Second Encounter
Alam mo ang gawa ko ngayon? Ang magpeke ng ngiti sa harapan ng mga tao ngayon. Nandito kami ngayon sa office ni Madam kaming tatlo lang. Ipinapaliwanag niya kung paano ang takbo ng agency niya "Tita, you don't need to explain.. i can handle this" Sabi ni Christopher 'Ang yabang naman nito' Pinigilan kong mapangiwi dahil sa tigas ng english ng lalaking to. Kung ito ang magiging boss ko mukhang araw araw akong manonose bleed sa kaka ingles dito. "I know iho.. pero kung meron kang tanong at wala na ako dito, you can ask my secretary ..Si Amira Daniela Villanueva" Nakangiti si Madam sa akin kaya nginitian ko din siya... totoo yon ah! Pagtingin ko sa lalaki, hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I swear! kung wala lang dito si Madam lydia baka pinilayan ko na to eh. "Okay, mukhang maaasahan naman siguro itong secretary mo Tita" Sabi niya ng hindi pinaputol ang tingin sa akin. Marunong naman pala magtagalog to, Pero anong sabi niya? 'Siguro'? "Of course iho! Limang taon na dito si Amira at alam na alam na niya ang takbo nito.. wala akong problema sa kaniya" "Thank you Madam sa pagtitiwala" Sabi ko Napatingin na naman ako sa lalaking nasa gilid ko lang, nakatingin na naman siya sa akin Ano ba to? dukutin ko kaya yung mata nito? "Uhm Madam may kailangan pa po ba kayo? marami po ang aplikante sa labas" "Ah yeah sige iha asikasuhin mo na sila" Yumuko ako ng bahagya at lumabas, hindi ko na pinansin ang lalaki na yon dahil talagang nawiwirduhan na ako sa tingin niya. Inasikaso ko na lang ang mga aplikante na iinterviewhin mamaya, Naging abala naman ako sa trabaho ko.. dahil talagang tambak pagdating ng lunes ang mga ginagawa ko pero kaya ko namang imanage. "Grabe ang yummy ng pamangkin ni Madam noh" Ani ni Julie Lunch break namin ngayon at nandito kami sa usual spot namin sa office. "Kaya nga parang ang sarap ikama" Sabat naman ni Rachelle Nag apir pa sila! Di ako makapaniwala sa mga sinabi nila, napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. "Swerte ni Amira lagi niyang makakasama si Sir. Christopher" 'Swerte? kung alam niyo lang' "Gusto mo palit tayo e" Biglang sabi ko "Talaga?"/ "Bakit?" Sabay na tanong nila. Nagkibit balikat lang ako "Para maranasan niyo trabaho ko" "Hehehehe wag na pala" ."Oo nga.. okay na kami sa ganito" Alam kasi nila na hindi din madali ang trabaho ko. Makikipag usap sa client. Makikipagdeal sa client. Mag iinterview, Mag aasikaso kapag orientation Hayss Cr at Lunch break nga lang pahinga ko eh. Hindi naman sa nagrereklamo, sinasabi ko lang haha! Pagtapos ko mag Lunch break dumiretso ako sa pantry namin para magkape.. "Hello sexy Amira" "Ay kabayo!" Nagulat ako dahil biglang may humawak sa bewang ko. Natapunan ko tuloy siya ng kape "What did you do!" pagalit niyang sabi habang pinapagpag ang kape na natapon sa damit niya 'Buti nga sayo' "Nanggugulat ka kasi! ayan tuloy natapunan ka" Sinamaan niya ako ng tingin na para bang kasalanan ko. "At tsaka wag mo nga akong hahawakan! hindi porke boss kita eh gagawin mo na gusto mo" Bigla ay tumayo siya ng tuwid at lumapit sa akin. Naalarma ako... "I still remember the soft of your lips" Nakatingin siya sa labi ko "And your body" Tiningnan niya ang katawan ko kaya napayakap ako. "Hoy Mr. Manyak! Hindi mo na magagawa sa akin yon! that is the first and the last!" "You'll never know because i have a motto in life, what christopher wants, christopher gets!" "Ang kapal mo naman! hoy! hindi porket pamangkin ka ni Madam eh hindi kita papatulan baka gusto mong magkanda bali bali yang buto mo?" Inambahan ko siya ng suntok at medyo nagulat siya kaya biglang umilag. Wala na kong pakialam kung boss ko to! "At tsaka hindi lahat ng babae madadaan mo sa ganyan noh!" Tiningnan ko siya ng masama at saka umalis ng pantry.. Ang bwisit na yon! May sayad yata yon eh. Paglabas ko ng pantry nagulat pa ko dahil nakasalubong ko si Erick na papunta din sa pantry . "Oh Amira anong nangyare sayo? bakit parang badtrip ka?" "May animal kasi" "Ha?" Gulat na tanong "May hayop sa pantry?" "Ha? ahhh oo pero inalis ko na hehehe" Iniwan ko na si Erick dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Pasalampak akong umupo sa upuan at huminga ng malalim "Siraulong yon!" Bulong ko pa Inabala ko ang sarili ko dahil sobrang nanggigil talaga ako. Pwede bang bawiin ko na lang kay Madam yung sinabi ko na hindi ako magreresign? kasi ngayon pa lang gusto ko nang umalis dito... Nagpapasalamat ako dahil nasa loob lang ng office ang animal! Mabuti na yon atleast walang nanggugulo sa akin.. Alas otso na ng gabi at pauwi na din ako kaya inayos at nilinis ko muna ang table. Ang ibang katrabaho ko ay umuwi na din at ang panggabi ay nagsidatingan na din. May mga panggabi kasi dito pero hanggang 1am lang sila. Si Madam at yung animal niyang pamangkin ay kauuwi lang kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung hanggang saan ang pasensya ko sa abnoy na yon. Pagbaba ko ng building nag abang na ako ng masasakyan, maya maya ay may humintong sasakyan sa tapat ko kaya medyo umatras ako. Nasa tapat ko lang talaga siya kaya nagtaka ako. Bumaba ang salamin ng bintana ng sasakyan. At yung taong nasa loob na yon ay yung abnoy na magiging boss ko lang naman 'Akala ko umuwi na to' "Hey beautiful! wanna ride? i will take to heaven" At kumindat pa siya. "Gusto mo ikaw dalhin ko ng langit tapos hindi ka na bababa?" Matapang kong sagot "You're so masungit.. isasakay na nga kita ng libre e.. o gusto mo ako ang sumakay sayo?" "Pwede ba!" Luminga linga ako dahil baka nandoon ang guard ng building namin "Tantanan mo ako dahil hindi ka na nakakatuwa napakamanyak mo!" Sigaw ko sa kaniya "Tsaka hindi ako sasakay diyan! Alis!" Akala ko aalis na ang taong to, pero bumaba siya ng sasakyan at pumunta sa gawi ko Hinarang ko ang kamay ko dahil akma siyang lalapit. "Hoy diyan ka lang! wag kang lalapit sisigaw talaga ako" "Look Amira its not what you think i am, mabait ako" "Hindi mo ko maloloko noh! anong akala mo sakin tanga?!" Pagkatingin ko sa kalsada may available na taxi kaya pinara ko na siya agad at nagmadaling sumakay doon. Hindi ko na siya nilingon pa, abot abot ang kabang nararamdaman ko. Ang abnoy na yon! anong akala niya sakin? funny ? funnywalain...InsultingNagising ako ng umaga na para bang hinahalukay ang tiyan ko, ewan ko pero ilang umaga na akong ganito at palagi ding masama ang pakiramdam ko.Ilang araw na din akong absent sa trabaho dahil hindi ko talaga kayang makita si Christopher.Ilang text at tawag na din siya, mabuti din at nakinig siya sa akin na huwag munang pupunta dito sa bahay dahil naiinis talaga ako sa kaniya."Anak" Pumasok si Mama sa kwarto "Ayos na ba ang pakiramdam mo?""Opo ma, maayos naman ako"Matagal akong tinitigan ni Mama, kinakabahan tuloy ako kung nakakahalata na ba siya sa akin.Kasi malakas ang instict ng mga nanay kapag may problema ang anak nila."Gusto mo na bang kumain? nagluto na ko ng agahan""Mamaya na po ma, wala pa po akong gana""Kapag may kailangan ka nandito lang si Mama anak ha""Opo Ma,"Ngumiti siya bago lumabas ng kwarto.Pabagsak kong hiniga ang katawan ko, Mukhang mali yata ako ng sinabi kay Mama dahil naramdaman ko ang gutom ko."Tsk! ano ba yan!"Napagpasyahan kong lumabas ng
Other womanNagising ako sa tunog ng cellphone ni Christopher."Love, may tumatawag sayo"Umungol lang siya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.Hindi na ako nakakilos dahil sa higpit ng yakap niya.Muling tumunog ang cellphone pero text na lang iyon, sinikap kong abutin yon.From: CindyChris, where are you? i need you here please honey.Nanigas ang katawan ko at biglang kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa nabasa ko.Hindi ko alam kung ano ang password niya dahil hindi ko naman yun pinapakialaman,Napatingin ako sa katabi na tulog na tulog.My mind started to overthink sino yung Cindy na yon?Bakit ganon ang text niya?Siya kaya yung pinagkakaabalahan ni Christopher.Naninikip ang dibdib ko dahil sa mga naiisip ko.Pumikit ako at naramdaman kong tumulo ang luha ko, kung totoo man na niloloko ako ni Christopher ngayon pa lang nasasaktan na ko.Dahan dahan akong tumayo sa higaan para hindi siya magising.Punong puno ang isip ko ngayon. Gusto ko siyang komprontahin pero nan
TrustMay tatlong buwan na ang relasyon namin ni Christopher, so far maayos at maganda ang relasyon namin. Hindi ko mapagkakaila na hindi lang isang beses o dalawa na may nangyayare sa amin. Napapadalas din kasi na doon ako dumidiretso pagkauwi namin galing sa opisina at sa bahay niya din ako nagsspend ng araw kapag weekend.Totoo nga siguro talaga yung kasabihan nila na kapag naranasan mo na ang isang bagay hahanap hanapin mo na ito. Hindi naman sa nagiging adik pagdating sa making love namin ni Christopher pero kapag magkasama na kami nasasabik ako lalo na kapag inuumpisahan niya na.. nadadala na ako o nagpapadala na ako.Katulad ngayon weekend nandito ako sa bahay niya. And everytime that we make love, inaabot kami ng madaling araw. Kaya ngayon tanghali na nang magising kami.Ako na din ang nagluto ng kakainin namin."Nga pala next month, birthday ni Mama""Really?" Tumango ako "Saan gaganapin?""Sa bahay lang.. Gusto kasi ni Mama na simpleng selebrasyon lang"Tumango siya.Bigla a
First Experience"Sa bahay ko ikaw matulog ngayong gabi" Seryoso siya sa sinabi niya."Ha?" Para akong nabingi sa sinabi niya sa akin.Bumuntong hininga siya"Never mind""Ito naman masyado kang matampuhin noh" Natatawa kong sabi sa kaniya. Sinamaan niya lang ako ng tingin. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran."Okay...paglulutuan kita mamaya"Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napatingin ako sa kaniya."Okay ka na?""Can i resist you?" Napanguso ako upang mapigilan ang pagngiti. hinawakan niya ako sa bewang at pinaupo sa kaniya."Ano ka ba! mamaya may biglang pumasok dito"Hindi niya ako pinakinggan, He kissed me at nagustuhan ko naman yon maya maya ay bumaba ang halik niya sa leeg ko. Iba ang sensasyon na dala non sa akin. Gusto ko siyang pigilan pero ayaw ko siyang tumigil. Napaungol ako dahil sa ginawa niya at agad din akong napadilat. Hindi ko pinahalata yon sa kaniya."Let's go home Love" Malambing na sabi niya. Kinabahan ako ngunit pilit akong ngumiti s
Sleep in my houseGULAT. Yan ang makikita mo sa mga mukha nila ng pumasok kami sa bahay."B—bakit kayo magkahawak k—kamay?" Gulat na tanong ni Hazel dahil nandoon siya sa bahay.Mga nakaabang naman sila Mama sa sagot namin. Hindi ko alam kung paano uumpisahan. Naramdaman kong pinisil ni Christopher ang kamay ko."Tita... Pasensya na po kung ngayon lang namin masasabi ni Amira ang tungkol sa amin" Masyadong confident si Christopher na nakikipag usap sa Mama ko."But gusto ko po na ipaalam sa inyo na Mahal ko po si Amira" Tumingin siya sa akin at binigyan ko naman siya ng matamis na ngiti."Wala naman problema sa akin anak... masaya ako para sa inyo" Kitang kita ko sa mukha ni Mama ang tuwa sa narininmg niya."Wala din naman problema sa akin bro. Matanda na yan eh" Napasimangot ako sa sinabi ni Kuya "Pero okay lang ba sayo? Malaki ang agwat niyo ng kapatid ko""It doesn't matter to me," Tumingin siya sa akin "As long as we love each other thats all matter to me""Aaaaaaaaaaaaaaaack!!"
In a RelationshipSimula nang confession naming dalawa ni Christopher naging mas clingy siya everytime na nagkakasama kami. Napakiusapan ko din siya hanggat maari wala munang makakaalam. Nung una ayaw niya pero napakiusapan ko naman siya at naintindihan niya ako.Pumasok ako sa trabaho ko na suot suot ang necklace na ibinigay ni Christopher sa akin. Gusto ko ipakita sa kaniya na gusto ko yon kahit na ngayon ko palang siya nasuot."Goodmorning Sir— David?""Hi" Nakangiting bati niya sa akin. Nandito siya sa office at hindi ko alam kung bakit.May dala dala siyang paper bag na malaki. at isang malaking bugkos ng bulaklak."Anong ginagawa mo dito? may kailangan ka ba?"Ngumiti siya."Kamusta na pala si Tito Dalton?""Ayos na si Daddy.. salamat sa pagbisita mo nung sunday.. it means a lot to him"Magsasalita na sana ako"Nung sunday? you went to him?" Sa akin siya nakatingin."Yeah, she visited my Dad.. kasi sinugod siya sa ospital" Si David ang sumagot. Nakatingin lang ako sa kaniya at g