Share

IN GAME (TAGLISH)
IN GAME (TAGLISH)
Author: Pseudonym

IN GAME: CHAPTER 1

"Terrence! Wake up!" Napabangon ako sa boses na 'yon, inip ko namang tinignan si Mommy.

"What are you glaring at Terrence! Do you know what is the date today? It's Monday! It's time for your classes!"

"Yeah, I know." Sabi ko sabay tumayo ako at kinuha ko 'yong tuwalya ko at pumasok sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako.

_

"Terrence? Ba't ang tagal mo--- Terrence!"

"Wait, Mom! it's almost done, just wait a little-- yes! Napatay ko sya!"

"I already told you not to play that stupid game!!"

"But I love playing this game Mom, I'm always a top 1 in Stanford University, nag aaral naman akong mabuti, ni minsan hindi ako bumagsak. And this is just a game, this is my happiness." Diin kung sabi sa huli.

"Happiness? Don't you remember?! That's the reason why Lisa broke up with you! How can you still called that happiness?!"

"Wag mo na syang banggitin Mom, matagal na kaming wala and past is past--"

"And it should be discuss."

"No, past is past and never discuss." Bumaba na ako at sinaluhan silang kumain.

"Bakit ang tagal mong nakababa?" Seryosong tanong ni Dad sa'kin.

"He's playing that stupid game again!" Mom said. It's not stupid game! If it's stupid then I shouldn't playing this game until now.

"What?! I told you to stop--" di ko na sya pinatapos mag salita.

"Yeah, whatever." Sabi ko. Uminom ako ng tubig bago tumayo.

"Don't you have a respect to your parents!"

"San pa ba mag mamana yan." Pag paparinig ni Mommy kay Daddy.

Away na naman 'to.

Napa-iling-iling nalang ako. Minsan ang sweet-sweet nila pero pag mag-away naman, parang aso at pusa. Kulang nalang talaga mag kalmutan sila ng mukha eh.

Umalis nalang ako dahil ayaw kung marinig at makita 'yong pag a-away nila.

"Good morning bro!" Bati ni Benjo sa'kin pagkarating ko.

"Where is Eugene?" I asked before I sat down to my chair.

"Nasa banyo, bad mood 'yon eh, natalo siya ng isang babae kagabi pfft..." di ko naman mapigilang hindi matawa. Natalo sya ng isang babae? Tsk, tsk nakakahiya naman.

"Anong rank nong babae?" Magtataka kung tanong. Rank 3 si Eugene pero dahil natalo sya paniguradong bumaba yong rank nya.

"Yong rank 2."

"Sino ba kase yong rank 2? What's her username?" Hindi ko naman kase pinagtutu-unan ng pansin 'yong ibang players.

"Lisa…? Oo tama Lisa nga 'yon." Bigla naman akong natigilan nang marinig ko ang pangalan na sinabi nya.

Napa-iling-iling ako, no! Imposible, mali ang ini-isip ko. Lisa isn't interested in this game at all, she hates it. 

Saka maraming Lisa dito sa Pilipinas at isa pa hindi lahat ng player totoong pangalan ang nilalagay, wala naman talagang totoong identity sa 'In game' pwedeng-pwede kang mag sinungaling about sa age or gender mo. 

Baka nga sa totoong buhay lalaki pala yang Lisa na 'yan kaya magaling. 100% naniniwala akong babae sya, mahihina naman kase ang mga babae kaya pano nya nagawang maging top 2 dito sa pilipinas?

"Terrence,"

"Terrence!"

"W-What?"

"Kanina ka pa tulala dyan."

"Yeah, ang lalim nang ini-isip mo."

Nagulat naman ako kase katabi ko na pala si Eugene, para talagang multo 'tong singkit na 'to!

"Minumura mo ba ako sa isip mo?" Seryoso nya akong tinitigan.

"Hindi kita minura! Tinawag lang kitang singkit." Saad ko.

"Stop calling me singkit, Rence!" Inis nitong saad. Ayan mas lalong sumi-singkit 'yong mata niya kapag na-i-inis.

"Shh, keep quiet!" 

Di ko man lang namalayang nandito na pala si prof. Hindi ko na pinansin 'yong dalawa, nakinig nalang ako sa mga pinagsasabi ni prof.

Pagkatapos nang klase ay narinig na namin ang bell, kaya lumabas na kami sa classroom.

Nandito na kami sa cafeteria at agad naman kaming nakahanap nang table. Kaming tatlo lang ang pinagtitinginan nang mga babae dito.

Nag buntong hininga ako ng makita si Mindy na papalapit dito.

"Andito na naman 'yong papansin na malandi, may gusto talaga 'yan sakin, eh." Dinig kung sabi ni Benjo, sabay napa-iling pa 'to.

Inilapag niya 'yong tray at umupo sa tabi ko, umusog naman ako nang kunti. Ayoko talagang may mga babaeng dumikit-dikit sakin. Alam ko namang may gusto siya sakin pero sorry nalang dahil hindi ako interestedo sa mga babae. Hindi naman sa bakla ako pero aksayan lang sila sa oras, mas mabuti pang mag laro kesa makipag landian, mag harutan, makipag date o kung ano pa man.

"Pwede bang maki-upo?"

"Nǐ yǐjīng zuòle." (You are already sitting.)

"Boys only lang dito."

"Diba dapat kailangan ng boys ng girls?" Malanding tanong nito sabay binalingan ako ng tingin.

Inirapan ko muna siya bago binaling ulit ang tingin sa pagka-in ko.

"Sorry, pero ang kailangan namin ay laro at hindi babae, kaya umalis ka na bago ka pa namin gawing pulutan este bugbugin."

Inis namang umalis si Mindy, iniwan nya pa yong pagka-in nya dito sa table namin.

"Shàngdì! Wǒ zhēn de bù xǐhuān fl mèi de nǚrén." (God! I really don't like flirty woman.) 

Same, ayoko din sa mga malalanding babae.

"Bakit ba lahat nalang ng babae ay malandi?"

"Abay ewan namin, ba't kami tinatanong mo ungas ka! Anong tingin mo sa'min babae?!"

"Gusto ko sana yong rank 2 na si Lisa kase hindi malandi pero hambog naman, ginagawa pa akong punching bag nong una tapos pinahirapan pa ako bago pinatay! Walangya talaga! Pag kami talaga nag kita non gagawin ko 'yong ginagawa n'ya sa 'kin."

"Pfft, grabe bro tinatalo ka ng isang babae." natatawang sabi ni Benjo.

"Bì zuǐ Benjo! Nǐ ràng wǒ shēngqì!" (Shut up Benjo! You're pissing me off!"

"Tanggapin mo nalang kase yong pagkatalo mo bwahaha--- sh*t! Ano ba yan Eugene! Ang baboy mo, nakakadiri ka eww!" Nandidiring sabi ni Benjo, pinahiran kase ni Eugene si Benjo nang laway niya sa bibig. Napangiwi den  naman ako, lagi naman silang ganyan pero hindi parin ako sanay.

"Bakit sigurado ba kayong babae 'yang Lisa na 'yan?" Napahinto naman silang dalawa sa tanong ko.

"Oo nga naman, nong una nga ang nilagay mo sa gender mo ay female eh!" sabay baling nya kay Benjo.

"Trip-trip lang naman 'yon at saka 'yon nga dahilan kung bakit tayo nagkakilala diba." Ani nito kay Eugene. 

Yeah, right I remember that day. Mas una kase kaming naging magkaibigan ni Eugene then si Benjo naman naging magkaibigan kami dahil kay Eugene. Muntik nang ligawan nitong si Eugene si Benjo dahil ang pagkaka-alam n'ya ay babae siya don sa profile niya sa In game pero nong nag decide na silang magkita, ay 'yon nga lalaki pala. Sinuntok pa nga niya si Benjo sa pisngi tapos ayon, habang tumagal ay naging close kami at sama-sama na kaming tatlong mag laro.

"Baby pa nga tawag mo sakin non, diba Eugene baby ko?" Sabay akbay niya kay Eugene at asar 'tong tinignan.

"Suntokan nalang Benjo gusto mo?" 

"Baby naman! Kaya mo akong suntokin huh?" Parang bakla nitong saad.

"Nakakadiri ka Benjo! Kumain na nga lang kayo dyan!"

"Ó děng děng, wèishéme tā bǎ shíwù liú zài zhèlǐ?" (Oh wait, why did she left her food here?)

"Mas okay nga yan, makakain tayo nang marami mweheh." Masayang sabi niya at ngumiti pa na parang baliw, kinuha niya 'yong pagkain at inilagay sa tray nya.

"You're so matakaw Benjo!"

"Kung na-i-ingit ka gumaya ka den... singkit!"

"Tumigil na kayo." Mahinahong awat ko, sakanilang dalawa.

Kumain na kami at pagkatapos ay bumalik sa room.

"Oy, Eugene kung hamunin ko kaya yong Lisa, mag o-one on one kaming dalawa, ano sa tingin mo?"

"I think you're crazy, gusto mo bang mas bumaba pa yong rank mo? Oh, gusto mo din mapahiya katulad ko?"

"Ano ka ba, magkaiba tayo gwapo ako kaya siguradong di nya ako kayang suntukin non." Pag mamayabang nya 

"Gwapo na ba yang mukha mo para sayo?" May halong pang-a-asar na tanong nito kay Benjo.

"Hey! Kayong dalawa ang i-ingay nyo, sagutin nyo nga 'tong question sa blackboard!" 

Nagkatinginan silang dalawa ni Benjo at Eugene bago tumayo.

"Prof hindi po yan pure black kaya hindi mo sya matatawag na blackboard. Based on my research---"

"Wala kaming pake sa research mong 'yan, sabihin mo nalang kung hindi mo alam ang sagot nito. Alam mo ba ang sagot o hindi?"

"Hindi po prof." Napailing-iling nalang ako, yan kase e' hindi nakikinig.

"Eugene alam mo ba alam sagot?"

"Yes, prof...hindi ko po alam heheh." Agad naman silang umilag nang batuhin sila ni prof ng ballpen. Nag aper pa silang dalawa dahil hindi sila natamaan.

"Akin na yong ballpen!" Matigas na ani ni prof.

"Luh, ikaw ang nag bato sa amin niyan tapos kami ipapakuha mo prof?" 

"Tsk, tsk ayan na naman silang dalawa, gusto yata nilang ibagsak sila ni prof." Mahinang saad ko sa sarili, sabay napa-iling nalang.

"Kukunin nyo yan o minus 20 kayong dalawa."

"Ano?? Anong minus prof? Diba dapat plus??"

Mga ungas talaga, sige ipagpatuloy niyo 'yan. Buhay niyo naman 'yan at hindi sakin.

Pagkatapos ng klase ay agad na akong umuwi sa bahay, hindi muna ako nag bihis kase inuna ko pang gawin yong assignment ko, para pagka tapos nito ay laro nalang ang tanging a-atupagin ko.

Napatingin ako sa phone ko dahil bigla 'tong nag vibrate.

From Eugene: Hey bro 7:00 pm punta ka dito sa bahay, nandito din si Benjo. ASAP!

To Eugene: Yeah, I'm coming mag bibihis lang ako saglit.

"Where are you going?" Tanong ni Dad pagkalabas ko pa lang ng kwarto ko, nandito pala sya sa labas ng kwarto ko nakatayo. 

Kanina pa ba siya dyan?

"Pupunta lang ako kila Eugene." Sabi ko at lalagpasan na sana s'ya pero hinawakan niya ang braso ko.

"Mag lalaro na naman ba kayo? Tapos ka na ba sa mga assignments mo??" Kunot noo niyang tanong, lahat naman ng mga assignments, projects o kung ano pa mang activity sa school ginagawa ko tapos 'tong laro lang hindi pa nila ako mapag bigyan sa gusto ko. Mas inu-una ko kayang tapusin yong mga assignment o kung ano pa man bago ko gawin 'yong ibang gusto kong gawin!

"Yeah, kakatapos ko lang at wala naman akong ibang gagawin dito, kaya pwede na akong mag laro."

"Your Mom and I already told you to stop playing that game, Terrence! Bakit ba ang tigas ng ulo mong bata ka!!"

"Why are you overreacting Dad? This is just a game, hindi ko naman ikakamatay dahil lang sa paglalaro nito." Sinusubukan ko talagang hindi malakasan ang boses ko.

"A-Ano bang gusto mo? Sabihin mo lang kahit anong gusto mo basta't wag mo lang laruin 'yang pesteng In game na 'yan!"

"Wala akong gusto okay, saka bakit ba ayaw nyo akong pag laruin nito??" Takang tanong ko sakanya at parang bigla naman syang namutla.

"Sir, may tumatawag po sainyo." Ani nong kasambahay namin, tinitigan ako ni Dad bago kinuha 'yong telepono. 

"Mag u-usap tayo mamaya!" Tanging sabi niya bago tinu-on ang buong atensyon sa tumatawag sakanya doon sa telepono.

Nag buntong hininga muna ako bago umalis.

***

"Hey dude bakit ngayon ka lang?"

"Yeah right, you're 20 minutes late."

"My Dad nags me again, he wants me to stop playing this game. Pareho lang sila ni Mommy." Sabi ko.

Umupo ako sa sofa kasama nila.

"Tsk, it's okay! Yong lola at lolo ko nga ayaw den akong pag laruin nito pero dahil matigas ang ulo ko, wala silang magagawa kase kahit anong sabihin nila mag lalaro parin ako bwahaha." Saad ni Benjo at humalakhak pa nang tawa.

"You look like an idiot Benjo."

"You're an idiot too, singkit!"

"Bì zuǐ! Bùrán wǒ huì kǎn nǐ de..." (Shut up! Or I'm gonna cut your...)

Eugene Xao is haft chinese, haft filipino tapos 'tong si Benjo Pichard naman ay haft pilipino, haft ungas.

"My what?!"

"Your hair."

"Sige subukan mo lang puputulin ko rin yong ano mo..."

"Nǐ zài shuō shénme??" (What are you saying??)

"Pfft, di nya gets yong tagalog ko hahah."

"You two stop! Let's just play. Hey Eugene let's one on one after this."

"Dāngrán kěyǐ..." (Yeah sure...)

"Wait, what? One on one? Seriously Rence? Ilalabas mo lang 'yong inis mo sakin eh! Alam naman nating matatalo ako, ma-awa ka naman sa rank ko bababa na naman, isang star nalang natira sakin kase nga natalo ako eh." Sabi niya na para bang nag mamaka-awa, pero nag kibit-balikat lang ako.

"Teka pano naman ako? Ayaw mo bang subukan ang lakas ni pareng Ben?" Natawa naman ako.

"Pfft, ni hindi ka nga nakasali sa rank 50, gusto mo bang mas bumaba pa yong rank mo?"

"Oyy grabe ka naman ilang panalo nalang makakasali den ako sa rank 50! Tsk, sige di bale na nga lang, ayaw rin naman kitang makalaban kase gwapo ka at mas gwapo naman ako."

Anong connect non?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status