Mag-log inMGA KWENTONG DAPAT MONG BASAHIN!1. MARRYING THE GAY BILLIONAIRE> GENRE: RomCom | Marriage of Convenience | Fake Relationship | Enemies to Lovers>Vibe: Masaya, nakakakilig, puno ng asaran at bangayan!>FAMOUS LINE: "Kailangan ko ng pera, at kailangan mo ng asawa. Kaya 'wag ka nang maarte diyan at halikan mo na ako!"> BUOD:Si Rowan Fontano ay isang supladong CEO ng cosmetics company na pilit na pinag-aasawa dahil sa tsismis na siya ay gay. Si Samarah Castillo naman ay isang palabang beauty queen at rakitera na desperadong nangangailangan ng pera para sa sakit ng kapatid.Para sa pera at pamilya, papasok sila sa isang kontrobersyal na kasunduan. Kakayanin kaya ng isang Gay Billionaire ang kaniyang Amazonang bride?> BAKIT MO ITO DAPAT BASAHIN?Kung naghahanap ka ng kwentong nakatatanggal ng stress, puno ng katatawanan, at may sobrang nakakakilig na asaran ng dalawang taong ayaw magpatalo, ito ang para sa iyo!SAAN MABABASA?: GOOD NOVEL2. ANG LIHIM NI PUKANGKANG>GENRE: Rom-Com | Sm
3rd Person’s POV Ang buhay daw ay parang isang nobela. Masaya, nakakatawa, nakakakilig. Pero puno rin ng mga pagsubok na sa umpisa ay hindi natin malaman kung bakit kailangan nating pagdaanan. Minsan, mapapatanong na lang tayo sa Diyos kung bakit kailangan nitong mangyari at kung bakit sa atin ito kailangang mangyari. Napakahirap intindihin ng mga bagay na nagdudulot sa atin ng labis na sakit. Lalo na kapag ginawa naman natin ang lahat para masolusyonan ang mga problema at hadlang, pero patuloy tayong kinakastigo ng buhay. Life is full of twists and turns. At hindi lahat ng istorya ay nauuwi sa happy ending. Ito ang reyalidad ng buhay. Pero paano ba natin masasabi kung may happy ending ang bawat kwento? Ano ba ang basehan ng mga libro? Ano ba ang pamantayan mo sa buhay mo? Siguro, hindi man maiintindihan ng iba. Siguro, masakit para sa kanila. Pero ang sandaling ito na ang pinakamasayang parte ng buhay ni Luis. Pareho silang nakahiga ni Agnes sa iisang kama sa loob ng kwa
3rd Person’s POV Natigilan si Adela, “O-opo… paano niyo po nalaman iyon?” “Oh diba? Sisihin mo ang nanay mo. Mukhang nagmamahalan naman na sila dahil kaya na nga niyang bigyan ng atay hindi ba? Bakit gusto mo pang manggulo ako doon sa dalawa?” “Tita, hindi po ganon iyon. Oo nga po at ibinigay niya ang liver niya kay Mama. Pero ginawa niya lang po iyon para sa akin. Ang totoo po, ni minsan hindi po sila nagsama ni Mommy sa iisang kwarto. Kahit ako pa po ang mag request non nung bata ako, mas hahayaan niya pang umiyak ako magdamag kesa tumabi sa Mama ko. Tita, masakit man pong aminin pero kayo pa rin po ang mahal ni Daddy. Hanggang ngayon, sa tuwing dapit hapon, palagi pa rin po niyang tinatanaw iyon dahil ganon daw ang hilig niyong gawin. At saka… “ May kinuha siyang isang maliit na box sa loob ng kanyang bag, “Ito po.” Kinuha niya iyon at binuksan. Natuptop niya ang kanyang labi nang makita ang nilalaman ng maliit na kahon. Isa-isa niyang binuklat ang mga litrato. Pictures niya iy
3rd Person’s POV “Paano kung magkabalikan kami kapag nakausap ko siya?” Nakaupo siya sa harap ng vanity mirror sa loob ng kanilang kwarto habang naglalagay ng pulang lipstick. Nasa likod niya si Gabriel na sinusuklayan ang mahaba at puting buhok niya. “Edi good for you, may love life ka ulit. Hindi na tayo teenagers para mag love triangle pa ano?” Pareho silang napangiti habang magkatinginan sa salamin. Pero parehong mapait ang mga ngiting iyon. “Basta, kapag hindi, uwi ka lang sa akin. Maghihintay lang ako.” Inabot ni Agnes ang isang kamay niya at hinalikan iyon. “Salamat, Gabriel.” Sa kabila ng pagkatagal-tagal na pagmamakaawa ni Adela na makausap si Agnes, sa wakas ay pinaunlakan na siya nito. Siniguro niyang magiging maayos ang lahat. Ito lang ang tanging magagawa niya para makabawi sa Ama. “Sa tingin mo ba kakausapin niya tayo? Pakiramdam ko galit pa rin siya sa amin ni Mama,” kabadong tanong ni Adela habang hawak ang kamay ng asawa. Pinisil ni Mateo ang kamay niya a
3rd Person’s POV “Hoy, Gab! Iyong mga brief mo dito sa banyo bakit ba hindi mo isampay sa labas? Itong matandang ito oh! Napakadugyot talaga!” reklamo ng matandang babae habang bitbit ang hanger ng mga brief. “Mamaya na, nanonood pa ako eh! Nahuli na nung asawa iyong kabit ng mister niya!” sigaw naman ni Gabriel na nasa harap ng telebisyon sa sala. “Manonood ka dyan o bubuhusan ko ng gasolina itong mga brief mo?!” Dahil doon ay inis siyang tumayo. Bagamat sinusumpong ng rayuma ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa babae. “Akin na bilisan mo! Walang rewind iyong pinapanood ko!” bwelta niya, nakakunot ang noo. Pero imbis na ibigay ay tumalikod si Agnes at tumakbo palayo. “Hoy! Yung brief ko!” singhal ni Gabriel. Animong mga teenager na naghahabulan at nag-aagawan sa mga maluluwag na brief. Sa mga lumipas na taon ay nagsama na din sa iisang bahay ang dalawa. Kung ano man ang relasyon nila ay palaisipan pa rin para sa iba. Maging ang mga kaibigan nila ay walang malinaw na ideya k
3rd Person’s POV Pare-pareho silang napatingin sa kanya ng salubong ang mga kilay. “I am my Husband’s Mistress? Hindi ba ikaw ang asawa?” naguguluhang tanong ni Ricky. “She’s annuled,” singit naman ni Gabriel. “Oo nga,” sagot ni Agnes. “Pero hindi ba ang mga kabit laging pangalawa, always not the priority. Ako nga ang pinakasalan, ako nga ang naging asawa, pero ako naman ang laging nakikihati sa atensyon. Ako ang palaging less priority. Ako ang asawa pero parang saling pusa ako sa sarili kong marriage.” Napatulala silang lahat sa sinabi niya. “Ang lalim non, di ko nagets,” ani Michael. “Ang hirap kapag medyo lusaw ang utak ano?” banat ni Gabriel na nagpatawa sa kanilang lahat. “But I get it. Pero don’t worry, tapos ka na sa ganong era ng buhay mo,” aniya sabay tapik sa balikat ng babae. “Oo nga, Madame! Hayaan mo, dito ikaw ang prinsesa namin!” Natawa si Agnes, “So ano? Wala kayong balak mag asawa?” biro niya. “Dapat ang mga girlfriend niyo ang mga prinsesa niyo,” bilin niya.







