Share

Chapter 3

Auteur: Aquarius Pen
last update Dernière mise à jour: 2024-08-07 16:15:01

SINAPIT ni Leon ang on-call room ng hospital at agad natanaw sa loob ang kakambal niyang si Margarett. Nakaupo ang babae sa couch. Ang silid na iyon ay ginagamit ng mga doctor habang nasa break ang mga ito. May tatlong couch doon at bunkbed para sa staff na gustong mag-relax saglit.

Doctor ang kapatid niya pero nag-aaral din ito tungkol sa business dahil balak nitong magtayo ng sariling hospital. Bago ito nagtungo ng San Francisco noong isang taon naging resident doctor ito rito sa Standford Doctors PH.

"Leon!" natutuwang bulalas ng babae at tumayo, sinalubong siya. "Hindi ka umuwi sa mansion kagabi, hinintay kita." Agad itong tumingkayad at kinudlitan siya nang halik sa gilid ng labi.

"I have to pull an overtime at the office, how's work going on?" tanong niyang ngumiti ng bahagya. Kapag kasama niya ang kakambal, kailangan niyang mag-ingat sa mga kilos niya. Madali kasi siya nitong nababasa.

"My work is fine and I get along well with my colleagues there. Kung hindi mo sinabing emergency ang ipapagawa mo sa akin dito, hindi ako uuwi. But good thing you're able to send Lex as my stand-in."

"Para matuto naman ang isang iyon, wala nang ginawa rito kundi mambabae."

"At ikaw, good boy ka ba? Baka malaman ko na lang na may tinatago kang girl sa penthouse."

Napailing siya habang ito naman ay natatawa. Halos tumama na ang sinabi nito.

"Come on, tingnan natin kung ano iyang pabor na hihilingin mo." Kinaladkad siya ng kapatid palabas.

Sumakay sila ng elevator at bumaba sa food court ng hospital. Sa VIP section sila pumuwesto. Hindi na rin siya nagpapaligoy-ligoy. Pagkaupo ay nilapag niya sa mesa ang litrato ng isang pasyente. Binatang nasa edad biente anyos.

"He is staying at the executive suit right now."

Dinampot ni Margarett ang picture. "Ano'ng medical case niya?"

"Goodpasture syndrome, I will send his medical records later in your email."

"Name?"

"Larry Sanchez. He's just twenty years old, too young to be destroyed by his illness. Gusto kong gawin mo ang lahat para tulungan siya, Margarett."

"Hmn? And why are you so invested with this kid? Ngayon ka lang naging ganyan sa ibang tao. Mayroon ba akong hindi alam?"

Bumuga ng hangin si Leon at napahawak sa batok. Kailangan ba talaga niyang ikompisal sa kapatid niya pati ang feelings niya sa babaeng matagal na niyang itinatangi ng lihim?

"I need to know the specifics para malaman ko kung paano ko siya tutulungan, Leon. Now, tell me. What is the story behind this boy?" Hinawakan ni Margarett ang kaniyang kamay.

"You will know everything, eventually. But for the premise, there is someone important to him that is special to me as well. Iyan lang muna ang masasabi ko sa ngayon. Things will soon be unfolded, one by one, at the right time."

Matagal siyang tinitigan ng kapatid, nakaangat ang kanang kilay. Ganito ito kapag lalong na-intriga pero hindi naman kababakasan nang pagkairita ang anyo nito. Ibig sabihin, binibigyan nito ng konsiderasyon ang paliwanag niya.

"Is it a woman? Sabi ko na nga ba, may babae kang itinatago sa penthouse," may tukso sa tono ng boses nito.

Natawa siya. "You can check later if there is," hamon niya rito. Kahit pumunta pa ito sa secret room niya hindi rin naman ito makapapasok. Heavily guarded ang kuwartong iyon ng mga tauhan niya.

"How old are you, Leon? Twenty-nine and you haven't introduce a girlfriend to us."

"Malapit na, Margarett, huwag kang mainip."

"Really, laging patago iyang mga affair mo."

"Mga affair?" Umiling siya. Sa iisang babae lang naman siya nabaliw.

"Fine, I will see what I can do for this kid. Bibisitahin ko siya mamaya at kakausapin ko ang attending physician niya. Hindi ko pa naranasang humawak ng ganitong kaso kaya huwag kang umasa ng madaliang resulta."

Tumango siya. "Sounds fair to me. May tiwala naman ako sa iyo, alam kong may magagawa ka para sa pasyente."

"Wait, sagot mo ba ang doctor's f*e?" pabiro nitong tanong.

"Of course, I will deposit 1B for the doctor's f*e as soon as you start the treatment process." Kumindat siya.

"Ikaw na ang billionaire, mayabang!" Malambing siyang inirapan ng babae bago sinipat ang oras sa suot na relos. "I'll go ahead, i-me-meet ko pa ang hospital director sa office niya."

"Right, thank you, Margarett. I'll be home tonight after the dinner with some of the investors."

Hinatid niya hanggang elevator ang kapatid.

HINDI magkandaugaga si Larabelle sa mga dalahin. Bulaklak, basket na puno ng mga prutas, cake at ice cream, paper bag na naglalaman ng mga libro at bag na kinalalagyan ng mga damit ni Larry para sa susunod na linggo.

Hindi nakasama sa kaniya sina Louven at Larissa dahil may pasok sa eskwela ang dalawa kahit na Sabado. Hindi na rin siya pwede bukas dahil may pictorial siya at baka mag-overnight sila ni Myrna sa venue.

Nasa lobby na siya ng hospital nang mamataan niya si Kris. Kalalabas lamang nito ng elevator. Ano'ng ginagawa rito ng lalaki? May mahal sa buhay kaya itong naka-admit dito?

"Kris!" tawag niya sa lalaking sinalubong ng isa sa mga guwardiya at kinausap.

Bumaling sa gawi niya si Kris. May sinabi ito sa guard at naglakad papunta sa kaniya.

"Lara, bibisitahin mo si Larry?" tanong nitong kinuha sa kaniya ang mga dalahin.

"Oo, hindi kasi ako makapupunta bukas, may photo shoot tayo, di ba?"

Tumango ito. "Ihahatid na kita."

"Salamat. May na-ospital ka bang kamag-anak?"

"Wala," umiling ito pero hindi sinabi kung ano ang ipinunta nito roon.

Hindi na rin siya nangulit. Sa ilang taon na kasama niya ang binata bilang photographer niya, nakilala na niya ito kahit papaano. Pati mood nito. Masekreto itong tao.

Sumakay sila ng elevator na direktang naghatid sa kanila sa suite na kinaroroonan ni Larry. Tulog ang kapatid niya nang pumasok sila. Madalas nauubos ang lakas nito pagkatapos ng treatment session nito. Pagod na pagod tingnan ang mukha nito.

Kabilang sa treatment ni Larry ang Corticosteroids para mapatigil ang pagdurugo ng baga nito at Immunosuppressant drugs tulad ng cyclophosphamide, para pigilan ang immune system nitong atakehin ang sariling body tissues.

Lumapit siya sa kama at h******n ito sa noo. Sana magkaroon na ng improvement ang resistensiya nito para pwede na ulit itong umuwi sa bahay nila. Alam niyang naiinip na rito ang bunsong kapatid kahit madalas naman silang bumisita. Sabi ng doctor sa sobrang hina ng immune system ni Larry delikado kahit normal na sipon at lagnat lang ang makukuha nito sa labas. Baka hindi kayanin ng katawan nito.

"Lara," si Kris na sumenyas sa kaniyang aalis na.

Tumango siya. "Salamat, ingat ka."

Habang tulog pa ang kapatid, ni-review niya ang schedule na ibinigay ni Myrna sa kaniya para sa mga susunod niyang photoshoot. Naka-attach din ang guidelines mula sa director. Para sa pictorial niya bukas, magsusuot siya ng fire red tanga bra-underwear pair.

Napansin niya, nitong mga huling pictorials niya, may takip na ang dibdib niya at pagkababae, kahit kakarampot lang. Hindi tulad noon na hubo't hubad talaga siyang nagpo-pose sa harap ng camera ni Kris.

Nahinto ang pag-swipe niya para sa susunod na file document nang pumasok ang tawag ni Myrna.

"Hello, Myrn?"

"Nasaan ka ngayon?"

"Nandito ako sa hospital, bakit?"

"May pumasok na offer para sa iyo. Bumper Advertisement sa isang kilalang kompanya ng bansa."

"Tv commercial ba iyan? Hindi ako maghuhubad kung ganoon?" Bigla siyang kinabahan dahil sa excitement. First time niyang makatanggap ng ganitong offer.

"Oo, para sa tv commercial, billboards at interactive promotional video ng kompanya."

Pumasok sa isip niya ang mga local brand ng rhum na madalas kumukuha ng sexy stars para mag-endorse ng produkto.

"Saang company?"

"Zargonza Component, pamilyar ba sa iyo?"

Zargonza Component? Iyon ang kompanyang pag-aari ng pamilya ni Lex. May kinalaman kaya ang lalaki sa alok na ito sa kaniya?

"Sigurado ka ba, Myrn? Mga sikat na celebrity at models ang dating endorsers nila."

"Basta, hindi ito scam. Two billion ang offer na kontrata. Kaya lang may kondisyon daw at malalaman mo sa meeting natin soon with the company's owner. Willing ka bang subukan 'to?"

"Pag-iisipan ko muna, usap tayo ulit bukas pagkatapos ng pictorial."

"Okay, ikaw ang bahala."

Nagtapos ang tawag at ibinaba niya ang cellphone. Two billion worth of contract? Sobrang laki. Kung tatanggapin niya hindi na niya kailangang mag-pose ng nude sa harap ng camera at lalong hindi na kailangang magpakama sa kaniyang mga kliyente.

Pero ayaw niyang magpadalos-dalos. Baka kung ano'ng klaseng impeyerno na naman ang babagsakan niya lalo at may kondisyon daw. Siguradong may kinalaman iyon sa kasalukuyan niyang career ngayon bilang bold star.

"Ate?" Nagising si Larry habang nasa malalim siyang pag-iisip.

Bumalik siya sa wesyo at agad dinaluhan ang kapatid.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Inalalayan niya itong bumangon at nilagyan ng unan sa likod para komportable itong makasandal sa may headboard ng kama.

"Okay lang ako, Ate. Kanina ka pa ba?"

"Mga fifteen minutes pa lang. May dala akong mga prutas, dinalhan na rin kita ng bihisan."

"Salamat, Ate. Na-over-ripe na ang mga prutas, hindi ko kasi nauubos."

"Okay lang iyan. Basta kumain ka lang, kailangan mo ang mga iyan para lumakas ka."

Tumango ito at ngumiti.

"Ate, kumusta na nga pala ang trabaho mo? 'Yong kaibigan mong si Kuya Kris, lagi akong dinadalaw rito."

"Si Kris pumupunta rito?" Kung ganoon, si Larry pala ang pinupuntahan ng lalaki rito. May bahagi ng puso niya ang lalong lumambot para sa binata.

"Tingin ko, Ate, may gusto sa iyo si Kuya Kris. Nakita ko kasi ang phone niya, ikaw ang nasa lock screen." Nanunukso ang tono ni Larry.

"Talaga? Baka ibang babae iyon tapos sa tingin mo lang ay ako. Hindi ako type ni Kris, alam ko iyon. Choosy iyon pagdating sa girls."

Imposibleng magustuhan siya ni Kris nang higit pa sa kaibigan. Alam nito ang uri ng trabaho niya. Kabisado nito gaano karumi ang latak sa katawan niya. Likas na mabait lang talaga ito kaya ramdam niya pa rin ang respeto nito sa kaniya. Pero malayo sa katotohanan na pipili si Kris ng babaeng gaya niya para makasama habang-buhay.

"Bagay kayo, eh. Para siyang twenty years old na Keanu Reeves, astig ang dating."

"Guwapo nga siya no? Tall, dark and handsome. Pwede siyang maging action star gaya ni Keanu."

"Pwedeng-pwede!"

Nagkatawanan sila. Kung hindi lang lalaki si Larry at alam naman niyang straight ito baka isipin niyang crush nito si Kris.

Sinamahan niya roon ang kapatid hanggang sa hapunan. Saka lang siya umuwi nang makabalik ulit ito sa pagtulog pagkatapos nilang panooring dalawa ang paborito nitong movie ni Keanu Reeves.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 47

    LUMAKI siyang tinatahak ang sanga-sangang landas ng buhay, mga landas na minsan naglilihis sa kaniya sa destinasyon na gusto niyang marating. Maraming pagkakataon na sugat ang naghihintay sa kaniya sa dulo, mga sugat na nagbibigay ng aral at humubog sa pagkatao niya para mas matuto pa. Pero may isang direksiyon siyang tinatanaw na hindi niya binitiwan kahit bawat hakbang ay pagkadurog ang nag-aabang. Ang direksiyong iyon ang tahanan ng puso niya. Ang babaeng naglalakad ngayon sa makulay na pitak ng mga bulaklak para marating ang ibaba ng altar kung saan siya naghihintay.Sa wakas nagkatagpo rin sila sa daang itinakda ng Diyos at nilaan para sa kanilang dalawa. Marami man ang pagsubok, sa huli naging tahanan pa rin nila ang isa't isa.Huminga ng malalim si Louven at kinuyom ang mga kamaong nasa loob ng bulsa ng tux pants. Nanginginig ang mga kalamnan niya, ang dibdib niya ay humihigpit sa halu-halong emosyon. Hindi niya matanggal ang titig kay Larissa kahit nanlalabo sa luha ang mga

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 46

    BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 45

    MASIGLANG kumakaway si Larissa kay Margarett na nag-aabang sa kanila sa labas ng museleo ni Sr. Anna Luciah. Nakagayak ang buong lugar na sakop ng perimeter ng puntod. Mukhang si Margarett ang nag-aayos doon habang nasa graduation rites sila kanina. "Congratulations to both of you," bati nito kina Louven at Coin at binigyan ng damping halik sa gilid ng labi ang dalawang lalaki, pagkatapos ay sila naman ang nagbeso bago pumasok ng museleo. Bukod sa crew ng catering service na may apat na helpers na paroo't parito para tingnan ang kung may kulang pa sa mga pagkain sa buffet table. "I took the initiative to invite the people visiting their loved ones here, is it okay?" imporma ni Margarett kay Coin."Of course, Doc, no problem." Lumapat ang kamay ng lalaki sa baywang ng doktora. Kinilig siya habang pinapanood ang mga ito. Yumapos na rin siya kay Louven na nakaakbay sa kaniya. Pagdating sa loob ay nagpaiwan sila ni Margarett ng ilang hakbang at hinayaan ang magkapatid na lumapit sa pu

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 44

    BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 43

    MALAPAD ang naging ngiti ni Senyor Agustus habang nakatunghay sa hawak na dokumentong ibinigay ni Leon. Louven C. Zargonza. Officially approved by the Philipine Statistics Authority."Pretty fast, Son. You never disappointed me," komento nitong nag-thumbs up. Mas lalo pang umaliwalas ang mukha ng matanda habang pumapasada ang mga mata sa ibang detail entry. Pangalan na kasi nito ang nakalagay bilang ama ni Louven. "Thank you for this development, Son. Kailan ba ang publication nito?""It will be out today, Dad, at 2 o'clock in the afternoon." Natawa na lang si Leon sa nakikitang tuwa sa mga mata ng ama. Binigyan sila ng tatlong kopya mula sa PSA at ang adoption affidavit na annotated ng korte. May sarili ring kopya si Louven at malamang nai-deliver na iyon kanina. Ano kaya ang magiging reaction ni Jaime De Vera? Hindi rin naman ito nag-reach out sa kaniya para sa bagay na iyon. Kung nakipag-usap ang congressman, baka pina-hold muna niya ang releasing ng mga dokumento. Hahayaan na

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 42

    TWENTY-FOUR YEARS AGOJaime De Vera, a law student fighting for environmental issues is one of the captives held by African terrorist group. Kasama ang sampu pang delegates mula sa iba't ibang lahi. Dalawa silang Pilipino, madre ang isa. Si Sr. Anna Luciah Clemente mula sa Order of Merciful Sisters. Isang linggo na nang dukutin sila ng grupo sa camp kung saan gumagawa ng medical mission ang mga delegado ng iba't ibang bansa bilang bahagi ng 2001 Environmental Summit na ginanap sa South Africa. Hindi siya matunton ng rescuers dahil palipat-lipat sila ng lugar. Ngayon ay nasa isang bansa silang sa Europe kung saan kasagsagan ng winter. Kagabi lang ay may snow storm na tumama sa buong lugar. Ang cabin na kinaroroonan nila ay halos mabaon sa yelo. Kasama ni Jaime sa iisang cabin si Sr. Anna Luciah. Yakap niya ang madre habang nagdarasal para maagapan ang sobrang lamig at para mapanatili ang init sa katawan. Pero hindi rin sila tatagal kung ganitong below zero ang temperature. Kahit may

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status