Friends
Breaktime namin ngayon at nandito kami sa canteen nakapila. Payapa kaming naghihintay dito nang biglang nakisingit ang mukhang singit na si Jethro.
"Hoy! Sino may sabi sayo na pwede ka sumingit?" Sigaw ko sa kanya.
"Ako bakit? May angal ka?" Tapang-tapangan na sabi niya.
"Aba! Ang dami naming nakapila dito tapos ikaw sisingit lang? Alam naming mukha kang singit pero sana naman hindi mo pinapahalata 'no?" Lahat ng nakarinig ay natawa. Si Jethro naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Nice one baby" Biglang may umakbay sa akin kaya napatingin ako dito.
Ang walang hiyang si Jansy.
"Alisin mo nga 'yang kamay mo!" Irita kong sabi.
"Ikaw na nga inaakbayan ikaw pa ang maarte"
"Bakit? May sinabi ba akong akbayan mo ako? Alis!" Pagtataboy ko sa kanya pero ayaw niya paring umalis.
"Aalis mo 'yan o aalisin mo?" Biglang may nagsalita sa gilid namin kaya napalingon kami doon.
"Kuya Zidd"
"Kapag hindi mo inalis 'yang braso mo sa balikat ng kapatid ko hindi ako magdadalawang isip na balian ka ng buto" Seryoso niyang sabi. Inalis na ni Jansy ang kanyang braso at mukhang natakot sa titig ni kuya.
"Sensya na boss nakikipag biruan lang naman" Sabay takbo papunta sa mga tropa niya na pinagtatawanan siya.
"Hoy babae" Napatingin naman ako kay Kuya Zidd nang bigla niya akong tawagin.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Isa pang akbay niya sayo malilintikan 'yon sa akin at isusumbong kita kay mommy" Napatingin naman ako sa kanya.
"At bakit mo ako susumbong? Bakit nag paakbay ba ako? Hindi naman ah! Siya 'yung bigla biglang nang aakbay eh!" Depensa ko.
"Tsk. Umayos ka Aleandra Kaye" Ok? Nasabi na ni kuya ang magic word kaya wala akong magagawa kung hindi bumusangot na lang. Naglakad na siya paalis sa canteen.
"Grabe Kaye! Nakakatakot 'yung titig ng kuya mo ah" Biglang sabi sa akin ni Fatima.
"Hahaha naku! Mukhang ang Alendra Kaye niyo ay protektadong-protekdo" Sinamaan ko naman ng tingin si Jethro.
"Manahimik ka nga! Ang panget mo"
Nakabili na kami ng pagkain namin, naghanap kami ng table na bakante kaso lahat ay puno na.
Nakita namin 'yung tatlong kaklase naming babae sa pang-animan na table kaya lumapit kami at naki upo.
"Pwede maki share sa table?" Napalingon naman sila sa amin.
"Sure, sure" Napatitig ako kay Meichell nang mag salita ito. Para kasing 'yung accent niya? Basta! 'yung para bang galing siya sa ibang bansa? Ganon!.
"Thank you"
Habang kumakain kami biglang nag pakilala si Fatima kaya ginaya nalang din namin.
"Ako nga pala si Fatima Travea" Nakangiting sabi niya. Si Fatima ay malapad ang noo, matangkad, hanggang balikat ang buhok at sakto lang ang kutis.
"Ianne Ruckel Vioz" Sunod na sabi ni Ianne. Chubby siya, sakto lang din ang laki niya, maganda siya at ang buhok niya ay hanggang kili-kili.
"Aleandra Kaye Dioa" Ako? Well maganda ako, height ko? 5'1, ang buhok ko ay mas mahaba pa sa pinagsamahan niyo, ang pilik mata ko rin ay ganon.
"Nica Rei Grazon" Ito nang babae na 'to ay makinis at maputi ang buhok niya ay mahaba din pero mas mahaba 'yung akin,matangkad din siya,.
"Meichell Shin Diamora" Half spanish daw siya pero hindi siya marunong mag salita ng ganon. Maputi, matangkad din siya, matangos ilong. Basta maganda din silang lahat.
"Teynisha Matienzo" Itong naman ay kalahi rin ni Faith. Makapal ang mukha at makulit, ang buhok niya ay katulad lang ng kay Ianne, hindi siya ganun katangkad at ang kanyang mata ay bilugan.
"Ayan! Alam na natin mga pangalan natin!" Napalingon ako kay Fatima sa kanyang sinabi.
"Dati pa namin alam pangalan namin. Mukhang ikaw ngayon lang nalaman" Sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Hahaha tangina lt" Tawang-tawa sabi ni Nica. Nagmura ba siya?.
"Did you just...."
"Hala! Sorry, natawa lang naman ako kaya nakapag mura ako" Pag papaumanhin niya.
"Gaga ka ok lang naman. Nagmumura din naman ako" Chill na sabi ko.
"Nagmumura ka? Weh? Buti hindi ka napapagalitan ka ng kuya mo? Lalo na at mukhang napaka strict nila" Hindi makapaniwalang sabi ni Ianne.
"Alam niyo 'yung salitang 'secret' at 'patago'? Well hindi ako nagmumura sa harapan nila pero sa mga kaibigan ko grabe ako mag mura haha" Pag papaliwanag ko sa kanila.
"Well, there's nothing wrong about it naman, e'. Even me nagmumura din" Conyong sabi ni Meichell.
"Ako din" Sunod na sabi ni Tey.
"Kami din" Paturo ni Fatima sa kanilang dalawa ni Ianne.
"Same vibess!!" Sabi ko kaya lahat kami ay napatawa.
"Kayeeee!" Biglang ako tinawag ni Jethro kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit na naman? Puta hindi ka ba nahihiya sa lakas ng boses mo?!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Tangina? Nag mumura ka pala? Kala ko anghel ka putcha demonyong may puso pala" Sinamaan ko ito ng tingin kaya natahimik ito.
"Umalis ka na nga dito, nagkakatuwaan kami dito tapos bigla kang mang iistorbo? Baliw ka ba?"
"Hindi naman talaga ako mang gugulo eh. Mag papalibre sana ako hahaha" Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi.
"At sino ka para ilibre ko?"
"Ako? Ako lang naman ang pinaka pogi sa buong pinas" Napangiwi naman kaming lahat sa kanyang sinabi.
"Naramdaman niyo yon? Biglang humangin 'no? Tapos feeling ko uulan" Lahat sila ay tumango at nakisabay sa pang-aasar ko.
"Tangina bahala na nga ang sama niyo sa akin" Madramang sabi ni Jethro sabay walk-out. Hindi nalang namin siya pinansin at nagtuloy sa pag kwekwentuhan.
"Ang cool nga ng kuya mo kanina! Ughh! Gusto ko ng isang katulad nya" Sabi ni Fatima na akala mo nasa langit.
"Hala! Talaga ginawa 'yon ng kuya niya? Waahhhhh" Lahat sila kinikilig na akala mo nakakita ng isang artista.
"Hoy ano ba! Walang nakakakilig don. Pati Fatima! 'Wag mo na hilingin magkaroon ng kagaya ni kuya! My god! Hindi mo alam pinagsasasabi mo!" Nababaliw na sabi ko pero hindi nila ako pinansin at todo parin silang kinikilig to the point na konti nalang kukunin na nila number nila kuya sa akin.
"Hoy, huwag kayong maingay ah. Huwag niyong sabiin kay Kuya na naguidance kayo kung hindi fo na tayo." Pagbabanta ko sa kanila. Agad naman silang natawa sa sinabi ko."Kaye, masyado kang kabado hahaha" Natatawang sabi sa akin ni Jansy.Nilapitan ko siya at piningot. "Gaga, ka pala eh. Ikaw kaya don kina Kuya? Nang malaman mo kung gaano sila ka pangey kabonding""Oo na! Bitaw na! Masakit" Binitawan mo ang kanyang tainga."Ok lang yan, Kaye. Wala naman magsusumbong haha-" Hindi natuloy ni Nica ang sasabihin ng biglang dumating sila Kuya. Halatang narinig ang sinabi ni Nica."Bakit magsusumbong? Ano ang ginawa ni Kaye?" Seryosong sabi ni Kuya Zidd.Tinikom ko ang bibig ko at tumingin sa baba."Kaye."Napaigtad ako ng bahagya nang bila akong tawagin ni Kuya. Inangat ko ang aking ulo at tumingin sa kanya.
"Hala, gago?. Magkahiwalay na tayo?" Gulat na sambit ko."Nagtaka ka pa, kita mong honor kayo. Malamang, mapupunta talaga kayo sa Section A." Sagot sa akin ni Fatima."Hala, edi how yun? We can't talk together na?" Malungkot na sabi ni Michelle kaya nakatanggap siya ng hampas kay Nica."Gaga, makakapag usap pa naman tayo ah. May breaktime, pati pwede naman kahit pumunta kayo sa room namin, tambay kayo doon."Napaisip naman kami. "Sabagay, pwede din naman. Kayo talaga, wala kayong mga isip" Paninisi ko.Napatingin ako kay Jethro na tahimik na naman. Salubong ang mga kilay at ang mga braso ay naka krus sa kanyang dibdib.Lumapit ako sa kanya at kinuhit siya. "Anong nangyari sayo? Bakit parang bad mood ka ata ngayon?.""Tsk, huwag mo akong kausapin" Masungit na sabi niya.Hindi ko siya makapaniwalang tinignan.
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Dumilat ako at binuksan ang lamp shade ko.Pinatay ko ang aking alarm at tumingin sa kisame.'Ayoko na agad mag-aral.'Napabuntong hininga na lamang ako. Tumayo ako at tumingin sa salamin. Inayos ko ang gulo gulo kong buhok at pagkatapos ay kinuha ang cellphone ko.7:30 palang naman, 9:30 ang pasok namin kaya matagal pa. Nag scroll muna ako sa instagram, biglang nag pop ang message ni Jethro kaya tinignan ko ito.@J.Ashier: Aga magising ah, ano nakain mo?.@Aleanduhh: Pake mo? Ikaw nga din ang aga magising.
~~~~~Necklaces with an anchor sign symbolise strength, security, stability. It’s your way of telling her that she’s the anchor that holds your life in place. Besides, an intricate anchor necklace looks chic and goes well with any kind of ensemble, be it western or traditional. If the occasion is extremely special, you can purchase a premium touch to these necklaces with special meaning by getting studded with diamonds or made in exotic metals like platinum. It’s the perfect way to say ‘I love you’ without saying anything at all. ------- That's all thank you and keep safe everyone!.
Maaga akong nagising ngayon dahil sa sobrang excitement. Alam niyo ba kung ano meron ngayon? Syempre hindi, duh.It's my birthdayyyy!!Ang tagal kong hinintay 'to kaya hindi pwedeng maganda ako ngayong araw.Nagpicture ako kagabi kaya may pang palit ako ng profile, maganda ako dito, huwag kayo. Ang bongga pa ng aking caption, 'today is the day that I was born without my permission'.'Panis!'Tinignan ko ang messages ko, at nakita kong ang daming mga bumati sa akin.From Ianne:Hoy, happy birthday! Makikikain lang ako mamaya. Sorry, broke ako ngayon.
"Mag-ingat kayo, iha ah?. Pati pagpasensyahan niyo na itong si Kaye. Nasanay kasi na nasa kanya abg atensyon ng mga kuya niya kaya ganyan" Napairap ako sa sinabi ni mommy."Ok lang po iyon tita. Naiintindihan naman po namin siya" Sipsip na sabi ni Rizza. "Sige po, mauna na po kami. Baka gabihin pa po kami"Nagpaalam sila sa isa't isa. Habang ako ay nauna nang pumasok sa bahay at pumunta sa taas. Mahaba ang naging biyahe namin kaya nakarating kami dito na palubog na ang araw.Pumunta ako sa banyo at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang aking cellphone.Tinawagan ko si Jethro na agad naman niyang sinagot."Yoo, good evening" Pagbubungad niya."Evening""Oh? Ok ka lang? Baka pagod ka, matulog ka muna" Alalang sabi niya. Natawa naman ako sa kanya."Huwag kang ganyan, hindi bagay sayo." Tawa kong sabi. "Mamaya na ako matutulog, hindi naman ako masyadong antok at pagod. Natulog lang ak