Pagkatapos ng opening ng MC Airlines at press conference ay agad na umalis si, Andres. Panay ang ring ng kanyang cellphone, ngunit hindi niya iyon pinansin. He went straight to the hospital, sa hospital kung saan naka-confine ang kanyang ama.His father has been in a coma for three years now. Pagkatapos nito malaman ang totoong nangyari sa kanya at Serenity, at malaman ang tunay na pagkatao ni Destiny, ay inatake ito sa puso. His father fell on the hard floor which caused him a brain injury.Ang natamo ng ama na brain injury ay ang dahilan ng pagka-coma nito. Walang araw na hindi niya sinisisi ang sarili sa nangyari. Labag sa loob ng kanyang ama ang pagpapakasal niya noon kay Destiny na inakala niyang si Serenity, ngunit wala itong nagawa kundi ang supurtahan siya. Nagkaroon ng samaan ng loob ang kanyang ama at nag-iisang kapatid nito na si Tita Luisa, dahil sa kanya. His parents were against his marriage seven years ago, but they didn't have a choice but to agree with his marriage.
“Mama, tawagan natin sa cellphone mo si Dada,” muling wika ni Amihan.“Hindi natin matatawagan si, Dada, Amihan baka nasa plane pa si Dada at walang signal. Diba Mama?” si Amaya.“Miss ko na si, Dada!” Ani Amaya na hindi maitago ang lungkot sa tinig.Napapangiti siya habang nakikinig sa mga anak. Tinapunan niya ng tingin si Red, maging ito ay hindi maitago ang matinding galak sa mukha. “Si Amaya ba namis din si Dada?” si Red. Sabay na napalingon sa likurang ang mga bata. “Dada!” Magkasabay na sigaw ng mga ito. Nag-unahan ang mga itong tumungo sa kabilang side ng pool. Natawa siya ng makitang nataranta si Red sa kung sino sa kambal ang unahing ahunin sa pool. Sa huli ay sabay na inabot ni Red ang mga braso sa dalawa at sabay na inahon ang kambal.“Dada, Dada!” magkasabay na sambit ng dalawa. Tumutulo pa ang tubig mula sa katawan ng mga ito. “I miss the two of you, so much! Sobrang miss na miss kayo ni Dada!” sabay na niyakap ni Red ang mga bata at hinalikan ang mga ito sa noo at ma
Mama, sasakay ba tayo ng plane?” Si Amihan. “Oo, anak.” Maikling tugon ni Destiny sa anak. Nasa General santos city airport na sila. Kasama sina Red at Greg maging ang tiya Rina. Si Riza ang tanging naiwan sa resort. Susunod ito pagkatapos ng pasukan.“Yehey! Makakasama na natin lagi si Dada, Mama!” si Amaya.Ginulo ni Red ang buhok ni Amaya at ngumiti. Kapagkuwan ay tumitig ito sa kanya. Inabot nito ang kanyang palad at pinisil. It was Red's way of telling her that everything would be fine.Ngunit kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na magiging maayos ang lahat ay hindi niya pa rin magawang ikalma ang sarili. Iniisip niya pa lang na babalik siya ng Maynila kasama ang mga anak ay naghahatid na iyon sa kanya ng matinding pangamba at nagdudulot ng ibayong kaba.Pakiramdam niya ay tila gumagawa ang tadhana ng paraan upang magkita ang kanyang mag-ama. Iniisip niya pa lang na makikita muli si Andres ay nanlalamig na siya.Ngunit ang pangamba at kaba ay pilit niyang nilalabanan
Mula sa kinatatayuan ay kita-kitang niya kung ano ang tinitigan ng anak. It was the image of a man, that caused her many sleepless nights. Andres was wearing a tuxedo in the picture, he had this prominent look that always screamed in dominance. Ang kulay asul nitong mga mata ay tila nakikipag titigan ito kay Amaya.Her heart suddenly pounded. “Amihan, a-anong ginagawa mo?” Hindi niya napigilan ang mautal.“Mama, wala po. Tinitingnan ko lang ang mga picture sa libro.” Tukoy nito sa may kakapalan na magazine.‘Anak papa mo iyang nasa picture, siya ang papa ninyo ni Amaya!’Ngunit ang salitang iyon ay nasa isip niya lang at hindi magawang isatinig.—-----------------“Ate, Destiny!” Napalingon siya sa bungad ng pangunahing pinto. Nasa harden siya at nag didilig ng mga halaman. Nakakahiya naman kasi na walang ginagawa. “Dianna.” “Ate, pwede ko po ba dalhin sa malapit na mall ang mga bata? Gusto ko sana silang ipasyal bago magsimula sa gamutan si Amihan.” Panandalian siyang natigil. G
Hinawakan ni Andres sa magkabilang balikat ang bata. “A-Ano ulit,” mariin siyang lumunok at ang puso niya ay nakakabingi ang tibok na pati boses niya ay tila hindi na niya naririnig. “A-Ano ulit ang p-pangalan ng mama mo?” tanong niyang muli sa mababang tuno sa nangangatal na tinig. “Destiny po, Destiny Constantino ang pangalan ng mama ko. Sige na po, tawagan nyo na po ang mama ko, parang awa nyo na po!” Nanginginig na inangat niya ang mga kamay at marahan na dumapo iyon sa magkabilang pisngi ng bata. Kinulong niya sa mga palad ang mukha ng bata at matamang pinagmasdan ang kabuuan ng mukha nito. Gamit ang kanyang mga hinlalaki ay pinahid niya ang mga luha nitong lumandas sa magkabilang pisngi. “Pwede ba malaman kung ano ang pangalan mo?” Kanina pa niya alam ang pangalan ng bata ngunit pakiramdam niya ay hindi pa sapat iyon. He wanted to hear it from the child. Sana hindi lang guni-guni ang lahat. “Amaya po, ang pangalan ko, at Amihan naman po ang pangalan ng kapatid ko,” s
It was too late to realize how much Destiny meant to him. It takes him seven damn years to realize he loves her, that he loves her as Destiny and not being Serenity.Tumalikod siya. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang ginawa dahil pakiramdam niya sa mga oras na ito ay hindi siya makahinga. Tila dinaganan ng malaking bato ang puso niya. Ang hirap huminga na sa bawat pintig ng puso niya ay kaakibat ang hapdi at sakit.“Destiny!” A familiar voice makes him turn his gaze to where the voice is coming from. ‘Red!’Piping sigaw ng isip niya. Anong ginagawa nito rito? Humahangos ito patakbo sa kinaroroonan ni Destiny. The next thing that happened made him even more furious. “Dada! Dada!” Kusang bumaba ang anak niya mula sa pagkandong ni Destiny at patakbo na sinalubong nito ang kanyang pinsan. “Dada, Dada!” yumakap ang anak niya kay Red at humagolhol ito sa balikat nito.“Amaya, Amaya!” Red hugged his child tight. Sa unang tingin ng kahit sino ay aakalain na ito ang ama ng kanyang
“Bitawan mo ako, Andres!”“No, no Destiny, mag-usap tayo. Huwag mo akong iwasan, please!”Naipikit ni Destiny ang mga mata. Being this close to Andres makes her heart feel uneasy even more. Mas lalo siyang nahihirapan huminga. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod na tila ilang sandali lang ay tuluyan na iyong bibigay. “Mag-usap tayo. Pero, please, bitawan mo ako.” Hinawakan niya ang mga braso nitong mahigpit na yumayakap sa kanyang bewang at mrahan iyong binaklas. Andres let go of her. Nang makawala mula sa pagyakap nito ay agad niyang binuksan ang pinto ng comfort room at pumasok. Sinara niya ang pinto at saka mabilis na umupo sa toilets seat. Sapo niya ng palad ang dibdib at hinilot iyon.Seven years had passed, ngunit ang epekto nito sa kanya ay nanatili. Nagagawa pa rin nitong baliwin ang tibòk ng puso niya, at tulad ng dati ay humihina ang depensa niya kahit sa simpleng yakap nito sa kanya. Ang init na nagmumula sa katawan nito, ang amoy at maging ang tinig ay nagpapahina ng kan
Muli ay niyakap siya nito ng mahigpit. Sa pagkakataon na ito ay sa dibdib niya ibinaon nito ang mukha. Sa wakas, tuluyan ng nawala ang lahat ng pangamba at bigat sa dibdib. The forgiveness she longed for the past seven years has been granted.“Tama na. Baka magising ang mga bata.” Medyo malakas kasi ang hagulhol nito. Nag-alala siya na baka biglang magising ang mga bata dahil sa ingay na likha ng kanilang mga pag-iyak.Marahan itong kumalas mula sa pagyakap sa kanya. Pinahiran nito ng kamay ang mga luha habang nanatili itong nakaluhod sa kanyang harapan. “Destiny,” tumingala ito sa kanya. Ang mga mata ay pulang-pula maging ang tungki ng ilong ay ganun din. “Please, allow me to make it up to you and the kids. Hayaan mong punan ko ang pagkukulang ko sa mga anak natin.” “Andres, hindi ko sila ipagkakait sayo. Ipagtatapat ko sa mga bata ang totoo. Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon,” huminga siya ng malalim at yumuko. “Marami ng nagbago. Maraming bagay ang dapat natin isaalang-alang