Share

Chapter 3

[Xena's POV]

-NEXT DAY-

Kasalukuyang kasabay nina Xena at Casper ang mahal na hari at reyna sa hapagkainan.

"How's your first night with my beloved Casper my dear Xena?" Pilyong tanong ng mahal na reyna kay Xena.

Ngumiti lamang si Xena biglang sagot.

"We will expect you two to bring us our grandchild as soon as possible, okay?" dagdag pa ng mahal na reyna at tumawa silang dalawa ng hari.

"Hmm. If only your brother is here with you... He would be so happy for you, son." Daldal pa ng mahal na reyna.

"If Jasper is around, then Xena should be Jasper's wife instead of Casper, my Queen." Sagot ng hari at natigilan naman si Casper, habang ang mahal na reyna naman ay nag bago ang expression ng itsura.

As far as I know, the real Crown Prince was the first born son of the King, Prince Jasper Althan, he is the son of the late Queen who died from a disease. After the Queen died, Casper's mother the royal concubine became the Queen. Jasper and Casper were so close but two years ago, he died while hunting on the forest. So Casper became the Crown Prince instead.

"O-Okay let's move on. It's not good to talk about a dead person in the table, Your Majesty." saad ng reyna kaya kumain nalang kami ng tahimik.

"By the way, Xena my dear, you should head down to the Palace garden and pick up some herbs. I'm sure may bunga na ang mga herbal plant na nakatanim doon. Kapag may napitas ka na, you can visit me on my chamber okay?" Panimula ng mahal na reyna

"Mom, she is supposed to get ready for our coronation next week." Sabat ni Casper.

"Oh right. Then, you can do that if you have some free time, my dear. Is that okay?" Tanong ni Queen Claudia.

"No, actually I still have some free time this morning, Your Highness. My preparation starts in the afternoon. So I can still pick up some herbs on my way there." pag sagot ko

"Then that's great. Thank you my dear." matamis na ngiting saad ng reyna.

Napangiti ako, kahit masama ang ugali ni Casper, hindi ko maitatanggi na maayos ang pakiki-tungo ng mahal na hari at reyna sa akin.

~

Nasa garden ako ngayon at pinipitas ang mga herbs na utos ng mahal na reyna. Sa loob ng garden ay may malawak na fish pond kung saan may maliliit na isda dito.

Habang namimitas ako kay may biglang tumalon na palaka at napahiyaw ako sa gulat.

"Oh my gosh!" hiyaw ko at bigla akong nawalan ng balanse. Akmang mahuhulog na ako sa fish pond pero may pumulupot na kamay sa aking beywang mula sa likod para maalalayan ako at hindi tuluyang mahulog sa fish pond.

"Rei." panimula ko ng makita ko siya mula sa likod. Binitawan niya naman agad ako at ngumiti.

"Are you okay?" tanong niya agad

I nodded as an answer and smiled.

"Good morning, Princess Xena." Pormal na bati niya sa akin sabay halik sa likuran ng palad ko.

Natawa naman ako sa inasal niya.

"Today is your first day as the Crown Princess, and here you are namimitas ng tanim sa hardin?" medyo di makapaniwalang tanong niya.

"Ah! May favor lang sa akin ang Reyna na pitasin ko yung mga herbal plant niya, wala din naman akong magawa." saad ko

Lumabas na kami ni Rei sa hardin kasama ang apat na bodyguards ko. Nag lalakad kaming dalawa ngayon sa hallway ng Palasyo pabalik sa main building.

"Aren't you going to school?" Tanong ko sa kanya. Ako kasi tsaka si Casper, after coronation day pa makaka-balik sa Althan University since binigyan kami ng 2 weeks special break ng school because of the wedding and our coronation.

"I will, mga 10:00 AM. How about you? Didn't you miss school?" Tanong niya

"Oo nga, tatlong araw na din kaming absent ni Casper. I miss my friends." nakangiti kong sagot.

"Well you can request to let them enter the Palace if you want." Suggest ni Rei.

Umiling ako, "Huwag na. Madali lang namang lumipas ang dalawang linggo. For sure, pag balik ko, ang dami ko ng dapat habulin." natatawa kong saad

"That's fine. When you go back to school, you won't be living as the same Xena Holstein after all. You're already an Althan. The queen of Oldenburg to be exact." Saad ni Rei sa akin. Medyo natigilin naman ako. Oo nga pala, mag kakaroon na ako ng special treatment since ako na ang bagong Reyna ng Oldenburg next week. Should I be greatful? Bakit parang hindi naman ako natuwa habang iniisip ko yun?

Patuloy kaming nag lalakad pero natigilan ako ng makita ko si Casper sa field na nag lalaro ng archery.

He looks so cool with his archery outfit right now.

"Gusto mo bang mag punta doon?" tanong ni Rei when he noticed me staring at Casper at tinuro niya ito. I smile and nodded at nag simula ng mag lakad patungo sa field

"Your Highness." panimula ko para ipaalam na nandito ako.

Kumunot ang noo niyang napatingin sa akin saglit, "Aren't you busy with your preparation?" cold na tanong niya at hindi na ako tinignan.

"I am. I just came here to greet you." Sagot ko.

Hindi siya sumagot at nag simula ng tamaan ang target sa malayo pero sa side niya lang ito natamaan.

"Ugh d*mn it." Reklamo niya.

Napangiti naman ako at kumuha ng isang wooden bow sa tapat niya.

"What are you doing?" tanong ni Casper

"Didn't you know that I'm good in archery, Your Highness?" tanong ko at tsaka nag posisyon. Itinira ko ang isang arrow, at tumama ito sa bull's eye ng target sa malayo.

Namangha naman ang mga bodyguards and alalay ni Casper sa nakita. Napansin ko ring nanlaki ang mga mata ni Casper.

"Woah, that's impressive Xena!" Komento ni Rei at napa-palakpak. Nginitian ko naman siya.

"Tse show off." Mahinang saad ni Casper sa sarili.

Ngumisi ako, "Then, I shall go. See you later, Your Highness." paalam ko at iniwan siya sa field na di makapag salita.

Akala niya ha. Pft.

*

Dalawang araw ang lumipas simula noong kinasal kami ni Casper. Tinutulungan ako ng mahal na reynang Claudia sa mga pamamalakad ng isang pagiging Reyna ng kaharian bago paman tuluyan ng maipasa sa akin ang korona.

Kasalukuyan ko ring kasama si Queen Claudia ngayon sa chamber niya dahil nag request ito na ipagluto ko siya ng paborito niyang sinigang na baka.

Mabait si Queen Claudia sa akin but I can't deny the fact na medyo masama ang ugali nito sa ibang taong hindi niya gusto at iba din ang pakikitungo niya sa mga katulong at mga low birth na mga alalay namin sa loob ng Palasyo. Nagagalit ito kapag hindi agad nasusunod ang mga utos niya.

"Hmm. My dear, your sinigang tastes so good." Panimula nito habang ninanamnam ang luto.

Ngumiti naman ako ng marinig ko ang komento niya mula sa luto ko.

"Thank you, Your Highness." Pag papasalamat ko.

"Oh should we call Casper to join us? He love sinigang too. He would be happy to know that you're good at cooking, my dear." Biglang ideya ni Queen Claudia

"Naku huwag na po baka maka-abala ako kay—" Pag tanggi ko pero hindi ko na ito natuloy pa ng biglang tinawag ni Queen Claudia ang alalay niya.

"Wendelyn! Wendelyn!" Sigaw na tawag ni Queen Claudia.

Agad namang bumukas ang pinto ng chamber at bumungad ang alalay nito.

"Tell the guards to call my son over here. Right now! Quick!" Utos ni Queen Claudia

Napa-kamot ako sa noo.

"You don't have to, Your Highness. I'm sure Prince Casper is busy with his duties right now." Saad ko

"Oh that's fine Xena. Besides, it's 11:00 am, I'm sure he won't mind to have some early lunch?" Suggest ni Queen Claudia at natawa ng kaunti.

Natatawa naman akong tumango sa kanya. Nag usap-usap pa kami sa mga dapat kong gawin bilang Reyna ng Oldenburg habang nag a-antay na dumating si Casper.

"You know what I hate the most among those works, Xena?" Biglang saad ni Queen Claudia

"What is it, Your Highness?" Tanong ko

"The charity work. Ugh I hate being in the same place with the poor! I wish I could remove that duty from us. Nasusuka ako tuwing nakikita ko ang maduduming mga taong iyon." Disgust ang itsura ni Queen Claudia habang binibitawan ang mga salitang iyon.

Natigilan ako. Sa pag kaka-alam ko, Queen Claudia came from an ordinary family. They are not rich, but they are not that poor too. Why does she hate charity? Helping the needy people is such a pleasure. My heart felt so light everytime I help poor people outside, instead of hating it, maybe it would be my favorite duty when I become the Queen.

Napabalik ako sa realidad ng marinig kong may kumatok sa chamber.

"Your Highness, Prince Casper has arrived." Pag anunsyo nito.

Tumayo naman kaming dalawa ni Queen Claudia para salubungin ng bati si Casper.

"Mom what is it—" Bungad na tanong ni Casper pero natigilan siya ng makita ako sa tabi ni Queen Claudia.

"Your Highness." Bati ko sa kanya at ngumiti.

"Why are you here, Xena?" Walang emosyong tanong niya

"She cooked sinigang for me, Casper. I called you so you could join us. Aren't you tired from all your trainings, my son?" Tanong ng reyna at hinaplos ang pisngi ni Casper.

"Mom, I'm busy." Tipid niyang saad

Napayuko ako. Alam ko namang ayaw niyang makasama ako sa iisang lugar. And this time, it's not me who forced him. But maybe it's my chance to make him feel my sincerity.

"Prince Casper, take a seat and join us." Sabat ko sa usapan at nginitian ko siya.

Kumunot ang noo niyang tinignan ako.

"Oo nga naman anak, don't you miss your beloved wife? Come on, son. I love seeing you two together eating with me." Saad ni Queen Claudia at pinaupo si Casper sa upuang katabi ng akin.

"Oh wait let me go to CR first. Naiihi na ako, hays sign of aging na ata to." Paalam ni Queen Claudia at dali daling tumungo sa banyo

Hinawakan ni Casper ang isang kutsara at kumuha ng sabaw at kaunting karne at tinikman ito. Ngumiti naman ako sa nakita ko at napag desisyonang kausapin siya.

"What do you think? Is it good?" Tanong ko sa kanya referring to the food

"It's fine." Cold niyang sagot.

"What's your favorite dish, Casper?" Tanong ko ulit just to make a conversation with him but he didn't respond.

"I heard you also love sinigang, Your Highness. Would you like me to cook for you every food you love? I can cook well you can tell me the food you love and I will make it for you—" tanong ko pero hindi ko naituloy ng samaan niya ako ng tingin.

"I told you to stay out of my sight, Xena." Mahinang warning niya sa akin.

How can I? You are my husband, Casper. I am your wife. How can we stay apart from each other?

"I'm sorry." Tipid ko nalang na sagot

"Hindi man maiwasan ang ganitong pangyayari, but still I want you to stop talking to me, do you understand? Stop acting like you're not a murderer!" Singhal nito sa akin. Natahimik naman ako.

Dumating na ulit si Queen Claudia at nag simula na kaming kumain. Tahimik lang akong kumakain habang sa matapos na kami.

"Thank you for your time, son and Xena my dear. Go along now and do your preparations." Naka-ngiting saad ni Queen Claudia sa amin at sabay kami ni Casper na umalis palabas ng chamber ng reyna.

"Your Highness." Panimula ko habang nag lalakad kaming dalawa sa hallway.

"What?" Sagot niya

"Where are you heading to?" Tanong ko

"Library, I have a lot of books to read." Matinong sagot niya pero naka tingin lang ito sa daan.

"Really? I'm heading there to, we can read together." Natutuwa kong saad sa kanya

Natigilan siya kaya tumigil din ako sa pag lalakad at humarap siya sa akin.

"Hindi ka ba nahihiya? Ganyan ba kakapal ang mukha mo, huh Xena? I clearly told you to stop approaching me. Kahit anong gawin mo, I won't fall for any of your lies!" Hiyaw niya

Lumakad na ulit ito at ako naman ay naiwang hindi maka-galaw sa kinatatayuan ko.

~

Time check: 7:00 PM

Our dinner is ready but Casper is not yet in our house. Dito kasi sa loob ng Palasyo, may tatlong territory, the East Palace, the West Palace, and the South Palace. Sa East Palace ay doon naninirahan ang Hari at Reyna, nandoon din ang sariling opisina ng hari, sariling chamber ng hari at reyna, ang bahay kung saan nandoon ang bedroom nilang mag-asawa at ang dining room na para sa kanila lang. Sa South Palace naman, nandoon ang Royal Convention Hall para sa politics affairs, ang library, swimming pool and training room for the Royal Family. While dito sa West Palace, dito ang tirahan namin ni Casper. This place is used to be the Crown Prince's place only but since we got married, this place becomes mine also, the same with the East Palace, I have my own chamber, same goes with Casper, and we also have a house where we sleep and eat together.

Nag desisyon akong lumabas ng territory namin at hanapin si Casper na mag isa, hindi na ako nag abalang sabihan ang bodyguards ko dahil hahanapin ko lang si Casper. Sa oras na ito dapat nag papahinga na siya ngayon sa West Palace eh.

Nag lakad lakad ako hanggang nakita ko si Casper sa di kaluyuang malungkot na naka tingin sa langit. Is he... thinking about his ex girlfriend? He looks so sad. His eyes is full of sadness as if he's about to cry.

Dahan dahan akong lumakad at lumapit sa kanya.

"Nandito ka lang pala." Panimula ko.

Gulat siyang lumingon sa akin. Ang malungkot niyang mukh ay biglang napalitan ng inis.

"What are you doing here?!" Naiirita niyang tanong

"I was looking for you." Saad ko

"Are you that stupid?! Tantanan mo ako pwede ba?!" Hiyaw niya

Bigla akong lumuhod sa harapan niya.

"What are you doing?" Naguguluhan niyang tanong

"Forgive me, Your Highness. Alam kong iniisip mo na ang papa ko ang dahilan ng pagkamatay ng girlfriend mo and I can't prove to you that my father is innocent. But... I really want us to work Casper. Please... stop rejecting my presence. I'm your wife now, allow me to do my job. I'm not your enemy, Casper. I won't betray you. I will always be here to support you. Allow me to prove myself to you, Your Highness. Please."

Bigla itong natawa. He pulls me so hard so I could stand up.

"Then what do you want me to do, Xena? You want to stay out of those crimes? Act as if you're not connected to your family's crime?! Are you kidding me?!" Sigaw niya at natawa ng mapakla

"No, Casper. No. I just want to prove to you that I belong to you. My feelings for you are sincere, Your Highness. Please, what can I do for you to love me back?" Tanong ko at hinawakan ang magkabilang kamay niya.

He push me away.

"You can't beg for love, Xena. It's not only because I hate your family. I don't see you as a woman. I don't love you! The only girl I love is the girl your father killed. And I will love no one until the day I'll die." Saad nito

"One thing, you are not my wife in the first place. You're just the replacement of the dead. Know your place, Xena."

Kumurot ang puso ko dahil sa mga binitawan niyang salita at nag simula na siyang mag lakad muli palayo sa akin.

Again, I just watch his back walking away from me. Pumatak muli ang mga luha galing sa mga mata ko at napag desisyonan kong tumakbo sa may lake ng Palasyo. Kumuha ako ng mga bato sa paligid at initapon ko ito sa lawa.

"Aaaaaaah!" Sigaw ko dahil sa puot na nararamdaman ko.

Bakit naman kasi nagawa ni Papa ang bagay na iyon? Bakit si papa pa? Bakit kailangang may mamatay para makamit ko ang pangarap kong maging kabiyak ni Casper?

"What brings you here this hour, Your Highness?"

Natigilan ako ng may narinig akong boses mula sa likuran ko. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko ang isang hindi pamilyar na lalaki na kasing-edad ng Hari.

"A-Ah nag papahangin lang po." magalang kong palusot

Bigla niya akong tinitigan at parang tumayo lahat ng balhibo ko sa titig na iyon. Tsaka ko napag tanto na ang tahimik at ang dilim na pala ang paligid at walang ibang tao kundi ako at itong matandang lalaki.

" Then, may I excuse myself? His Highness must be looking for me--"

"That should be my daughter's place, Your Highness." bigla nitong saad at tumawa. Bigla naman akong naka-ramdam ng takot dahil sa sinabi niya.

"Nakakatawa lang, ang pinalit pa talaga nila sa anak ko ay ang anak ng taong pumatay rito." dagdag niya pa at tumawang muli.

"I-I'm sorry for your loss. But I think I need to go--" palusot ko pa sana dahil natatakot na ako pero bigla siyang nag labas ng kutsilyo galing sa bulsa niya.

"A-Ano pong gagawin niyo?" natatakot kong tanong

"Dapat maranasan rin ng Ama mo kung gaano kasakit mawalan ng anak!" sigaw niya sa akin at akmang aatakihin ako pero agad akong umiwas at pinigilan siyang saksakin ako.

"Help!" sigaw ko at akmang tatakbo pero hinila nito ang buhok ko

"Ah!" Hiyaw ko dahil sa lakas ng pagka hila niya sa buhok ko.

"Where are you going, Princess?" creepy nitong tanong

"S-Sir please, don't do this." panimula ko at nanginginig na pinakiusapan siya

"Kailangan kong ipaghiganti ang anak ko." Madiin ang pagkakasabi niya at akmang sasaksakin na talaga ako pero siniko ko siya ng malakas kaya napa atras siya.

May naaninag akong bakal sa tabi ng lawa kaya agad akong tumungo doon at kinuha ang bakal.

"Don't come near me!" sigaw ko

"HELP! SOMEBODY HELP ME!" Nangingiyak kong sigaw.

Umatake muli ang matandang lalaki.

"Akin na yan!" sigaw niya sa akin at pilit na binabawi yung hawak kong bakal.

Ilang sandali dahil sa lakas nito nakuha niya ang bakal at tsaka niya ako hinampas sa ulo gamit ito. Dahan dahan akong nahulog sa lawa habang nakabuka ang mga mata kong nakatitig sa matandang lalaking tumutulo ang luha habang tumatawa.

Lumubog ako sa tubig at dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata...

*

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status