Hindi maalis sa isipan ni Solen ang mga sinabi sa kanya ni Jericho. Ilang araw na ang lumipas simula nang huli silang mag kausap. Ngayong araw ay ang family day na sinabi ni Erwin kay Solen. Kasalukuyan silang nasa parke at pinapanood ang kanilang anak na abala sa pakikipag laro. "Sa susunod hindi na natin kailangan pumunta nang Parke para makapag laro anak natin" Nagtatakang napa tingin si Solen kay Erwin. "Gusto kong magkaroon tayo nang malaking bahay para maranasan nang anak natin ang komportableng Buhay. Malawak din para may pag lalaruan si Shielo at ang kanyang mga kaibigan" Napa ngiti sya sa sinabi ni Erwin. Lahat nang mga sinasabi nang lalaki ay na i-imagine nya. Tiyak na matutuwa si Shielo kapag nagkatotoo ang mga sinasabi ni Erwin. Ngunit alam ni Solen na mag kaka totoo ang mga ito dahil hindi ito mahirap para sa lalaki. Resort nga ay kaya na nitong mag patayo, bahay pa kaya na malaki at malawak. "Gusto kitang iharap sa simbahan. Ayoko sa munisipyo. Gusto kong may basb
Matapos nang mga nangyaring eksena kanina sa pelengke ay mas minabuti nalang ni Solen na pumunta sa Dalampasigan. Naiwan sa palengke si Erwin kasama ang kanyang Ina. Kaya naman pala nauubos ang kanilang mga paninda ay dahil nandoon si Erwin, tuwang tuwa naman ang kanyang Ina, imbes na suwayin nya ang mga kababaihan sa pag papansin kay Erwin dahil may asawa na ang lalaki at si Solen yon. "Asawa ba talaga, Solen? O asawa nang iba?" Sinubukan nyang mag search sa Internet kung may asawa ba si Erwin. Akala nya ay magiging madali lang dahil ang lalaki ay public figure ngunit ni isang article ay walang lumabas. Ni hindi nila hinahanap ang lalaki dahil tinignan din ni Solen kung may nag hahanap ba sa kanya. Ngunit ni isa sa pamilya nang mga Tovias ay wala. Si Erwin ang taga pagmana nang kanilang kompanya at multi billionaire pero bakit ni isa sa kanyang mga pamilya ay walang nag hahanap sa kanya? Mabuti na 'ring hindi hinahanap si Erwin dahil tiyak na kapag hinanap nila ito at bumalik si
Nagising si Solen nang maamoy ang nilulutong sinangag na kanin. Isa kasi 'yon sa mga paborito nyang kainin sa umaga. Pag bangon nya at agad nyang naramdaman ang pananakit nang gitnang parte nang kanyang katawan. Napa ngiwi sya nang maalala ang nangyari kagabi. Ilang years ba naman syang walang dilig, kaya ngayon ay nakakaramdam pa rin sya nang sakit na para bang ito ang unang beses na may mangyayari sa kanila ni Erwin. Namula sya nang may maalala, kagabi ay sinabi ni Erwin na gusto pa nito nang Isang baby. Ibig ba sabihin nito ay gusto ulit syang buntisin nang lalaki. "Hindi pwede Solen! Ikalma mo ang perlas mo at kapag naka alala ang lalaki ay siguradong babalik sya sa pinang galingan nya." Suway nya sa kanyang sarili habang nag aayos bago lumabas nang silid. "Mag pasalamat ka na lang na hindi mo ovulation kagabi at tiyak na hindi ka mabubuntis . Hindi gaya nang nangyari sa inyo noon" dagdag nya. Tumango tango sya sa harap nang salamin dahil pumapasok na sa kanyang isipan ang ka
Ilang minuto na ang lumipas at kinakabahan si Erwin dahil hindi pa sumasagot si Solen. Nakatingin lang si Solen sa kanya at pinag mamasdan sya. Hindi inaakala ni Solen na sa isang iglap lang ay gugustuhin na ni Erwin na mag Isang dibdib sila. Paano kapag nalaman nya ang totoo? Magiging ganito pa kaya ang lalaki sa kanya? Hindi nya alam. Ni hindi nya nga alam sino ang pamilya nang lalaki at kung pamilyadong tao na ba ito? "Solen?" Rinig ni Solen na tawag sa kanya nang Ina. "Ye-s". A words that escape from her mouth. From now on, tatanggalin nya muna sa kanyang isipan ang lahat nang pangamba. At bago matapos ang gabi na 'to mamahalin nya ang lalaki nang walang pangamba at takot na pwedeng idulot nang mga susunod pang araw. Saktong 12 nya sinagot si Erwin. "Yesss!!" Tumayo si Erwin at tumalon talon sa saya. Natawa sya. Ito ang unang araw na makikita nya rin si Erwin na ganito kasaya. Nag palakpakan ang kanyang mga magulang. Niyakap sya ni Erwin at bumulong ito. "I will love you un
Pinapakiramdaman ni Erwin ang kalagayan nang dagat. Hindi ito kagaya kaninang hapon na malalakas ang alon. Ngayon ay tahimik lang ang dagat. Tumingin sya sa ginagawa nang matandang lalaki na nag aayos nang lambat upang itapon ito ulit. "Gusto mo bang masubukan?"Tila ba nahulaan nang tinatawag nyang 'ama' ang gusto nyang gawin. Gusto nyang subukan na sya rin ang mag tapon nang lambat. Ginawa ito kanina nang ama pero bilang lang ang nahuling isda. Hindi pa ata aabot nang Isang kilo ang mga isdang nasa timba. Inabot sa kanya ang naayos na fish net para sya naman ang mag tapon. "Dapat maayos ang pagkaka tapon para mas madami kang mahuling isda" payo sa kanya na tinanguan nya. Tumayo sya sa gilid nang bangka. Pagkaraan nang isang mahinang alon ay itinapon nya na ito. Pinapanood sya nang ama ni Solen. Gusto nyang tanungin ang lalaki na kung sakali bang malaman nito ang totoo ay tatanggapin pa ba nito ang kanyang anak? Tatayo pa rin ba syang ama sa kanyang apo? Ayaw nyang masaktan ang
Naiilang na tumingin ang Ina ni Solen sa kanya. Paano ba naman kasing hindi maiilang eh kanina pa tinatawag ni Erwin na 'mama' at 'Itay' ang kanyang magulang. Bahaw na ngumiti si Solen. Kasalukuyan silang magkakaharap ngayon sa lamesa upang mag gabihan. Sa gitna nilang dalawa ay si Shielo na abot tenga ang mga ngiti. Walang nag sasalita at ang tanging tunog lang ng kubyertos at ang kanilang mabibigat na pag hinga ang naririnig. "Itay," napa tigil silang lahat ng mag salita si Erwin, pinanood nila ang magiging reaksyon ng kanyang ama. Uminom ang matanda ng tubig at binalingan si Erwin. Humigpit ang hawak ni Solen sa kubyertos. "Kailangan mo po ba ng katulong sa pang huhuli ng isda mamaya?" inosenteng tanong nya. Kadalasan kasi ay gabi nanghuhuli nang mga isda ang kanyang ama. Ang matigas na reaksyon ng ama kanina ay napalitan ng malambot. Umingay ang baritonong tawa ng matanda. Napa ngiti si Erwin. "Marunong kaba hijo?" tanong nito sa kanya. Kumunot ang nuo ni Erwin. "Hindi