Share

Chapter 25

Nakalapit na si Lyka kina Farrah at mga kasama nito ngunit nilampasan niya lamang ang mga ito, diretso siya sa jet ski na sinasakyan ni Damon. Biglang napasipol si Bert nang makita ang likuran ni Lyka, ‘di naman nakatiis si Nana Tinay kaya siniko niya ito sa sikmura.

“Aray ko po!” daing ni Bert.

Matamis na ngiti ang ibinibigay ni Lyka kay Damon habang wala naman ito ekspresyon ang mukha na nakatitig lamang sa kaniya.

“Paangkas,” nakangiti wika ni Lyka at sumakay na lang sa jet ski na hindi man lang naghintay ng sagot. Naupo siya sa may likuran ni Damon at kaagad niyakap ang baywang nito.

Nakarandam naman si Farrah na para ba may tinik na tumusok sa kaniyang dibdib.

“Ako muna!!!” Sigaw ni Heaven na karga pa rin ni Farrah.

“Sorry kiddo, nauna na ako,” sambit ni Lyka at kinindatan pa ang bata.

“Lyka, kanina pa naghihintay ang anak ko para maisakay sa jet ski,” ani Damon.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status