Share

IN GAME: CHAPTER 4

Kinuha ko ang bag ko na nasa upuan, unti-unti ko namang nilagay sa bag yong VR headset ko.

"Wala naman dyan 'yong guidance office prof, nandon kaya sa--"

"Ms. Chetney!!!" 

Tumakbo ako palabas ng makitang parang sasabog na sa galit si prof. Eyy, ayokong pumunta sa guidance office bahala ka dyan prof! Pumunta ka mag isa mo!

Nandito lang ako sa rooftop at hinihintay kung kelan tumunog ang bell. Hayst gutom na ako ang tagal naman... narinig ko nang tumunog yong bell kaya nag mamadali akong pumunta sa cafeteria.

"Lisa dito oh!" Napatingin ako kay Jaz at kasama niya si Franco. Wala akong choice kase wala nang ibang bakantemg table dito.

Umupo nalang ako kasama nila.

"Hi! Lisa," ngiting sabi ni Franco.

Tsk ayoko sakanya! Napakamanyak ng lalaking 'yan.

"Hello." Pilit naman akong ngumiti, 'yong ngiti ko eh, para bang natatae ako hays.

"San ka galing? Alam mo bang galit na galit si prof sayo?" Tanong ni Jaz habang ngumunguya-nguya.

"Oo, alam ko. Kaya nga tumakbo ako, saka wag kang mag alala makakalimutin si prof. Panigurado kinabukasan makakalimutan niya na 'yong nangyari kanina." Natawa naman siya bigla.

"Alam mo, kita ko talaga yong pag bagsak ni prof nong sinipa mo siya." Malamang makikita niya talaga kase may mata siya eh.

"Di ko naman sinasadya 'yon eh." Sabi ko at nag simula na kumain.

"Anong pinag uusapan niyo? Teka nag lalaro ka nong In game Lisa?" Tanong ni Franco sakin at tumango naman ako.

Tinatanong pa ba 'yon? Halos lahat na nga ng estudyante dito at nag lalaro niyan. Except nalang dito kay Jaz at Franco, wala 'tong ibang ginagawa kundi mambuso nang mga babae dito sa University. Si Jaz naman ewan ko ba, puro aral inaatupag niyan. Di ko naman sinasabi na dapat wag siya puro aral, what I mean is mag saya naman siya minsan, gawin niya 'yong mga bagay na ikakasaya niya.

"Anong rank mo?"

"Rank 2." Sagot ko naman.

"Rank 2? Ang baba naman ng rank mo." Ambobo naman akala siguro nya yong pinakamataas na rank eh, yong mga 1000 ganon. Hirap din kayang maging top player ano!

"Oyy gagu, rank 2 siya it means pangalawa siya sa pinakamagaling dito sa pilipinas!" Paliwanag ni Jaz kaya napanganga naman si Franco.

"Woah, talaga?" Di makapaniwalang tanong niya.

"So magaling ka palang--- arayyy!!" D***g niya nang sinipa ko siya.

Naramdaman ko kase yong paa niya na inaangat itong skirt ko. Sabi ko naman sainyo eh, manyak ang isang 'to! Nakakairita sarap nyang pilayan sana, pasalamat lang talaga sya kase nasa skwelahan kami dahil kung hindi uuwi talaga siyang di na makalakad ng maayos.

"Na pano ka Kuya Franco?" Nag aalalang tanong niya sa kapatid nya. 

Oo tama magkapatid sila or should I say step brother ni Jaz ang manyak na 'to.

"Minamanyak na naman ako niyang kapatid mo Jaz!" Sabi ko at tinuloy ang kinakain ko. 

"Kuya naman!"

"Hoy hindi kaya kita minamanyak!" Pasigaw niyang sabi.

Tumayo naman ako at seryoso siyang tinignan. Lumapit ako sakanya at sinuntok ang ilong niya dahilan para dumugo 'yon.

Dinig kong nag sisimula na naman silang mag bulong-bulongan dito sa cafeteria.

"Ang kapal mo naman, sinasabi mo bang nag sisinungaling ako?!" Taas kilay kung tanong sakanya. Napahawak siya sa ilong niya ng mapansing may tumutulo don.

"S-Sh*t! Tignan mo dumudugo 'yong ilong ko!" 

"Oo nakikita ko, hindi naman ako bulag." Napairap nalang ako.

"Kuya Franco, tumigil ka na nga!" Inis na saad ni Jaz.

"Anong tumigil! Yang kaibigan mo ang pagsabihan mo hindi ako! Napaka oa kala mo naman ang ganda-ganda niya!!" Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. Kala mo naman ang gwapo-gwapo mo eh, mukha ka namang uwak na binugbug nang ilang beses.

Lumapit si Franco sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "How dare you---" di ko na siya pinatapos mag salita dahil malakas ko siyang sinuntok sa mukha.

"Boom! Tulog!" Sabi ko ng matumba siya.

"Lisa naman!" Napatingin ako kay Jaz na ang sama-sama ng tingin sakin.

"Ba't hindi mo mas nilakasan pa?" Gagang babaeng 'to akala ko nagalit sakin dahil sa ginawa ko.

Nilibot ko ang paningin ko at lahat sila nakatingin sakin, napakamot nalang ako sa ulo ng nagsi palakpakan sila.

"Ehem, ehem, pakilinis naman ng kalat." Pag paparinig ko.

May dalawa namang lalaki ang lumapit samin.

"Oh, kayo pala naka schedule ngayon?" Ngiting tanong ko tumango naman silang dalawa bago binuhat si Franco paalis.

Supportive talaga sila sakin eh. Buti nalang halos lahat ng estudyante dito ay kaibigan ko.

_

Terrence Graham's Pov.

"Aray!! F*ck ang sakit non!" Tinanggal niya 'yong VR headset at napa-upo sa upuan.

"May tanim na galit yata ang babaeng 'yon sakin, sa dami-dami nang pwede niyang saksakin sa puso ko pa talaga ah! Ano bang trip niya?" 

Makakaramdam ka talaga nang totoong sakit pag naglalaro non. Anyways kung magaling ka at marunong kang umilag sa bawat suntok o saksak hindi ka talaga masasaktan.

"Ang bilis mo namang natalo wala pa ngang limang minuto." Pang-aasar ni Eugene.

"Pfft hahaha kawawa natalo ng isang babae." Pang-aasar ko din.

"Kawawa natalo ka rin naman ng isang babae!" Pabalik niyang asar kay Eugene. Umupo ako nang makitang pumasok na si prof dito.

"Sinong kawawa?"

"Si Benjo, natalo siya ng isang babae hah--- oyy prof ikaw pala 'yan."

"Oo ako nga 'to. Ano wala ba kayong balak umupo sa mga upuan niyo?"

"Heheh 'to na nga eh, uupo na kami." Saad ni Benjo.

Napailing-iling nalang ako. Mabuti nalang talaga at napansin ko 'yong pag pasok ni prof.

Nag simula na ang klase namin pagkatapos nang klase ay pumunta na kami sa cafeteria.

"Oyy ba't ka na naman andito!" Inis na sabi ni Benjo kay Mindy bigla-bigla na namang umupo sa tabi ko.

"Can you please shut up Benjo! Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito, okay!"

"Hey Terrence, may date tayo ngayong Sabado, nasabi na ba ni Tita sa--" hinampas ko 'yong table namin kaya natahimik siya.

"Hindi ako pumayag na makipag date sayo. Kung gusto mong mag date sa Sabado, ikaw lang mag isa. Wag mo akong idamay!" Seryosong wika ko.

"Just leave Mindy, estorbo ka lang samin dito!" Narinig ko pa siyang nag mura bago umalis nang tuluyan.

"Oh, wag mo na namang sabihin na may gusto siya sayo Benjo, kase halata naman talaga nong una palang, kay Terrence siya may gusto. Oh, baka naman ikaw 'yong may gusto kay Min--"

"Tumahimik ka nga singkit! Sisipain talaga kita pag di ka tumahimik!!"

"Oyy totoo ngang may gusto-- arayy ko naman! Ba't ka ba nambabatok ha!!" Inis niyang giit kay Benjo.

"Ang daldal mo kaseng singkit ka!!"

"Ano ba kayong dalawa, wala bang araw na hindi kayo nag aaway?" Bagot kong tanong sakanilang dalawa.

"Ito kase, eh!" Sabay turo nila sa isat-isa.

"Oo nga pala, samahan niyo kong pumunta sa mall." Saad ko at sumubo nang pagkain.

"Bakit anong gagawin mo don?"

"Siguro matutulog ako sa mall." Pilosopong sabi ko.

"Ambobo mo talaga Eugene! Syempre may bibilhin siya kaya pupunta siya sa mall gagu!"

"So anong bibilhin mo?"

"Panibagong VR headset, giniba na naman kase ni Daddy." Saad ko at uma-acting naman silang parang naawa sakin kaya binatukan ko sila isa-isa.

Pagkatapos ng klase ay pumunta kaming tatlo sa mall at binila ang dapat na bilhin, itinago ko 'yon sa bag ko. Napansin kong gabi na kaya naman ay binilisan na namin dito. Nakauwi na ako sa bahay at dumeretso na ako sa kwarto ko.

Nag vibrate yong phone ko at tinignan kung anong email ang natanggap ko.

"Dear In game players, we are inviting you at this 8 pm to join our big announcement and big event." Basa ko don.

Narinig kong may kumatok sa kwarto ko at alam kung si Mommy 'yon.

"Terrence halika na, kumain na tayo." Kaya lumabas na ako ng kwarto.

"Hmm, malapit ng mag 8 pm." Bulong ko sa sarili pero mukhang narinig 'yon ni Mommy.

"Why son? Do you have something to do?"

"It's just about the game, there's a big announcement and event today, and I don't want to missed it."

"Big announcement and event…?"

"Wait...does it says 'Dear In game players, we are inviting you at this 8 pm to join our big announcement and event?"

"How did you know?"

"What the f*ck..." Dinig kong mura ni Daddy. Di ko nalang pinansin 'yon at mas binilisan nalang ang pagkain, kase 2 minutes nalang mag sisimula na.

"Anong petsa ngayon?"

"October 2, 2020."

"O-October 2? Honey, it's the same day, ganito din 'yon noon--" narinig ko pa 'yong usapan nila pero tuluyan na akong pumasok sa kwarto.

Sinuot ko na 'yong VR headset ko at nakita ko naman 'yong nakalagay na 'accept or decline the invitation.'

"Wag mong pindotin---" dinig ko ang boses ni Mommy pero huli na akong lahat dahil napindot ko na 'yon.

Hindi ko alam kung ano ang sumunod na nangyari. Everything just went black.

"Ughh..." napabangon ako at napahawak sa ulo ko.

What happened? Nakatulog ba ako habang nag lalaro? Natalo ba ako? No way! Hindi pwede!

I slowly opened my eyes, and my eyes widened when I saw something...

Kinusot-kusot ko 'yong mata ko at tumingin sa paligid.

"What the hell…"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status