NAGPUPULSO ang kirot sa sentido ni Leon nang bumangon. Kulang dalawang oras ang itinulog niya. Nag-overtime siya kagabi at tinapos ang natitirang pending documents na kailangan nang makalusot sa accounting department sa darating na Lunes.
Lumabas ng kuwarto ang binata at nagtungo sa kitchen. Kumuha ng cartoon ng fresh milk, tinungga ang laman hanggang sa maubos at hinagis sa trash bin na nasa sulok ang empty box. Bumalik siya ng silid at nagtuloy sa loob ng bathroom. Quick cold shower lang at nagising na ang kaniyang mga laman. Paglabas niya ay sakto lang na nag-notify ang digital clock sa ibabaw ng sidetable. Alas siyete na ng umaga. May isang oras pa siya para bumiyahe. Alas nueve ang schedule ng photo shoot ni Larabelle. Kung hindi siya kinulit ni Margarett kagabi na samahan ito sa paborito nitong fine dining, maaga sana niyang matatapos ang trabaho at may sapat na oras pa siya para magpahinga. Pero hindi siya tinigilan ng kakambal at daig pa nito ang alarm clock kung kalampagin siya. Nagbihis siya ng abuhing shirt, v-neck at dri fit. Kupas na maong pants at brown leather boots. Hinablot din niya sa loob ng walk-in cabinet ang maong na jacket at isinuot. Pumili ng flex-fit baseball cap. Kinuha niya sa drawer ang digital key at nilapitan ang metal cabinet. Binuksan. Sa loob niyon ay nakatago ang high-end Blackmagic Ursa Pro, ang video-cam na ginagamit niya sa photoshoot ni Larabelle. Ang nag-iisang bagay na saksi sa lihim niya at sa matinding pagtitimpi na tinitiis niya tuwing nasa harap niya ang dalaga, hubo't hubad. "Time for another challenge, buddy." Maingat niyang inilabas sa kinalalagyan ang camera at ang stand. Palabas na siya ng kuwarto nang yumanig ang cellphone sa loob ng bulsa ng kaniyang jacket. Sinipat niya kung sino ang tumawag at sumilip ang bahagyang ngiti sa sulok ng labi. Si Larabelle. "Morning, Lara," bati ni Leon sa dalagang nasa kabilang linya. "Kris, nasa venue ka na ba?" "On the way pa lang, bakit?" "Nasa talyer ang sasakyan ko, pwede ba akong sumabay sa iyo? Mag-aabang ako roon sa bus terminal." "Hindi na, I'll drop by at your house. Hintayin mo lang ako diyan." "Okay, thank you!" "Gonna go, see you in a minute." "Bye, ingat sa pagda-drive." Pinasan niya ang video-cam at binitbit ang stand. Sakay ng elevator, bumaba siya ng 49th floor kung saan nakagarahe ang sasakyan niya. "Sir, aalis na po ba kayo?" tanong ni Harry na nagmamadaling lumapit bago pa siya makapasok sa loob ng sasakyan. "Yes, get everything in place before I return." "Sige po." "Wala akong meeting this morning, kung may urgent na hahabol, ikaw muna ang dumalo para sa akin. Also, Harry, check the social media. Remove my photos if you find any. Napansin kong may nakakuha ng stolen shots last board meeting." "Na-check ko na kagabi, Sir, at pina-take down ko na ang ilan sa mga photos mo na in-upload ng information section natin. Pero ire-review ko ulit ngayon para masiguro na walang nakalusot." "Yeah, do that. One more thing, kung tatawag si Margarett, transfer the call to me, alright?" "Yes, Sir, noted po." Sumakay na siya sa Raptor at nagdrive pababa ng gusali. ❇ HABANG naghihintay kay Kris, binasa ni Larabelle ang iilang detalye ng offer na natanggap niya para sa tv commercial ng company promotion ng Zargonza Component. Kasalukuyang nasa ilalim ng management ng kapatid ni Lex ang kompanya. Sinubukan niyang mag-research sa internet tungkol sa pamilyang Zargonza. May nakita siya. May mga photos pero hindi kompleto. Alexander Zargonza ang tunay na pangalan ni Lex. Bunso ito sa tatlong magkakapatid. Mayroong kambal sa pamilya nito. Lalaki at babae. Dr. Leona Margarett Zargonza at Atty. Leon Kristopher Zargonza ang panganay na kambal. Isang corporate lawyer si Leon na kasalukuyang CEO ng kompanya. Si Señor Agustus Zargonza, ang patriarch at Chairman. May pictures sina Lex, Dr. Leona Margarett at Señor Agustus. Tanging si Atty. Leon ang walang litrato. Nagtaka siya bakit wala. Kahit sinubukan niyang i-search ang social media account ng abogado, wala rin itong photos, sa f******k man o i*******m. Locked ang profile nito at ang naroon na profile picture ay cropped photo. Babae yata, nakataob sa pagkahihiga. Kita ang likod at kanang balikat, pati ang leeg. Naningkit ang mga mata niya sa kwintas na suot ng babae. Bakit pamilyar? Saan ba niya nakita iyon? Saglit siyang natigagal at kinapa ang kaniyang kwintas. Magkaparehas? Hinubad niya ang suot na kwintas at itinabi sa kwintas na nasa litrato. Parehas talaga. May curb chain at purong ginto tapos ang pendant ay half moon na nakatihaya at sa gitna ay nakaupo ang blue diamond. Bigay ni Kris ang kwintas niya noong 25th birthday niya. Tinawag ni Myrna na Moon in the Ocean. Limited edition daw ito. Kumunot ang noo niya. Same jewelry store siguro ang pinanggalingan kaya magkaparehas. Isinuot niyang muli ang kwintas. Wala na siyang ibang makita sa account ni Atty. Leon Zargonza. Masyado itong private sa palagay niya. Itinigil niya ang pag-stalk at muling nag-check sa laman ng kaniyang hand carry, baka may nakalimutan siya. Busina ng sasakyan ni Kris ang nagpapitlag sa kaniya. Maliksi niyang binitbit ang hand carry at lumabas ng bahay. Kinawayan niya ang lalaking bumaba ng sasakyan at pumasok sa sub-entrance ng gate para salubungin siya. Kinuha nito ang hand carry niya at isinakay sa compartment sa likod. "Thank you ha, bigla na lang tumirik ang sasakyan ko kanina, buti na lang hindi pa ako umabot sa kanto," paliwanag niya. "Okay lang, pina-tow mo ba patungo sa shop?" tanong nitong pinagbuksan siya ng pinto sa front seat. "Oo, nasa kabilang barangay lang naman ang shop. Sumaglit lang ako roon para mag-deposit." Tumango ito at isinara ang pinto matapos siyang makaupo nang komportable. Lumigid na rin ito pabalik ng driver's seat at sumakay. Habang nasa biyahe, kinapa-kapa niya ang kwintas, gusto niyang magtanong pero naisip niyang useless din. Ano naman ang mapapala niya? Sigurado namang walang koneksiyon kung bakit magkaparehas sila ng kwintas at ng babaeng naka-profile pic sa account ni Atty. Leon Zargonza. "Nandoon na ba si Myrna sa venue?" tanong ng binata. "Siguro, lagi siyang nauuna sa akin, eh. Nga pala, may offer ako mula sa Zargonza Component, Kris. May alam ka ba sa kompanyang iyon?" Tumingin lang sa kaniya si Kris at bahagyang ngumiti. Kapag ganito, alam na niyang ayaw nitong sagutin ang tanong at hindi niya ito mapipilit. "Pero may kondisyon daw ang may-ari, nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko. Baka hindi ko magawa iyong demands ng kompanya." Nanatiling walang imik ang lalaki at nakikinig lang sa kaniya. Nakarating sila sa venue na puro sentiments lang niya ang naging sentro ng biyahe. Siya lang naman ang nagsasalita pero gumaan pa rin ang pakiramdam niya dahil pinakikingggan siya ni Kris. "Magbibihis lang ako," paalam niya sa binata at kay Myrna at nagmamadali patungo sa room na nakalaan para sa kaniya. Nasa mountain resort sila. Pribado at sila lang yata ang naroon ngayong araw maliban sa care taker na sumalubong kanina para pagbuksan sila ng gate. "Deretso ka na sa swimming pool pagkatapos mong magbihis!" Pahabol ni Myrna sa kaniya bago siya pumasok sa kuwarto. Dali-dali siyang nagbihis. Kadalasan, wala siyang make-up sa kaniyang outdoor photo shoot. Primer, foundation at lipstick lang. Mas lumilitaw raw kasi ang ganda niya sabi ni Myrna. Nakita rin naman niya, iba ang registration niya sa camera, natural at hindi parang edited ang mukha niya dahil sa cosmetics. Lumabas siya suot ang pulang tanga pair ng panty at bra sa ilalim ng manipis na beach dress. Si Kris ay naghahanda sa camera at naghahanap ng magandang angle. "Ready na ako, Kris!" Hinubad niya ang beach dress at hinulog sa pavement. Inalis ng lalaki ang mga matang nakatuon sa lens navigator ng camera at tumingin ito sa kaniya. Matagal siya nitong hinagod nang malagkit na titig. "Bakit?" nagtatakang tanong niya. Umiling ito at nahagip niya ang paggalaw ng mga panga nito at ang pagtalon ng adam's apple bago nito muling binalingan ang camera. Itinuro nito sa kaniya ang kanang sulok ng parihabang swimming pool. Nagtungo siya roon. Frog pose ang ginawa niya, habang inilulusong ang kanang kamay sa tubig at nakatingin sa camera. Sunud-sunod na shots ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Nakagawa siya ng sampung iba't ibang sexy pose bago sumenyas si Kris na mag-break muna. "Bakit hindi ka muna magbabad diyan sa pool? Titingnan ko lang ang results ng photos mo at ililipat ko sa hard drive." Tumango siya at ngumiti. Kanina pa siya natutuksong tumalon sa pool. Parang ang sarap ng tubig lalo at matapang na ang sikat ng araw. ❇ BITBIT ang video-cam, tinungo ni Leon ang VIP suite ng resort. Pag-aari ng kaibigan niya ang lugar na iyon. Kahapon pa lang ay pinag-day off na ang ibang empleyado at tanging ang babaeng manager ang naiwan. Pumasok siya sa silid at ibinaba sa kama ang video-camera. Kumuha siya ng malamig na mineral water sa loob ng mini-ref at binuksan. Inubos ang laman. Sa tuwing nasa pictorial si Larabelle hindi lang sakit sa puson ang napapala niya, para siyang mauubusan ng tubig sa katawan dahil sa sobrang init nang pakiramdam niya. "Sir? Si Myrna po ito." Boses ng babae mula sa labas. "Come in, Myrna!" Bumukas ang pinto at pumasok ang manager. Executive assistant niya si Myrna bago ito nalipat sa trabaho nito kay Larabelle. "Tapos na po ba ang pictorial?" tanong nito. "There's still shots that I wanted to see but she looks excited to swim. Hinayaan ko munang magbabad doon sa pool at makapag-relax." Tumango si Myrna. "Tungkol nga pala sa offer para sa tv commercial, baka hindi niya tanggapin kapag nalaman niya ang kondisyon." "Well, it's your job to convince her and get her to sign the contract no matter what." Hinubad ni Leon ang suot na jacket at isinampay sa sandalan ng couch. "Inform the manager we will be staying here overnight, and Myrna, I need a bottle of champagne and a bunch of red tulips. Send it to Larabelle's room after dinner." "Pero, Sir, two weeks pa lang mula noong-" "Sundin mo na lang ang utos, Myrna." "I'm sorry, Sir, nasanay lang akong once in every three months mo lang siya ikakama." Pumihit ang babae patungong pintuan pero lumingon ito bago pa nabuksan ang pinto. "Sir, bakit hindi mo na lang sabihin sa kaniya ang totoo na ikaw lang naman ang nag-iisang kliyente niya mula pa noon?" Nag-iwan nang magiliw na ngiti ang babae saka lumabas ng kuwarto.LUMAKI siyang tinatahak ang sanga-sangang landas ng buhay, mga landas na minsan naglilihis sa kaniya sa destinasyon na gusto niyang marating. Maraming pagkakataon na sugat ang naghihintay sa kaniya sa dulo, mga sugat na nagbibigay ng aral at humubog sa pagkatao niya para mas matuto pa. Pero may isang direksiyon siyang tinatanaw na hindi niya binitiwan kahit bawat hakbang ay pagkadurog ang nag-aabang. Ang direksiyong iyon ang tahanan ng puso niya. Ang babaeng naglalakad ngayon sa makulay na pitak ng mga bulaklak para marating ang ibaba ng altar kung saan siya naghihintay.Sa wakas nagkatagpo rin sila sa daang itinakda ng Diyos at nilaan para sa kanilang dalawa. Marami man ang pagsubok, sa huli naging tahanan pa rin nila ang isa't isa.Huminga ng malalim si Louven at kinuyom ang mga kamaong nasa loob ng bulsa ng tux pants. Nanginginig ang mga kalamnan niya, ang dibdib niya ay humihigpit sa halu-halong emosyon. Hindi niya matanggal ang titig kay Larissa kahit nanlalabo sa luha ang mga
BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction
MASIGLANG kumakaway si Larissa kay Margarett na nag-aabang sa kanila sa labas ng museleo ni Sr. Anna Luciah. Nakagayak ang buong lugar na sakop ng perimeter ng puntod. Mukhang si Margarett ang nag-aayos doon habang nasa graduation rites sila kanina. "Congratulations to both of you," bati nito kina Louven at Coin at binigyan ng damping halik sa gilid ng labi ang dalawang lalaki, pagkatapos ay sila naman ang nagbeso bago pumasok ng museleo. Bukod sa crew ng catering service na may apat na helpers na paroo't parito para tingnan ang kung may kulang pa sa mga pagkain sa buffet table. "I took the initiative to invite the people visiting their loved ones here, is it okay?" imporma ni Margarett kay Coin."Of course, Doc, no problem." Lumapat ang kamay ng lalaki sa baywang ng doktora. Kinilig siya habang pinapanood ang mga ito. Yumapos na rin siya kay Louven na nakaakbay sa kaniya. Pagdating sa loob ay nagpaiwan sila ni Margarett ng ilang hakbang at hinayaan ang magkapatid na lumapit sa pu
BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction
MALAPAD ang naging ngiti ni Senyor Agustus habang nakatunghay sa hawak na dokumentong ibinigay ni Leon. Louven C. Zargonza. Officially approved by the Philipine Statistics Authority."Pretty fast, Son. You never disappointed me," komento nitong nag-thumbs up. Mas lalo pang umaliwalas ang mukha ng matanda habang pumapasada ang mga mata sa ibang detail entry. Pangalan na kasi nito ang nakalagay bilang ama ni Louven. "Thank you for this development, Son. Kailan ba ang publication nito?""It will be out today, Dad, at 2 o'clock in the afternoon." Natawa na lang si Leon sa nakikitang tuwa sa mga mata ng ama. Binigyan sila ng tatlong kopya mula sa PSA at ang adoption affidavit na annotated ng korte. May sarili ring kopya si Louven at malamang nai-deliver na iyon kanina. Ano kaya ang magiging reaction ni Jaime De Vera? Hindi rin naman ito nag-reach out sa kaniya para sa bagay na iyon. Kung nakipag-usap ang congressman, baka pina-hold muna niya ang releasing ng mga dokumento. Hahayaan na
TWENTY-FOUR YEARS AGOJaime De Vera, a law student fighting for environmental issues is one of the captives held by African terrorist group. Kasama ang sampu pang delegates mula sa iba't ibang lahi. Dalawa silang Pilipino, madre ang isa. Si Sr. Anna Luciah Clemente mula sa Order of Merciful Sisters. Isang linggo na nang dukutin sila ng grupo sa camp kung saan gumagawa ng medical mission ang mga delegado ng iba't ibang bansa bilang bahagi ng 2001 Environmental Summit na ginanap sa South Africa. Hindi siya matunton ng rescuers dahil palipat-lipat sila ng lugar. Ngayon ay nasa isang bansa silang sa Europe kung saan kasagsagan ng winter. Kagabi lang ay may snow storm na tumama sa buong lugar. Ang cabin na kinaroroonan nila ay halos mabaon sa yelo. Kasama ni Jaime sa iisang cabin si Sr. Anna Luciah. Yakap niya ang madre habang nagdarasal para maagapan ang sobrang lamig at para mapanatili ang init sa katawan. Pero hindi rin sila tatagal kung ganitong below zero ang temperature. Kahit may