LOGIN-Kyle-“Huwag…” biglang nanginig ang mga kamay ko nang makita ang itsura ni Jasmine. Hilam sa luha ang kanyang buong mukha at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang takot at pagkasindak habang nakatingin siya sa akin. “Huwag mo siyang sasaktan.”“Ibaba mo ‘yang baril mo!” sigaw ni Racquel sa akin, pero hindi ako natinag. “Ayaw mo? Papatayin ko ang babaeng ‘to!”“Racquel!” si Senator Monteverde na kanina pa nanonood kung paano ko pinatumba ang lahat ng mga kumidnap sa kanila ay biglang sumigaw. “Pipirma na ako! Pipirmahan ko na ang dokumento, basya bitawan mo ang anak ko! Huwag mo siyang sasaktan, please!”Bigla namang lumiwanag ang mga mata ni Racquel. “Talaga?”“Daddy, no!” umiiyak na sigaw ni Jasmine. “Huwag kang pipirma, daddy! Lulustayin lang niya ang lahat ng pera mo! Daddy, huwag kang papayag sa gusto niya!”“Tumahimik ka! Huwag kang makialam sa desisyon ng daddy mo!” bulyaw sa kanya ni Racquel bago siya kinaladkad papunta kay Senator Monteverde, at kinuha ko naman ang pagkakata
-Kyle-Pero tinabig ko lang ang kamay niya at saka ko hinvbad ang jacket na suot ko. Itinakip ko ito sa katawan ni Jasmine at niyakap ko siya, pero itinulak niya ako palayo.“No. Don’t touch me.” nanginginig ang boses at ang buong katawan na sambit niya, at halos madurog ang puso ko nang mapagmasdan ko ang kanyang itsura.Putok ang gilid ng kanyang mga labi at namumula ang kanyang buong mukha. Namamaga din ang kanyang mga pisngi, at may kalmot pa ng kuko sa kaliwa. Isa lang ang ibig sabihin nito. Sinaktan siya ni Racquel!“Jasmine…” niyakap ko siya ng mahigpit kahit ipinagtutulakan niya ako palayo. “I’m sorry…”“Get away from me!” galit na sigaw niya, pero hindi ako natinag. Itinulak niya ako, sinuntok, sinipa, but I stayed with her. Ikinulong ko siya sa aking mga bisig ng mas mahigpit pa dahil ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kanyang buong katawan sa sobrang takot.“Sino ‘tong lalaking ‘to?” galit na sigaw ni Racquel sa mga tauhan nila ni congressman. “Igapos niyo din ang isang
-Kyle-Lumabas ako saglit at nagtungo sa tagong bahagi ng warehouse, sa ilalim ng isang puno kung saan malayo sa mga bantay para tawagan si Bernard at para papuntahin na siya dito kasama ang mga pulis. Hindi ko na rin kinakaya pa ang mga masamang pagtitig sa akin ni Jasmine. Kung magtatagal pa ako ng kahit isang minuto sa loob ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at bigla ko siayng hapitin ng mahigpit na yakap.Pero mukhang naniniwala talaga siya na may kinalaman ako sa pagkidnap sa kanya. Na kasama din ako ng mga kawatan na iyon. Ganun na ba kababa ang tingin niya sa akin? Naniniwala talaga siya na kaya kong gawin iyon sa kanya? Na kaya ko siyang saktan at patayin?“Hello, Kyle!” agad namang sumagot si Bernard. “Nasaan ka na? Kasama mo pa ba ang mga kidnaper? Kasama ko ang mga tauhan ni Senator Monteverde! Nakita ko silang nakaabang sa labas ng bahay, at naghihintay lang daw ng signal mula sa senador bago nila kami ratratin!”“Ano?” hindi makapaniwalang bulalas ko. Siguro, kun
-Jasmine-“Racquel! Huwag mong sasaktan ang anak ko!” galit na sigaw ni daddy sa kanya. “Kung galit ka sa akin, huwag mo siyang idadamay dito! Ako ang harapin mo!”“Eh kung ayoko?” nakangising sagot ni Racquel. “Ag tagal mo akong sinaktan, Joaquin! Ang tagal mo akong pinaasa na mamahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal na ibinigay mo kay Myrna! Pero hanggang ngayon, siya pa rin ang nandiyan sa puso mo!”“There’s nothing you can do about it!” galit na sigaw ko sa kanya. “Mahal ng daddy ko si mommy, at hinding-hindi iyon magbabago kahit kailan, kahit patayin mo pa kami!”“Talaga lang ha?” muli siyang lumapit sa akin at hinila ang buhok ko. “Matapang kang bata ka ha. Makinig kang mabuti sa akin.” sabi niya, at lalo pang hinigpitan ang paghawak sa buhok ko, dahilan para mapangiwi ako. “Alam mo bang ako din ang nagpadukot sa mommy mo sa Amerika?”Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Hayup ka! Napakawalanghiya mo!” sigaw ko sa kanya, at nang akmang sasampalin niya ako, dinuraan
-Jasmine-Noong una kong narinig ang boses ni Kyle habang nasa loob ng van, akala ko guni-guni ko lang ito dahil sobrang namimiss ko lang siya. And when I heard the familiar sound of a big bike approaching, I wasn’t mistaken either. It really was his.At that moment, hope instantly filled my chest. Umasa ako na ililigtas niya kami ng daddy ko. But I never could have prepared myself for the truth. Hindi ko akalain na isa pala siya sa mga kidnapper na dumukot sa amin.Habang papunta sa lugar kung saan man nila kami dadalhin, nagdasal ako na sana mali lang ako ng hinala, pero noong tanggalin nila ang piring sa mga mata ko, hindi pa rin ako makapaniwala nang makita s Kyle na nakatayo sa harap ko at walang emosyong nakatingin siya sa akin.Pinanlisikan ko siya ng mga mata at impit na napahagulgol na lang ako habang nakatali ang aking mga kamay at paa sa upuan.Nang maalala ko si daddy, napalingon ako sa tabi ko at nanlumo ako nang makitang nakapiring pa rin ang kanyang mga mata, at tulad k
-Kyle-Kahit narinig ko na ang plano nina Mrs. Monteverde at Congressman Enriquez, nagulat pa rin ako, lalo na sa sumunod niyang sinabi. “Kapag nakuha yung ransom money na limampung milyon, papatayin din daw yung bata.” “Sige. Ako na ang tatrabaho.” sabi ko sa kanila. Hindi ako papayag na mapunta sa mga kamay nila si Jasmine. “May bakanteng warehouse sa Cavite na pwede kong pagdalhan sa kanya.”“Good.” sabi ni Allan na tinapik-tapik pa ang balikat ko. “Sasabihan ko si boss tungkol dito. Sa graduation, kunin mo ang bata. Huwag kang mag-alala. Magbabantay kami sa paligid ng arena. Mauna na kayo sa Cavite at susunod na lang kami doon. Sasabihin ko muna kay boss itong naging usapan natin.”“Sige.” sagot ko, at nagbigayan kami ng mga number.Noong dalhin ko si Jasmine sa Cavite, tinawagan ulit nila ako. Balak ko sanang iuwi muna sa bahay si Jasmine, pero bigla siyang nakipaghiwalay sa akin. Alam ko na kaagad na natunton kami ng tatay niya. Alam kong hindi kayang makipaghiwalay sa
-Luke-“I’m sorry, Luke. But I can’t do this anymore. Ayoko na. Let’s end this here. At please, huwag mo na akong susundan sa Pilipinas. Gusto ko na lang ng tahimik na buhay. Huwag mo na akong guguluhin pa kahit kailan.” at tuluyan na ngang humakbang palayo sa akin si Valerie, at naglakad ito papun
-Luke-“You believe me now?” mayabang na saad niya habang nakataas ang kilay.I rolled my eyes at him as I leaned against my seat.“Where to, Boss Luke?” nang-aasar pang tanong niya.“Savanna’s house.” sabi ko at ibinigay ang address ng bahay ng kapatid ko.“You’re really serious about Valerie?” ha
-Valerie-Mataman namang nakikinig si Toby sa mga sinabi ni doktora. Nang magtama ang mga paningin namin, agad akong umiwas dahil nahihiya ako sa kanya. Mukhang alam na niya kung bakit bigla akong dinugo. Aware siya na galing ako sa bahay ni Luke kaya alam kong may hinala na siya kung ano ang nangy
-Valerie-“Can you scoot your bvtt to the very edge of the table?” sabi ni doktora, at sinunod ko naman agad siya. Umusod ako papunta sa kanya hanggang sa maabot niya na ako.Itinaas niya ang suot kong hospital gown at dahan-dahang ipinasok sa akin ang stick, at napasinghap ako nang maramdaman ang







