Share

I Belong With you

I BELONG WITH YOU

[General Fiction/Romance]

[CHAPTER 19]

[Athena’s POV]

Kasalukuyan akong nasa meeting with the Manhattan Resort’s owner nang maramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko. Tiyak akong may tumatawag. Pasimple ko itong sinilip, pangalan ni Inay Lolit ang rumehistro sa screen. Bigla akong kinabahan. Hindi ako basta-basta tinatawagan ni Inay Lolit kung walang mabigat na dahilan.

Nang matapos ang aming meeting ay agad kong idi-nial ang numero ni Inay Lolit.

“Faith?” Maagap nitong tugon sa kabilang linya.

“Inay, tumawag po kayo?”

“Oo, pasensiya ka na sa abala ha.”

“Okay lang, Inay. Nasa meeting ho ako kanina kaya hindi ko nasagot. Bakit po?”

“Ang daddy mo kasi nakakulong ngayon.”

“Po?” Gulat kong reaksiyon. Pakiramdam ko’y biglang may pumukol sa ulo ko ng mga sandaling iyon. “Bakit po? Ano pong nangyari?”

“’Yong anak ng isa sa mga pinagkakautangan ng daddy mo’y ipinakulong siya. Kung anu-ano ang mga ikinaso sa kanya at an
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status