NATASHA'S POV Pag-karating ko sa mansyon sinalubong ako ni Kuya Larry. Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalala. Nagtataka naman ako dahil pati ang mga guards na nasa labas ay tila nag-aalala din. Para silang natanggalan ng tinik sa kanilang lalamunan ng makita akong papasok sa single gate kanina. Anong nang-yayari? “Saan ka nang-galing binibining Natasha? kanina pa nag-aalala sa ‘yo si Don Juanito. Kanina ka pa niya pinapahanap.” Iyon agad ang binungad sa akin ni Kuya Larry ng makalapit siya sa akin. May kung anong guilty naman akong naramdaman mukhang napag-alala ko pa si Lolo J. “Pasensya na kayo kuya Larry, lumabas lang po ako saglit para maglakad lakad at makapag-isip isip. Nasaan po ba si Lolo J?” “Nandoon sa kanyang opisina, Puntahan mo na at kanina ka pa no‘n hinihintay.” Tumango naman ako bago mabilis na naglakad patungo sa hagdan para umakyat at pumunta sa opisina ni Lolo J. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay bumuntong hininga muna ak
"Let's talk" Napataas naman ako ng isang kilay. “Tungkol saan?” “About earlier.” Mabilis niyang sagot. Bumuntong hininga ako. “Sige, doon na lang tayo mag-usap sa may gazebo niyo.” Ayokong marinig nila mama ang sasabihin ng boss ko, Baka ano ano na naman ang sabihin. Baka maliitin na naman kami tapos marinig nila mama at masaktan. Nako! Makakatikim talaga sa akin ang lalaking ‘to. Malakas pa naman akong manuntok at manipa. “Alright, Let's go ther—” Hindi natapos ni Giovanni ang sinasabi ng biglang sumingit si mama. “Anak, sino ba iyang kausap mo at ang ta—Ay, Sir kayo po pala. Goodafternoon po.” Nahihiyang sabi ni mama bago bahagyang yumuko. “Good Afternoon din po.” Gulat akong bumaling sa lalaki dahil sa magalang nitong pagbati sa mama ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay. Bakit ang bait ata ng timawa na ‘to? Bigla ring naging maamo ang mukha. Parang kanina dinamay pa niya ang mama at kapatid ko sa pang-huhusga! Anong masamang hangin
NATASHA's pov KINABUKASAN maaga akong bumangon para makapag asikaso at pumunta sa mansyon. Magaan ang aking pakiramdam dahil sa nang-yari kahapon. Ang sarap din ang cake na binigay ng Boss ko. Tuwang tuwa ang bunso kong kapatid dahil ngayon lang kami nakatikim ng mamahalin na cake at sobrang sarap pa. May tira pa nga at nilagay nila mama sa Ref para may pang himagas daw sila. Nakakatuwa at ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita mong masaya ang pamilya mo. Nakaka-ganado mag-trabaho lalo. Nakangiti akong nagtungo sa mansyon at katulad kahapon naabutan ko si Lolo J sa dining area habang nagbabasa ng dyaryo. “Goodmorning Lolo J!” Masayang bati ko dito. Binaba naman nito ang hawak na dyaryo at nakangiti akong binalingan. “Goodmorning Iha, mukhang maganda ang gising mo. May nang-yari ba?” Lumawak ang ngiti ko bago lumapit kay Lolo J. “Opo, Lo. meron.” Mahina kong sabi. “Talaga, ano naman iyon, Iha? Pwede ba malaman ni Lolo?” Nakangiting tanong nito. “Lolo,
NATASHA's pov TAHIMIK lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Sir Giovanni. Papunta na kami ngayon sa Venice Luxury Condominium. “Natasha.” Biglang tawag ng boss ko sa aking pangalan kaya mabilis akong bumaling sa kanya. “Bakit Sir?” “Are you sure you know how to take care of a sick child?” Mahinahon niyang tanong, sumulyap pa siya sa akin sandali bago binalik ang atensyon sa unahan. “Oo naman Sir, ang kapatid kong bunso kapag nagkakasakit iyon ako ang nag-aalaga." “Good, Ikaw ng bahala sa kapatid ko. Sinabi sa akin ni Butler Chen na ayaw daw nitong kumain at uminom ng gamot. May sakit na nga spoiled brat pa rin. Sana magawan mo ng paraan na makakain siya kahit konti at makainom ng gamot.” Kapatid? May kapatid pala siya? Biglang sumagi sa isip ko iyong batang babae na nasa malaking picture frame. Iyong batang babae na mukhang manika! Kahit nag-aalinlangan akong tanungin siya ay naglakas loob ako. “Yung sinasabi mo bang kapatid, Sir ‘yung
Matapos niyang kumain pinainom ko lang siya ng gamot tapos pinahiga ulit at binalutan ng comforter. Tumayo ako para patayin ang aircon para mabilis mapag-pawisan ang bata at bumaba ang lagnat nito. Napansin kong nakasunod lang ng tingin sa akin ang boss ko. Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa pag aasikaso sa kapatid niya. Pumasok ako sa CR para tignan kung may malalagyan ba ako ng tubig. Napangiti ako ng may makitang maliit na plangana. Kinuha ko iyon at nilagyan ng tubig, binasa ko na rin ang nakuha kong maliit na towel sa damitan ni Gia. Lumabas ako ng banyo, nilapag ko sa bedside table ang maliit na plangana. Hinayaan ko munang mapag pawisan ng lubos ang bata bago ko siya punasan at maginhawaan na. Makalipas ang isang oras kinapa ko ang noo at leeg ni Gia, napangiti ako ng bumaba na ang lagnat nito. Pawis na pawis na rin kaya muli akong tumayo para ikuha siya ng panibagong damit. Papalitan ko siya sigurado basang basa na ang likod nito dahil sa pawis, baka magkar
BANDANG hapon ng magdesisyon si Sir Giovanni na umuwi kami sa mansyon, Buti na lang wala ng lagnat si Gia. Iyon nga lang ayaw nitong mag-pabuhat sa kuya niya o kat Butler Chen. Wala akong nagawa ng sa akin ito mag-pakalong. Mukhang malayo talaga ang loob ng bata sa kuya niya. “Are you okay? Kaya mo pa ba?” Biglang tanong ni Sir Giovanni sa aking tabi. Nasa loob na kami ng elevator at buhat buhat ko si Gia. Nakapatong ang kanyang pisngi sa aking balikat habang sa aking leeg nakaharap ang mukha nito. Sa totoo lang sobrang bigat niya, ang laking bulas ng batang ito at mag-wawalong taong gulang na. Pero wala naman akong magagawa ako ang gusto niyang bumuhat sa kanya kaya kahit masakit na sa balakang ay tinitiis ko. “Yes, Sir. Kaya pa naman po.” Nakangiti kong sabi bago inayos ang pagkakabuhat sa bata. Narinig ko ang buntong hininga nito. “Kung hindi mo na kaya sabihin mo lang para ako na ang magbubuhat sa kanya." Seryosong sabi nito. “Sige po.” Iyon lang ang sina
KINABUKASAN maaga ulit akong gumising para makapag luto muna ng pagkain ni mama at Nicole. Hindi pa rin kasi bumababa ang lagnat ng kapatid ko. Ginising ko siya at pinakain tapos pinainom ng gamot. Gusto kong nakakain na at inom ng gamot ito bago ako pumunta sa kabilang bahay. Nagmamadali akong pumunta sa mansyon para maipag-luto ng almusal si Sir Giovanni at pati na rin si Gia. Kaso nang mapadaan ako sa dining nagulat ako ng makitang nandoon ang boss ko at si Lolo J. Hala, ang aga naman ng boss ko? Tinignan ko ang oras 5:30 pa lang naman at 6:30 ang kain niya ng almusal. Saka sa kwarto ito nakain. “Oh, Iha! nandyan kana pala! Come here." Napa-ayos naman ako ng tayo. Hindi ko alam kung ngingiti ako, kinakabahan kasi ako dahil nandito na agad sila wala pa akong nalulutong pagkain. “G-goodmorning Lolo J, Goodmorning Sir Giovanni." Bahagya akong yumuko. “Goodmorning.” Sagot naman ng boss ko na siyang kinagulat ko, kahit si Lolo J ay napalingon dito. “Wow, binati mo paba
NAKANGITI lang ako habang nagpapatianod sa hila ni Gia. Sa tingin ko hindi naman talaga siya malditang bata. Nagsusungit lang siya siguro para kunin ang atensyon ni Lolo J o ng Kuya niya. Sobrang hyper niya habang pababa kami sa mahaba nilang hagdan. Parang hindi siya nagkasakit kahapon sa kasiglahan ngayon. Pag pasok namin sa loob ng dining area napatigil kami pareho ni Gia dahil hindi namin inaasahan ang na may bisita pala. May dalawang lalaki na ang nakaupo sa tapat ni Sir Giovanni na ngayon ay nakatingin sa amin, Ah mali pala nakatingin sa akin habang nakauwang ang labi. Sino sila? “Woah, Who is this beautiful woman? King?” “Nanny ni Gia, Boss?” Tanong ng dalawang lalaki habang nakatingin pa rin sa akin. Sandali, King..Aha! ‘yung tumawag ng King kay Sir Giovanni iyong kausap niya kahapon sa cellphone. Mga kaibigan ata ito ng boss ko. Mabilis naman tumayo iyong lalaking tumatawag ng King kay Sir tapos matamis akong nginitian. “Miss, dito ka na maupo