"My Lady.. Halina sa loob at gagamutin ko ang balat mong napaso." Bulong ni Vista sa kanya. Wala sa sariling napa-tango at napa-sunod naman siya sa ginang. Naiwan si Clewin na nag-aalala rin para sa kanya. Hindi maintindihan ni Estacie kung paanong nakuha niya ang atensyon ng Duke. Akala niya ay wala itong interes sa mga babae, bakit kailangan paimbestigahan pa siya nito? O Hindi kaya, nararamdaman talaga ng lalake ang galit para sa kanya? "This parallel universe is making me anxious." Mahinang bulong niya sa sarili. Pina-upo siya ni Vista sa gilid ng kanyang kama bago hinubad ang kanyang bestida. Parang dalawang taong bata ang naging kahalintulad ni Estacie ng mga sandaling yun. "Tsk! Namumula ang balat ng iyong hita na nabuhusan ng mainit na tsaa. Nasama pa pati ang iyong puson my lady!" Medyo may tono ng galit ang boses ni Vista. Parang anak na ata ang turing nito sa kanya. Hindi niya napigilan na maalala ang tunay na ina na namatay sa modernong mundo. She was also like Vista
Pagkagulat ang rumihistro sa mukha ni Clewin ng marinig ang sinabi ng kaibigang si Eckiever. "Nagbibiro ka ba? Alam kong maganda si Yssa, pero ang tawagin siyang Somyls ay masyado naman-""Pero hindi ako nagkakamali. Bakit hindi mo siya tanungin?" Pinag-cross ni Eckiever ang mga braso sa may dibdib habang sumasandal sa upuan. Ang mga mapanuri nitong mga mata ay nakatuon kay Estacie. Dahil dun, napa-hugot ng malalim na hininga si Estacie bago nilingon si Clewin na naka-kunot ang noo at palipat-lipat ng tingin sa kanila ni Eckiever. "Naalala mo ba ang sinabi sa'yo ng kapatid mo nung gabing nagkita tayo?" Tanong niya sa kay Clewin na bahagyang napa-flinch. Ilang sandali pa ay napa-tikhim ito bago napa-tango. "Oo. Naaalala ko." Nang sandaling yun, si Estacie naman ang tumango. "Alam mo naman siguro na hindi nagsisinungaling ang Mommy, right Uncle?" Isang matamis na ngiti ang napunit sa labi ni Estacie ng mamilog ang mga mata ni Clewin sa narinig. "Uncle!?" Magkasabay pa na bangg
Padabog na tumayo si Eckiever at galit na hinablot ang palapulsuhan ni Estacie. "Sino ka para luhuran ko?! At sino ka para sabihan ako ng ganyan. I tell you today, hangga't ako ang may-ari ng Market square, Hinding-hindi ka makaka bukas ng kahit na anong negosyo sa Prekonville. Hindi ako papayag na may isang magnanakaw na hahalo sa hilira ng mga negosyo ko." Puno ng pag-didiin na sambit ni Eckiever bago siya pabalagbag na binitiwan. Hindi naka-imik si Estacie dahil sa narinig. Magnanakaw, siya? Bakit parang iyon na ata ang pinakamasakit na salitang narinig niya sa dalawang buhay na nabuhay siya? Kahit kailan ay hindi siya nagnakaw. Siya pa nga ang ninakawan, sino ang lalakeng ito para pagsabihan siya ng ganun? Dahil sa matinding emosyon, hindi niya napansin na pumatak pala ang luha niya. "Magnanakaw, you say." Bulong niya. Hindi niya alam kung nakarating iyon sa pandinig ni Eckiever. "Pwede mo naman sabihin sa akin na hindi ka pumapayag. Hindi mo na kailangan na sabihin sa harap
Katatapos lang ni Estacie mag-sulat ng liham para sa Hanvoc Family nang tawagin siya ng kanyang adopted mother na si Vista para kumain. "Palabas na po!" Ganting sigaw niya dito bilang sagot sa pagtawag ng ina. Inilagay niya ang liham sa kanyang maliit na aparador at akmang lalabas na ng may mapansin. Lahat ng damit niya na galing sa Somyls ay masyadong maka-luma. May mga gowns na sadyang madami ang abobot na naka-design sa tela. May ilan naman na mahahaba ang manggas pero sobrang luwang naman pagdating sa beywang pababa. Mga damit na sa comics nya lang nakikita. Dahil dito, napagdisisyunan niyang pumunta sa bayan upang mamili ng tela na gagamitin niya sa pag-gawa ng bagong damit. Mahigit isang linggo na siyang nabubuhay sa bago niyang mundo subalit hindi parin niya nalilibot ang buong Prekonville. Isinara niya ang aparador at tsaka lumabas ng silid. Dumiritso siya sa kusina kung saan naghihintay ang kanyang ina. "Mom! Pagkatapos natin kumain, gusto kong pumunta tayo sa bayan." Ma
Gulat ang naging ekspresyon ng mukha ng dalagita. Medyo namula pa nga ang mga mata neto na para bang iiyak habang nanginginig ang nga kamay. Dahil dito muling ngumiti si Estacie. Ang kanyang ina naman na si Vista ay nakikinig lang habang pinagmamasdan ang dalawang babae sa harap niya. Muling yumuko si Estacie at bumulong sa dalagita. "Wag kang matakot, hindi ako magsusumbong. Actually, naghahanap ako ng ganyang tela para sa damit na gagawin ko. Maari ba na sa akin mo na lang yan ibenta?" Tanong niya sa babae na napa-kurap ng ilang beses. "Cute-" sigaw ng isip ni Estacie. Tumango ang dalagita bago nagpalinga-linga. Pagkatapos ay hinila nito ang isang kamay niya kaya napasunod naman sila ng kanyang ina. "Pasensya na, hindi kasi ako pwede magbenta sa harap ng maraming tao. Talaga bang gusto mong bilhin ang telang dala ko?" Dinala siya ng dalagita sa may maliit na eskinita na kung saan ay bibihira lang mga taong dumaraan. Totoo nga talagang iniiwasan nito ang mahuli. "Oo naman. T
Hindi matandaan ni Estacie kung paano sila nakarating sa isang restaurant. Ang alam niya lang ngayon, kaharap niya ang princesa ng Prekonville kingdom, kumakain sila ng nga pagkain na ngayon lang niya natikman dahil narin hindi naman siya nagfo-food trip sa Prekonville. At tsaka, napansin din ni Estacie ang magandang pakikitungo sa kanya ng prinsesa. "Your majesty, anong maipaglilingkod ko sa inyo? Baka nakakalimutan mo, pinalayas na ako sa Somyls mansyon, kaya wala na akong bagay na pwedeng ibigay sa iyo." Si Estacie ang nag umpisa ng usapan. Kailangan niyang bumalik sa kanyang Mommy kaagad. For sure nag-aalala na ito sa ngayon dahil sinabihan niya na wag na itong sumunod. Nabasa pa nga niya sa mga mata nito kanina ang takot para sa kaligtasan niya. Alam kasi ni Vista ang ginawa ng kapatid ng prinsesa sa kanya. "Hindi ko kailangan ng mga bagay na galing sa Somyls, Miss. Estacie. Ang kailangan ko ay ikaw at ang talento mo." Sagot ng prinsesa habang ibinababa ang tinidor na hawak b
Ilang araw na ang lumipas simula ng magkausap si Estacie at Sylvia sa restaurant. Naumpisahan na rin nila ng kanyang mommy ang pag-gawa ng gown na gagamitin ng Prinsesa. Natatandaan ni Estacie ang huling sinabi ng babae bago sila mag-hiwalay ng araw ding iyon. "Let me help you.." Maga salitang hanggang ngayon ay hindi parin niya maintindihan kung ano ang gustong iparating. Gusto siyang tulungan ng prinsesa saan? Sa pagbabagong buhay? Sa pag-hanap ng bagong jo-jowain? Or sa pag-hanap ng pwesto na pwede niyang pagtayuan ng negosyo? Hindi talaga niya alam. Ang gown na ginagawa nila ni Vista ay kulay dilaw. At tulad ng napag-usapan, dinala nga ni Elena ang mga tela na gawa ng sariling ina ng dalagita. Sa ngayon, mayroon ng tatlong kulay ng silk cloth si Estacie. Ang gown na susuotin niya para sa kasal na dadaluhan niya ay kulay asul. Bagamat nag-iisip pa siya kung anong design ang gagawin niya para sa sarili. "Nagpadala nanaman ng liham para sa iyo ang princesa, anak. Napapansin ko n
Bahagya lang na natigilan ang lalake na nananatiling naka-titig kay Estacie. Hindi alam ni Estacie kung ano ang tumatakbo sa isip ng binata pero, nakikita niya na unti-unting dumilim ang anyo nito. "Your whole existence." Madiin ang kataga na binitiwan ni Eckiever ng sumagot. Si Estacie naman ay lihim na napa-lunok. Maaring tama nga ang hinala niya. Sa mundong kinabibilangan niya ngayon, it's parallel universe. Wala na siyang ibang paliwanag sa nangyayari. Ang lalakeng nasa harapan niya, ay ang kabilang buhay ni Mr. Vendo sa modernong mundo. Hindi niya alam kung natuklasan na ba ni Mr. Vendo ang tungkol sa totoong pagkamatay ng Ate nito, o baka hindi pa. How sad, ibig sabihin, malaya pa rin ang evil sister niyang si Lucy. "Kung ayaw mong makita ang kahit na anino ko, pwede namang ikaw na ang umiwas. Dahil ginagawa ko rin ang iwasan ka, hindi mo ba nahahalata?" Napapa-buntong hininga na sagot niya sa lalake. "Hindi mo na kailangang sabihin sa akin yan. Dahil ayaw ko rin na makita