Share

I am His Obsession
I am His Obsession
Penulis: SexyInBlack

Simula

Simula

"Hoy Keya!" Napangiwi ako sa pagbigkas ng pangalan ko ng taong tumawag sakin.

Nilingon ko ang bisayang babaeng tumawag sakin. Isa sa mga katrabaho ko. Maliit na babae siya at maitim. Ewan ba kung bakit maitim pa din siya sa ilang taon na niyang pagtatrabaho na may aircon naman. Hays. Iba talaga kapag naghihilod araw-araw . Napatingin naman ako sa balat ko. Smooth!hihi.

"Oh! Ate Isay! Bakit ho?" nakangiting tanong ko.

Heto na siya, aayain na naman siguro nila akong mag-ktv sa Monumento. Jusko! Unang sama ko sa kanila ay nag-123 sila sa ktv Bar at ako ang nakapag-bayad. Nakaka-trauma ang bagay na iyon. Akala ko applicable lang 123 sa jeep, sa ktv din pala.

"Ikaw ba ay—" mabilis kong pinaglandas ang mapunti kong daliri sa kaniyang labi para pigilan siya sa pagtuksong isama ulit ako.

"Hep! Hep! It's a big NO for me, ate Isay! Hindi ako sasama! Kaya goodbye!" Sigaw ko at nagmamadaling umalis sa harap niya.

Jusko! Pag KTV ,matutukso ako! Layuan niyo ako!

"Huuuy Keya! Uutang lang ako sa'yo!!" Sigaw nito at mabuti na lamang nakalayo ako.

Wala akong ipapautang sa kaniya. Utang daw pero 'di babayadan. Utot mo hmp.

Mabilis akong pumara ng dyip at naupo sa pinakang likod ng mamang driver. Kinuha ko ang wallet sa maliit kong bag at binilang barya doon. Five,seven, e-eight? Bakit eight lang ito!? Nasaan ang sampu!?

Pinagpapawisan na ako kahit malamig sa dyip dahil wala naman itong takip sa bintana at malakas ang ihip ng hangin. Naagaw ang atensyon ko sa cellphone ko ng makita ko na mag-ilaw ito . Kinuha ko ito sa bag at isang text ito mula kay Ate Isay.

'Hilo Keya hnirm q yng 10 mo knna ppalam q sna syo kso ngma2dali k. Slmt. Bydan q buks.'

Napahampas na lamang ako sa noo ko dahil sa text ni ate Isay na natanggap ko.  Paano na ako nito? Papuntang ospital ? Otso pesos? Jusko mabibitay ako ni mamang drayber.

Napatingin muli ako sa cellphone ko nang tumunog ito at ang bestfriend ko ang caller.

Bessywap calling..

"hello beh" sagot ko at agad narinig ang matinis na boses ni Mica.

"Hoy! Babae ka! may date pa ako bes! Ano na?" Biglang sagot sa kabilang linya muntikan ko pa ilayo ang phone sa tenga ko sa sobrang lakas ng boses n'ya.

"Wait, kakasakay ko lang ng jeep. Papunta nako dyan" sagot ko at nag-iisip pa din kung anong gagawin ko.

"okay haha, ingat ka ha" mahinahon na sagot na n'ya. Mukhang good mood ang babaita.

"Sige, maraming salamat bessywap ha!" Maligayang sabi ko sa kanya at bumungisngis ito.

"Sus, wala yon bessy" sagot niya at nagpaalam.

"Paabot naman po." Sabi ng babae na katabi ko at inabot ko naman ito. "Hospital po,isa." Sabi nito at parang may bumbilyang umilaw sa ibabaw ng ulo ko.

Heto na, Lordieee! Help me!

"E-ehem" inabot ko sa drayber ang bayad . "S-sa hospital po,i-isa.." kinuha naman ito ng drayber at boom hays. Keri ko itech!

Nang masilayan ko na ang Hospital ay ginapang ako ng kaba. Parang hinahalukay ang tyan ko at hindi ako mapakali.

"P-para po manong" sabi ko at nagmamadaling bumaba ng dyip kasabay ang nagbayad kanina. Dire-diretso ako nang lakad at hindi nililingon ang dyip hanggang sa narinig ko ang pag-alis ng dyip.

Nilingon ko ang dyip at napasuntok na lang ako sa hangin . "Yes! Thankie Lordieee!" Sigaw ko at pumunta na ng hospital.

"Bessssss!" Salubong sakin ng kaibigan kong si Mica pagkapasok ko ng ward ng kapatid ko.

"Ssshhhhh.. wag kang maingay" suway ko naman sa kanya at napatutop sya ng labi. Kita ko kasi ang mahimbing na tulog ni bunso at kay sarap nitong titigan. She doesn't deserve this, any of this, she's an angel..

"Bes, sorry ha. I need to go. Just call me if you need anything" saad niya at may lungkot sa boses niya.

Ngumiti ako at tumango. "Okay lang. Maraming salamat ha. Ingat ka"

"Sige bess, Bye. I'll comeback tomorrow" tumango ako at nagbeso sa kanya.

Lumapit ako sa kama ng kapatid ko na ngayong malayang natutulog habang may oxygen na nakalagay sa bibig nya at kung ano ano pa sa katawan. Naupo ako sa monoblock chair at marahan kong hinaplos ang pisngi nya.

"Mapapaoperahan din kita bunso, hintay ka lang . Mag iipon lang si ate ha" bulong ko sa kanya at naluluha na namang tumititig sa kapatid kong nakaratay sa kama. Siya na lang natitira sa'kin at gagawin ko lahat para lang hindi siya mawala sa'kin.

Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito mula sa bulsa ko. Kaagad ko ito kinuha at matamis na napangiti ng makita kung sino ang tumatawag. Isa siya sa mga naging rason ko para maging masaya sa mundong ito na madaya.

Agad kong sinagot ang phone ko at nakangiting lumayo sa kapatid ko.

"Hi baby..." sagot ko na malambing at hindi mapigil ang ngiti.

"Hey, how are you?" Sagot nito at parang may mga paru-paro sa tyan ko.

Hahays! Love is in the airpollution!

"Okay lang naman,ikaw? How's your work?" Wow! Napapa-ingles pa ako!

"Fine, ah, baby? Can we have a date  tonight? I miss you and—" biglang nabitawan ko ang cellphone ko at dali-daling lumapit sa kapatid ko.

"Dok!" Sigaw ko . Habang niyuyogyog ang kapatid ko. Jusko.. Bigla na lamang nagflat line ang makina niya. Parang kumalabog sa kaba ang dibdib ko.

"Dok! Nurse!" Ulit kong sigaw at nag-uunahan na ang mga luha ko sa pagpatak. Nanginginih na sa takot ang kalamnan ko ng magdatingan sila.

Nagdatingan ang dalawang nurse at ang isang doktor, ang doktor ng kapatid ko. Mabilisnilang dinaluhan ang kapatid ko at binigyan ko naman sila ng espasyo habang ako ay pana'y ang pagdadasal.

Huwag sanang pabayaan ang kapatid ko, diyos ko, huwag naman po sana..

"Miss.. sa labas po muna kayo" ani nurse at iginaya ako palabas ng room .

Tulala akong lumabas ng room at hinintay ang doktor. Habang tumatagal sila sa kwarto ay lalo akong kinakabahan. Hindi ako mapakali. Mahigit isang oras na ang lumipas at tsaka palamang lumabas ang isang nurse.

"Nurse, ano? A-ano nangyari??" Tanong ko at sumagot naman ang nurse, at sinabing hintayin ko ang doktor lumabas. Napalingon naman ako nang iluwa ng pinto ang doktor. 

"Dok.." sambit ko at lumapit sa kanya.

"Miss Madrigal, We have to do the operation. Bago pa lumaki ang butas sa puso ng kapatid nyo." Deretsang sabi ng doktor.

"O-operasyon?" Pag-uulit ko at alam kong malaking pera ang kailangan.

"Your sister needs to undergo surgery as soon as possible. We need to hurry her operation. And also, if the operation will be successful then hindi na kailangan ng heart transplant. But if not, we have to do a heart transplant." Paliwanag ng doktor at tila ang hirap tanggapin.

"M-magkano naman ho ang operasyon?" Tanong ko at para akong aatakihin sa puso nang madinig ang presyo.

"You have to prepare 50,000 or 100,000. Cardiovascular operation is costly but it will save your sister.." saad niya at napa-upo na lamang ako.

"We have to do the operation within this week." Lalo akong napaiyak at natakot.

'Saan naman ako kukuha ng instant 100,000 pesos within this week?!'

"Maiiwan na muna kita,hija. Pag-isipan mo iyan ng mabuti." Pagpaalam ng doktor at nagpasalamat naman ako.

Agad kong naalala ang cellphone kong nahulog kanina. Pumasok ako sa room at mahimbing na muling natutulog ang kapatid ko. Dinampot ko ang phone sa sahig at napansing wala na si Khen na katawagan ko, pagkatapos ay may message si Mica.

'Kamusta na d'yan, bes?'

Agad naman  akong nagtipa ng reply at sinabing kakailanganin ko ng agarang pera ngayong linggo para sa operasyon ni bunso.

‘Baby, what happened?’

Text iyon mula kay Khen at sinabi ko naman sa kaniya ang nangyare at kung anong kailangan ko. Ewan pero para akong nadismaya sa reply niya.

‘I’m sorry I can’t help you..’

Mabigat ang loob na pumasok muli ako sa kwarto ng kapatid ko. She’s now okay not definitely fine but compare what happened earlier, mas okay siya ngayon. Payapa ang paghinga niya na may tulong ng oxygen.

Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang nurse station. At doon ay nadatnan ko naman si Nurse Jack, kaibigan ko rito. Dahil sa pamamalagi namin rito ay napalapit na rin ako sa ilang nurses rito.

“Kia! Kumusta?” Tanong niya at malungkot na ngumiti naman ako.

“Ano, okay naman na.. Uhm, pwede bang pa-check lang muna sa kapatid ko?” Nahihiyang tanong ko.

“Oo naman!” Sagot nito na kinatuwa ko.

Nagpaalam ako sa kaniya at nag-abang ng masasakyan sa kanto nang may ma-recieve akong text mula kay Mica.

‘Bessy, I know that you need money and I really want to help you, please check the email I sent to you. I hope hindi mo ito masamain. Love lots!’

Ginawa ko naman agad iyon. Chineck ko ang email at nagulantang naman ako sa nabasa.

Mcorp.

If you have this information please keep this confidential. If you leak this as public information, we will track you down. This is safe electronic message and it will not invade you personal information.

We want to offer you a job for day or a week. Mr. Montecillo would love to see you.

Salary information:

P100,000 for 2 days

P500,000 for 1 week

This work is from black market that limited people has accessibility. If you are interested to be his sex slave, feel free to come in our company building.

Here’s the digital map below

Click to view image

Ano raw? 100,000 para maging sex slave sa dalawang araw?!!! Totoo ba ito??!!

Sexy In Black

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status