Share

I Belong With you

I BELONG WITH YOU

[General Fiction/Romance]

[CHAPTER 12]

[Levi’s POV]

Bahagya kong minasahe ang magkabilang sentido ko. Pakiramdam ko’y nagdo-doble na ang tingin ko sa mga numerong tinitingnan ko. Kabibigay lang ng report sa akin ng Accounting department regarding sa Finances ng kumpanya. Alas-nuebe pa lang ng umaga, pero pakiramdam ko’y maghapon na akong nagta-trabaho.

“Hi, Sir Levi.” Nakangiting bati sa akin ni Christine. Secretary ko ito. “May nagpapabigay po nito sa inyo.” Inilapag niya sa mesa ko ang isang cup ng brewed coffee.

“Sino?” Kunot-noo kong tanong sa kanya.

“Hindi ko po kilala, Sir, actually ngayon ko lang po siya nakita, pero maganda po siya.” Nanatili s’yang nakangiti sa akin na tila ba nanunukso kaya napangiti rin ako.

“Okay, Christine. Salamat.”

“Feeling ko siya ‘yong lagi n’yong kasama kapag lumalabas ka, Sir.” Biro niya kaya natawa ako. “Ayiee! Si Sir Levi, in love siya.”

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status