Share

CHAPTER 5: Father + Husband

ERWIN’S POV:

Napatingin ako sa batang naka yakap sa akin. Kasalukuyan kaming naka higa ngayon ni Shielo. Sabi ni Sandro noong naka uwi kami ay hindi raw ito magkamayaw sa pag iyak. Simula nang umalis kami ni Solen para mag libot ay mag damag daw itong nag hihintay sa labas ng pintuan para sa pag babalik namin.

Pag balik nga namin kanina ay humahangos itong yumakap sa akin.

“You’re not going to leave us again, right?” inosenteng tanong nito. Ang yakap nitong magaan kanina ay mas lalong humigpit na tila ba takot na takot syang mawala ako.

Why would I leave this cute little one? I just smiled. For some unknown reasons it felt like it’s my first time meeting this angel. My son.

Probably because of my lost memories…

“I’ve been waiting for you po. Every day I’m praying to the lord hoping that he will grant my wish to be with you.”

Nakaramdam ako nang awa at ng kirot sa aking puso sa sinabi nito. Gaano ba katagal akong nawala sa piling ng anak ko? Naging pabaya ba ako?

Natahimik ako para madinig ko ang kanyang iba pang mga sasabihin. Hinaplos ko ang kanyang ulo at dinampian ko ang kanyang nuo ng munting halik.

Humarap sya sa akin. Ang kanyang mga luha ay nangingilid. Kagat kagat nya ang kanyang pang ibabang labi nang madiin, pinipigilan ang sariling umiyak.

“Shhh.. Don’t cry” pag aalo ko.

Nasasakal akong makitang ganito ang anak ko. Ang kanyang mga luha ay isa isang nag bagsakan.

“I’m afraid p-o….” His voice cracked.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Ang mainit nyang luha ay pumupunas sa aking damit.

Hindi ko mapigilan mapa luha dahil sa kalagayan ng anak. Totoo nga na mahirap makitang umiiyak ang anak.

“I will not leave you Baby.”

He sob, “Will you promise me Daddy?” may pag mamakaawa sa kanyang mga mata.

Bakit nababasag ang puso ko? Iniwan ko ba sila ng asawa ko? Bakit parang nangungilila ang anak ko sa pag mamahal ng isang ama?

Kinuha ko ang kanyang pinky finger.

“I promise you, I will not leave you again”

“I love you daddy” why does it feels so new? Bakit parang ngayon lang ako nakaramdam ng pag mamahal?

Matapos kong aluhin si Shielo na mag damag na umiiyak ay agad itong naka tulog. Bumangon ako sa kama. Kung naging pabaya man akong ama sa kanya ay gusto kong bumawi, kahit sa simple man lang na pamamaraan.

Muli ko syang tinapunan ng tingin. Mahimbing syang natutulog ngayon.

Nag lakad ako patungo sa Isang cabinet na gawa sa kahoy. May kalumaan na ito. Binuksan ko ito at doon ay nakita ko ang ibang mga gamit ni Shielo.

Gamit nya simula nong Bata sya, nakita ko doon ang ibang laruan at mga damit nya noong sanggol pa sya.

Sa ilalim noon ay ang Isang malaking photo album. Kinuha ko ito at umupo. Sa unang buklat ko ay bumungad ang mga litrato ni Solen na kapapanganak habang naka ngiting nakatingin kay Shielo.

May humaplos sa aking puso. Napalunok ako.

Nilipat ko ito, sumunod naman ang mga litrato ni Shielo noong 1st hanggang 11th months nya.

Napa ngiti ako habang tinitignan ang mukha ni Solen na laging naka tingin kay Shielo tuwing celebration.

Pinipiga ang puso ko.

Inilipat ko naman ito sa kasunod at ay ang litrato naman nya noong kaarawan sya. Simula noong 1st at 5th birthday nya.

Hindi ko na sana ililipat pa ang katuloy nito dahil alam kong wala nang nakalagay dito. Ngunit kailangan kong makasiguro dahil gusto kong makita kung paano lumaki ang anak ko.

Sa akalang wala nang kasunod ay biglang nanubig ang mga mata ko nang makita ang Isang hand written note.

Ang wish ni Shielo na makasama ako at ang ibang litrato na may drawing na Isang lalaking walang mukha, kasama nilang nag ce celebrate at sa taas nito ay ang sulat na ‘I love you Daddy’.

Kahit kailan ba ay hindi nila ako nakasama sa mga celebrations?

Muli ko itong sinara at ibabalik na sana nang bigla akong may nakitang kakaiba.

Tumaas ang kilay kong dinampot ito.

Bra at panty??

Tinignan ko ito ng maayos. Alam ko nakita ko na ang ganitong klase na Bra. Hindi ko lang maalala kung saan. Binasa ko ang Isang note na naka dikit sa strap nito.

“Our first night.”

Kaya siguro familiar ito sa akin dahil ito ang suot nya noong first night namin?

Nabitawan ko ito nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwal non ang gulat na gulat na si Solen.

Naluluha akong tiningala sya.

Nag lakad sya palapit sa akin na hindi maipinta ang mukha.

Humigpit ang hawak ko sa kanyang underwear.

“Ano-ng ginagawa m-o?” nauutal nyang tanong. Binalingan nya nang tingin ang drawer na binukalkal ko.

Muli syang humakbang palapit sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili na mapayakap sa kanya.

Mistula akong Bata ngayon na naka luhod sa kanya. Pumatak ang aking luha.

“I’m sorr-y.” A words that escape to my mouth. Alam kong walang magagawa ang sorry ko sa kanya kung may mag nagawa man ako. Ngunit sa saloobin ko ay marami akong naging pag kukulang… sa mag Ina ko.

Hindi ko alam kung umiyak na ba ako nang ganito dati, ngunit ngayon nakaramdam ako nang konsensya at pagmamahal, muli.

“Hu-h?” naguguluhan nyang tanong.

Mas lalong humigpit ang pag kakayakap ko sa kanya.

“Asawa ko” tawag ko sa kanya. Napalunok ako, “maari nyo ba akong tanggapin sa buhay nyo?”

Nag susumamo akong tumingin sa kanya. Nanubig ang kanyang mga mata.

“I promise I will be better as a father and a husband” hinawakan ko ang kanyang tyan. “I’m sorry kung wala ako noong panahon na kailangan nyo ako. Nong nag bubuntis ka at nong ipinanganak mo ang anak nati-n”. My voice crack.

Nag simula nang bumuhos ang luha naming dalawa.

Hinalikan ko ang kanyang tyan, “How I wish I was there when you need me the most. I’m really sorry. Asawa ko, hayaan mo akong bumawi sa inyong dalawa”

Hindi sya nakapag salita at tanging ang hikbi lang nya ang naririnig. Ang hikbi nang sakit at pag hihirap na naramdaman nya.

“Ngayon hindi na ako tatangayin nang kung ano asawa ko. Kasama mo na ako, kasama na ako nang anak natin. Salamat dahil kahit wala ako, nagawa mong palakihin ang anak natin nang maayos”

“Tumayo ka jaan”. Matigas na utos nito.

Walang lakas ang aking mga tuhod para tumayo.

“Alam mo ba kung gaano ko inisip na san-a balang araw ay hanapin mo ako. Hanapin mo kami nang anak mo kasi hirap na hirap ak-o” masakit na bigkas nito na parang ilang taon nyang kinimkim at tinago.

“pero kahit ganoon, wala akong maramdamang galit sayo. Dahil kahit ganoon ang nangyari sa atin ay binigyan mo pa rin ako nang Isang anghel”

“Tanggapin mo ako uli, pangako gagawin ko lahat sa inyo”

“Then be a father to our son”.

“Not just to our son but to be a better husband for you”.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status