lalo na nung sinimulan niyang gupitin ang buhok neto upang lagyan ng style. Ang haircut na ginawa niya sa hiram na katawan ay butterfly haircut. Bumagay sa mala-pusong hugis ng mukha ni Estacie.

"I will repeat it using our second language." Naka-ngising sagot ni Vista.

"Shut-up!" Pabirong tinakpan niya ang bibig nito na nagpa-hagikgik naman sa babae. "If you say one more word, I won't show you the dress design i- ugh!"

Natigil ang pagsasalita niya ng bigla na lang may humawak sa kanyang braso at saka siya pwersahang pinadapa sa kalsada. Kasunod nun ang paglapitan ng mga taong nakiki-usyuso.

"What the?!" Gulat na bulalas niya.

"My lady!" Sigaw din ni Vista.

"Stop struggling if you don't want to be hurt." Isang malamig at malalim na boses ang narinig ni Estacie mula sa kanyang likuran.

Ang boses ay halos manoot sa kanyang buto. However, nangunot ang kanyang noo ng marerealize ang sitwasyon. Someone suddenly knocked her down. Naalala tuloy niya ang sinabi ni Vista tungkol sa mandurukot.

"H-help..." Usal niya. "Help! Tulong! Kinikidnap ako!" Malakas na sigaw niya.

"Excuse me!? Kailan pa naging mandurukot ang mga kawal ng Dukedom?!" Isang boses ng lalake sa may tagiliran niya ang kanyang narinig.

"Dukedom my ass! May kawal ba na basta na lang dadakmain ang isang sibilyan at dadaganan ng hindi man lang nagtatanong?!" Gigil na sigaw ni Vista. "Tulong! Kinikidnap ang aking binibini!" Sigaw pa neto.

"Binibini?" Ang boses ng lalakeng nasa likod niya ang kanyang narinig.

Kung kanina ay busy ang utak ni Estacie kung paano makakatakas sa mga mangingidnap, ngayon naman ay busy ang utak niya sa pag-intindi ng sitwasyon. Bigla na lang siyang dinakma ng kung sino ng takpan niya ang bibig ni Vista. Iniisip ba ng mga taong ito na kinikidnap niya si Vista? Bahagya niyang naintindihan ang naging aksyon ng lalake sa likuran niya pero hindi iyon dahilan upang hindi kumulo ang dugo niya. Alalahanin, ito ang pangalawang eksena na may dumakma sa balikat niya. Ang una ay nag-resulta ng kamatayan niya.

"Get off me." Naging malamig ang tono ng boses ni Estacie pati ang kanyang ekspresyon. "Get your hands off me." Dugtong pa niya.

"Narinig mo ang aking binibini! Bitiwan mo siya! Hindi mo ba siya nakikilala?!" Sigaw ni Vista.

Naramdaman ni Estacie na lumuwag ang pagkakahawak sa kanya kasunod ng pag-alis ng tuhod ng lalake sa likod niya. Mabilis siyang tumayo at marahas na hinarap ang lalakeng pangahas. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang buong katawan ng mamukhaan ang kaharap. Isang linya ng salita ang parang umulit-ulit sa kanyang tenga.

"I will kill you!" Salitang nagka-totoo ilang minuto simula ng marinig niya iyon galing sa unang lalake na dumakma sa kanyang braso. Back in her previous life.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status