Share

3. REMEMBER 1

Author: Sophia Sahara
last update Last Updated: 2022-12-26 14:51:57

Two years later...

Orvieto, Italy

YUMI

Ang bilin ni Sir Rex ay huwag na huwag kong iiwan ang anak niyang si Reign, na Reianna naman kapag sa mama niya. Kainis! Mabuti na lang at hindi nalilito ang bata sa magkaibang tawag ng mga magulang niya sa kaniya.

Tatlong taon pa lang si Reign at ang ganda-gandang bata. Kasingganda ng mama niya kasi sobrang ganda naman talaga ni Madam Julianna. Kagandahan na balewala kay Sir Rex kaya sorry na lang siya.

Pero naunawaan ko naman ang boss kong pogi, sadyang pangit kasi ang ugali ni Madam Julianna. Palasigaw iyon at nagiging malambing lang ang boses kapag nakikita si Sir Rex.

Kawawa rin, asawang naturingan pero kinukulang sa atensyon. Kadalasan papansin na lang.

Halatang-halata rin naman kasi na paimbabaw lang ang pagiging nanay niya kay Baby Reign, mabuti nga at hindi ko siya sinusumbong kay Sir Rex...

Paano naman kasi kapag nasa palasyo ng mga Agosti si Sir Rex ay kunwari hands-on mommy si madam, pero kapag wala na si Sir Rex ay puro utos lang din sa akin ang ginagawa at hindi na nga halos pansinin ang maganda kong alaga.

Pakiramdam ko nga rin ay si Sir Rex lang ang dahilan kaya kunwari mahal ni madam ang bata. Ewan ko lang kung totoo pero ang sabi noong kapapanganak ni Baby Reign ay inaalagaan naman ng maayos ni Madam Julianna pero nagbago at bigla na lang wala na itong panahon sa anak.

Siguro, kasi laging umaalis ng Italy si madam. Laging gumagala kung saan-saang bansa. Hindi siya modelo pero isa siyang fashion icon kaya kapag may mga fashion show ay naiimbitahan siya. Sikat si madam at maraming fans. Kahit mga sikat na fashion designers ay kaibigan niya.

Pero nakakatakot si madam kahit sobrang ganda. Nakakatakot ang mga tingin niya. At dahil ayaw kong mawalan ng trabaho kaya bahala na sila sa problema nila ni Sir Rex. Importante ay hindi ko mapabayaan ang alaga ko.

Ayoko lang magsalita ng kung ano-ano kaso... kaso pansin ko lang talaga na si Madam Julianna ay mukhang kulang sa aruga na ginagawa ang lahat para magpapansin kay Sir Rex. Sabagay... sa gwapo ba naman ni Sir Rex, tapos mukhang masarap pa, s'yempre naunawaan ko si madam.

Si Sir Rex naman kasi ay hindi ko rin maintindihan. Imbes na lambingin si madam ay mas gustong titigan lang ang babae sa painting na nasa office nito. Si Mirabella iyon, ex ni Sir Rex.

Maganda talaga si Madam Julianna pero si Mirabella... kahit hindi ko nakita 'yon ng personal ay grabe... Sobrang ganda rin.

Actually, walang laban si madam kung sa pagka-anghel na ganda ang labanan kay Mirabella. Sa pictures niya lang at painting ko siya nakita pero para siyang pinaghalong diwata at diyosa sa ganda.

Hindi ko man nakilala ng personal si Mirabella pero sabi ni Miss Izzy, na pinsan ni Sir Rex, ay sobrang bait daw no'n talaga. At kung gaano raw kaganda si Mira ay gano'n din ang ugali nito. And I defer conclude na sorry na lang talaga si Madam J... dahil sa pangit ng ugali niya ay talagang kahit maganda pa siya ay negative one hundred ang score niya kay Sir Rex.

"Yumi!"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Naputol tuloy ang pagmumuni-muni ko. Sino kayang istorbo ang...

Ay, ang crush ko pala! Si Alessandro!

"Sì? (Yes?)" kinikilig kong tanong nang palapit na siya. Ano kaya ang dahilan na tinatawag niya ako?

"Rex wants to talk to you," wika niya na parang robot. Sobrang gwapo nito eh pero mukhang ewan sa pagka-robot. Walang emosyon lagi makipag-usap.

"Dov'è il Signor Rex? (Where is Sir Rex?)" tanong ko. Sinadya kong mag-Italian kahit nag-i-English siya kasi gusto kong magpabida-bida. Baka naman mapansin niya na ako at matuto naman siyang ngumiti.

"Rex is in his study," Alessandro informed me then left me. Gano'n lang. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Ano bang problema nito at kung ano ang ugali ni Sir Rex ay parang ginagaya rin?

Pero nakikita ko naman siya na nakikipagtawanan kina Giovanni, Stefano, Leandro at Flavio. Kahit naman kay Lorraine na pareho kong Pilipina ay maayos siyang nakikipag-usap, pero sa akin... why it seems they... they don't trust me? Weird...

Hindi ko na siya inintindi at tinungo ko na ang study ni Sir Rex. Si Reign ay kinuha ni Miss Izzy at Miss Greta sa akin kanina kaya okay lang iyon. Nahihiya rin ako na binabantayan ang bata kapag kasama si Miss Izzy, baka isipin na atribida na ako masyado. Tita ni Reign si Izzy at wala akong K magbida-bida sa harap nila.

Nasa tapat na ako ng pinto ng study ni Sir Rex nang kabahan akong bigla. Baka galit pala kasi nakita na iniwan ko si Baby Reign kay Miss Izzy!

Hala...

Pero baka hindi naman 'yon ang dahilan. Nakakakaba naman kasi. Ayoko mawalan ng trabaho sa kanila at mababait sina Miss Izzy at Miss Greta sa akin. Mabait din si Sir Rex kahit bihira lang akong tingnan.

Masyado kasing suplado ang boss ko. Nakakatakot kung makatingin kapag nakikipag-usap sa akin. Hindi ko alam pero iyon ang pakiramdam ko. Sa tuwing kinakausap niya ako ay parang may gusto siyang malaman, parang mas inoobserbahan niya ako kaysa kausapin.

Si Sir Rex ang kumuha sa akin sa agency para magtrabaho bilang nanny ni Baby Reign. He was the one actually who introduced me to his wife, na hindi niya mahal kasi mahal niya ay ang ex niya.

Super yaman ang boss ko. Kahit si Madam J ay sobrang yaman din. Pareho silang bigtime na hindi ko alam if mag-asawa ba talaga o nag-sex lang at nabuo si Reign. Ay, ewan! Basta pareho silang may mga negosyo. Hindi ko na gustong alamin kung ano at hindi ko trabaho ang umusisa, ang trabaho ko ay alagaan ang nag-iisa nilang anak. Sarili ko nga lang ang katsismisan ko lagi.

At paano ba ako napunta rito kina Sir Rex?

Ang sagot ay siguro kasi sinwerte ako. Ganito kasi...

Hindi ko alam kung swerte ko ba ang araw na 'yon pero alam kong 'yon na nga ang naganap. Wala pa kasi isang oras pagkatapos ko manggaling sa agency ay tinawagan na nila ako agad. Sinabihan akong mag-report sa opisina nila ulit. Iyon na, kasunod ay nakaharap ko na si Flavio, na akala ko pa noong una ay ang magiging boss ko pero hindi pala. Si Sir Rex pala. Tauhan lang pala si Flavio.

At pagkatapos ng araw na iyon ay dinala na ako sa mala-palasyong bahay ni Madam Julianna. Isang buwan lang ako roon at sunod ay sa mala-palasyong bahay na ni Sir Rex. Nag-away ang mag-asawa kaya kinuha kami ni Reign ni Sir Rex sa poder ni Madam Julianna. Gusto ko man magtaka bakit magkaiba ang bahay ni Sir Rex at Madam Julianna ay hindi na ako nagtanong. Gano'n siguro kasi pareho nga silang sobrang yaman.

Napakamot ako ng nasa pinto na ako ng study ni Sir Rex. Huminga muna ako ng malalim para makalma.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Kumatok na ako. 'Kaya mo 'yan, Mayumi!' I encouraged myself while smiling stupidly.

Bakit naman kasi nakakatakot talaga itong si Rex Pellegrini? Ang gwapo pa naman sana... crush ko nga sana noong una pero may asawa na at may Mirabella pa na lagi kong nakikitang tinititigan niya ang painting. Nakakaawa din sa part na patitig-titig siya sa mukha ng ex niya...

Alam ko na! Iyon yata ang dahilan kaya masungit lagi. Masyado niyang ininda pagkawala ni Mirabella niya. Namatay raw kasi sa pagsabog ng eroplano na sinasakyan si Mirabella kasama pa ang anak nila. Iyon ang sabi ni Miss Izzy. Hindi naman ako tsismosa, sadyang nakwento lang sa akin.

Kakatok pa sana ako ulit nang biglang binuksan ni Sir Rex ang pinto at nagulat ako na biglang napayuko dahil muntik akong masubsob sa kaniya.

Shit! Nakakahiya!

"Pasok."

Nanlaki ang mga mata ko sa pagta-Tagalog niya. Si Sir Rex kasi ay bihira lang mag-Tagalog. Ano kayang mayro'n? Baka happy siya today.

Sumunod ako sa kaniya at napatingin agad ang mga mata ko sa painting ni Mirabella na nasa likod ng swivel chair ni Sir Rex. Sana all maganda kagaya ni Mirabella... At ang mga mata niyang maaamo ay nakakahalina... parang dinadala ako sa ibang dimension kapag tinititigan ko siya... Parang-

"Mayumi!"

Napapitlag ako sa medyo nakakagulat na pagbanggit ni Sir Rex sa pangalan ko. Ano bang problema nito at nanggugulat? Teka...hala... baka may kasalanan nga ako... Baka nalaman niya na pinapapak ko ang gatas ng anak niya...

"S-sir?!"

"I am talking to you about something important, and you are not listening!"

Napalunok ako, sinulyapan ko na naman ang larawan ni Mirabella. Nakakainis ang ganda ng babae na ito at parang natotomboy na ako, tapos mapapagalitan pa ako ng lalaking baliw na baliw sa kaniya at hindi maka-move on na deads na siya.

"Stop staring at her!"

Napatingin ako kay Sir Rex. Seloso naman masyado... lagay-lagay niya rito sa office niya tapos bawal tingnan? Ano na rin?!

"S-sorry po. Bawal po pala."

Napabuga ng hangin si Sir Rex. Badtrip? Gatas lang naman iyong pinapak ko.

"I wanna know if you remember this man..." He showed me a photo of a gorgeous man.

"Ay, ang gwapo!" Kinuha ko ang picture. "Sino 'to?!" nakangiti na tanong ko habang nakatitig sa mukha ng lalaki sa picture.

Gwapo talaga... Sobra... I smiled. Wala bang hindi gwapo sa mga kakilala ni Sir Rex? Kahit mga tauhan niya ay ang popogi eh.

"Titigan mo at baka may maalala ka."

Ginawa ko naman ang sinabi niya at tinitigan ko ang lalaki sa larawan. Napailing ako dahil wala akong maalala, pero dahil sobrang gwapo ng lalaki... at parang ang sarap yakapin, amuyin, halikan at mahalin, ay tinitigan ko pa rin.

"Ano? May naalala ka?"

Napatingin ako kay Sir Rex na istorbo sa pagtitig ko sa lalaki. Umiling ako at ibinalik sa lalaki sa picture ang mga mata ko.

"Are you sure?"

"Yes, sir."

Sir Rex sighed. "Where were you two years ago?" he asked me with his stern look.

A creased form in my forehead. Bigla akong natigilan sa tanong niya. Two years ago? Nasaan ba ako noon?

I tried my best to remember pero wala akong maalala. Hindi ko naman pwedeng sabihin na wala akong maalala at baka isipin ni Sir Rex na may sikreto ako sa buhay.

"I was... I was working..." butil-butil na ang pawis ko sa kakaisip ng sasabihin ko dahil wala talaga akong maidahilan. "Yes! I was working in the market!"

"Where?"

Muli akong napalunok. Saan ba ako two years ago kasi? Sigurado na nagtatrabaho ako two years ago dahil hindi na ako menor de edad sa mga panahon na iyon pero kung ano ang trabaho at saan ang hindi ko maalala.

Ang huli kong natatandaan ay nagising ako sa isang ospital at wala akong maalala maliban sa pangalan na Mayumi Lumacad. Kung bakit iyon ang nasa isip ko at ang petsa ng kapanganakan ko ay hindi ko na alam.

Ang sabi ng doktor na kausap ko nang magising ako, ay nadala ako sa ospital na iyon na may mga tama ng bala at himalang buhay pa ako. Marami akong mga sugat sa katawan na parang nagmula sa mga patalim. May malaki rin akong bukol sa ulo nang matagpuan ako na halatang may pumukpok sa ulo ko.

Nang alamin sa akin kung ano ang nangyari ay iling lang ang isinagot ko. Wala akong maalala. Nang tanungin ang pangalan ko at ibang detalye ay sinabi ko lang kung ano ang natatanging natatandaan ng utak ko.

"Wisconsin. I was working in Wisconsin at that time, sir." I am not lying dahil sa Wisconsin talaga ako nagkamalay. Kung paano akong napunta sa Italy ay dahil nang magkamalay ako ay may kumuha sa akin sa ospital at nagpakilala na kapatid ko.

My instinct told me na hindi ko siya kapatid pero napilitan akong sumama dahil wala akong maalala. Nang malaman ko na sa Pilipinas niya ako dadalhin ay hindi ko alam kung paano kong nagawa pero... tumakas ako.

Hindi ko rin alam kung bakit ayokong pumunta sa Pilipinas kagaya ng sabi niya. Marunong ako mag-Tagalog at kumbinsido ako na Pilipina ako, pero siguradong may rason kaya natakot ako at tinakasan siya.

Pagtakas na naisip kong pumunta sa Italian embassy at doon magpatulong. Nagpanggap ako na Italian at naaksidente kaya wala akong maalala. Nagdrama ako na kailangan kong bumalik sa bansang pinagmulan ko.

Hindi ko alam paano ko sila nakumbinsi pero nagawa ko. Siguro kasi marunong akong mag-Italian at fluent ako. Nagawa ko rin sabihin ang lugar kung saan ako nagmula. Orvieto. Ang lugar na sabi ko ay kinalakihan ko.

"Wisconsin?" tanong ni Sir Rex na nagbalik sa kaniya ng atensyon ko. "You remember Wisconsin, but you can't remember him?"

Umiling ako. Hindi ko talaga kilala ang lalaki na nasa larawan. Teka! Napatingin ako kay Sir Rex at parang may biglang pumasok na kung ano sa isip ko...

"Parang naalala ko na siya... parang..." pabulong kong sabi.

Sir Rex didn't say anything, hinihintay niya ang kasunod kong sasabihin. Then...

"Oh, fuck! He's hot!"

Nanlaki ang mga mata ko. Oo, sinabi ko iyon at may gwapong lalaki akong tinitingnan sa telescope na hawak ko. Medyo blurred ang alaala ko pero parang kamukha ng lalaki na iyon ang lalaki na narito sa larawan.

"Naalala mo na?"

Umiling ako. Tumango. Umiling ulit. Tumango na naman. Naguguluhan ako.

"Do you remember him or not, Mayumi?!" parang galit na tanong ni Sir Rex na nagpapitlag na naman sa akin. Ang sungit talaga nito... Tsk!

"Asawa ko yata." Kumakamot sa leeg na sagot ko.

"What the-?!" Sir Rex frowned at me.

I smiled sheepishly. Hindi ko maalala ang lalaki pero may naalala ako na may binabasa ako na may nakasulat na husband, kaya naisip ko na baka asawa ko pero bakit parang ayaw maniwala ni Sir Rex. Tatanong-tanong tapos nagbibigay ako posibleng sagot ay nagagalit.

"Is he not my husband, sir?" I asked. Sana sabihin niya na asawa ko at hahanapin ko talaga agad. Sayang ang kagwapuhan nito kung hindi ko mapakinabangan.

"He is not your husband!" yamot na sabi ni Sir Rex.

Ahw, hindi pala. Sayang naman!

Napakamot na lang ako sa leeg ko ulit. Dismayado.

"He's a Brazilian, cousin of my associates. His name is Isid-"

"Ice!" bigla kong sabi. "I remember him now, Sir Rex. His name is Ice!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Sophia Sahara
Yes. Magkakaroon yan dito sa GN.
goodnovel comment avatar
Rodelyn Quirante
ms.A may kwento rin ba si rex at mirabella?
goodnovel comment avatar
Rodelyn Quirante
dito mo rin pala mababasa ang ibang character tulad nila rex at julianna. cguro madami pa sila magkakaugnay pala sila kaya pala lumalabas sa story ni trace itong mga character. maganda tlagang mabasa mo lahat ng story para walang mamiss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 39. INFORM 2

    ICE “Iniisip mo?” tanong ni Yumi sa akin habang nagda-drive ako papuntang ospital ni Jake para kitain namin si River. “Hmm?” Inilapit niya ang kamay sa tainga ko at kasunod ay hinila-hila niya ang earlobe ko. “Ikaw,” I answered. Hindi ko siya nilingon dahil nakatutok ang mga mata ko sa kalsadang liko-liko. “Ako?” ani Yumi at natawa. “Are we going to be cheesy again, Yelo?” She then poked me in the waist with her finger. “Oo, ikaw.” Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa bibig para dampian ng halik. “Ikaw ang iniisip ko, mi esperanca. Lagi naman ikaw kaya dapat alam mo na ‘yan.” Yumi giggled in amusement. “Zigzag ang daan, Yelo…” usal niya. “Are you saying na naiisip mo ako habang nakatitig ka sa kalsada? Kinukumpara mo ba ako sa kumplikado ng daan dito?” “Mas kumplikado ka pa sa zigzag na daan, Yumi. But you know I love complications. Basta ikaw.” “That’s really cheesy, Yelo.” Natawang piniga ni Yumi ang pisngi ko. “Anyway, looking at the zigzag road… What’s wrong with Trace? P

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 38. INFORM 1

    YUMI“Mommy!” tawag ni Courtney sa akin at mabilis na lumapit. Iniwan niya ang mga kapatid kalaro ang tatlong anak ni Trace. Nasa garden ng Doze’s Palace kami. Katatapos ng lunch ng tumawag sa akin si Izzy, nangangamusta. We did videocall at kaya ako napunta sa garden ay para mapakita ko kay Aleya ang mga ‘pusa’ ni Trace. Tuwang-tuwa si Aleya kaya naisip kong imbitahan sila rito sa isla sa susunod, especially dito sa Doze’s Palace. I will just asked Trace and Chloe’s permission at kapag pumayag ay yayayain ko talaga ang mag-inang Izzy at Aleya. Back to the day after malaman ni Ice na anak niya si Yara, hindi na siya pumayag na hindi kami madala rito sa isla ng Foedus. Hindi naman kami naisama ni Ice agad, tinapos muna ang blood transfusion na kailangan ni Yara at siniguradong okay na siya bago kami lumabas ng ospital. At two days lang pagdating namin dito sa isla ay dumating din sina Trace at Chloe. Kasama ng mag-asawa ang tatlo nilang anak. Dahil nasabi sa akin ni Ice ang nangyari

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 37. WRATH 3

    ICEI got all their attention, but my eyes went to Yara… there she was, sleeping serenely… so beautiful, so fragile. At ang magaling na Pellegrini ay nasa isip agad na mapapangasawa ng anak niya ang anak ko? Nakakagago ang tarantadong ‘yon!“Papa!” Ebony and Ivory duetly greeted me. Nilapitan ko sila. Kinausap. Idinaan sa pabirong pagsita ang kunwaring inis ko sa kanila na sumama sila sa mama nila at nakipagsabwatan. Then, I looked at Courtney… kahit siya ay kunwari sinimplehan kong pagsabihan. Only Axel and Anghel didn’t say anything. Pareho lang silang pinaglilipat-lipat ang tingin sa amin ng mama nila. The two from the moment I found them were still the same with their ways. Pareho pa ring nag-oobserba sa paligid palagi ang ginagawa dahil iyon ang bagay na kinalakihan nila kay Cent. In fact, iyon ang itinuro talaga ni Cent sa kanila, ang matuto silang mag-obserba para hindi sila mapahamak kay Louisianna. Kaya kahit matagal nang wala si Louisianna ay dala-dala pa rin nila ang ug

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 36. WRATH 2

    ICE“Sir, are you okay?” muling tanong ng nurse. Nagtatakang nakatingin sa akin dahil natulala na ako.And who wouldn’t? Sa daming kalokohan ni Mayumi ay dapat hindi na ako magtaka pa sa panibagong sikreto na itinago niya sa akin. Pero iba ito? Ninakaw niya ulit ang pagkakataon kong makasama siya habang nagdadalang-tao siya sa anak ko. At ang masakit… pinaniwala niya akong kay Fumagalli si Yara unang beses ko pa lang nalaman ang tungkol dito.“Sir?” muling kausap ng nurse sa akin. I nodded. I gaped. “Thank you.” Sa wakas ay nasabi ko. I sighed heavily and looked at the nurse’s face. I smiled at her. “May I know kung saan ang room ni Ya—” I stopped and clicked my tongue. “I mean… saan ang roon ni Ysidra Ferreira?”I saw hesitation in the nurse’s eyes. Nasa mga mata niya rin ang katanungan kung bakit ko gustong malaman ang kuwarto ni Ysidra Ferreira ay kanina ibang pangalan nga naman ang hinahanap ko. “Sir…” the nurse said awkwardly. Umiling siya. Nag-aalangan ibigay sa akin ang numero

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 35. WRATH 1

    YUMI“See you later, Izzy…” paalam ko sa kausap sa telepono habang inaayos ang mga dadalhin kong mga gamit ni Yara. Ang sabi ni Izzy wala pang nahahanap na kapareho ng blood type ni Yara kaya gusto kong kabahan. AB negative si Yara at ang pareho niya ng blood type ay ang quadruplets pero hindi naman pwede ang mga ito mag-donate.I needed to look for some donor at kung kailangan ko ipa-hack lahat ng computer system ng mga ospital sa buong mundo ay gagawin ko para lang masigurado na makakahanap ako ng pwedeng donor para kay Yara. I could ask Ice to help me pero para ko na ring inamin sa kaniya na siya ang tunay na ama ni Yara. Not now. Malapit na matapos ang problema ni Gigi. Once okay na ang lagay ni Gigi sa La Falange ay magagawa ko na rin magpaalam sa kaniya. I could no longer use Gigi. Unfair iyon sa kaniya. At kahit pa paulit-ulit niyang sabihin na tanggap niya ang kung anong kaya kong isukli sa pagmamahal niya ay mali pa rin paasahin ko siya. “Everything Gucci?” tanong ni Court

  • ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)   (S3) 34. SMILE 2

    ICEThree. Two. One. Time’s up. I’m done with my count down.“Tara,” aya ko kina Leviticus at Exodus. Lumakad na kaming tatlo papunta sa chopper na sasakyan namin pabalik ng Manila.“Saan tayo?” tanong ni Levi na nanalo sa rock, paper, scissors game nilang dalawa ni Exo kanina. Ang pustahan nila ay kung sino ang nanalo ay siyang magpipiloto. “Bulacan. Sa mansion ni Alguien,” sagot ko. Mas okay na doon kami dumiretso para makausap ko pa si Trace bago ko sugurin si Mayumi.“Call Gen, Exo!” malakas ang boses na utos ni Leviticus sa kambal dahil naka-aviation headset na ito at umandar na rin ang elisi ng helicopter. “Sabihin mo sa Bulacan na niya tayo kitain at kailangan natin makabalik agad. Sabi ni Paige ay paalis siya bukas papuntang Paris kaya samantalahin natin na sa atin iiwan ang Big 3.”“Kailangan magpaalam muna tayo kay Alguien,” tugon ni Exodus. “At alam mong OA ‘yon, kailangan personal ang paalam. Hindi rin ‘yon basta maniniwala na iiwan sa atin ang Big 3 kaya kailangan kumbin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status