Share

Chapter 6

Author: Aquarius Pen
last update Last Updated: 2024-08-13 08:45:04

NAKARATING ng penthouse si Leon na walang nakuhang sagot mula kay Larabelle. Pero wala rin namang rejection. Naging tahimik lang ang dalaga sa natitirang oras nila sa biyahe, halos ayaw na nitong tumingin sa kaniya. Alam niyang hindi nito inaasahan ang pagtatapat niya nang nararamdaman kanina. Dapat siguro nagpigil siya at hinabaan pa ang pasensya.

Pero hanggang kailan ba dapat? Nauubusan na siya ng oras. Siguradong matinding galit ang haharapin niya mula sa dalaga kapag nalaman nito na siya lang ang naging client nito mula pa noong nagsimula itong pasukin ang industriya ng p**n magz.

"Good morning, Sir Leon!" bati sa kaniya ni Harry. Nag-abang ito sa labas ng executive elevator.

"Good morning, Harry. It's okay I got this." Tumanggi siya nang tangkain nitong kunin sa kaniya ang video-cam. Kahit iyon, by reflexes ay ayaw niyang mahawakan ng iba. Ang video-cam na iyon ay exclusive lang para sa kaniya at kay Larabelle. Ang nagtatago sa lahat ng maseselan na larawan ng dalaga.

"May dumating po na mga package para sa inyo, Sir."

"Thanks, mauna ka na sa office," utos niyang mabilis na naglakad papasok ng penthouse. "Follow-up the appointment secretary for my schedule today. Also, make an rsvp to marketing department for the documents I needed."

"Yes, Sir."

Nilapitan niya ang limang packages na maayos na nakatambak sa gilid ng main door. Dinukot niya ang cellphone at tinawagan si Myrna.

"Sir Leon?"

"Dumating na ang package, are these from the latest issue?" tanong niya sa manager.

"Ah, yes, Sir. Nandiyan na pala. Iyan na po lahat ng magazine from the last three months. Mabuti at nai-deliver na pala sa inyo."

"Begin the pre-order for the next volume. Be sure to include yesterday's segmet. Tell your people I will send the payment this afternoon. And remember, Myrna, not one copy is allowed to cross the market. Bantayan mo na walang makalusot sa labas."

"I understand, Sir. Nag-iingat naman po kami sa production at publishing house."

"Good then, I'll see you soon."

Ipinasok muna niya sa kaniyang kuwarto ang video-cam at ang stand saka binalikan ang mga package. Hinakot ang mga iyon patungo sa secret room. Kusa nang umalalay sa kaniya ang mga guwardiya nang makita siyang pasan ang naka-seal na mga kahon.

Doon na niya sa loob binuksan at isa-isang hinango ang naka-bundle by twenty na magazines ni Larabelle. May naka-ready na siyang cabinet rack para roon.

Hindi lang portrait ng dalaga ang nakatago sa secret room. Ang malaking mga cabinet na nandoon ay naglalaman ng collections niya ng lahat ng magazines ni Larabelle. Siya ang nagsosolong buyer ng mga magazine ng dalaga gamit ang limang personalidad na bayad niya tulad ni Myrna.

Kumuha siya ng isang kopya at pinagmasdan ang dalaga sa cover. The shot was the most daring one. Kahit natatakpan na ang dibdib at maselang parte ng katawan nito, walang pinagbago ang matinding dagok na hatid nito sa puson niya.

"As always, you never fail to drive me crazy, Lara. I'm starting to worry of this obssession I have for you. Baka durugin ko na lang basta ang sinumang lalaking lalapit sa iyo. Ako lang, Lara. Sa akin ka lang. Ang ngiti mo, ang puso mo, ang katawan mo."

"ATE, may problema ka ba?"

"Ha?" Nahimasmasan si Larabelle at tumingin kay Louven.

Nagva-vacuum ng alikabok sa sahig sa sala ang binata.

"Kanina ka pa tulala riyan, napagod ka ba sa pictorial mo?"

"Oo, pero okay lang ako." Pumeke siya nang ngiti. Ang totoo'y ayaw mawala sa isip niya ang sinabi ni Kris.

Mahal daw siya nito? Maniniwala ba siya? Hindi niya alam kung ano'ng dapat niyang maramdaman pero may umuukit na piping saya sa kaniyang puso. May kiliting hatid sa kaniyang sikmura ang ideya na may pagtingin sa kaniya ang lalaki. Sa kabila ng malaswang trabaho niya, pinili pa rin nitong mahalin siya. Ang tanong, karapat-dapat ba siya sa pagmamahal na iyon? Hindi kaya buong buhay siyang magiging insecure at baka ikasira lang iyon ni Kris.

"Dapat siguro magpahinga ka muna, Ate, ayan, tulala ka na naman," puna ni Louven na naiiling.

"Sorry, sige, pahinga muna ako. Ano'ng oras nga pala ang klase mo ngayon?"

"Mamayang alas una pa, Ate."

"Teka, kunin ko lang ang allowance mo." Tumayo na siya mula sa inuupuang sofa.

"Huwag na muna, Ate, may pera pa ako. Itago mo na lang, baka may biglang emergency sa gamutan ni Larry. Kaya ko pa namang pagkasyahin 'yong sobra sa binigay mo last week."

Ngumiti siya nang matamis. Ang sisinop ng mga kapatid niya. Nakikita niya ang pagsisikap ng mga itong mag-aral nang mabuti. Itong si Louven ay gustong mag-doctor dahil kay Larry. Graduating na ito ngayong taon sa pre-med course nito. Si Larissa naman sa susunod na taon na magtatapos sa kursong nursing.

"Oo nga pala, Ate, napag-usapan namin ni Larissa na kapag nakatapos kami at nakakuha ng trabaho ikaw naman ang papag-aralin namin. Sayang kasi kung hindi mo matapos ang kurso mo." Itinigil muna nito ang andar ng vacuum dahil sumasapaw sa usapan nila ang maingay na tunog.

"Salamat ha? Ang babait ninyong dalawa. Kapag naka-graduate ako hindi ko na kailangang sumabak sa paghuhubad. Hindi na kayo mapapahiya dahil sa akin."

"Ate talaga, sino'ng napapahiya? Hindi uubra sa amin iyon. Tanggap namin kung ano'ng trabaho mo. Diyan mo kami binubuhay. Mga artista nga, kahit may pera na kumikita pa rin sa pagpapa-sexy, reasonable naman ang dahilan mo kaya ako ang bahala kung may magtangkang maliitin ka. Suntok ko ang sasagot sa kanila."

"Ay naku, hindi ka makikipag-away dahil lang sa akin. Hayaan mo na kung may masabi ang ibang tao. Hindi natin kontrolado ang opinyon nila saka hindi ko ikamamatay ang masasakit na salita. Ang pamilyang ito ang importante sa akin, hangga't naniniwala kayo sa akin, wala na akong paki sa paligid."

Pero hindi alam ng mga kapatid niya na binibinta niya ang kaniyang katawan. Ang alam lang ng mga ito ay naghuhubad siya para sa magazine. Magiging ganito pa rin ba ang tingin ni Louven sa kaniya oras na malaman nito ang tungkol sa mga kliyente niya sa kama? Kahit kailan, hindi siya magiging handa sa pagdating ng araw na iyon.

HAPON na nang umalis si Larabelle ng bahay. Dalawa ang pupuntahan niyang appointment. Bibisita siya kay Larry at ang imbistasyon ni Myrna na kumain sa labas. May importante raw silang pag-uusapan para sa offer na tv commercial. Uunahin na niyang puntahan si Myrna. Balak kasi niyang doon na matulog ngayon sa hospital.

Halos thirty minutes din siyang nakulong sa traffic. May aksidente kasi sa daan at hindi na makabalik ang taxi na sinakyan niya para maghanap ng ibang rota na pwedeng daanan.

Pagdating niya ng fine dining sa Hotel de Almiña, nandoon na si Myrna. Agad siya nitong kinawayan mula sa nakareserbang table. Ang fine dining na iyon ay may sariling bar na nag-aalok ng mga mamahaling wine. Dinig niya ang acoustic music tinutugtog doon.

"Sorry, kanina ka pa naghihintay?" Hingi niya ng dispensa at naupo sa bakanteng silya.

"Okay lang, um-order na ako para sa atin."

Tumango siya at sumulyap sa may bar. Kita iyon mula sa kinaroroonan niya dahil sa mga siwang ng glass panels na nakapagitan. Nadama kasi niyang parang may nakatingin sa kaniya. At tama nga siya. Nagtagpo ang mga mata nila at ng lalaking nasa bar counter.

Si Kris? Umangat hanggang sa kaniyang lalamunan ang pagsirko ng tibok ng puso niya.

"Myrn, bakit nandito si Kris?" tanong niya sa manager at pilit binabawi ang paningin.

"Pinapunta ko rin siya. Tapos na siyang kumain kaya ni-libre ko na lang ng Tequila." Lumingon si Myrna sa gawi ng binata. "Ayaw mo bang nandito siya? Pwede ko naman siyang paalisin." Bumungisngis ang manager.

"Ano? Naku, wag mong gawin iyan! Nagtatanong lang naman ako. Ikaw ha, napapansin kong gustong-gusto mong asarin si Kris."

Tumawa si Myrna. Nang sulyapan niya ulit si Kris, nakatingin pa rin sa kaniya ang lalaki. Nako-conscious na tuloy siya at uminit ang mukha niya. Kung hindi siguro ito nagtapat ng feelings sa kaniya, hindi niya maramdaman ang ganito. Ngayon masyado na siyang apektado sa presensya nito.

"Tungkol nga pala sa tv commercial, Lara. Binigay na lang sa akin ng may-ari ng kompanya ang kontrata at terms of condition." Nilapag ni Myrna sa mesa ang hard bound blue folder.

"Ito na ba iyon?" Kinuha niya ang folder at binuklat.

"Dalhin mo iyan at basahin mong mabuti. Kung mayroon kang hindi magustuhan i-notes mo. Pero ang kondisyon ay kailangang buntis ka."

"Ha?" bulalas niya parang nakarinig ng bombang sumabog mismi sa kaniyang tainga. "Paano iyon? Hindi naman ako buntis. Kailangan ko bang magpabuntis muna? Kaloka naman iyon, Myrn!"

"Sabi ko nga pwede namang magpanggap ka lang na buntis, di ba? Pero ayaw ng owner, eh."

"Hindi ko makita ang logic sa kondisyon na iyan, Myrn." Mariin siyang umiling.

"Pero aminin mo, ang laki na ng 2 billion, Lara. Pwede ka nang tumigil sa paghuhubad para sa magazine. Hindi mo na rin po-problemahin pa ang hospitalization ni Larry dahil kasama sa contract package iyon."

"Ano? Pati iyon kasali?"

"Sorry ha, sinabi ko kasi ang tungkol doon kaya isinali ng owner no'ng baguhin ang draft ng kontrata."

"Okay lang." Huminga siya nang malalim. " Hindi ko pa rin ma-gets bakit kailangan kong magpabuntis para sa tv ads na iyan."

"Feeling ko lang ha, gusto kang buntisin ng owner, 'yong si Atty. Leon Zargonza. Matagal ka na siguro niyang type, opinion ko lang."

"Ganoon ba sa palagay mo?" Lalo siyang natilihan. Kung totoo ang sinabi ni Myrna, excuse lang ang tungkol sa tv ads, ang purpose talaga ng may-ari ay maikama siya at mabuntis?

Nakadama siya nang takot. Wala siyang ideya kung ano'ng klaseng tao si Atty. Leon Zargonza. Kung ganito kabaluktot gumawa ng kontrata ang lalaking iyon, hindi rin malayong sadista iyon o baka mas masahol pa. Baka gawin siyang sex slave.

"Myrna, parang ayaw kong tanggapin ang offer. Pagtiisan ko na lang muna itong trabaho ko sa ngayon hanggang sa makatapos ang mga kapatid ko. May plano kasi sila para sa akin. Ayaw ko namang ma-disappoint sila kung bigla na lang akong mabuntis."

"Pag-isipan mo muna iyan. Saka ka na magdesisyon kung talagang sa tingin mo hindi makabubuti sa iyo ang kondisyon na naka-attach sa kontrata. Isa pa, hindi mo pa binasa iyan, eh. Maraming benefits diyan bukod sa 2 billion. May pabahay pa at libreng sasakyan."

"Hindi ko naman kailangan nang bagong bahay, may bahay kami at maayos naman iyon. Saka, iyong sasakyan ko, kahit second hand lang iyon gumagana pa naman."

"Hindi ba nasa talyer? Paano gumagana?"

"Kaya namang ayusin ng mekaniko. Hindi naman daw ganoon kaseryoso ang problema."

"Basta, pag-isipan mo muna."

Dumating ang orders nila at tahimik silang kumain. Nalunod siya sa pag-iisip kahit na nagpasya na siyang hindi tanggapin ang tv commercial.

TIIM-BAGANG na nilagok ni Leon ang inumin sa baso at sumenyas sa bar tender na dagdagan ng isa pang shot. Dinig niya ang pag-uusap nina Larabelle at Myrna mula sa suot na airpods. Nasa on-call status sa kaniya ang cellphone ng manager at naka-loud speaker mode.

Hindi niya madadaan sa santong dasalan si Larabelle. Kilala niya ito. Oras na nagdesisyon ito, hindi na iyon mababago. Kung ganoon, wala nang ibang paraan kundi ituloy ang pagiging kliyente niya. Kailangan niyang matiyempuhan na fertile ito para makabuo sila. Pero gumagamit ito ng contraceptive shots, paano niya malulusutan iyon?

Kinuha niya ang cellphone at nagtype ng message para kay Myrna.

Boss L: You fail to convince her. One month cut of you salary. No rewards as well.

Dinukot niya ang platinum card at ibinigay sa bar tender para sa bayad ng kaniyang ininom.

"Thank you, Sir." Matapos i-swipe ay ibinalik nito sa kaniya ang card.

Nag-iwan siya ng isang libo sa tab para sa tip at umalis na. Tinungo niya ang kinaroroonan nina Larabelle at Myrna na kasalukuyang kumakain.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 47

    LUMAKI siyang tinatahak ang sanga-sangang landas ng buhay, mga landas na minsan naglilihis sa kaniya sa destinasyon na gusto niyang marating. Maraming pagkakataon na sugat ang naghihintay sa kaniya sa dulo, mga sugat na nagbibigay ng aral at humubog sa pagkatao niya para mas matuto pa. Pero may isang direksiyon siyang tinatanaw na hindi niya binitiwan kahit bawat hakbang ay pagkadurog ang nag-aabang. Ang direksiyong iyon ang tahanan ng puso niya. Ang babaeng naglalakad ngayon sa makulay na pitak ng mga bulaklak para marating ang ibaba ng altar kung saan siya naghihintay.Sa wakas nagkatagpo rin sila sa daang itinakda ng Diyos at nilaan para sa kanilang dalawa. Marami man ang pagsubok, sa huli naging tahanan pa rin nila ang isa't isa.Huminga ng malalim si Louven at kinuyom ang mga kamaong nasa loob ng bulsa ng tux pants. Nanginginig ang mga kalamnan niya, ang dibdib niya ay humihigpit sa halu-halong emosyon. Hindi niya matanggal ang titig kay Larissa kahit nanlalabo sa luha ang mga

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 46

    BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 45

    MASIGLANG kumakaway si Larissa kay Margarett na nag-aabang sa kanila sa labas ng museleo ni Sr. Anna Luciah. Nakagayak ang buong lugar na sakop ng perimeter ng puntod. Mukhang si Margarett ang nag-aayos doon habang nasa graduation rites sila kanina. "Congratulations to both of you," bati nito kina Louven at Coin at binigyan ng damping halik sa gilid ng labi ang dalawang lalaki, pagkatapos ay sila naman ang nagbeso bago pumasok ng museleo. Bukod sa crew ng catering service na may apat na helpers na paroo't parito para tingnan ang kung may kulang pa sa mga pagkain sa buffet table. "I took the initiative to invite the people visiting their loved ones here, is it okay?" imporma ni Margarett kay Coin."Of course, Doc, no problem." Lumapat ang kamay ng lalaki sa baywang ng doktora. Kinilig siya habang pinapanood ang mga ito. Yumapos na rin siya kay Louven na nakaakbay sa kaniya. Pagdating sa loob ay nagpaiwan sila ni Margarett ng ilang hakbang at hinayaan ang magkapatid na lumapit sa pu

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 44

    BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 43

    MALAPAD ang naging ngiti ni Senyor Agustus habang nakatunghay sa hawak na dokumentong ibinigay ni Leon. Louven C. Zargonza. Officially approved by the Philipine Statistics Authority."Pretty fast, Son. You never disappointed me," komento nitong nag-thumbs up. Mas lalo pang umaliwalas ang mukha ng matanda habang pumapasada ang mga mata sa ibang detail entry. Pangalan na kasi nito ang nakalagay bilang ama ni Louven. "Thank you for this development, Son. Kailan ba ang publication nito?""It will be out today, Dad, at 2 o'clock in the afternoon." Natawa na lang si Leon sa nakikitang tuwa sa mga mata ng ama. Binigyan sila ng tatlong kopya mula sa PSA at ang adoption affidavit na annotated ng korte. May sarili ring kopya si Louven at malamang nai-deliver na iyon kanina. Ano kaya ang magiging reaction ni Jaime De Vera? Hindi rin naman ito nag-reach out sa kaniya para sa bagay na iyon. Kung nakipag-usap ang congressman, baka pina-hold muna niya ang releasing ng mga dokumento. Hahayaan na

  • IN BED WITH A BILLIONAIRE   Chapter 42

    TWENTY-FOUR YEARS AGOJaime De Vera, a law student fighting for environmental issues is one of the captives held by African terrorist group. Kasama ang sampu pang delegates mula sa iba't ibang lahi. Dalawa silang Pilipino, madre ang isa. Si Sr. Anna Luciah Clemente mula sa Order of Merciful Sisters. Isang linggo na nang dukutin sila ng grupo sa camp kung saan gumagawa ng medical mission ang mga delegado ng iba't ibang bansa bilang bahagi ng 2001 Environmental Summit na ginanap sa South Africa. Hindi siya matunton ng rescuers dahil palipat-lipat sila ng lugar. Ngayon ay nasa isang bansa silang sa Europe kung saan kasagsagan ng winter. Kagabi lang ay may snow storm na tumama sa buong lugar. Ang cabin na kinaroroonan nila ay halos mabaon sa yelo. Kasama ni Jaime sa iisang cabin si Sr. Anna Luciah. Yakap niya ang madre habang nagdarasal para maagapan ang sobrang lamig at para mapanatili ang init sa katawan. Pero hindi rin sila tatagal kung ganitong below zero ang temperature. Kahit may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status