AGNES LA TRINIDAD's POV“I told you, pupunta ako sa check-up niyo ni baby. Kailan ba ako pumalya para diyan?” Ngiting-ngiting ani Henry habang niluluwagan ang suot na necktie. “Yeah, I’m not sure if she’s here yet… oo, the baby is gone. Sabi ko naman sa iyo magagawan ko ng paraan… Of course, kapag nailigpit na natin siya, ipapakilala na kita sa lahat… Kung kailangang ipatapon ko siya sa ibang bansa para lang masigurong mananahimik siya, gagawin ko. Kahit sa ilalim ng lupa ko pa siya itago, hahaha!... Yeah, we need to secure her inheritance first. After that, we’ll get the insurance. Kailangan lang natin palabasin na naaksidente siya.”Nanlamig ang buong katawan ko. Ang bawat salitang binibitawan ni Henry ay parang matutulis na bubog na direktang sumasaksak sa puso ko—paulit-ulit, walang awa.Tama nga si Luis… si Henry ang magiging katapusan ko.Nanginig ang aking mga tuhod hanggang sa napaupo na lamang ako sa malamig na sahig. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala at basagin ang laha
آخر تحديث : 2026-08-18 اقرأ المزيد