Share

Painful realization

Pilit nilalakasan ni Celina ang loob upang manatiling nakasunod kay Lucy at yakap-yakap ang sarili, habang ito naman ay abalang hinahanap si Luke sa lupon ng mga taong masayang nagsasayaw sa pinapatugtog ng DJ.

Lahat ng nandoon ay nakasuot din ng swim wear kaya medyo nakahinga ng maluwag si Celina.

Ilang saglit pa ng pagsusumiksik at pagpapaikot ng tingin ay nakita na nila si Luke, todo bigay itong nakikipag sayawan sa ilang mga kababaihan na nakapalibot dito.

"It's pay back time!" masayang sabi ni Lucy sabay baling kay Celina ng nakangisi.

Mukhang hindi napansin ni Luke ang paglapit ni Lucy at Celina dahil abalang-abala itong nakikipag bump and grind sa ilang dalaga. Halatang enjoy na enjoy si Luke habang ikinakaskas ng isang babaeng kasayaw ang likuran nito sa harapan ng binata.

"Looks like you're having fun brother," bating kalabit ni Lucy dito nang makalapit sila.

Nanatili naman si Celina na hatak-hatak at hawak sa braso ng kaibigan.

"Sis you’re fi ," biglang napatigil ang masaya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status