Pabalagbag na binuksan ni Eckiever ang pintuan ng mansyon na pansamantalang tinutuluyan ng Hanvoc. Kahit pa nga ilang beses siyang sinubukan na pigilan ng mga tauhan ng mag-asawa. Gulat ang bumadha sa mukha ng matanda na ilang segundo lang ay napalitan ng pag-tataka. "Duke Arkhil. Base sa paraan mo ng pag-bukas ng pinto, importante ang dahilan ng pagpunta mo dito?" Tanong ng matandang Lalake. Nagpalinga-linga muna si Eckiever bago sumagot ng hindi makita ang hinahanap. "Nasaan si Estacie?" Nakalimutan niya ang pag bigay ng respeto sa dalawa dahil sa tindi ng pag-aalala. Medyo hindi naman nagustuhan ng dalawa ang paraan ng pagtatanong ni Eckiever kaya napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha neto. "Aaminin ko sa'yo na hindi ko gusto ang paraan ng-""Alam kong medyo bastos ang pagtatanong ko, Mr. Hanvoc. Pero importante sa akin na malaman kung nasaan si Estacie hanggat maaga pa. Nasaan siya?" Nakalimutan na nga ni Eckiever ang maging magalang. Nababalot kasi ng takot ang kanyang
Hindi alam ni Estacie kung ilang beses na siyang nawalan ng malay. Ang alam lang niya, mahapdi ang kanyang buong katawan. Nangangalay na rin ang kanyang dalawang braso na nakatali paitaas sa dalawang poste sa loob ng kwarto na pinag-dalhan sa kanya. Medyo hindi na rin niya maaninag ang tao na nasa kanyang harapan dahil sa dugo na humarang na sa kanyang paningin. Alam ni Estacie na malabo pa sa bagong baha na Ilog na makita siya ng mga taga-Prekonville. Pero ng nga sandaling yun, sa kauna-unahang pagkakataon, naisip niya na sana, mahanap siya ni Eckiever. Ang lalakeng kinaiinisan niya dahil ito ang dahilan kung bakit narito siya sa Prekonville. Ang lalakeng walang ibang ginawa kundi insultuhin siya. Lalakeng inakalang isa siyang magnanakaw. At higit sa lahat, ang lalakeng pinangarap niya noon, sa mundong ibabaw. Tama. Ang dahilan kung bakit ganun na lang ang galit ni Estacie sa lalake ay hindi lang dahil sa ito ang dahilan at pinag-simulaan ng lahat. Tandang-tanda ni Estacie ang nga
Magkasabay na lumabas at pumasok ng kwartong pinag-dalhan kay Estacie ang Ama ni Lucy at Eckiever. Gustuhin mang habulin ng binata ang pinuno ng Scorpion ay mas pinili pa rin nitong daluhan si Estacie na ngayon ay wala ng malay. Halos manginig ang katawan ng binata ng makita ang kalunos-lunos na sinapit ng dalaga sa kamay ng Scorpion kaya lalong tumaas ang galit sa kanyang dibdib. "Found you." Bulong niya sa dalaga kahit alam niyang hindi naman siya naririnig nito. Pagkatapos balutin ng sariling damit ang duguang katawan ni Estacie, dahan-dahang binuhat ni Eckiever ang dalaga palabas ng silid. Sakto namang dumating na rin ang ibang tauhan ng Prekonville at ilang kasundaluhan ng Hanvoc. Walang nakaimik kahit isa ng makita nila ang walang malay na si Estacie. Isa lang ang laman ng kanilang utak ng mga sandaling yun. Pag-patay. "Kill them all except, that father and daughter." Naniningkit ang mga matang utos ni Eckiever. "I want to kill them myself." Dugtong pa niya. Mabilis naman
Pintuan ng paraiso. Marahas na napahakbang paatras ang dalawang babae na magkahawak kamay. Papasok na sana sila sa mala-tubig na pader na pintuan subalit dinaig pa nila ang itinulak paatras. Napakunot ang noo ni Estacie habang si Jessa naman ay napa-sulyap sa babaeng katabi. "May problema ba?" Tanong ni Jessa. "Hindi ako sigurado. Pero kanina, nakalabas at naka-pasok pa ako dito." "Kanina?" "Oo. Nang maramdaman ko na nahihirapan ang katawan ko sa lupa, lumabas ako para sana alamin kung bakit nararamdaman ko ang hirap na nararamdaman mo. Bumalik ako ng wala na akong naramdaman. Subalit ng makita kita sa di-kalayuan, muli akong lumabas kaya hindi ko alam kung bakit hindi na ako makapasok ngayon." Paliwanag ni Estacie habang sinusubukan ang parin ang makapasok. Napa-tingala si Jessa upang tingnan ang itaas na bahagi ng pintuan. Kung hindi siya magkakamali, nasa mahigit labing-dalawang talampakan ang taas ng nasabing pintuan. Mahigit dalawang metro naman ang lapad nito. Ang paligid
Walang naka-sagot at lalong walang naka-kilos. Lahat ay palipat-lipat ang tingin sa bawat isa. Maya-maya pa ay napalingon ang dalawang lalake sa dalawang salamin na nagpapakita pa rin ng dalawang mundo. Philip: So, I am comatose?Eckiever: You're saying, that man on the bed, is my another self?Philip: And that man wearing an ancient warrior outfit is also me?" "Doesn't he ugly?" Magkasabay na wika ng dalawa. Napa-flinch naman sina Jessa at Estacie at tsaka iniiwas ang tingin sa dalawang lalake. Ang nilalang na naghihintay ng sagot ay natahimik. Nung mga oras na nagpapaliwanag ang matandang lalake kina Jessa at Estacie ay siya namang pagdating ng dalawang lalake. Syempre, wala ding saplot ang dalawa. Subalit ang kanilang kaselanan ay literal na hindi makikita. Kumbaga, para silang manikin na walang kasarian. Maliban na lang sa kanilang tindig at buhok kaya malalaman mo kung sino ang babae at sino ang lalake. Hindi na nagtanong pa si Eckiever kung sino si Estacie dahil narinig na
"Nandito ako para sunduin ang taong nabuhay sa katawan ng babaeng nasa loob ng silid ng kumbento. Base sa narinig ko kanina, ang sabi mo ay si.. Jessa ang taong yun?" Ramdam ni Jessa ang titig ng lalake sa kanya subalit nanatiling naka-tingin siya sa salamin. Aminin man niya o hindi, isa si Eckiever sa nagpahirap sa kanya. Hndi man physically, pero mentally and emotionally. Kung alam lang ng binata na ilang beses siyang umiyak sa tuwing magkakahiwalay na sila ng landas pagkatapos ng panlalait nito sa kanya. Mabuti na lang, naalala niya ang sinabi ng ina noon. Ang Luha ay hindi dapat basta-basta ipinapakita. Dahil ito ang simbolo ng kahinaan ng isang tao. Ang luha ay dapat lang na ipapakita sa mga taong karapat-dapat na makakita nun. "Yes, si Jessa nga ang pansamantalang nabuhay sa katawan ko. Siya ang nakarinig at nakaramdam ng mga bagay na ibinabato para sa akin ng ibang tao." Sagot ni Estacie. Hindi na umimik si Eckiever. Nakatitig lang ito kay Jessa na kasalukuyang naka-tingi
Itiniklop ni Estacie ang dyaryo at seryoso ang mukha na humarap kay Elena. "Bukas? Gusto kong manood Elena." "Alam ko. Kaya nga pinaghanda ko na rin ang mga sundalong iniwan sa iyo ng iyong Lolo at Lola. Sila ang makakasama mo bukas." Ramdam ni Estacie ang matinding galit sa mag-ama. Bagamat may mga bagay na talagang hindi niya maintindihan. Tulad na lang ng kung paano nalaman ng lahat na mag-ama ang dalawa, paanong natuklasan ng lahat ang ginawang pandurukot sa kanya ng Scorpion. Paanong nalaman ng lahat na ang prinsipe at si Lucy ang may pakana nun. Ang daming tanong sa isipan niya na naghahanap ng kasagutan. "Paumanhin my Lady, Princess Sylvia and Duke Arkhil arrived." Sabay pang napalingon sina Elena at Estacie sa katulong na sumulpot sa hardin. Tumayo si Elena at mabilis na mag-paalam para diumano asikasuhin ang kanilang kakainin mamaya. Sa pag-alis ni Elena, siya namang pag-pasok ng dalawang bisita. Isang bagay pa na ikinalilito ni Estacie, ay kung paanong naging malapit si
Umakting ang dalawa na walang naririnig nang mag-simulang manermon si Sylvia. Nang dumating ang tanghalian, masaya silang nag-salo-salo kasama si Vista. Si Clewin naman ay ilang ulit na tinatanong ang kaibigang si Eckiever kung bakit parang ayaw nitong dumistansya sa pamangkin na si Estacie. Nagtambay pa nga ang Princesa at ang Duke pagkatapos ng pananghalian. Pinanood nila Estacie at Sylvia ang friendly Sparring ng dalawang lalaki. Samantala, sa kulungan sa loob ng Palasyo. Umiiyak ang dalagang hindi makapag-salita at hindi rin makatayo. Ang galit sa kanyang puso ay abot-langit. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ganito ang buhay na ibinigay sa kanya ng Panginoon. Sa Isla ng Kololo, nabuhay sila Lucy at Juvilina na sagad sa hirap. Ang kanyang inang si Juvilina ay namamasukan sa bahay aliwan upang may maisuporta lang sa kanilang magkapatid. Oo, may kapatid si Lucy. Pero ang kapatid niyang iyon ay umalis at sumama sa isang barko ng kalakal. Tanda niya ay sampung taon palamang