Share

chapter: 5

Author: Betchay
last update Huling Na-update: 2022-04-14 22:29:33

Eloisa POV:

Ilang araw nang naka alis si ana at ramdam ko ang kalungkutan netong bahay. Napaka tahimik at tanging yabag lang ng mga paa ko ang maririnig. Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho. Tatawagan ko sila nanay kong na receive na nila yung hinulog kong pera kahapon sa palawan. Naka ilang dial ako bago may sumagot.

Nabosesan ko kaagad si ella.

" hello ella, kamusta? Kamusta ang nanay? Nakuha na kaya niya ang padala ko kahapon na pera?.." kaagad na bungad ko dito.

Agad naman siyang sumagot.

" hello loisa!.. Mis na kita friend! Buti at napa tawag ka.. Okay naman si aling sonya kagagaling ko lang kaninang tanghali sa kanya.. At nabanggit niya nga sa akin na nag padala ka nga daw ng pera. Pinapasabi niya nga pala Salamat daw.. Maipapagawa niya na daw yung bubong ninyo na may butas."

" talaga, mabuti naman.. Oo kailangan na talaga mapalitan ang mga yerong sira.. Lalo na ngayon malapit na ang tag ulan.. Hindi nanaman makaka tulog si inay ng maayos kapag inabutan ng tag ulan  na hindi parin napapalitan ang bubong namin.. Paki sabi na sa susunod na sahod ko magpa padala ako ulit para may pang bili siya ng mga gamot niya.. Kamusta nga pala ang pakiramdam niya? Sana tuloyan na siyang gumaling.. Palagi ko siyang naiisip, alam ko nahihirapan siya lalo na ngayon na wala siyang kasama sa bahay.." sabi kong muli dito.

" oo huwag ka mag alala loisa my friend!.. Dadalasan ko pa ang pag punta sa bahay ninyo. Wala naman siyang nababanggit sa akin na may masama siyang nararamdaman.. Tingin ko nga mas bumuti pa ang kalusogan niyan.. Dahil na rin siguro sa nakakabili na siya ng masu sustansyang pag kain.. At dahil sa iyo yun loisa my friend!.. Hindi nasasayang ang pag tiya tiyaga mo diyan sa malayo. At least diba nasu suportahan mo ang mga panga ngailangan ng inay mo.. I'm happy for you my friend!.. Sana matupad mo ang mga pangarap mo!.. Basta nandito lang ako palagi para sa inyo ni aling sonya!.. Alam mo naman diba na parang kapatid na ang turing ko sa iyo.. " mahaba niyang wika sa akin.

" salamat my friend.. Mapalad ako at may isa akong kaibigan na tulad mo.. Naiiyak tuloy ako... Hayaan mo kapag naka ipon ako ng mas malaki pag babakasyunin ko kayo ni inay dito sa maynila kahit mga ilang linggo lang.." muling sabi ko dito.

" talaga loisa! Naku excited na ako!.. Ngayon palang mag papaalam na ako kanila nanay.. At babanggitin ko rin yan kay aling sonya kapag nag punta ulit ako sa bahay ninyo.. Gustong gusto ko kaya maka punta ng maynila.. Tiyak na papayagan ako nila nanay lalo na kapag nalaman nilang si aling sonya ang kasama ko at ikaw ang papasyalan namin diyan!.. Salamat loisa.. Ngayon palang pag hahandaan ko na ang pag punta namin diyan.. " muli niyang sabi sa akin.

" oo ella.. Excited na rin ako na makapag bakasyon kayo rito.. Ipapasyal ko kayo sa mga mall.. At ililibre ko kayo ng pagkain sa mga restaurant.. Para matikman niyo naman ang mga lutong pag kain dito sa maynila.. O paano ella, tatawag nalang ako ulit diyan para kamustahin kayo.. Ikamusta mo nalang din ako kay aling pasing at mang cardo.. Mag iingat kayo palagi diyan.. " huli kung saad dito.

" okay loisa.. Bye.  Ingat ka rin palagi diyan!.. " at pinindot ko na ang end call button.

Lumipas ang maraming buwan at mag iisang taon na ako sa pinapasukan kung trabaho. Naging maayos naman ang lahat kahit na si rina lang ang halos na kumakausap sa akin bukod kay ms.Divine na aking supervisor.

I'm in the back office now at may ipinakuha sa akin si ms. Divine na files at dalhin ko daw sa office ni sir david. Pag dating ko sa office ni sir david ay kaagad akong pinapasok ng kanyang secretary at ako na daw ang personal na mag abot kay sir david ng files na hinihinge niya.

I knock on the door first when i hear he's voice inside. " come in!" and when I got inside he looked at me with a little smile in his face.

" oh i see! You're my new employee right? What's your name again? Sorry i forgot sa dami na rin kasi ng employees ko dito halos hindi ko na kayo matandaan lahat.. Tanging sa mga mukha niyo lang ko kayo natatandaan but not in the name.."

" ahmm.. Good afternoon sir david!  Okay lang po yun sir naiintindihan ko po.. My name is Eloisa Macaraeg po.."  I answered immediately with a wide smile on my face.

" huwag kang mawawala sa party ha. Na inform ka naba nila?.. " he asked me again.

" po?.. Hindi ko po alam sir.. Wala pa pong nag sasabi sa akin.. Talaga po sir?.. Birthday niyo po ba? " Lakas loob kong tanong dito.

" nope, it's our company's 25th year anniversary. Invited kayong lahat na mga employees ko.. Hope to see you there.. " kaagad na sagot nito sa akin.

" ah sige po sir asahan niyo po.. "  I nodded to him. And When I was going to turn around to get out he call me again. And then I turned my body back.

" ahmm.. eloisa wait! " may pagtataka akong Nakatingin lang siya sa kamay ko. At nang tingnan ko ang kamay ko nabigla ako hawak ko pa pala ang files na hinihinge niya  at ang dahilan ng pag punta ko dito sa office niya. Medyo nahihiya akong ngumiti at iniabot sa kanya ang folders.

" ay! Sorry po sir! Nakalimutan ko po ang gwapo niyo po kasi.."  muli kong saad dito. At nag paalam na akong lalabas. Tumango lang siya sa akin at may tipid na ngiti sa labi.

Pagka labas ko sa office ni sir david ay napa buga ako ng hangin. Ngayon ko lang kase natitigan ang mukha niya at ang gwapo niya pala lalo na kapag naka ngiti. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin.

Habang naglalakad ako pabalik ng hrd ay naka salubong ko si rina na ngiting ngiti. " uy eloisa! Ano ready ka na ba? Excited na ako!.."

" huh! Para saan?! Yun ba yung sa sinasabi ni sir david na party?!.."  balik na tanong ko sa kanya.

" aba'y ano pa ba! Oo yun nga yun! Balita ko sa isang resort daw gaganapin! At kailangan daw naka swim suit ang mga babae at naka trunks ang mga lalake! Naku, makikita ko ang ka machohan ni sir david doon..!  Yung si sir Jordan kaya pupunta rin kaya doon.. Once ko pa lang kasi nakita si sir  jordan.. At kahit na masungit yun in fairness mas gwapo siya kaysa kay sir david! Kaya lang Hump!  Ano naman ang gagawin natin sa gwapo niyang mukha kong palagi naman naka busangot! "  sabi pa niya.

" naku, parang kinakabahan naman ako sa party na yun rina.. Kelan ba yun?  Kung hindi pa binanggit sa akin ni sir david kanina hindi ko pa malalaman.. Syempre gusto ko rin namang pumunta dahil gusto ko ring ma meet ang iba pa nating mga bosses.."  sagot ko dito.

" hay naku eloisa, next month na yun! Kaya dapat na nating pag handaan.." muling saad pa nito. At tumalikod na ito sa akin dahil may pina papasa  daw sa kanya na reports sa accounting department.

Naglakad na ako pabalik sa area ko. Habang busy ako sa pagpo photo copy ng mga files muli kung naisip ang mukha ni sir david. May nararamdaman ako na hindi ko mapangalanan kong ano.

Nang makauwi na ako kinagabihan kaagad akong nag luto ng makakain ko. Habang nag hihintay na maluto ang niluluto ko ay naalala kong i check ang cellphone ko baka sakaling nag text si ella. Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakatawag sa kanila dahil pagod ako sa byahe pagka uwi. Madalas na kasi akong na tatraffic sa magallanes palabas ng makati at madalas din gabi na ako nakakauwi gaya ngayon. Nakaka ilang dial na ako at wala parin sumasagot. Marahil ay tulog na sila dahil mag aalas siyete na ng gabi dahil karamihan sa baryo namin ay maaga lang talaga kung matulog ang mga tao doon. Nagpasya ako na bukas nalang ng umaga ako tatawag ulit.

Nang maluto na ang pinirito kong manok at kanin ay kaagad na akong kumain dahil inaantok na ako dala na rin siguro ng pagod sa byahe.

Kinaumagahan na gising ako sa tunog ng alarm clock ko. Bago ako bumangon ay naalala kong tumawag muna kanila ella. Baka sakaling may sumagot na. Nakaka tatlong dial na ako tsaka lang may sumagot.

" hello loisa!  Kuwan kasi---" at naririnig kong umiiyak si ella sa kabilang linya.

" oh ella, bakit ka umiiyak? May nang yari ba? Kamusta kayo diyan..." kaagad kong tanong dito.

" loisa... Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo to... Si aling sonya kasi.. May apat na araw ng nawawala..." at narinig ko ang pag hagulhol niya ng iyak.

" bakit ella, anong nang yari kay inay? Bakit siya nawawala? Hindi pwede may sakit ang inay baka mapaano siya.. At saan naman siya pupunta? Hindi naman niya alam ang address ko dito kung sakaling dito man siya pumunta sa maynila.. At kung ganun man bakit hindi siya nag paalam sa inyo?.." sunod sunod kong tanong kay ella. Hindi ko na rin mapigilang umiyak. Alalang alala ako kay inay. Nasaan na kaya siya. Baka kaya kinakabahan ako nitong mga nakaraang araw. Yun pala ay may nangyayari na hindi ko alam. Narinig kong bumuntong hininga si ella sa kabilang linya.

" loisa.. My friend hindi rin namin alam eh.. Ilang araw na kaming hanap ng hanap sa kanya.. Pati sila nanay at tatay tumutulong na rin sa pag hahanap.. Pero hindi parin namin siya nakikita hanggang ngayon.. Ni report na rin namin sa mga police ang nangyari pero maging sila ay wala pa ring balita.. Pati sila kapitan wala rin tigil sa pag hahanap. Hayaan mo loisa promise hindi kami titigil hanggat hindi namin nakikita ang nanay mo.. Ilang araw ka na rin kasi namin tinatawagan para ipaalam sayo pero hindi ka namin makontak.. Uy loisa nag aalala din ako sayo.. Huwag mo pabayaan ang sarili mo my friend... Huwag ka masyado mag isip makikita din natin si aling sonya.. Hello loisa?... Nandiyan ka pa ba? Hello? "

Hindi ko na magawang makapag salita dahil nanginginig na ako sa takot na baka kung anong nangyaring masama na sa nanay ko." diyos ko.. Maawa po kayo sa nanay ko.. Bulag po ang nanay ko at may iniinda pang sakit.. Huwag niyo po siya pabayaan... " sabi ko sa isip ko.

"hello! Hello loisa! Nandiyan ka pa ba? Bakit hindi ka na nag sasalita?..." narinig kong boses ni ella. Naalala kong nasa linya pa pala si ella.

" hello ella.. Oo nandito pa ako... Ella please hanapin niyo ang nanay ko... Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa nanay ko.. Alam mo naman na siya nalang ang meron ako... Mag papaalam ako  sa boss ko kung papayagan ako.. Dahil hindi pa naman ako naka one year sa company kaya wala pa akong vacation leave na tinatawag.. Sana payagan ako na makauwi muna ng quezon, para maka tulong ako sa pag hahanap kay inay... Balitaan mo ako palagi ella ha.. Please give me an update ha.."

" oo loisa, promise gagawin namin ang lahat mahanap lang ang nanay mo.. May awa ang diyos mabuti kang anak kaya hindi niya hahayaan na pati si aling sonya kunin niya sayo ng maaga.. Ipag dasal nating lahat na mahanap na ang inay mo at ligtas sana siya. Sige na loisa nakita ko si kapitan makiki balita ako sa kanya baka mayroon na silang lead.. " paalam niya sa akin.

" salamat ella... " tanging na sabi ko lang. Dahil hindi ko na kaya humagulhol na ako ng iyak At nawala na si ella sa linya.

kinabukasan pumasok ako sa trabaho na magang maga ang mata at nangangalumbaba ang mga mata ko sa kaiiyak at walang tulog kagabi. Mag damag akong umiyak at hindi maka tulog sa kakaisip ko kay inay.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • I fell inlove with the Wrong man    Last Chapter

    Jordan's Point of view:Habang nung nasa ospital pa si Daddy ay kaagad akong tinawagan ni david upang ipaalam sa akin na hindi kami totoong magkapatid, at hindi ko rin kapatid si eloisa. Nang malaman ko iyon ay Nabunutan ako noon ng isang malaking tinik at pakiramdam ko noon ay doon lang muling tumibok ang puso ko.Mag-mula kasi ng sinabi sa akin ni Daddy na hiwalayan ko si eloisa dahil magkapatid kami ay hindi ko alam noon kung paano tatanggapin. Nawalan na rin ako ng kontak nun kay eloisa dahil pinalitan ni david ang cellphone nito na nilagyan ko ng tracking device. Halos dalawang buwan ako noong nagkulong sa aking kuwarto tanging alak lang ang palagi kong kasama. Ni hindi ko na nga alam noon kung saan ako patungo dahil sa bawat araw na hindi ko nakikita si eloisa noon ay unti-unti akong nahihirapang huminga. Dalawang beses na rin akong isinugod noon sa ospital dahil bukod sa araw-araw na pag inom ng alak ay halos hindi na rin ako kumakain. Hanggang isang araw nun ay muli akong ki

  • I fell inlove with the Wrong man    Chapter: 71

    Ilang segundo pang lumipas ay hindi na nakatagal pa si eloisa. Tumayo na ito at naglakad pabalik ng kanilang kuwarto. KINABUKASAN ay maaga palang ay may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto nina eloisa. Tulog pa si eloisa at ang anak nito ngunit si rose ay maaga itong nagising kaya't siya na ang nag bukas ng pintuan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay nagulat pa si rose dahil ang nanay at tatay ni eloisa ang bumungad sa kanya. Agad na tinanong ng mga ito kung gising na si eloisa. Nang sabihin naman ni rose na natutulog pa ito ay sumenyas ang mga ito na huwag ng gisingin si eloisa.Tahimik na pumasok ang mga ito sa kuwarto nina eloisa at ipinasok sa aparador ang dala dalang mga Paper bag ng mga ito at tsaka muling lumabas ng kuwarto ang mga ito. Babalik nalang daw ang mga ito kapag gising na si eloisa.Maya-maya pa ay nagising na rin si eloisa. Nagugutom na siya ngunit wala siyang ganang kumain. Naisipan niya nalang ulit mag order ng pagkain para sa dalawa niyang kasama sa kuwarto.Haba

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 70

    Habang nagba-babad ang dalawa sa tubig ng karagatan ay naisipan nilang maghabulan. Habang nag hahabulan ay hindi na namalayan ni eloisa na napapalalim na pala ang natatakbohan niyang parte ng karagatan. Hanggang sa nakaramdam siya ng pulikat sa kanyang nga paa. Dahil sa tindi ng nararanasan niyang pulikat ay unti-unti siyang lumubog sa tubig.Habang ang lalaking si adrian naman ay nawala ang atensyon nito sa kaniya dahil biglang may kumausap ditong babae. Ilang segundo pa ang lumipas ng maalala ni adrian na hindi na niya napapansin si eloisa. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang nagpa alam sa babaeng kausap niya upang hanapin si eloisa. Ngunit kahit saan siyang parte lumingon ay hindi parin niya makita si eloisa. Naisip niyang baka may nangyari ng masama kay eloisa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito.Agad siyang sumisid upang hanapin si eloisa. Umaahon lang siya kapag mauubusan na siya ng hangin at tsaka siya sisisid ulit sa tubigan.

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 69

    Nang matapos silang kumain ay nagkayayaan sila ni rose na maglakad lakad kasama si baby Lucas. Hawak sa kamay ni eloisa si Lucas habang nasa likod naman nila si rose. Malapit na sila sa mga taong maraming ginagawa ng kumawala sa kanyang pag kakahawak si Lucas at tumakbo ito kung saan maraming bulaklak na inaayos. Pinag aapakan ni Lucas ang mga bulaklak.Mabilis na naglakad si eloisa upang awatin ang anak ngunit nang nahawakan na niya si Lucas sa kamay ay biglang may sumigaw. "bullshit! Letse kang bata ka! Anong ginawa mo sa mga bulaklak! Tingnan mo nalanta na ng dahil sayo!" sigaw ng babae habang papalapit ito sa gawi nila. Binuhat niya si Lucas bago nilingon ang babaeng nagsisisigaw. Agad niyang nakilala ito. Si roxanne ang asawa ni jordan. Nang makalapit ito sa kanila ay Humarap si eloisa at kinausap ito." naku sorry roxanne.. Hindi ko naman akalain na dito siya tatakbo.. Pag pasensiyahan mo na yung bata.." paumanhin niya sa ginawa ni Lucas. "naku, wala na! Kahit humingi ka pa n

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 68

    Hiniling ni eloisa ng mga sandaling iyon na sana nga totoong si jordan ang katabi niya. Ngunit ng muli niyang idilat ang kanyang mata ay mas lalong hindi niya makita ang mukha nito dahil puno parin ng luha ang kanyang mga mata.Muli niyang nararamdaman na hinahalikan siya nito sa leeg pababa sa kanyang dib-dib. Pinipilit niyang itulak ito ngunit wala siyang lakas. Habang hinahalikan siya ng binata ay pumasok sa kanyang isipan kung paano siya halikan noon ni jordan.Ganun din kasarap humalik ang binatang katabi niya ng mga oras na iyon. Para siyang kinukuryente ng mga halik nito. Hanggang sa tuluyan na siyang nagpa tianod at gusto niya narin ang ginagawang pag halik nito sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya nalang na unti unti na siyang hinuhubaran nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag iinit ng katawan. Muli siyang hinalikan nito sa kaniyang labi pababa sa kanyang leeg. Hanggang sa umabot ito sa kanyang dib-dib. Napa ungol siya sa init ng dila nito habang sinisip sip ang kanyang tay

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 67

    Ipinag balewala ni eloisa ang ginawang iyon ni jordan. Naisip niya na inaasar lang siya ng lalake at kapag nagpadala siya sa pang aasar ng lalake ay pagtatawanan lamang siya nito.Lingid sa kaalaman ni eloisa ay napansin ni adrian ang ginawang iyon ni jordan sa kanyang kasayaw na si eloisa. Kung kaya't pinagpalit niya ang kanilang posisyon. Siya ang gumawi Malapit kay jordan. Ngunit sa kanyang ginawa ay nagtama ang paningin ng dalawa dahil nakaharap na ang mukha ni eloisa kay jordan.Tinitigan ng masama ni eloisa si jordan. Naalala nanaman kasi niya ang sinabi nito sa kaniya na nakikipag landian siya at ang ginawa nitong pananakit kay adrian.Nakikipag landian pala huh! Pwes! Makikipag landian talaga ako! Bwesit ka! " bulong ni eloisa sa kanyang sarili. " may sinasabi ka ba loisa?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah.. Wala! May naalala lang ako.. " pagdadahilan ni eloisa sa binatang kasayaw." gusto mo na bang umupo?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah— h-hindi! Sige pa sayaw pa ta

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status