Share

IN GAME: CHAPTER 2

"Hey dude bakit ngayon ka lang?"

"Yeah right, you're 20 minutes late."

"My Dad nags me again, he wants me to stop playing this game. Pareho lang sila ni Mommy." Sabi ko.

Umupo ako sa sofa kasama nila.

"Tsk, it's okay! Yong lola at lolo ko nga ayaw den akong pag laruin nito pero dahil matigas ang ulo ko, wala silang magagawa kase kahit anong sabihin nila mag lalaro parin ako bwahaha." Saad ni Benjo at humalakhak pa nang tawa.

"You look like an idiot Benjo."

"You're an idiot too, singkit!"

"Bì zuǐ! Bùrán wǒ huì kǎn nǐ de..." (Shut up! Or I'm gonna cut your...)

Eugene Xao is haft chinese, haft filipino tapos 'tong si Benjo Pichard naman ay haft pilipino, haft ungas.

"My what?!"

"Your hair."

"Sige subukan mo lang puputulin ko rin yong ano mo..."

"Nǐ zài shuō shénme??" (What are you saying??)

"Pfft, di nya gets yong tagalog ko hahah."

"You two stop! Let's just play. Hey Eugene let's one on one after this."

"Dāngrán kěyǐ..." (Yeah sure...)

"Wait, what? One on one? Seriously Rence? Ilalabas mo lang 'yong inis mo sakin eh! Alam naman nating matatalo ako, ma-awa ka naman sa rank ko bababa na naman, isang star nalang natira sakin kase nga natalo ako eh." Sabi niya na para bang nag mamaka-awa, pero nag kibit-balikat lang ako.

"Teka pano naman ako? Ayaw mo bang subukan ang lakas ni pareng Ben?" Natawa naman ako.

"Pfft, ni hindi ka nga nakasali sa rank 50, gusto mo bang mas bumaba pa yong rank mo?"

"Oyy grabe ka naman ilang panalo nalang makakasali den ako sa rank 50! Tsk, sige di bale na nga lang, ayaw rin naman kitang makalaban kase gwapo ka at mas gwapo naman ako."

Anong connect non? Tsk.

"Yeah, whatever. Oyy Eugene one on one ha! Bumawi ka nalang next time. Humanap ka ng mga nasa rank 100, basta 'yong mahina."

_

Nag simula na kaming mag laro at pagkatapos ay nag one on one kaming Eugene, as always natalo ko sya. Natawa nalang ako kase naging rank 5 nalang siya.

Everytime na matatalo ka kase ay bababa yong rank mo tapos kung mananalo naman ay tataas yong rank mo.  Ganito kase yan, may 5 na star, ang tawag namin dyan ay livestar. Kapag nanalo ka sa isang laban may 1 livestar ka tapos kung ma complete mo ang 5 livestar, tataas na 'yong rank mo. Kung matatalo ka naman ay mababawasan yong livestar at kung mauubos 'yong 5 na livestar bababa ang rank mo, ganon lang naman yon ka simple.

Ngayon nasa top player ako at rank 1 pa dito sa pilipinas. Ang goal ko ngayon ay maging top player sa buong mundo!

_

Pagka-uwi ko sa bahay ay agad naman akong sinalubong nila Mommy at Daddy na naka kunot pa ang noo.

"How many times do we have to tell you that stop playing that game, Terrence! Marami namang ibang laro dyan! Marami namang virtual reality na laro bakit yang In game pa!!" Bulyaw ni Mom sakin. 

Lumapit si Dad sakin at hinablot yong bag ko kinuha nya yong VR headset ko, saka inapakan 'yon hanggang sa masira.

Hindi naman kase lahat ng laro ay pareho sa I*, hindi ko alam pero mas gusto ko ang laro na 'yan. Feeling ko nga hindi ako mabubuhay kung di ako nakakapag laro niyan kahit isang araw lang.

"Kaya kong bumili ng bago, may ipon ako." Sabi ko na para bang wala lang para sakin yung pagsira ni Dad sa VR headset ko.

Naka connect sa g***l ko ang account ko sa I* kaya ano bang dapat kung ipagaalala kung si-sira-in nila 'yan, eh, kayang-kaya ko namang gawan ng paraan. Saka naka register ang pangalan ko sa larong yan.

Napamura naman si Dad at napahawak pa sa ulo niya.

Ano ba kaseng problema nila sa larong yan? Maganda naman ang laro ah, saka masaya pa. Kaya nga maraming nag lalaro niyan kase nakaka excite laruin.

"Ano bang nagustuhan mo dyan sa larong 'yan ha?! Yang pakikipag patayan! Pakikipag away!?"

"It's just a game dad, it's no big deal! This game is the best, this game is #1 in the whole world. Many people are playing this game because it's good and fun. And lastly it's not like we killed people for real dad and mom! Kung ano-ano nalang sinasabi n'yo eh, wala naman kayong alam!" Saad ko habang ang dalawang mata ko ay nasa phone ko lang nakatutok.

"Yang mga sinasabi mong 'yan babawiin mo rin balang araw, Terrence! Pagsisisihan mo talaga kung bakit mo pinili ang larong 'yan! Pagsisisihan mong hindi ka nakinig sa amin! At higit sa lahat ikaw ang walang alam Terrence hindi kami! Anak ka namin at kami ang mas matanda sayo kaya kami ang mas natatakaalam kung anong mas ikabubuti mo!!"

Pagsisisihan? Why? Bakit ko naman pagsisisihan 'yon? Saka porket ba mas matanda sakin tama na kagad? Oo, mga magulang ko sila at may karapatan silang mag desisyon para sakin dahil anak nila ako pero di naman ako makakapayag na sila nalang lagi ang mag desisyon para sakin! Simula bata pa ako sinusunod ko lahat ng gusto nila at ngayon sumusunod parin naman ako pero kung ang usapan ay tungkol sa laro, ibang usapan na 'yan.

Inangat ko 'yong ulo ko at tinignan sila pareho sa mata.

"Nabasa mo naman 'yong sa internet diba? Yong tungkol sa larong 'yan." Natawa naman ako nang mahina sabay napailing.

"That was just a rumor mom, dad."

Maniniwala talaga sila don? Eh, maraming mga fake news sa panahon ngayon.

"It's not just a rumor, Terrence! It's tru---"

"Mom, dad stop! Wag na nga kayong mag dahilan basta di niyo ako mapipigilan tungkol dito. Ginagawa ko naman yong gusto nyo diba? Nag aaral ako ng mabuti ni kahit kailan hindi ko kayo binigo sa mga grades ko, kahit 'tong laro lang pinag babawalan niyo pa ako?"

"And stop talking about Lisa! Ayaw niyo nga sakanya hindi ba? Tapos ngayon babanggitin niyo ang pangalan niya! Masaya nga kayo nong nag hiwalay kami. Kahit ano ang mga sinasabi niyo tungkol sakanya noon tapos ngayon parang kasalanan ko pa ang lahat kung bakit kami nag hiwalay!" Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi sila mapag taasan ng boses.

Inagaw ko ang bag ko na hawak ni Dad at nag lakad papasok sa kwarto ko, malakas ko namang sinirado yong pinto.

Kung makapag salita sila sakin eh, para bang wala akong nagawang tama sakanila.

"Nakakainis sila! Bakit parang kasalanan ko pa talaga ang lahat!" Napapikit ako ng mariin at humiga nalang sa kama.

_

"Babe, hey bakit ka natutulog dyan? Kanina ka pa ba?" Minulat ko 'yong mata ko.

"Hmm... hindi naman masyado, tapos na ba ang klase n'yo?"

"Oo, kakatapos palang... teka wala ba kayong klase?"

"Maaga kaming pinauwi ni prof."

"Ah, bakit ka pala nandito?" Takang tanong niya sakin.

"Syempre ihahatid kita pauwi pero bago yan mag d-date muna tayo. Na miss kita, eh!" Sabi ko at niyakap siya nang mahigpit. 

"Anong na miss ka dyan,nagkita naman tayo kahapon ah?" Natatawang tanong niya sakin.

"Ilang oras kaya tayong di nagkita." Parang bata kong sabi.

"Wag ka ngang ngumuso, sige ka hahalikan kita!" Mas ngumuso pa ako dahil sa sinabi niya.

Natawa naman siya dahil sa ginawa ko.

"Gusto mo talagang mahalikan huh!" Natawa ako ng pinisil nya ang pisngi ko…

"Terrence? Hey wake up! Are you dreaming?" Napamulat ako dahil sa nag sasalita. Agad akong napabangon ng makita si Mommy dito sa loob ng kwarto ko.

Umaga na pala...

"You look so happy kanina, ano ba ang napanaginipan mo?" Tanong ni Mommy sakin habang inaayos yong mga gamit ko sa school.

"Nothing." Mabilis kong sagot.

It's just a dream...? No, it's not a dream. You should called it memory Terence!

'Sh*t! What are you thinking Terrence!! Damn, forget her Terrence okay! Two years have past, you should already forget about her!' Paulit-ulit kong saad sa isip ko.

Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas na ako nang kwarto.

"Kilala mo ba si Mindy anak?" Biglang tanong nito sakin.

"Uhm, Mindy? Oh, yeah kilala ko sya." Mag sasalita na sana si mommy pero inunahan ko na siya.

"Don't tell me that you're going to set us on a date. No way, hindi ako papayag. Ayokong makipag date sa babaeng 'yon at isa pa wala akong planong makipag date sa kahit na sinong babae." Giit ko.

"Mabait na bata naman na bata si Mindy, Terrence."

"Oo, tama ka Dad mabait siya, malandi nga lang." I don't think na mabait talaga si Mindy kase sa tingin ko depende lang ang kabaitan niya, depende sa taong kaharap niya.

"Terrence yang bunganga mo ha!" 

Totoo naman ang sinabi ko. Anong masama don? Masama na ba ang mag sabi ng totoo ngayon?

Mabilis kong tinapos 'yong pagkain ko at saka umalis na nang bahay.

"Terrence!" Nakita ko si Eugene na kumakaway sakin mula sa di kalayuan. Napatawa naman ako kase para siyang tangang nakangiti.

"Where's Benjo?"

"Nandon sa loob, inaantay niyang mag reply 'yong Lisa."

"Lisa?"

"Yung nakalaban ko nong isang gabi."

"Oh, that unknown GB, pfft teka wag niyang sabihing hahamunin nya talaga 'yon?" Tinignan ko si Eugene at tumango-tango lang siya para bang sinasabi niya na hahamunin nga ni Benjo yong Lisa.

"Teka anong pinagsasabi mong unknown GB?"

"Unknown GB, GB mean girlboy. Hindi naman natin alam kong anong totoo n'yang gender diba." Tumango-tango lang s'ya.

Pumasok kaming dalawa ni Eugene at napatingin sa amin si Benjo bago sinuot 'yong VR headset.

"Seryoso dito talaga siya sa loob ng classroom?" Kunot noo kong tanong sa sarili ko.

Mapapagalitan talaga siya ni prof nyan.

"Wala si prof ngayon." Saad ni Eugene. 

"What?! Anong wala? Pano na yong assignment? Kanino ko ipapasa 'yon kung wala siya?" 

Ah, pwede namang bukas ko nalang ipapasa.

"Owws iba talaga pag matalino! Wag mo na ngang problemahin 'yan. Kami nga ni Benjo di nag assignment eh."

Binaling ko ang tingin ko kay Benjo, mukhang nag sisimula na...

"Pfft..." Napatakip ako ng bibig para pigilang hindi matawa. Kakasimula pa nga lang tapos muntik na syang matumba.

Itong Eugene naman ay grabe kung makatawa mukhang mamamatay na yata. "Ano ba! Wag ka ngang tumawa dyan Eugene!" 

"Hoy Terrence! Isa ka pa eh, wag ka ngang tumawa!" 

Napansin niya pala, may third ba 'tong si Benjo?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status