Share

Chapter 4: Jealous

Matapos ang mga eksena kanina ay napag desisyonan nyang kausapin ang lalaki.

“Wala ka bang maalala ni isa?” tanong ni Solen. Tahimik lang si Erwin na naka tingin sa kanya.

Hindi mapigilan nang lalaki na humanga sa gandang dinadala ni Solen. Nang mapansin ni Solen na hindi nag sasalita si Erwin ay muli itong nag tanong.

“Eh anong pangalan mo?”

Hindi sumagot si Erwin kung kaya naman ay nag isip sya nang pwedeng ipangalan sa lalaki dahil hindi naman nito maalala ang pangalan nya.

Ano nga ba ang pangalan na connektado sa pangalan ng kanilang anak?

“Angelo, yan ang pangalan mo.” Ayan mas bagay pa sa mala anghel nyang itsura.

Alam ni Solen na sa kanyang pag sisinungaling ay mas lalala ang mga pwede nilang pagdusahan kapag nalaman nang lalaki ang totoo. Ngunit ito palang ang nakikita nyang temporary solution sa kanilang pinag dadaanan.

“Gusto mo bang ilibot kita?”

Mas maganda ata kung ilibot nya muna ang lalaki sa Dalampasigan para maka langhap nang sariwang hangin, kesa naman paniwalain nya ang lalaki sa mga kasinungalingan.

“Kailan naging tayo?” wala sa sariling tanong ni Erwin habang nag lalakad sila papunta sa Dalampasigan.

“Five years ago, January 14, 2019” napahawak sya sa batok nya. Sa malamang na ang sinagot nya ay ang araw na nawala ang kanyang pagkababae nang may nangyari sa kanilang dalawa.

“Kinasal na ba tayo? Do you have any pictures of us during the wedding. I want to see it.”

“Kinasal tayo, pero alam mo yun. Sekreto lang tayong kinasal noong una-“. He cut her words off.

“I might not remember every detail of it. But I know to my self that you’re someone important to me.” Bumilis ang tibok ng puso ni Solen sa mga narinig. Ngayon ay mukha na syang kamatis na pamumula.

“Paano mo naman ako maalala e sarili mo nga hindi mo maalala”, natatawang ani nya.

Tumingin sya sa baybay.

Ang malamig na hangin na nangagaling sa baybay ay inililipad ang ibang hibla ng kulot nyang buhok.

“Maybe because you’re special, cause you’re my wife”

Tila ba napipi si Solen at hindi alam ang sasabihin. Ano nga ba ang sasabihin nya sa lalaking ito?

Masyadong pa fall baka kapag na fall sya ay biglang mag balik ang ala-ala ng lalaki kung kaya naman hanggat maari ay ayaw nyang magkaroon ng feeling. Kung pwede lang ay ang pagkakaroon nila ng connection kapag tungkol lang ito kay Shielo.

Inalis ni Erwin ang kanyang kamay na nakatago sa bulsa ng kanyang pants at hinawakan ang kamay ni Solen.

Tumayo ang balahibo nya ng maramdaman ang mainit na kamay ng lalaki.

“Shall we go back?”

Hindi pa sya nakakapag salita at akmang hahakbang na si Erwin ng biglang may humawak sa kanyang kanang kamay.

“Solen” tawag ng isang pamilyar na boses dahilan ng pag tigil nya sa pag hakbang.

Ilang taon na ba simula nang huli nyang narinig ang boses na yon? Ang boses nang taong minsan nyang naging tahanan.

Nanlalaki ang mata ni Solen na bumaling sa lalaki. Anong ginagawa nya ngayon dito? At bakit nya hawak ang kamay nito?

“Jericho” Wala sa sariling bangit ng pangalan ng kanyang dating nobyo. Naghahabol ito ng hininga na para bang may humabol sa kanya.

Naka ngiti si Jericho, ngunit ang mga mata nito ay may bakas ng pag asa.

Syaka lang natanggal ang kanyang atensyon kay Jericho nang biglang pumagitna si Erwin at mayabang na tinanggal ang pagkakahawak ni Jericho sa kamay ni Solen.

Ang mga mata nito ay madilim na naka tingin kay Jericho na para bang gusto nya nang i-salvage ang dating nobyo. Para silang dalawang Bata na may pinag aawayan na laruan ang tingin.

“Get your hands away from her” utos nya na may pag babanta.

Mapag tanong ang mata ni Jericho na bumaling kay Solen.

Mag sasalita na sana sya para ipakilala si Erwin nang bigla itong mag salita.

“I’m Angelo” nanlamig ang buong katawan ni Solen nang maramdaman nya ang pag pulupot ng kamay ni Erwin sa kanyang baywang.

Come on Solen hanggang kailan ka magugulat sa pinag gagawa ng lalaki! Bakit kung umakto ito ay parang sya pa ang nag papanggap na mag asawa sila at sya ang nagka amnesia. Kung hindi nya magagawang sabayan ang lalaki ay tiyak na mag tataka ang dalawang lalaki.

“Her husband.” Proud na sabi ng lalaki.

Nalaglag ang panga ni Jericho sa narinig.

Mas lalo pang idinikit ni Solen ang katawan kay Erwin. At mas lalo syang namula ng maramdaman ang matigas na katawan nito, na ikina inis ni Jericho.

Malapad syang ngumiti sa kanyang ex. Aba dapat lang na makita sya ni Jericho na masaya sa piling ng Ibang lalaki! Matapos ang ginawa nitong pang loloko sa kanya ay may kapal pa itong magpakita sa kanya. Ang tila kilig na nararamdaman ni Solen ay napalitan nang inis ng maalala ang ginawa ni Jericho.

“I think we should go back to our home, siguro ay nag hihintay na doon si Itay at Mama” Tumango si Solen. Gusto nya nang tanungin ang sarili kung disabled ba sya at bakit hnd sya makapag salita.

Kita mo nga naman ang isang ‘to! Tinatawag agad na Itay at Mama ang kanyang mga magulang. Baka kapag narinig nila ito ay atakihin sila sa puso.

Tinalikuran nila si Jericho habang inaalalayan pa ni Erwin ang kanyang baywang.

“Solen…” muling tawag sa kanya ni Jericho. “Can we talk for a minute?”

Tuloy tuloy lang silang nag lalakad. Ano pa ba ang sasabihin sa kanya ni Jericho? Closure ba ang hanap nito? Pwes! Closure nya mukha nya!

Nawala na sa paningin ni Jericho ang dalawa.

Napa hawak sya sa kanyang sintido.

“Imposibleng kinasal ka Solen! Hanggang kailan ay hindi ka ikinasal. Ano bang nangyari sayo habang wala ako? Kundi sa nag ka anak ka ano pa?” Tanong nya na para bang kaharap nya pa si Solen.

Kahit wala sya dito sa Pilipinas ay lagi syang nanghihingi ng Balita patungkol kay Solen.

Naglakad sya palapit sa Dalampasigan. Pinanood nya ang kanyang paa na inaabot ng tubig.

“Sana dinggin mo ako…” Bumuntong hininga sya.

“Solen, hindi ako nag loko. Binayaran nila ako ng malaking halaga para mag panggap lang na boyfriend ng anak ni Mayor, at ang binayad na yon ay ang sana’y pang kasal at pag papatayo ng bahay natin…”

Hanggang kailan nya kaya ito itatago kay Solen? Ngayon, na ang contrata na pag papanggap nyang bilang nobyo ni Caryl ay magtatapos sa susunod na taon.

At matatanggap pa kaya sya ni Solen gayong nakikita nya na gaano ito kasaya sa piling ng lalaking yon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status