Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
Lihat lebih banyakTHIRD PERSON’S POINT OF VIEW
“How’s the burial of Richard? Marami pa rin ba ang mga pulis?” agad na tanong ni Vito kay Mike pagkarating nito sa kanilang hide out. “Naka-alis na sila, wala silang nakuhang lead ng pagkamatay ni Richard. Tama lamang na hinulog natin sa tulay ang kotse niya para mabura ang bakas ng pagpapahirap natin sa kanya.” Imporma ni Mike na kagagaling lang sa burol. “Good, mabuti naman kung ganun. Alam kong malinis ang mga tauhan natin na magtrabaho. Nahanap mo na ba yung lalaking nagsumbong at nakakita ng pag-hulog niyo sa car ni Richard sa tulay?” usisa ni Vito habang humihithit buga ng sigarilyo. "Hindi na namin siya nahanap dahil pagkarating namin sa police station ay pinaalis na nila ito. Pero for sure doon lang din ito nakatira. Kaya ipapahanap ko na rin siya—” “No need, hindi naman siya treat sa atin. Mabuti pa i-despose mo na rin ang kotse na ginamit niyo baka may iba pang nakakita. Sa ngayon wala na tayong problema. Puwede na tayong makabalik sa mahahalagang shipment natin.” Tumayo si Vito at nagbukas ng takip ng alak sa bote upang magsalin sa dalawang baso. Inabot niya kay Mike ang isa at nag-cheers silang dalawa. “Pero may problema tayo, Vito.” pahabol nito na ikinatigil sa pag-inom niya. “Ano yun? Is it serious?” seryosong tanong niya dahil parang nag-aalangan itong sabihin sa kanya ang problema. “May anak si Richard, at kakauwi lang nito kanina.” Imporma sa kanya. “Is that a problem for you? Then kill her too, para magkita na sila ng kanyang ama sa kabilang buhay.” Inisang lagok ni Vito ang alak sa baso niya at nagsalin ulit. “Kailangan pa ba natin siyang patayin? Inosente siya at nakaganti ka na diba—” Umalingaw-ngaw ang basag na bote ng alak matapos na ibagsak ito ni Vito sa glass table. “Nakalimutan mo na ba?! Nakalimutan mo na ba kung bakit ako naghihiganti sa hayop na yun? Wala akong paki-alam kung inosente ang anak niya! Inosente din ako nang kunin sa akin ni Richard ang mga magulang at kapatid ko. Pati si Mayla dinamay ng hayop na yun! Kung tutuusin kulang pa ang buhay niyang kabayaran! Dapat nga magpasalamat pa siya sa akin kapag nakita niya ako sa kabilang buhay dahil hindi mararanasan ng anak niya ang naranasan ko ten years ago!” Igting ang pangang sigaw ni Vito sa kanya. “Pero Vito—” “Ako ang gagawa kung hindi mo kaya, bukas ng libing ni Richard ako mismo ang kikitil sa buhay ng anak niya.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay tinalikuran na niya ito. Kinabukasan ay nasa sementeryo na si Vito at inaabangan ang pagdating ng ililibing. Plano niyang ngayon isagawa ang paghihiganti. Lulan siya ng mamahaling sasakyan at malapit lang siya sa hukay kung saan niya makikita ang paglilibing sa kanyang mortal na kaaway at naging dahilan ng lahat ng kanyang pagdurusa sa buhay. Nang matanaw niya ang paparating na karo ay inip niyang inantay ang pagdaan ng sinasabi ni Mike. Hangang sa makita niya ang isang babaeng hangang beywang at straight na buhok. Nakaputi at may ribbon na black sa braso nito. Naka-shades at inaalalayan ng dalawang may edad na babae. Nakahawak ito sa likuran ng karo at walang tigil sa paghikbi. “Who’s she?” usisa ni Vito sa kanang kamay niyang si Mike. “She’s the daughter of Richard Torres. Siya si Ambria Torres, nag-aral siya sa Europe at kaka-graduate lang niya ng high school. She’s sixteen years old. Nang mabalitaan niya ang nangyari sa kanyang ama ay umuwi agad siya dito. Pero sa pagkaka-alam at nadinig ko mula sa tauhan natin sa burol. Bukas ng umaga din ay babalik na siya sa Europe at ipinaubaya na lamang niya sa mga pulis ang imbistigasyon.” Paliwanag ni Mike sa kanya. “Sixteen years old?” Napakuyom ng kamao si Vito at mariin siyang napapikit nang sumagi sa isip niya ang nangyari sa kanyang nobya na nagdadalang tao nang matagpuan niyang walang buhay dahil sa kagagawan ni Richard. Sumilay ang ngisi sa labi ni Vito. “Get her, I want her on my bed tomorrow night.” Seryosong sabi niya na ikina-awang ng labi ni Mike. "But Vito? She's blind!” angil ni Mike sa kanya. Napatingin siya sa babaeng nangangapa patungo sa kabaong ng kanyang ama at ibinuhos nito ang kanyang luha. “I don’t care, abduct here tomorrow at dalhin niyo siya sa hide out.” Determinadong sabi ni Vito sa kanya. Walang nagawa si Mike kundi sundin ang kaibigan niyang si Vito. Samantala, hindi matanggap ni Ambria ang pagkawala ng kanyang papa. Ibibigay pa man din sana niya ang kanyang medalya dahil nakuha niya ang mataas na parangal sa school na pinapasukan niya. Ngunit hindi na niya ito maibibigay pa dahil wala na ito at natagpuang walang buhay sa kanyang kotse na hinulog din sa malalim na tubig sa tulay. Binilinan pa siyang kahit na anong mangyari ay huwag siyang babalik sa bansa pero nang malaman niya mula sa kanyang dating kaibigan at kaklase ang pagkamatay ng kanyang ama ay hindi na siya nagdalawang isip na umuwi. Kinuha niya sa bulsa ang kanyang medal at inilagay sa kamay ng kanyang daddy. “D-dad, paano na ako? Nag-iisa na lamang ako…ano na ang gagawin ko? Hindi mo man lang natupad ang pangako mo sa akin na sa Europe na tayo titira kapag naging maganda ang performance ko sa school. Ginawa ko ang lahat dad para makuha ang medal na ito pero bakit hindi mo tinupad ang pangako mo?!” patuloy na paghagulgol ni Ambria habang kinakausap ang kanyang ama sa huling pagkakataon. Hanggang sa tuluyan nang ibaba ang kabaong ng kanyang ama ay wala pa ring tigil sa pagtulo ng kanyang luha. “Ambria! Ambria!” gising sa kanya ng kanilang kasambahay na si Fely dahil tuluyan nang nawalan ng malay si Ambria. Nang magising siya ay nasa hospital na siya. “Manang Fely? Anong nangyari?” Bumangon siya at napangiwi sa suero na nakatusok sa kanyang kamay. “Nahimatay ka kanina, nag-alala ako kaya dinala ka namin sa hospital.” Sagot nito. “Si dad? Kailangan kong makita si dad!” Nagmadali siyang bumaba pero pinigilan siya nito. “Nasara na ang libingan ng papa mo. Gabi na rin hija kaya di ka na puwedeng magpunta doon.” Mabilis na dumaloy ang kanyang luha sa kanyang pisngi. Simula ngayong araw wala na siyang tatawagan at amang lalambingin dahil kinuha na ng masasamang tao ang buhay ng kanyang ama. “A-Aling Fely, may iba po bang nakaka-alam na hindi ako bulag?” seryosong tanong niya sa kabila nang pagbaha ng kanyang mga luha. “Wala hija, ang alam nilang lahat ay bulag ka.” sagot nito. Pinahid niya ang kanyang luha at bumaling muli sa pinagkakatiwalaan niyang tao. “May sinabi sa akin si dad bago siya mawala, na kapag pinatay siya ay huwag na huwag akong uuwi dahil paniguradong manganganib din ang aking buhay. Kaya kailangan ko na pong makaalis ng bansa bukas ng madaling araw.” Wika ni Ambria. Alam niyang may taong galit sa kanyang ama pero hindi nito sinabi kung sino ang mga yun. Kaya habang wala pa siyang sapat na lakas para hanapin ang mga salarin na bigong mahuli ng mga pulis. Ay siya na mismo ang hahanap ng katarungan para sa kanyang pinakamamahal na ama sa tamang panahon.AMBRIA “Welcome home!!!” salubong sa amin nila Manang Fely at ni Inday. Kakarating lang namin mula France kaya medyo lutang pa talaga ako. Pero kahit paano nabawasan ang pagod ko nang makita ko sila ulit. Ang dating taga-silbi ni daddy. Sinuklian ko ng yakap ang pagsalubong nila sa akin. Ayoko na kasing kumuha pa ng panibagong kasama sa bahay dahil gusto kong sila pa rin ang magsisilbi sa akin kagaya ng pagsisilbi nila sa aking ama noon. “Hindi ako makapaniwalang, bumalik ka para kunin kamin ulit. Ang laki na nang pinagbago mo hija, mas maganda ka na ngayon at mas matangkad!” papuri niya sa akin.“Salamat po, pero nagugutom na kasi ako—”“Tamang-tama naghanda na kami ng makakain niyo. Tara sa kusina!" akay niya sa akin. Sabay-sabay naming pinagsaluhan ang masaganang hinanda nila sa aming pagbalik. Halos wala na ngang paglagyan ang tiyan ko sa kabusugan. Nagkuwentuhan din kami ng naging buhay ko sa Europe, mga lugar na pinuntahan ko yung mga naging training ko as Psychological
VITO“Sinigurado mo bang nakasakay siya sa eroplano bago ka umalis?” Usisa ko kay Mike nang nakabalik ito sa mansyon. Naupo ito sa tapat ko at matagal niya akong tinignan kaya nilapag ko ang tablet na hawak ko at sumandal ako sa swivel chair. “Why you look at me like that? Hindi ka pa rin ba makapaniwala na pinalaya ko si Ambria?” Napabuntong hininga siya at sumandal din sa upuan. “I don’t know, hindi ko mabasa ang isip mo, Vito. I’m just wondering kung bakit mo siya pinaalis samantalang alam ko naman na may pagtingin ka sa kan—”“Cut the crap, Mike. Na-realize ko lang na mas dapat hindi ko siya pakasalan dahil sa ginawa ng kanyang ama sa aking mga magulang at kay Myla.”Umiling siya sa akin at tumayo. Nagsalin ng alak sa dalawang baso at inabot sa akin ang isa. “Hindi yun ang tingin ko, natatakot ka lang na baka hindi mo mapigilan ang sarili mo na mahulog sa kanya kaya mo siya pinaalis na lamang.” Ako naman ang napasinghap at buntong hininga sa sinabi niya. Kahit ano talagang ga
AMBRIAMabigat pa ang talukap ko nang magising ako sa pamilyar na kuwarto. Ngunit mas nagulat ako nang makita ko si Vito nakaupo sa sofa na nasa tapat ng kuwarto ko. Napabalikwas ako ng bangon at ini-akap sa sarili ang makapal na comforter ng kama. “Mabuti gising ka na…magpapahain na ako ng pagkain.” Sambit niya sa malamig na tinig. “Hindi mo ako papatayin? Tumakas ako hindi ba? Si Ace? Pinatay mo na rin ba siya?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Bakit? Gusto mo pa rin bang tumakas kasama siya kahit muntik ka na niyang halayin?” Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa kubo. Kung hindi sila dumating baka nagtagumpay na si Ace sa masamang balak niya. At paniguradong tinapos na rin niya ang buhay nito dahil nagawa niya akong bawiin ulit kay Ace. “Anong plano mo ngayon sa akin? Nasisiguro mo ba na hindi nga ako nagalaw ni Ace?” Hindi nakaligtas sa akin ang pagalaw ng kanyang panga. “It doesn’t matter anymore, I have my ways to proved it.” Wika niya sa akin. Kinuha nya ang ph
VITO“Malayo pa ba?” inip na tanong ko sa kanila. Halos dalawang oras na kaming nasa byahe, until now hindi pa rin kami nakakarating sa sinasabi nilang resort.“Malapit na tayo, Vito. Huwag kang mainip. Tama lang na by land tayo pumunta doon dahil kapag gumamit tayo ng chopper baka mas mahirapan tayong ma-corner sila.” Wika ni Mike. “By land or air, I don’t care. All I want is to see that bloody face of Ace and take it back, Ambria.” Walang emosyon na sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga nadadaanan naming kasukalan.”Tumunog ang phone ko at sinagot ko ang tawag ni Lexy. “What happen?”“Pabalik na ako sa mansyon, dala ang importanteng black book ni Richard.” Narinig kong sambit niya. “Black book?” usisa ko na pati Mike at Raul ay napatingin sa akin. “Oo, lahat ng mga illegal transaction ni Richard ay nandito at maraming involved na personalidad. Bukod doon may nakita din akong pangalan ng isang sikat na cargo shipping lines. Hindi ko mabasa dahil naka-code at chinese ang sula
AMBRIAHindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Basta malayo kami sa siudad at matatarik na daan ang tinatahak ng sasakyan namin. Tumigil din kami sa isang drugstore kanina upang bumili ng gamot na panghupa sa sugat ni Kuya Ace. “Kumusta ang pakiramdam mo?” usisa ko sa kanya nang dalawin ko siya sa kanyang kubo. Nasa isang malaking resort kami sa gitna ng bundok. Tahimik, may mga pailan-ilan na bisita at bukod sa tatlong malalaking swimming pool may ilog din doon sa bandang itaas ng resort. Kubo din ang cottage kaya masarap sa pakiramdam at nakakahinga ako ng maluwag kaysa sa city dahil malago ang mga puno sa buong paligid. “Mabuti naman ako, Ms, Ambria. Salamat sa pagtulong mo sa akin.” Sagot nya. Naupo ako sa kawayan na upuan nasa tapat ng papag niyang may kutson na hinihigaan para makapag-pahinga na din siya. “Ako nga dapat ang magpasalamat sa’yo dahil pumayag kang isama ako. Alam kong labas na ako sa obligasyon mo at lalong mas mapanganib pa sa inyo dahil hinahanap din ako ni Vit
VITO“Boss, nakatakas si Ace at kasama niya si Ms. Ambria—”“FVCK!!!” umalingawngaw ang malakas na mura ko sa narinig kong sinabi ng isa sa mga tauhan kong nakaligtas sa pinagbantay ni Mike sa bahay nila Ambria. “Sorry boss—”“Vito—huwag!” harang sa akin ni Mike nang tutukan ko ng baril ang tauhan kong nakaluhod ngayon sa harapan ko. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Mike. “It’s all your fault! Naging kampante kayo sa babaeng yun! At kasama niya ngayon si Ace! Ang lalaking matagal ko nang gustong ibaon sa lupa!” igting ang panga na sigaw ko sa kanya. “Alam ko, alam kong kasalanan ko. Kaya kung gusto mo siyang tapusin unahin mo na ako! Alam mong si Ambria lang ang hinahanap natin dahil akala natin naka-alis na ng bansa si Ace hindi ba? Kaya nga kulang anmg puwersa natin at natakasan tayo ng hayop na yun. Kaya hindi niya din kasalanan at lalong hindi mo dapat siya patayin.” sagot niya sa akin. Suminghap ako at napasabunot sa sarili. Kinalma ko ang sarili at inabot ko sa k
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen