Share

New dawn

Pabirong hinampas ni Celina ng unan si Lucy nang hindi pa din ito gumising. Kahit papaano ay nakahupa na siya mula sa dinanas kahapon, kung kaya naman heto siya at nilulubos ang pananatili nila sa lugar na iyon. Nais niyang magkaroon ng masasayang memorya kasama ang kaibigan at nais niya din matutunan kung paano maaaliw at pagaanin ang loob ng hindi kinakailangan ng ibang tao.

"Cy, ano ba, akala ko ba gusto mo picturan iyong pagsikat ng araw!" paalala niya dito.

"Yeah, five minutes pa!" tumagilid lamang si Lucy sa pagkakahiga upang umiwas.

"Hindi na natin iyon maabutan kung magfifive minutes ka pa, bilis na, tumayo ka na diyan!" sita dito ni Celina.

Pero nanatili pa rin itong nakahilata sa higaan nila, kaya naman hindi ito tinigilan ni Celina sa pag uga, sa sobrang alog niya dito ay hindi niya napansin na umuusog na pala ito papunta sa dulo ng kama, kaya nagulat na lang siya ng bigla itong mahulog sa kama.

"Cy!" alala niyang sigaw habang nakahawak ang kamay sa bibig para pigilan ang t
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status