Crush
Habang hinihintay ang teacher tinignan ko ang mga kaklase ko. May nakita akong lalaki na sobrang pogi at tangkad! Wahhh crush ko na siya!.
Napansin ko rin nasa 30 lang ata kami at 6 lang kaming mga babae. Puro lalaki ang mga kaklase ko at mukhang makalokohan dahil ngayon pa lang eh mga tawanan ng tawanan akala mo nasasapian.
Dumating na ang aming adviser, binigyan kaming mga transferee ng form ewan ko para saan kaya sinagutan ko na lang ito. Pagkatapos kong sagutan iyon tumayo ako at pumunta sa adviser namin.
Syempre 'first day of school' hindi mawawala ang mahiwagang sitting arrangement, and take note alphabetical order 'yon base sa surname niyo at lalaki,babae,lalaki, babae pa.
Sinimulan na ang sitting arrangement at sinimulan iyon sa lalaki. Tsk may paganyan-ganyan pa eh kahit ano namang ayos nyo dyan 'pag tumagal na mag sasama-sama na ang mga siraulong magkakaibigan.
"Jethro Ashier Claver?" Pagtawag ni Mam Marissa. Tumayo naman 'yung lalaking matangkad at gwapo na nakaagaw ng maganda kong mata.
"Aleandra Kaye Dioa?" Owshit! Katabi ko si crush! Waahhh!.
Agad-agad akong umupo sa tabi niya at nagpaka-dalagang pilipina. Gusto ko sanang kausapin pero 'wag muna baka mapaghahalataan akong may gusto.
Napatingin ako sa babaeng katabi ni Jethro sa kanan. Ang pangalan ata non ay Meichell Shin Diamora? Infairness maganda siya pero mas maganda ako tse!.
Natapos na ang pag sisitting arrangement ni Mam at syempre ang susunod naman na gagawin ay ang isa pang mahiwagang 'introducing kenemerots'.
Tinawag ni Mam ang lalaking katabi ni Meichell.
"Gino Avelino at your service mga brad" Pacool na sabi niya na akala mo maging cool, e' mukha ngang tanga.
'Self napaka judgemental mo, pero ok lang 'yan maganda ka parin naman'
"Hi my name is Meichell Shin Diamora nice to meet you all" Nakangiting sabi ni Meichell. Napatingin ito sa akin kaya nginitian ko siya.
"The one and only Jethro Ashier Claver the pinaka pogi sa buong pinas and I thank you" Why naman ganyan crush? Napakahangin mo.
"Aleandra Kaye Dioa, tao ako. Ayun lang thank you" Natawa sila sa sinabi ko pero hinayaan ko nalang sila.
Nag patuloy ang pagpapakilala nila at halos ata lahat ng lalaki ay puro kahanginan ang pinag sasasabi.
Napatingin ako sa likod ko dahil may kumalabit, ayon pala ay si Fatima lang.
"Bakit?" Mahinang sabi ko.
"Gusto mo sabay ka sa amin mamayang lunch?" Nakangiting sabi niya sa akin.
"Sure" Sagot ko sa kanya.
"Naku! 'Wag kang sasama d'yan kay Fatima baka gayumahin ka niyan" Biglang sabat ni Jethro.
"Hoy! Anong gayumahin? Sama mo ah!" Sigaw sa kanya ni Fatima.
"Oh bakit totoo naman ah! Si Ianne nga dapat sa amin sasama non kaso sayo sumama kasi ginayuma mo" Pagpapatukoy niya doon sa isang babae na chubby pero maganda.
"Aminin mo nalang kasi na ayaw niya sa inyo! Papanget nyo kasi" Natawa naman ako sa sinabi ni Fatima kay Jethro kaya lalo ito nainis.
"Magkakilala na kayo?" Takang tanong ko sa kanila.
"Ahh oo! 'Yang panget na 'yan pati si Ianne at ang mga ibang lalaki kasi mag kakaklase lang kami nung Grade 6" Pagpapaliwanag ni Fatima sa akin.
"Ahh kaya naman pala"
"Class behave lang kayo ok? Lalabas lang ako saglit" Biglang saai ni Mam, lumabas ang teacher namin at akala ko mag bebehave nga sila pero parang mga nakawala sa hawla.
"Ayy Kate pakilala kita kay Ianne" Hinila ako bigla ni Fatima at dinala sa upuan ni Ianne.
"Ianne! Si Kaye nga pala" Ngiting pagpapakilala ni Fatima sa akin.
"Ayy hello!” Ngiti rin nitong sabi “Alam mo? Kanina ka pa namin gustong kausapin buti nalang talaga makapal mukha ni Fatima" Biglang sabi niya kaya halos matawa na ako sa naging reaksyon ni Fatima.
"Grabe ka sa akin ah! Hindi makapal mukha ko 'no!" Pag depensa ni Fatima sa sarili niya.
"Ah talaga? Kaya pala kung makahatak ka sa kanya akala mo close na close mo na" Bigla naman napabitaw sa akin si Fatima.
"Sorry, kanina ko pa pala hawak 'yang kamay mo"
"Ok lang" Sabi ko sa kanya.
"Oo nga pala Ianne sabay natin si kaye mamayang lunch para may kasabay siya"
"Sige lang kung gusto mo sabay pa natin 'yung crush mong si Jansy eh" Biglang tinakpan ni Fatima ang bibig ni Ianne.
"Ikaw talaga kahit kailan napaka ingay mo!" Saway ni Fatima kay Ianne.
"Hoy! Bakit narinig ko pangalan ko dyan?" Biglang tanong ni Jansy na katabi lang pala namin.
"Ha? Eh wala! Tinanong kasi ni Kaye kung ano pangalan mo kaya ayon" Lumingon naman ako kay Fatima at si Jansy naman mukhang asong tangang nakangisi.
"Bakit? Crush mo ako 'no!" Makapal na mukhang sabi niya sa akin.
"Kapal mo naman? Wala ka pa nga sa kuko ni jungkook" Pag tataray ko sa kanya.
"Jungkook? Pake ko don? Aminin mo nalang kasi na may gusto ka sa akin" Ngisi niyang sabi.
"Alam mo? Napaka kapal ng mukha mo, try mong nipisan? Para kahit papaano kapag sinampal kita maramdaman mo" Natawa naman ang tropa nita pati si Fatima sa aking sinabi.
"Sampalin ng pagmamahal?" Sinusubukan ata ako nitong mokong na 'to, tignan na lang natin.
"Bakit pa kita sasampalin ng pagmamahal? Baka masaktan lang ang baby ko" Napaawang ang labi niya dahil sa sinabi ko. Ano siya ngayon? Marunong din akong bumanat 'no.
"Sabi ko na nga ba may gusto ka sa akin eh!"
"Asa ka" Hindi ko na lamang siya pinansin at humarap na lamang kina Ianne. "Hoy Fatima baka mamaya mag selos ka ah! Biro lang naman 'yon" Sabi ko kay Fatima.
"Hala? Bakit naman ako mag seselos, e' wala naman akong pake kahit mag landian pa kayo"
"Di wow! Maniwala sayo" Inirapan niya nalang ako kaya napatawa kami ni Ianne.
Friends Breaktime namin ngayon at nandito kami sa canteen nakapila. Payapa kaming naghihintay dito nang biglang nakisingit ang mukhang singit na si Jethro. "Hoy! Sino may sabi sayo na pwede ka sumingit?" Sigaw ko sa kanya. "Ako bakit? May angal ka?" Tapang-tapangan na sabi niya. "Aba! Ang dami naming nakapila dito tapos ikaw sisingit lang? Alam naming mukha kang singit pero sana naman hindi mo pinapahalata 'no?" Lahat ng nakarinig ay natawa. Si Jethro naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. "Nice one baby" Biglang may umakbay sa akin kaya napatingin ako dito. Ang walang hiyang si Jansy
Courting "Tey, napapansin ko lang, kanina pa kasi tingin ng tingin sayo si Jethro. Ano meron?" Tanong ko sa kanya. "Eh paano hindi titingin, may gusto 'yang si Jethro kay Teynisha" Pagpaparinig ni Ianne. Gulat ko silang tinignan nang lahat sila ay sabay-sabay na tumango. "Lahat kayo alam?" Tanong ko sa kanila. "Oo" "Ang daya!" Maktol ko. "Bakit kayo may alam tapos ako wala?" "Hindi ba sinabi sayo ni Teynisha?" Umiling ako. Tinignan naman ni Ianne si Tey nang nagtataka. "E-eh kasi Kaye baka magalit ka. D-di ba may gusto ka kay Jethro?" Sa sobrang gul
Reveal "Nasaan na ba si Nica? Kanina pa wala 'yon ah! Ano bang ginagawa ng babaeng iyon?" Kanina pa kasi wala 'yon. Hindi namin alam kung saan nagpunta, basta na lang umalis nang nag ring ang bell. "Kung hanapin na lang kaya 'no? Hindi yung reklamo kayo ng reklamo d'yan" Sabi ni Ianne. "Sabi ko nga, kayo talaga! Hindi kayo nag iisip" Napairap na lamang silang lahat sa aking sinabi. Pumunta kami sa Cafeteria pero wala doon, ang naabutan lang namin ay si Jethro na nangbuburaot sa mga kaklase namin. Punto na din mami sa CR at nagbabakasakali na nandoon si Nica kaso, wala rin. "Jusko naman! Nakakapagod ma
Chocolate Pagkagising ko ay agad akong naligo at nag handa. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba at pumunta sa kusina para kunin ang chocolate na nasa ref. Binuksan ko ang ref at hinanap ang chocolate na pinatago ni Tey sa akin. Ngunit wala, tinignan ko na bawat sulok ng loob ng ref wala pa rin. Habang naghahanap ako sakto naman na dumating sila kuya. "Kuya Zid, nakita mo po ba 'yung chocolate dito?" Lumingon ito sa akin. "Oo, kinain na namin ni Vid" Gulat naman ako tumingin sa kanya, 'yung as in na lumalaki ang mata at yung bibig ko ay bahagya nang nakabukas. "Ano?! Bakit niyo kinain?!" Siga
Friend-Zone“Hoy mga gaga!” Pagtawag ko sa kanila.Lumingon naman sa akin si Meichell. “What?”.“Punta tayo mamaya sa 7-Eleven?” Pag-aaya ko sa kanila. Binatukan naman ako ni Faith.“Lakas mo mang-aya tapos hindi ka naman papayagan? Kami ba pinagloloko mo?” Inis na sabi niya.Inakbayan ko siya at ipinakita ang laman ng aking wallet. “Nakikita mo ‘yan?” Tinignan niya ang laman ng wallet ko. “Binigyan ako ni mommy ng 200, nagpaalam na rin ako kanina. Kaya no worries mga pashnea, pinayagan na ako”“Sige, sige. Sama ako” Sagot ni Ianne.Tumingin naman ako sa iba a
Nandito ako ngayon sa bahay at nag cecellphone. Wala ako makausap dito sa bahay dahil lahat sila ay mga busy. "Kaye! Maghugas ka nga dito!" Biglang sigaw ni mommy mula sa baba. "Wait lang! Eto na baba na!" Pagsigaw ko rin. Chinarge ko muna ang aking cellphone bago bumaba at maghugas. Habang naghuhugas ako bigla naman bumaba sila kuya, tumingin ako kay mommy. "Mommy, bakit sila kuya hindi mo inutusan mag hugas? Palagi na lang ako ang naghuhugas" Reklamo ko kay mommy. Tumingin sa akin si mommy at tinaasan ako ng kilay. "Naghugas kagabi ang kuya Vid mo at kanina naman ang kuya Zid mo. Anong hindi naghuhugas? Ikaw, tigilan mo kakasabi ng mga ganyan, lahat kayo dito pantay-pantay kahit lalaki o babae uutusan ko pa
Masaya ang nagdaang araw. Ang dalawa ay komportabe pa namang nag-uusap, sila Mavy at Nicole naman ay going strong pa rin. Masaya naman kami, lahat kami ay nag tuturingan na akala mo pasyente sa mental. Palaging may mga kalokohan na nasa isip, lalo na si Jethro na ang lakas ng trip sa buhay. Sa sobrang lakas ay hindi na namin siya masabayan sa kalokohan niya, tapos magrereklamo na ang panget namin kabonding. Parang tanga lang hindi ba?. "Hoy, Kaye" Biglang tawag sa akin ni Jethro. "Samahan mo ako, bibili ako tubig. Libre kita" P.E time kasi namin ngayon, ang mga boys ay basketball habang ang mga girl naman ay volleyball. "Ikaw manlilibre? Bago 'yan ah" Hindi makapaniwala na sabi ko. "Parang naman ngayon lang kita nilibre" "Ngayon lang naman talaga" Asik ko sa kanya. "So ano 'yung milktea at fries na binili ko sa'y
"Argh! Bakit ba ang hirap ng english?!" Yamot na sabi ko. Sinabunutan ko ang aking buhok bago basahin ulit ang aking reviewer. Wala akong ma gets. Walang pumapasok sa utak ko. Bakit kasi napakahirap ng English?. Mag-aaral lang naman ako, bakit kaailangan mag hirap!. Naiiyak na ako, argh! Mag eexam na kami! Nareview ko na lahat ng lesson namin maliban dito sa english na kanina ko pa binabasa pero wala ako ma gets kahit isa. Na gets ko naman ang iba, bakit pag dating sa english nabobobo ako?. "Kaye, kakain na" Napalingon ako sa aking likod at nakita si kuya Vidd na nakasilip sa aking pintuan. Lanta akong tumayo. Taka naman siyang tumingin sa akin. "Anong nangyari sayo? P